Chapter 013

Dedicated to kissablesky


Chapter 013
[Katotohanan]

NANINIWALA ka ba na parte ng pag-ibig ang sakit kung may marami kang matutuklasan na katotohanan? Kasi ako, parang kailangan ko rin ang maniwala. 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano ang kailangan kong gawin. Tinalikuran at nakalayo na 'ko kay Am, pero palagay ko ang lapit-lapit ko pa rin sa kanya dahil sa maliliit na hakbang na aking ginawa. Nasaktan ako sa aking nalaman, hindi ko lubos akalain na magagawa niya iyon sa akin para lang kay Aleah. Pero ang mas higit na nagpakirot sa aking puso ay ang nagawa akong traydurin ng babaeng akala ko… kapatid na sa akin. 

Si Aleah, si Am, silang dalawa ang nagpatunay na minsan kilangan nating huwag magtiwala agad. Ilang taon ko na silang kaibigan pero sa mga taon pa lang iyon ay pinagloloko lang nila ako. 

Napahinto ako sa kakaisip ng kung anu-ano nang may nakita akong isang malaking simbahan sa aking gilid. Binalingan ko ito ng pansin na naging dahilan kung bakit biglang nanghina ang aking mga tuhod. Ngayon ko lang napagtanto na ang may-ari pala ng tirahang ito ang siyang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig. Kaya siguro hindi ko makita-kita ang pag-ibig na hinahanap ko kasi hindi ko man lang nabigyan ng halaga ang pag-ibig Niya para sa akin. 

Ihinakbang ko ang aking mga paa para makapasok sa loob. Dahan-dahan ko iyong ginawa dahil para akong nanghihina. Nang makapasok na ako nang tuluyan sa loob ng simbahan ay nilinga-linga ko muna ang paligid. Marami akong nakikitang tao na tahimik na nagdadasal sa gilid, kadalasan sa kanila ay mga matatanda. Wala bang mga kasing edad ko ang pumupunta rito? Tanong ko bigla sa aking isipan. 

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad nang may nakita akong bakanteng upuan sa may kaliwa ko ay agad akong naupo roon. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin kasi ngayon pa ako nakapasok sa simbahan. Kung hindi ako bininyagan noon, first time ko talaga rito. Tiningnan ko ang aking katabi para gayahin ang ginawa niya. Nakita ko siyang nakaluhod, kaya lumuhod din ako. Mayamaya pa ay ginawa niya ang sign of the cross, kaya ginaya ko rin iyon, saka ipinikit ang aking mga mata kagaya nang sa kaniya. 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa Kaniya, at kung saan ako magsisimula. I gulped hard before saying something. "God, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin po alam kung ano ang ipapakiusap ko sa Inyo." simula kong pakiusap sa Kaniya gamit ang aking mahinang boses. "Alam ko pong hindi ko minsan naisip na kausapin Ka ng ganito, pero sana po ay gabayan Niyo ako sa mga bagay na nagpapahirap sa akin." naiiyak ko pang pakiusap sa Kaniya. Naimulat ko ang aking mata at napalingon ako sa aking kaliwa nang may tumapik sa aking braso.

"Ining," tawag niya sa akin na may malaking ngiti sa labi. Nginitian ko rin ang ali pabalik. "Ngayon ka pa lang ba nakapasok sa isang simbahan?" tanong niya na aking ikinatango. "Pareho pala tayo," malungkot niyang sabi sabay labas ng isang malalim na buntong-hininga. 

"Po? Ngayon lang din po kayo nakapasok ng simbahan?" gulat kong tanong sa matandang babae. 

Umiling siya, saka bahagyang natawa sa tanong kong iyon. "Ang ibig kong sabihin, kasing edad mo rin ako noon nang makapasok ako sa simabahan."

"Ah, akala ko po kasi," I paused and looked at her. "Bakit po kayo nandito?" Sa halip na sagutin niya ang aking tanong ay nagawa niya rin akong tanungin pabalik. 

"Ikaw? Anong ginawa mo rito at naisipan mong pasukin ang simbahan?"

"Gusto ko pong magdasal sa Kaniya. Gusto ko pong kausapin Siya."

"Iyan din ang sagot ko," aniya, saka ngumiti. "Noon akala ko… ang buhay ay puro kasiyahan lamang. 'Yon bang tatawa ka lang tapos ok na, pero mali pala. No'ng namulat ako sa realidad, nalaman kong kaya pala tayo nabubuhay sa mundo para magmahal." mahaba niyang paliwanag. 

"Alam mo po ba kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?" I asked seriously. 

She cleared her throat. "Siya," she paused to trailed off. Napatingin naman ako sa harap ng simabahan dahil nakatingin din siya roon. "Siya ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kung kilala mo Siya, nagagawa mo na ang magmahal."

Napabalik ang tingin ko sa matandang babae, kinagat ko muna ang loob ng aking pisngi. "Paano ko po malalaman na mahal Niya rin ako kung palagi Niyang pinaparamdam sa akin ang mga problema ko sa buhay?"

"Kaya ka nga binigyan ng problema, 'di ba? Magpasalamat ka, hija, kasi may problema ka… dahil ang ibig sabihin no'n ay mahal ka ng Panginoon."

"Hindi ko po kayo naintindihan, eh."

"Kung wala kang problema sa buhay, ibig sabihin hindi ka Niya binigyan ng pansin kasi happy-happy ka lang. Kaya tayo binigyan ng pasubok kasi gusto Niyang ipaalam sa 'tin na mahal Niya tayo, saka nandyan Siya lagi para tulungan tayo sa problemang iyon." huminto muna siya sa mahaba niyang paliwanag saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Lagi mong tatandaan… mas lalo nating maramdaman na mahal tayo ng Panginoon kung nasa gitna tayo ng unos sa ating buhay." Napangiti naman ako ng mapait sa kaniya. Binitawan niya ang kamay ko nang may kinuha siyang bagay sa loob ng kaniyang bayong. "Kunin mo ito," masaya niyang sabi at inabot sa akin ang isang kulay puti na rosary. "Manalangin ka araw-araw, lagi kang magpasalamat sa Kaniya, lagi mo Siyang kausapin para maramdaman mo pa lalo ang pag-ibig Niya para sa 'yo." paalala niya sa akin na aking ikinatango. Pero mas lalo akong natauhan sa sunod niyang paalala sa akin. "Matuto kang magpatawad dahil nagpapatawad din ang ating Panginoon. Matuto kang makinig dahil pinakikinggan Niya rin tayo. Matutu kang magmahal kagaya ng pagmamahal Niya sa atin." Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay agad siyang tumayo, hinaplos niya muna ang aking ulo saka ako iniwan sa aking kinauupuan. 

Siguro kaya ko napagdaan ang mga problemang 'to para makita ko kung gaano Siya kabuti sa akin. Kung hindi ko sana ito napagdaanan ay hindi ko rin sana malaman ang tunay na kahulugan ng salitang pagmamahal. Nabulag ako, nabulag ako sa galit dahil sa mga problemang aking kinakaharap. 

Ngayon alam ko na, alam ko na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na aking hinahanap-hanap. Siya, Siya ang pag-ibig. Ito ang pag-ibig. 

Matapos kong kausapin ang Panginoon ay napagpasyahan kong lisanin agad ang simbahan dala-dala ang rosaryong ibinigay sa akin ng matandang ali. Kailangan kong puntahan si Mamo, kailangan kong alamin ang totoo. 

Napatigil ako sa aking paglalakad mula sa simbahan nang may narinig akong tumawag sa aking pangalan. 

"Mau!" Alam ko kung kanino ang boses na tumawag sa akin sa likod, pero hindi ko siya nagawang lingunin. Ano na naman ba? Ano na naman ang kailangan niya? "Mau, please stop. Listen to me." habol na pakikiusap ni Papo sa akin. "Maureen, pakinggan mo muna si Papo, please?" 

May naalala naman ako kaya huminto ako sa aking paglalakad. Matuto kang makinig. Nilingon ko si Papo na nasa loob pa rin ng kaniyang sasakyan. Nang mapansin niyang huminto ako ay pinaandar niya ang kotse niya para mapantayan niya ako. Nang makalapit na siya sa aking kinatatayuan ay huminto siya roon. 

"Pasok ka muna, Mau. Kain muna tayo para makausap kita ng maayos." pakikiusap niya sa akin. Wala akong magawa kaya sinunod ko ang gusto niya. Kailangan din kitang kausapin, Papo. Kailangan kong alamin ang mga katotohanang nakatago sa pagkatao ko. 

Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan nang makapasok na ako. Ilang sandali pa nang may makita siyang Jollibee store ay agad niyang ihininto ang kotse niya roon. First time ko rin dito. Nauna siyang lumabas sa kotse niya, saka ako inalalayan para makalabas din nang tuluyan. Nauna siya sa paglalakad kaya sinundan ko rin agad si Papo. 

Maraming tao ang naka-dine in dito ngayon, karamihan ay masayang magkapamilya. Sana ganyan din kami, pero malabong mangyari pa. 

Huminto siya sa may bakanteng lamesa sa kanan ko. "Maupo ka muna, Mau, oorder lang ako." bilin niya sa akin na sinunod ko rin agad.

Sana marinig ko na ang totoo. Sana malaman ko na ang mga bagay na hindi ko pa alam at wala akong alam. After ng ilang minuto ay bumalik agad si Papo sa puwesto namin. Nakita ko rin sa kaniyang likuran ang isang lalaking crew na dala-dala ang in-order niyang pagkain. 

"Thank you," pagpapasalamat ni Papo sa crew nang mailapag niya na lahat ang inorder nito. 

"Enjoy your meal, Ma'am, Sir." masigla niyang tugon sa aking ama. 

Inayos niya ang in-order niyang pagkain para makakain din ako ng maayos. "Eat," utos niya sa akin. "Kumain ka muna nang malagyan ng kanin 'yang tiyan mo."

I bit my lip. "Busog pa po ako." angal ko sa kaniya. "Sabihin niyo na lang po sa akin ang nais niyong sabihin." malamig kong sabi. 

"Mau, kumain ka muna-" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya kasi nangangati na akong alamin ang totoo. 

I clenched my teeth. "Papo, ano ba kasi ang totoo? Kung may pamilya na po pala kayo, bakit niyo pa po pinatulan si Mamo?"

Napapikit siya ng mariin sa sinabi kong iyon. Napatigil siya sa plano niyang pagkain saka ako tiningnan ng malamig sa aking mga mata. "Maureen, kung hindi ko naman nakilala ang Mamo mo...wala ka rin."

Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Mas gugustuhin ko pa ngang hindi ako nabuhay... k-kaysa sa ganito ang masaksihan ko paglaki ko!" I exclaimed. Matapos kong gawin ang sigawan si Papo ay agad akong tumayo para lisanin ang lugar. 

Hindi nakaiwas sa akin ang mga taong pinagtitinginan ako, pero imbis na pansinin sila ay ipinagpatuloy ko ang plano kong lisanin ang Jollibee. 

"Maureen!" malakas na tawag sa akin ni Papo. Napansin ko ang malalakas na yabag ng kaniyang mga paa, nagawa niya kasi akong sundan. "Mau, puwede ba pakinggan mo muna ako? Puwede ba pakinggan mo muna si P-papo?" pakikiusap niya sa akin nang tuluyan niya akong maabutan mula sa aking paglalakad. 

Unti-unti ko siyang nilingon para tugunin ang kaniyang pakiusap. "Para saan pa? Eh, wala naman kayong inaamin sa akin, eh! Ginugulo niyo lang utak ko!" nanggigil sa inis kong tugon sa aking ama. 

I heard him outing a deep breath. "Oo, na! Oo, na, sasabihin ko na. Just listen to me, please? Give me an ear." 

"Just tell me the truth, please?"

He moved closer to me. Aatras sana ako dahil sa paglapit niya pero huli na nang magawa niya ng magsalita. "Lasing ako sa gabing iyon dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Margarette, ang asawa ko." pagsisimula niya sa pag-amin sa katotohonang nais kong malaman. "Galing kasi ako sa opisina dahil marami akong inasikasong papeles. Tinagawagan ako ng maid namin na manganganak na siya, ngunit wala ako sa kaniyang tabi para tulungan siya. Natagalan siyang madala sa hospital dahilan nang naapektuhan ang kaniyang panganganak. Ginawa ko ang lahat, Mau, para iligtas ang mag-ina ko pero nabigo ako." His voice cracked. Nakita ko rin na nahihirapan siya sa pag-amin na kaniyang ginawa, parang nasasaktan siya at ayaw niyang ipakita iyon sa akin. "Pagdating ko sa hospital wala ng buhay ang asawa ko, imbis na si Xian agad ang hanapin ko ay hindi ko iyon ginawa. Sinisi ko ang sarili ko sa lahat. Kasalanan ko… k-kasalanan ko. Umalis ako sa hospital at naghanap ng bar para makalimot man lang sa nangyari, do'n ko nakilala ang Mamo mo. Isa siyang dancer sa club, sabi niya bata pa lang siya iyon na ang trabaho niya, mga 16 years old yata siya nagsimula sa trabahong iyon. Hindi niya ako iniwan sa gabing iyon dahilan ng may nangyari sa amin at nabuo ka. Lasing na lasing ako kaya hindi ko na alam ang pinanggagawa namin." pagpapatuloy ni Papo. Napanganga naman ako sa aking nalaman. So, ito ang pagbebenta nga ni Mamo sa kaniyang katawan ang trabaho niya? Bakit iyon pa kung marami namang ibang trabaho? Dapat ba akong magpasalamat dahil sa nangyari sa kanila ay nabuo ako o dapat ko silang kamuhian pareho? "Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi kakamatay pa lang ng asawa ko may nagawa na naman akong katangahan sa aking buhay-" I cut him off. Nagalit ako sa aking narinig mula sa kaniya. 

"At sa tingin niyo a-ako, ako ang katangahang nagawa niyo? 'Yon ang tingin niyo sa akin? Kaya ba hindi niyo ako ipinaglaban, Papo?" reklamo kong tanong sa kaniya. 

"Mau, hindi. Please patapusin mo muna ako." pakiusap niya ulit kaya nagawa ko na naman ang patapusin siya. Hinawakan niya ang kamay ko sa pagkakataong ito, tatanggalin ko sana ang pagkahawak niyang iyon kaso hindi niya ko hinayaan sa aking binabalak. "Alam kong kasalanan ko kung bakit pakiramdam mo hindi ka kamahal-mahal, pero anak mahal kita. Hindi man kita nagawang e-flex sa iba, pero kay God, araw-araw ko 'yong ginagawa at iyon ang mahalaga."

Nang dahil sa sinabi niya ay biglang sumaya ang aking puso. Kahit papaano ay nagawa niya akong ipakiusap sa Panginoon, at isa iyon sa nagpapalambot sa puso ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maiyak sa aking narinig, gustuhin ko man pero pinigilan ko ang aking sarili, ayaw kong ipakita sa aking ama na pinalaki ako ni Mamo na isang mahinang tao. 

"Kahit minsan, Papo, hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo. Oo, nakasama kita pansamantala noon pero hindi pa rin 'yon sapat. Wala ka sa mga birthday ko, sa graduation ko noon at sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kasi nga 'di ba, pangalawa mo lang akong anak. Nakakainggit nga si Xian, eh, kasi kahit nawala 'yong Mommy niya...nandoon ka pa rin, eh, ako? Buhay nga kayo ni Mamo pareho, pero para naman kayong patay... kasi wala kayong pinaparamdam sa akin kahit na kunting pagmamahal at pagmamalasakit. Mabuti pa nga sa malasakit center, eh, kasi lahat ng tao roon kahit hindi magkadugo ay nagmamahal at nagdadamayan." My voice cracked while my hands are trembling. 

Hinawi niya ang buhok kong nakakalat sa aking mukha ng maingat at mapait na ngumiti sa akin. "Mau, pangako babawi ako sa 'yo. Ngayong alam na ni Xian ang totoo na kapatid ka niya, babawi ako sa inyong dalawa."

"Paano kung ayaw ko?" matigas kong tanong. 

"Mau, kahit ayaw mo, pipilitin ko. Magmukha man akong tanga kung para sa anak ko, gagawin ko… basta mapatawad mo lang ao, Maureen."

Matuto kang magpatawad. Narinig ko na namang muli ang sinabi sa akin ng matandang nakilala ko sa simbahan kanina. 

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin, saka binitawan ang salitang kay tagal ko ng gustong marinig mula sa kaniya. 

"Mahal kita, Mau."

"Papo," naiiyak kong tawag sa lalaking unang nang-iwan sa akin. 

"Bukas na bukas dadalawin ko Mamo mo. Papyansahan ko siya para maging masaya ka ng buong-buo, anak." Mga salitang naging dahilan nang yakapin ko si Papo pabalik na may malaking ngiti sa aking mga labi. 


*****

MAAGA akong gumising kinabukasan para dalawin si Mamo sa piitan dala-dala ang balitang magpapasaya sa kaniya. Sasabihin ko sa kaniya ngayon na medyo maayos na rin kami ni Papo, at ipapakilala niya na ako sa mga pamilya niya lalo na kay Xi. Sasabihin ko rin sa kaniya ngayon na makakalaya na siya. 

Nang makapasok ako sa presinto ay mabilis kong tinungo kong saan siya nakatalaga. Bigla naman akong napahinto sa may 'di kalayuan sa piitang kinalalagyan niya nang mapansin akong maraming pulis ang busy sa kagagawa ng kung anuman doon. 

Dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa papalapit sa kanila. Nakaramdam naman ako ng kaba nang nagawa akong lingunin ng mga pulis gamit ang malungkot nilang mga itsura.

"A-ano po'ng nangyayari r-rito?" nabubulol at kinakabahan kong tanong. 

Lumapit sa akin ang isang pulis na babae, saka nagawa akong tanungin. "Ma'am, anak po ba kayo ni Prezzy Barominez? Iyong nahuli sa prostitution?"

"Oo, b-bakit po?" Hindi ko alam pero napapansin kong uminit ang aking mata, parang maiiyak na ako kung maririnig ko man ang salitang nais niyang aminin sa akin. 

"Nako, Ma'am, nakita na lang po namin kanina… nakasabit dyan sa itaas-"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" putol kong tanong sa babaeng pulis. 

"Nagkitil ng buhay, Ma'am. Patay na po ang iyong ina." Mga salitang nagpaupo sa akin ng tuluyan sa sahig ng presento, saka humagulgol sa pag-iyak. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top