Epilogue I
Dedicated to decembertwonine
Epilogue I
This is what happened.
KUNG may mawawala, mayro'n ding darating na panibago.
Kung may naiwan, mayro'n ding mang-iiwan.
Nailibing si Mamo, saka natanggap ko na rin na wala na siya. 2 months has passed since nagwala ako sa burol niyang iyon kasi hindi ko matanggap na iniwan niya na ako. Sobrang bilis lang lumipas ng panahon, parang kailan lang no'ng isinilang niya ako.
1999 ako ipinanganak ni Mamo, 2015 sa 16 anyos ko niya ako iniwan. Kahit hindi masyadong mahaba ang panahon ng pagsasama namin lahat naman 'yon ay special para sa akin-kasi special siya. Walang makakapantay sa kaniya.
Maraming nagbago, pag-uugali ko, relasyon namin ni Papo, kung noon 'di kami ok, ngayon swak na kami. Kami ni Am nagbago rin, kung noon nagpapakita siya sa akin ng motibo, ngayon si Aleah na ang hinahabol niya. Kami ni Xi, naging ok na rin kami. Sa bahay na rin ako ni Papo tumuloy simula no'ng mailibing ang aking ina.
Lahat walang permanente kasi pati ang pag-ibig nagbabago rin, binabago niya tayo o siya mismo ang magbabago para makapag-adjust sa atin.
Noon akala ko ang love na 'yan ay basta-basta lamang, mali pala. Kung magmahal ka dapat handa ka rin masaktan kasi hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang pag-ibig.
Kung may natutunan man ako, iyon ay ang nabuhay ako sa mundong ito para magmahal at mahalin… kaya iyon ang gagawin ko.
"Are you ready, anak?" Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Papo. Nilingon ko siya, saka nginitian. "Ito na 'yon, lilisanin na natin ang probinsya ng Santo Domingo at magsisimula tayo ng panibagong buhay sa Maynila." dagdag niya pa.
Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. "Always naman akong ready, Papo, basta kasama kayo ni Xi."
"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa mga kaibigan mo?"
Wala sa plano ko ang magpaalam kahit na gugustuhin ko man. Ayaw ko na baka sila pa ang maging dahilan para manatili ako rito, baka kasi hindi ako makaayaw sa kanila. Mabuti na rin siguro na aalis akong walang pasabi. Mas ok na rin 'to.
I shrugged. "Hindi na siguro, Papo, saka baka busy ang mga 'yon-" I didn't even finish the words that I wanted to say when a familiar voice spoke at my back.
"Who says?" sulpot na tanong ng isang boses na kilala ko.
I turned my back slowly para makita ko siya, laking gulat ko na lang nang makita ko rin ang kasama niya. Nandito silang dalawa? Paano nila nalaman?
"Kailanma'y hindi kami naging busy, Maureen, kung ikaw na ang pinag-uusapan." malungkot na sabi sa akin ni Aleah.
Dali-dali akong dumalo sa kinaroroonan nila, saka masaya silang sinalubong ng aking mga ngiti.
"Mga brotha, nandito kayo?!" I asked surprisely.
Lumayo ng kunti si Aleah sa akin at pinandilatan ako. "Tse, nakakapagtampo ka. Aalis ka nang wala man lang paalam?"
Bumuntong-hininga ako. "Sorry na po. Ayaw ko kasing maiyak," And that's the truth behind it.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi mapalingon sa kinaroroonan ni Am. Ang guwapo niya pa rin hanggang ngayon. I missed him. I missed my old friend.
"Final na ba 'yan, Pm? Aalis ka na talaga?" He used to asked me using his cold voice. Hindi rin nakatakas sa akin ang malungot na ekspresyon ng kaniyang mukha. I avoided his look because I can't stand looking at him.
I bit my lip and smiled bitterly. "Kailangan, eh, pero…" I paused to trailed them. "kung ibabalik ka sa akin ni Aleah, 'di na lang ako aalis." I chuckled when I gazed to Aleah's direction. Nakita ko naman ang pamumula ng kaniyang mata. Marunong na siyang mapikon?
She rolled her eyes, "You can leave now! Go! And please don't ever look back." sabi niya gamit ang inis na inis niyang boses. She crossed her arms strictly kaya natawa ako sa ginawa niyang iyon.
Nakita ko rin ang marahang pagtawa ni Am sa likod. Ngayon ko lang ulit iyon nakita. Habang si Papo naman ay tila may kausap sa kaniyang cellphone.
Nag-iba naman ang reaksyon niya nang nilapitan ko ito, saka siya niyakap. "Joke lang," Niyakap niya rin ako pabalik.
"I'll surely miss you, Pretty Maureen." sabi niya nang kumalas siya sa pagkayakap sa akin.
"Ako rin,"
Napalingon naman ulit ako sa aking tabi nang magawang magsalitang muli ni Abdiel. "Be happy, Pm. As long na happy ka, ok na kami rito." I still saw the cold expression in his face.
I nodded. "Salamat, Am." Tuluyan kong binitawan ang kamay ni Aleah para mapagbalingan ko ng atensyon ang aking kaibigan na lalaki. "Syanga pala, 'wag mo itong saktan, hah? Lagot ka talaga sa akin." mahalagang paalala ko kay Abdiel Matthew.
"Yes boss," He smirked. I'll surely miss this man too. Siya ang mas higit kong mamimiss kapag tuluyan na akong aalis sa Santo Domingo.
Napahinto naman kaming lahat sa aming pag-uusap nang may biglang umagaw sa aming atensyon.
"Maureen," tawag sa akin ng isang boses babae. Agad ko siyang nilingon, lalo na't kailangan ko ang humingi ng pasensya sa kaniya sa nasabi ko noon.
"Aling Gorya,"
Humakbang siya ng ilang beses para malapitan ako. Huminto naman siya sa aking harapan saka maingat na hinawakan ang aking mga kamay. "May nakalimutan pala akong sabihin sa 'yo. Hindi ko man lang nabanggit kung bakit kami nagkatampuhan ng Mamo mo." pagsisimula niya sa nais niyang sabihin sa akin. I focus my attention to her kasi gusto ko ring alamin ang dahilan. Kapag malaman ko na ang totoong rason mas magiging maayos ang buhay ko. But the statement that she confessed next was hypnotized my heart. Napaiyak ako sa katotohanan na aking nalaman. "Nalaman ko kasi na bayarang babae siya kaya nagawa ko siyang kamuhian, anak. Sana mapatawad mo ako, sana huwag niyong gayahin ang ginawa ko. Kung alam niyong mali ang ginawa ng kaibigan niyo, imbis na talikuran niyo siya, 'wag. Tulungan niyo siyang magbago at makaahon sa buhay… kasi iyan ang tulong na hindi ko nagawa kay Prizzy noon." I felt her tension kasi nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita ko rin ang pagdaloy ng butil ng luha mula sa kaniyang kaliwang mata.
I wiped her tears and smiled at her. Ayaw ko kasing iparamdam sa kaniya na galit ako sa kaniyang inamin. Hindi ako galit, ayaw kong magalit sa kaniya kasi may kasalanan din naman si Mamo. "Aling Gorya,"
"Sorry, Mau, sorry." she pleaded.
I hold her hands tightly. "Sorry rin po,"
We stopped suddenly when we noticed the presence of my eldest brother. "Dad, kailangan na po nating umalis. Nakalapag na ang plane natin, tayo na lang ang hinihintay." pagbibigay impormasyon niya sa aking ama.
This is it, Mau. Aalis ka na talaga. Be happy and live with love. Love with His presence.
Bigla ko namang naramdaman ang labi ni Aleah sa aking pisngi. "Wishing you a good luck with our love, Maureen." Saka ko siya niyakap ulit.
"Be a good girl, hija." si Aling Gorya.
Nagulat naman ako sa ginawa ni Abdiel dahil nagawa niya akong halikan sa aking noo. Pero mas lalo akong nagulat sa binitawan niyang salita. "Promise, susunod ako." Hindi ako makagalaw. Kinapos ako ng hininga. Susunod siya?
*****
"HAHAYAAN mo lang ba talagang si Aleah ang pipiliin niya?" basag na tanong ni Xi sa katahimikang namamayani sa aming dalawa.
Nasa loob na kami ng private plane ni Papo, naghihintay na lang kami kung kailan ito lilipad. May kinausap pa kasi siya sa labas, ang mga parents ni Aleah.
Bumalik naman sa isipan ko ang tanong ni Xi sa akin tungkol kay Aleah. Who knows na ang aso't pusa noon ay puwede pa lang mag-click sa dulo? I mean, si Am at Aleah, hindi sila ok dati pero ngayon may feelings pala sila sa isa't isa.
Nakataas ang isa kong kilay na nakatingin sa kaniya. "What do you mean?" 'di ko mapigilang gulat na tanong. Nahawa na yata ako sa kaka-english ng mga kaibigan kong speaking dollar.
He crossed his legs. Tinanggal niya naman ang headphone niyang nakapuwesto sa kanyang tainga. Matapos niyang gawin iyon ay binalingan niya ako ng tingin. "I spend my time to talk at Abdiel… para makapunta sila sa bahay before we leave. Akala ko kasi aamin ka kaso… si Aleah pa rin ang nagawa mong isipin over your feelings." Napanganga ako sa aking narinig. He did what? Kinausap niya si Abdiel? Aba, tarantadong Xian Rye na 'to!
I sighed to calm myself down. "Minsan hindi lahat ng mahal natin ay siya na ang ibibigay sa atin ni God, Xi. Saka ang bata ko pa para sa kakaibang love na 'yan."
Kunot ang noo niyang tumingin sa akin, parang seryoso siya sa nais niyang itanong. "Eh, bakit sila Aleah, matanda na ba?"
I chuckled and scourged him. "Oo, mahal ko siya… pero bilang kaibigan na lang siguro." mahina kong tugon.
Binalik niya ang kaniyang headphone sa tainga nito, pero nagawa niya ng magtanong ulit sa akin. "Paano kung susundan ka nga niya talaga sa Maynila? What will you do?"
I clenched my teeth. "I will tell him the truth." That I have feelings towards him. But on that day… I need to tell him also na I need to stop this for the sake of our friendship. Para sa pagkakaibigan naming tatlo.
*****
2 hours later [Manila]
I'M SO BLESSED to have Papo and Xi in my life. Kahit wala na si Mamo ay may tinira pa rin si God para sa akin. Paano ko kaya siya mapasasalamatan at mapapalitan ang kabutihang ipinagkaloob niya sa akin?
Napahinto naman ako sa aking kakaisip nang may biglang pumasok sa aking isipan. I looked at my father's direction. Tinapik ko ang braso niya kasi mahimbing siyang natutulog, siguro na pagod siya sa byahe namin kanina. Imbis na sa kuwarto siya matulog ay rito niya na iyon nagawa sa sala ng mansion niya. Naalimpungatan naman siya sa ginawa kong iyon.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha bago ako kinausap. "Yes? What's the matter?" natataranta niyang tanong bigla.
I smiled at him. "Nun,"
Napaayos siya mula sa kanyang paghiga sa couch saka lumaki ang mata niyang nakatitig sa akin. "Madre? May madre? Saan?"
I shaked my head. Natatawa naman ako sa reaksyon ng aking ama. "No. Hindi po iyan ang nais kong sabihin sa inyo."
He shrugged. "Then what?"
"Gusto kong maging isang madre, Papo."
Halos lumuwa ang mata niya sa tugon kong iyon, parang hindi siya makapaniwala. "What?! Are you serious?"
I snapped when I realized what he asked me. "Opo. I want to serve God at the rest of my life. Maubos man ang ngipin ko, my hair at kumulubot man ang balat ko… gusto kong pagsilbihan siya hanggang saan ang makakaya ko."
"Mau, hayaan mo na lang na ang iba ang gagawa sa nais mo. Ikaw lang ang babae kong anak, eh."
Ako lang ang babae, so it means gusto niya na magkapamilya ako? Gusto niya na maranasan ko rin ang magkapamilya? Pero kapag nagsilbi ako kay Lord, may pamilya na rin ako, at marami pa.
"Kung hindi ako, Papo? Sino?" Gusto ko na ako mismo ang magsisilbi sa Kaniya.
He massaged his forehead. "Si Kuya Xian mo na lang ang ipag-pari natin. Saka puwede ka namang magsilbi kay God kahit na hindi mo pasukin ang bokasyon."
Seryoso? Si Xian? Eh, hindi nga nabubuhay kung walang babae 'yon, eh, tapos magpapari?
Para akong nanlumo sa suhestiyon ni Papo. "But Papo, ito ang gusto ko."
He rubbed my hair. He gave me his sweetest smile at me. "Kung iyan ay gusto rin ng Panginoon para sa 'yo… wala na akong magagawa roon."
Tama nga naman si Papo, kung will Niya, ibibigay Niya. Pero 'pag hindi, may iba pang paraan na ibibigay ni God para sa akin. Kung mangyari man iyon, excited na ako. Willing din akong tanggapin ang plano Niya para sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top