Chapter 014
Dedicated to mschievousji
Chapter 014
[Sulat ng Pagmamahal]
SABI nila, ang lahat daw ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Dahil ba masaya ako ay mapapalitan din 'yon ng agarang lungkot? Gano'n ba ang ibig sabihin no'n?
Hindi ako makapagsalita at makagawa ng kilos dahil sa aking narinig. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi nila o umastang hindi ko sila narinig. Para akong nawalan ng lakas at nawalan ng pag-asa. Kung may nais man akong hilingin ngayon, sana hindi ito nangyayari.
"Ma'am, halika tayo muna tayo?" pakiusap sa akin ng pulis na babae. Pilit kong inilag ang aking kamay na hawak-hawak niya dahil alam kong nagsisinungaling sila.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na mali ako nang rinig at nagkakamali lang sila ng sabi sa akin. Pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan?
Nagawa kong tingnan ang pulis sa kaniyang mga mata, habang ang iba niyang mga kasama ay busy sa loob ng lunnga ng aking ina. "Mali ang narinig ko, 'di ba? Nagsisinungaling po kayo sa akin, hindi ba?" pagrereklamo kong tanong sa kaniya. Sa halip na salita ang maririnig ko mula sa kaniya ay nagawa niyang umiling para sabihin na tama nga ang kaniyang sinabi.
Magsasalita pa sana ako kaso bigla akong napasigaw nang makita ko si Mamo na mahimbing na natutulog habang buhat-buhat ng mga pulis na lalaki ang spinal board kung saan siya nakahiga. Kahit na nanghihina ang aking tuhod ay nagawa ko ang lapitan ang aking ina. "Nooo! M-mamo!" I screamed loudly.
Mabilis din akong sinundan ng babaeng pulis nang makalapit ako ng tuluyan kay Mamo. Lord, please tell me that I'm only dreaming. Sabihin niyo po sa akin na buhay pa ang aking ina.
"Tama na po, Ma'am! Tama na po!" The lady police used to tell me that one using her low voice.
Umiling-iling ako, pinilit kong ginising ang aking ina. Niyugyog ko ang magkabila niyang braso saka siya niyakap at hinalik-halikan sa kaniyang noo. "Hindi! Buhay si Mamo! Buhay ang aking Ina! Mga sinungaling!"
"Ma'am," pagpipigil ng lalaking pulis na nakatayo sa aking harapan. Hindi ako nakinig sa kaniya dahil ipinagpatuloy ko ang pagyugyog kay Mamo.
Malungkot ang kaniyang mukha habang ang kaniyang mata ay nakadilat kaya hinaplos ko siya roon para maipikit ang kaniyang mata. Wala na siyang buhay, nanlalamig na si Mamo. Wala na, wala ana ang babaeng akala ko ay hindi ako iiwan.
Lalong kumirot ang aking puso nang makita ko ang kamay niya na nakayukom. Alam kong pagod na siya kaya naisipan niyang gawin ito, pero paano ako? Sino ang maiiwan para sa akin? "Mamo! Gumising ka riyan! Huwag mo 'kong iwan, please?! May kasalanan ka pa po sa akin kaya hindi ka pwedeng mamatay! Hindi, hindi!" I cried. Nagmamakaawa na ako sa kaniya pero ayaw niya pa ring gumising. Hindi niya ako pinapakinggan kaya mas lalo akong humagulgol sa aking pag-iyak.
Bigla naman akong natauhan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. "Mau? What happened?" anito na may labis na pagtataka na tono ng kaniyang boses.
Nilingon ko siya ng walang pagdadalawang-isip para isumbong ang mga pulis na pinagloloko ako. "Papo, mga s-sinungaling sila." nanghihina kong pagsusumbong sa aking ama na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo.
"Ano ang nangyayari? Sino 'to? Bakit umiiyak ang anak ko?"
I heard the policeman letting out a deep breath. "Nagbigti si Miss Barominez, Sir."
Napatakip siya sa kaniyang bibig dahil sa narinig. "Shit! Are you kidding, right?" hindi makapaniwala niyang tanong sa mga ito. Walang ni isa sa mga pulis ang tumugon sa kaniya. Ihinakbang niya ng dahan-dahan ang kaniyang mga paa para tingnan ang bangkay ni Mamo. Nang makita niya na ito ay napahilot siya sa kaniya ulo at napa-suntok sa kinahihigaan ng aking ina. "Oh, God! Prizzy, what did you do?!" wala sa sarili niyang tanong sa wala ng buhay kong ina.
Nakita ko na namumula ang mata ni Papo, kaya napasigaw na naman ulit ako sa maraming pagkakataon. "Mamo! Mamo, Jusko pooo!!!"
Napansin ko naman ang paglapit ng isang pulis sa aking ama at may inabot sa kaniya. "Sir, may nakita po kaming sulat na hawak-hawak niya habang nakabitay siya."
Hinayaan ko si Papo na tanggapin ang isang pirasong papel na inabot sa kaniya ng pulis, saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap ko kay Mamo. "Mamo, bakit mo 'to ginawa? Paano na ako? Paano na tayo?" Iyak pa rin ako nang iyak. Ewan ko pero para na akong nababaliw dahil sa mga pangyayaring aking napagdaanan at nasaksihan.
Ang sakit mo naman pa lang magmahal, Panginoon. Pati si Mamo talaga ay kailangan mo pang kunin para ipaalala sa akin na mahal Mo ako?
I snapped to reality when I felt my father's hand on me. "Mau,"
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at nagpupumilit na paniwalaan niyang buhay pa talaga si Mamo, buhay pa ang aking palaban na ina. "Hindi… buhay siya, P-papo! Buhay siya!"
"Pasensya na po, Sir, kailangan po muna naming idadaan sa autopsy ang bangkay ng yumao. Iimbestigahan po muna namin ang bangkay niya." sabi ng pulis na mas ikinagalit ko.
I wiped my tears and get angry at the policeman. "No! Hindi ako papayag! Dito ka lang, Mamo, hindi ka aalis."
Hindi niya ako pinakinggan dahil ipinagpatuloy nila ang planong isama sa kanila si Mamo. "Men, let's go. Move!" utos niya sa kaniyang mga tauhan na ikinakilos ng mabilis nilang lahat.
"Mamo! Mamo! Gumising ka riyan! Tangina!" pagpipigil ko habang unti-unti nilang inilayo sa akin si Mamo.
Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Papo sa akin mula sa aking likuran, para bang pinipigilan niya ako sa binabalak kong pagsunod sa mga pulis. "Maureen, tama na! Nandito lang si Papo, okay?"
Pagalit ko siyang hinarap dahilan ng mapayuko siya. "Hindi ikaw ang kailangan ko, si Mamo! Malinaw ba 'yon? Kailangan ko si Mamo, kailangan niya ako! Buhay siya!" I exclaimed with too much pain in it.
Imbis na makipagtalo siya sa akin ay nagawa niya akong ilapit sa kandungan niya, saka walang pasabing niyakap ulit ako agad. "Shh, t-tahan na, Mau, tahan na."
I don't know kung magiging maayos pa ba ako pagkatapos nito. Hindi ko alam kung magiging si MauMau pa rin ba ako na kilala nila kung talagang iiwan na ako ng tuluyan ng aking ina. Sana… panaginip lang ang lahat.
*****
MAU,
Pagpasensyahan mo na ang sulat kamay ni Mamo, hah? Wala kasi akong masyadong alam sa pag-aaral at sa edukasyon na 'yan, eh. Ngayong nabasa mo na ang sulat na ito, siguro ay wala na ako o baka nadala ako sa hospital dahil nagawa niyo akong iligtas. Pero malabo, eh, malabo pa akong mabuhay.
Hindi ko na kaya, Mau. Lalo na kung palagi kitang nakikitang nasasaktan at nagdurusa nang dahil sa akin. Gusto kong magbago o baguhin ang buhay ko para sa 'yo pero hindi ko alam kung papaano. Alam kong ni minsan hindi mo narinig sa akin ang salitang 'to pero mahal kita, Maureen. Mahal na mahal. Hindi ko nagawang bigkasin ang mga katagang iyan kasi na takot ako na baka pati ikaw ay iiwan din ako gaya sa ginawa ng Papo mo sa akin. No'ng sinabi ko kasi na mahal ko siya ay pagkatapos no'n ay iniwan niya na ako kasi kailangan niya ng bumalik sa tunay niyang pamilya.
Minsan na itanong mo sa akin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, ngayon ay sasagutin ko ang katanungan mo. Ikaw, oo ikaw. Ikaw ang tunay na kahulugan ng pag-ibig para sa akin.
Alam kong matapang ka, Mau, kaya huwag mong sukuan ang sarili mo gaya ng ginawa ko. Mahal na mahal kita, anak. Magpatuloy ka at pumayagpag. Live with God's love, My braver Maureen.
Nagmamahal,
Mamo
Basang-basa ang aking pisngi matapos kong tapusin sa pagbasa ang sulat ni Mamo para sa akin. It still feels like a dream. Hindi ko pa rin tanggap ang lahat lalo na at wala akong nagawa para iligtas siya sa sandaling kinakailangan niya ang tulong ko.
Itinapat ko sa aking dibdib ang sulat niyang iyon, saka sinabi ko sa aking isipan na ito ang sulat gawa ng kaniyang labis na pagmamahal sa akin. Pinahiran ko ang luha ko matapos kong halikan ng marahan ang sulat ni Mamo para sa akin. Mahal din kita, Mamo.
Matapos kong tupiin ang sulat na iyon ay may biglang tumabi ng upo sa akin, saka siya nagsalita. "Pareho na naman tayo, ano?" basag niya sa katahimikang bumalot sa akin. "Siguro… plinano na ni tadhana ang mga pangyayaring pareho nating sasapitin sa buhay na ito." I gazed at him and smiled bitterly. Alam ko kung ano ang nais niyang puntuhin kaya naiintindihan ko siya. "Sorry for your lost, Maureen." Dahil sa sinabi niya ay hindi ko naman napigilan ang aking sarili na hindi maiyak. Walang pasabi ko siyang niyakap dahil kailangan ko ng karamay ngayon, kailangan ko ang pagmamahal mula sa isang kapatid. "Shh, it's ok. Cry it all hanggang sa magiging ok ka na ulit, hm." puno ng sensiridad niyang paalala sa akin.
Tumango-tango ako sa kaniya kahit na naiiyak pa rin ako. "Wala na siya, Xi. Wala na ang taong akala ko ay hindi ako iiwan."
Alam kong hindi maayos ang huli naming pagkikita noong nakaraang araw, pero wala na akong pake roon dahil ang tanging alam ko lang ngayon ay kailangan ko siya, kailangan ko silang lahat.
He rubbed my hair gently. "Nandito pa ako, Maureen. Nandito pa kaming lahat… lalo na si Dad. Nandyan lang siya lagi 'pag kailangan mo na ang tulong at pagmamahal mula sa isang ama." Kumalas ako mula sa aking pagkayakap kay Xian nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Tumayo ako mula sa aking pagkaupo saka tinahak ang kabaong ni Mamo na nakapwesto sa harapan ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Xian sa akin.
Nakita ko ang mahimbing na pagtulog ni Mamo. Siguro mabuti na rin ito kasi nakapagpahinga na siya mula sa mga pang-aaping kaniyang nararanasan. Marahan kong hinaplos ang salamin sa kaniyang kabaong at ngumiti ng mapait.
I cleared my throat. Marahan ko ring hinilot ang aking sentido bago siya nagawang kausapin. "Sleep well, Mamo." naiiyak kong sabi sa kaniya.
"Kung nasaan man ang Mamo mo ngayon, alam kong masaya siya kasi nakapagpahinga na siya kahit papaano, Mau." komento ni Xian.
I nodded. "I know pero masakit pa rin. Ang hirap tanggapin, Xi. Sobrang hirap,"
"Naiintindihan kita kasi napagdaanan ko rin 'yan. Kahit na wala pa akong muwang no'ng iwan ako ni Mommy, pero dala-dala ko pa rin ang pang-iiwan na ginawa niya hanggang ngayon." malungkot niyang pag-amin sa akin. Nagawa ko siyang tingnan ng buo sa kaniya mata dahilan ng makita ko ang sakit na nakatago doon.
"Galit ka ba kay Mamo?" Ewan ko, pero iyon ang tanong na basta-basta na lang lumabas sa aking bibig.
He shakes his head. "No. Galit ako sa sarili ko. Kung hindi ko sana siya pinahirapan no'ng ipinanganak niya ako, sana buhay pa si Mommy ngayon." naiiyak niyang tugon sa akin.
Buong akala ko ay kay Mamo niya ibinuntong ang kaniyang galit dahil sa nangyari sa kaniyang ina pero mali pala.
Pareho kaming wala ng mga ina at si Papo na lang ang mayro'n kami. Ang suwerte pa rin namin ni Xi kasi may natira pa rin kaming magulang para mahalin kami. Maybe pagkatapos nito ay manghihingi na ako ng sorry kay Papo, lalo na sa masamang ugaling pinapakita ko sa kaniya. Nasaktan kasi ako, kaya ako nagkakaganito saka alam kong mauunawaan niya iyon.
I held his right hand kaya napatingin siya sa akin ng diretso. "Wala kang kasalanan… kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, okay?" Tumango siya, saka ngumiti ng pilit sa akin.
"Sorry pala, Maureen, sa mga nasabi ko sa 'yo last time." panghihingi niya ng paumanhin sa akin.
Siguro si Mamo na rin ang way para maging maayos na kaming lahat. Ito na ang simula kaya sisimulan ko na rin.
I tapped his shoulder and smiled. "Sorry rin, Xi." I apologize.
"Friends?"
"Oo, kuya, friends na tayo." I felt strange calling Xi as kuya, but it was kinda sweet tho.
Natawa naman kami pareho ni Xi sa ginawa naming pakikipagkamay. Ibinalik ko ang aking atensyon sa kabaong ni Mamo, at matamis na ngumiti sa kaniya. Salamat, Mamo, kasi ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo dahil sa mga taong nakilala ko dahil sa 'yo.
"Kami rin ba, bati mo na rin kami?" biglaang tanong ng isang pamilyar na boses ng babae sa aking likuran. Napalingon ako sa bandang likod ko dahilan ng makita ko ang dalawang taong gustong-gusto ko ng mayakap ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top