Chapter 015
Dedicated to Jhemjhemlyn
Chapter 015
[Shelter]
Sometimes we need to accept the fact that kailangan muna natin ang maiwan para matuto tayong lumaban mag-isa.
~Maria-Felomina
HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong nakaharap ko na ang mga kaibigan kong nagpasakit din sa akin. Oo, miss ko sila, pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magtampo at hindi magalit sa dalawa.
Magsasalita na sana ako kaso may umagaw ng aking atensyon dahilan ng hindi ko sila nagawang balingan ng aking pansin.
"Be strong, MauMau." pagbibilin sa akin ni Aling Gorya, saka ako niyakap nang sobrang higpit. Wala akong ibang ginawa kun'di ang yakapin din siya pabalik. "Alam kong mahirap pero kailangan mong magpakatatag. Nandito lang kami para sa 'yo, okay? Hindi ka namin iiwan." Mga paalala niya sabay kalas mula sa kaniyang pagkayakap niya sa akin.
Naging emotinal na naman ako sa ginawang iyon ni Aling Gorya. Naalala ko rin bigla na namatay na lang si Mamo na hindi man lang sila nagkaayos. Hindi man lang naging ok ulit ang friendship na mayro'n silang dalawa.
I bit my lip then sighed. "Wala na si Mamo, Aling Gorya. Wala na ang best friend niyo." naiiyak kong sabi sa kaniya.
"Kung alam ko lang na 'yong araw na dinalaw ko siya sa kulungan ang huli naming pag-uusap… sana nilubos-lubos ko na ang araw na iyon." Pag-aamin ng ina ni Am sa akin na siyang aking ikinagulat.
I looked at her surprisely. "Dinalaw niyo si Mamo?" puno ng pagtataka kong tanong sa kaniya.
She nodded slowly to answer my question. "Nang malaman ko kay Abdiel na nakakulong siya ay kinabukasan pinuntahan ko agad si Prizzy sa piitan." Ramdam ko ang namumuong emosyon sa boses ni Aling Gorya.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pag-alis ni Am, Aleah, at Xi sa kinatatayuan nila kanina. Siguro mamaya ko na sila kakausapin, after nito.
"Kamusta po siya no'ng dumalaw kayo? Nabanggit niya ba sa inyo ang tungkol dito? Tungkol sa pagkitil niya ng buhay?"
Ok lang sa akin na mawala si Mamo, pero hindi muna sa ngayon at hindi sa ganitong paraan. I know na may hangganan ang buhay nating mga tao, pero hindi ko matanggap-tanggap ang ginawa ng aking ina. Bakit kailangan niya pang mag-suicide kung hiram lang ang buhay niya sa Diyos? Makasalanan 'yon, sobra.
Ewan ko, subalit ang tanging alam ko lang ay tanggapin na lang ang katotohanan na wala na siya, nasa tahimik na siyang kalagayan.
"K-kakaiba. May nag-iba sa kaniya… iyon ang napansin ko nang makita ko siya u-ulit." She paused to trailed off. "Masaya siya, laging nakangiti habang kinakausap ako, at… lagi ka niyang sinasali sa usapan namin." Nagawa niyang sabihin iyon habang nakatingin sa kabaong ni Mamo.
I arced my brows. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"
She smirked. "Iniwan ka niya sa akin, Mau. Sabi niya pa… ikaw ang pag-ibig niya. Mahal na mahal ka ng Mamo mo, Maureen, kung alam mo lang." I cried by hearing those words from her. Hindi ko man lang narinig ang mga salitang iyon kay Mamo. Kailangan pa ba niyang mamatay para malaman ko na mahal niya ako?
"K-kung mahal niya ako, bakit niya a-ako iniwan? Bakit?!" I screamed.
"Kasi hindi niya na kaya. Hindi niya na gusto ang buhay niya, Mau. Sabi niya… sobrang dumi na ng pagkatao niya, at marami na siyang nasirang pamilya, saka ayaw niya na pati ikaw… 'yong kinabukasan mo ay masira r-rin dahil sa kaniya-"
"Wala akong pake! Ang kailangan ko siya, at wala akong pake sa sasabihin ng iba! Kasi kahit anuman ang gawin mo, mabuti man 'yan o masama… may masasabi at masasabi talaga ang tao tungkol sa 'yo!" I exclaimed. Napansin ko naman ang dalawang kamay na nakahawak sa aking braso. Hindi ko siya nilingon kasi kilalang-kilala ko naman kung sino ito.
"Pm, stop. Don't stress yourself too much. Namamaga na 'yang mga mata mo sa kakaiyak, oh." pag-aalala niyang komento.
Umiling-iling ako na para bang tutol ako sa pinagsasabi niya sa akin. "Why? Ano naman ang pake ko kung namamaga ang mata ko? Hindi mo ba nakita? Wala na si Mamo! Wala na ang taong akala ko ay hindi ako iiwan gaya ng pinanggagawa niyo!" Sobrang lakas ng nagawa kong pagsigaw sa kaniya dahilan ng mapabitaw siya ng hawak sa akin.
"Sorry, I didn't meant to offend you. I'm just concern about your feelings." Nakayuko siyang humingi ng paumanhin.
I looked at him angrily. I afford to point my finger on him and chuckled. "Kailan pa? Kailan mo pa natutunang mag-aala para sa nararamdaman ko? Kaya ba pinagloloko niyo ako ni Aleah, kasi concern kayo sa akin? Iyon na ba ang meaning ng salitang concern ngayon?!"
Nagulat din ako sa nasabi kong iyon, gusto ko mang bawiin pero huli na nang magawa na ni Aleah na tugunin ang galit ko. "Bakit ako nasali sa usapan? I thought this is a night vigil for your mom, bakit kailangan pa nating balikan ang mga nangyari na?" I want to answer her questions but I can't even uttered one word, para akong na pipi o nawala ng boses sa sandaling ito.
Napansin ko naman ang mabilis na pagkilos ni Papo, saka ako nilapitan agad para pagaanin ang aking loob. "Mau? Sorry for the inconvenience, guys. Ako na ang bahala rito. Maupo muna kayo kasi kailangan muna ni MauMau ang magpahinga. " pagsasabi niya sa mga kausap ko.
Galit ba sila sa ginawa ko? Galit ba sila sa mga salitang binitawan ko? Pinagsisihan ba nila na pumunta pa sila rito? Hindi na ba nila ako kakausapin?
Sorry, nasaktan lang ako. Sana ay naintindihan niyo iyon.
Tumango naman si Am gaya ng kaniyang ina. Nilapitan siya ni Aling Gorya, saka hinamas ang kaniyang braso na para bang pinapagaan niya rin ang loob ng anak. Mayamaya pa ay tiningnan niya ako ng seryoso.
"Pero alam mo, Maureen, ang isang bagay na natutunan ko sa iyong ina no'ng nagkita kami… nagawa niya akong intindihin at patawarin sa halip na magtanim ng sama ng loob." nakangiti niyang pagbabahagi. Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay tinalikuran niya ako agad kasama si Am.
Pero hindi ako si Mamo, magkaiba kami.
*****
"MAU," mahinang tawag sa akin ni Papo nang mapaupo niya na ako sa kama ng kuwarto ko. Dinala niya kasi ako rito dahil kailangan niya akong makausap at para makapagpahinga na rin ako. "Anak, alam k-kong nasasaktan ka ngayon sa mga nangyayari, lalo na dahil wala na ang Mamo mo… pero tama ba na pati ang mga kaibigan mo ay pagbubuntungan mo rin ng iyong galit?" Nagawa niya akong tanungin habang nakatingin sa akin ng diretso.
I gulped hard. "Tama naman po ang sinabi ko, Papo, wala naman akong sinabing mali." pagtatanggol ko sa aking sarili.
Humakbang siya sa harapan ko, saka lumuhod doon para magawa niya akong pantayan mula sa aking pagkaupo. "Hindi ka nila iniwan, Mau, ikaw lang ang nag-iisip no'n."
"Pero pinagkaisahan nila ako, Papo. Naalala mo? Si Aleah, si Am… n-niloko nila ako. May alam pala sila tungkol sa totoong pagkatao ni Xi, pero pinili nilang traydurin ako patalikod kaysa aminin sa akin ang totoo!"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, saka ako binalingan ng tingin. Nakita ko naman ang namumuong pag-aalala sa kaniyang mukha. Ganito pala mag-alala si Papo? I also see the pain living in his eyes. Alam kong gusto niya ng ilabas ang emosyon na iyon pero nahihiya lang siyang ipakita ito sa akin.
"Trinaydor ka lang nila, anak, pero hindi ibig sabihin no'n iiwan ka rin nila-" I cut his explaination off.
I smirked at my father and massage my temple gently. "Mas gugustuhin ko pa nga'ng maiwan na lang kaysa makisama sa mga taong walang ibang alam kun'di lokohin ako ng basta-basta."
Sa pagkakataong ito ay nagawa niya ng haplusin ang aking buhok, para bang iniingatan niya talaga ako. Pero natulala ako sa salitang sunod niyang binitawan na siyang ikinakirot ng aking dibdib. "Nawala na ang Mamo mo, Mau, kaya 'wag mong hayaang mawawalan ka rin ng kaibigan dahil manhid ka." He smiled at me forcely. Tumayo siya agad at naiwan akong mag-isa sa kuwarto.
Maureen will never be happy without Abdiel and Aleah. They are the reason why I bring back my smile again and why I know the true meaning of love. Kakayanin ko kaya kung mawala sila?
*****
PINANGHAWAKAN ko ang pingako sa akin ni Mamo na maririnig ko mula sa bibig niya ang salitang mahal kita. Sabi niya noon 'pag ok na siya ay magagawa niya iyon, pero bakit niya ako iniwan? Bakit hindi siya naging ok?
Akala ko ba magiging maayos siya, at pipilitin niya para sa akin? Ano na ang gagawin ko ngayong wala na siya? Lahat ba ng taong paglalaanan ng ating pagmamahal ay iiwan lang tayo? Kung gano'n sana pala hindi ko na kang sila minahal para hindi nila ako iiwan.
"Mau, ihagis mo na ang bulaklak mo." utos sa akin ni Papo. Hindi ako kumibo, hindi ako nakapagsalita ni isang letra man lamang.
Ewan ko pero ayaw ko ang kausapin ni isa sa kanila ngayon, baka kasi masabihin ko sila ng mga salitang hindi nila gustong marinig. Gusto ko si Mamo, ayaw ko siyang mamatay, ayaw ko siyang iwan ako. Hindi ko kaya.
Napansin kong tumayo na rin si Xi sa kinatatayuan niya kasi nagawa niya na akong lapitan kung saan ako nakatayo. Umalis na ang paring nagdaos ng misa para kay Mamo, kami na lang pamilya niya ang natira.
I felt Xi's hand on my back. "Maureen, lahat ng buhay may hangganan-" Hindi ko siya hinayaang tapusin niya ang nais niyang sabihin sa akin.
Umiyak lang ako nang umiyak sa sinabi niyang iyon. "Pero bakit si Mamo? Bakit mas pinili niyang siya ang maglagay ng hangganan ng buhay niya?" I asked desperately.
Hindi nakapagsalita si Xi, para bang siya iyong nahiya sa nasabi ko. Sa halip si Papo ang tumugon sa mga tanong kong iyon. "Gan'yan talaga ang buhay, Mau. Ang kailangan at mas mabuti na lang nating gawin ngayon ay tanggapin ang katotohanan." anito.
I chuckled like I'm losing my mind. "Kung kayo kaya niyo, p-pwes ako, hindi!" I exclaimed. I paused for a while to looked at them confidently. "Hindi naman kasi kayo ang nawalan kaya niyo 'yan nasabi. Para sa inyo madali lang, pero paano 'yong point of view ko?" basag boses kong tanong.
Mas lalo naman akong naiyak sa sunod na salitang kanyang sinabi sa akin. "Ipasa Diyos na lang natin ang lahat, Mau. Iyon lang ang tanging paaran na mas mainam nating gawin sa ngayon." Parang ayos lang sa kaniya ang lahat nang masabi niya sa akin ang mga iyon.
Kumirot ang puso ko sa narinig. Wala ba siyang pake sa aking ina?
Kunot ang noo kong tumingin sa kaniya habang siya ay hindi kayang tingnan ako ng diretso. "Kaya ba ok lang sa 'yo na nawala si Mamo kasi ipinasa Diyos niyo na lang? 'Di ba naging parte rin siya ng buhay mo? Bakit hindi ka man lang umiyak o nasaktan nang malaman mong patay na siya? Bakit?!" sunod-sunod kong galit na tanong sa aking ama.
Kita ng dalawa kong mata ang pagkagulat ni Am at ng parents niya sa nagawa kong itanong sa aking ama. Gano'n din si Aleah, parents niya at si Xi na tahimik na nakatayo sa likuran ni Papo.
"Kasi ayaw kong maging mahina! Ayaw kong mahina tayo pareho… kasi paano ka kung mahina ako? Sino ang magiging lakas mo? Sino ang lalaban para sa 'yo-para sa ating dalawa?!" Napako ako sa narinig kong tugon niya.
Para akong nanghina at nahiya sa kanyang ginawang pag-amin. Kaya pala? I moved closer to him and try to reach his hands.
"Papo," My voice cracked. I also noticed that my hands were trembling.
Sa unang pagkakataon nakita ko na siyang umiyak. Nasasaktan din siya gaya ko. Parehos kami. "Ang hirap, Mau. Mahirap."
"Sorry," panghihingi ko ng sorry.
Siya naman ngayon ang humawak sa kamay ko. Ramdam ko ang panginginig at pamamawis niya roon. He looked at me with full of tears. "I want to be your shelter. I want to be your strength k-kaya ayaw kong maging iyakin sa paningin mo."
"I love you po," Wala akong pasabi pa at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. I saw my friends and my family at the back smiling. Natuwa rin ang puso ko sa aking masaksihan.
Is this? Yeah, this is love. Ang pag-ibig na hinahanap-hanap ko noon ay nasa harap ko na ngayon. Ramdam ko na, nasaksihan ko na, nakikita ko na. Ang sarap magmahal lalo na kung mamahalin ka rin ng mga taong minahal mo.
"Mahal din kita so, please let your Mamo rest muna."
I nodded my head for a countless times. Kung noon si Mamo ang laging nand'yan para sa akin, siguro way ito ni God para naman si Papo na ang magpaparamdam kung gaano nga ba niya ako kamahal. So, this is what we called a father's undying love to his child? "I will. I will."
He kissed my forehead. Unang pagkakataon niya itong nagawa sa akin, at pakiramdam ko mahal na mahal ako ng aking ama. "I'm always here, princess. Nandito lang lagi si Papo." paalala niya.
Rest well, Mamo. Till we meet again in God's plan. Ang pag-ibig mo ang magiging lakas ko ngayon para magpatuloy. Please guide me-your angel so I can do the things that I think I can't.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top