Chapter 012

Dedicated to kissablesky


Chapter 012
[Hidden Secrets]

"Lahat ng nagmamahal nasasaktan, kung hindi ka nasasaktan, malamang hindi mo pa naranasan ang magmahal. 
~Maria-Felomina

1, tatakbo papalayo sa mansyon na ito para matakasan silang lahat. 2, hindi ko alam kung nakailang mura na ako nang malaman kong may koneksyon si Aleah at Xi. 3, gusto kong harapin ang lahat, pero hindi ko alam kung papaano. 

Kung hahakbang kaya ako papalayo, magagawa ko kaya iyon? Kung tatakasan ko ang mga 'to, magtatagumpay kaya ako? Hindi ko alam, malabo. 

"Do you know each other?" tanong ni Aleah sa aming dalawa ni Xi. 

Gusto ko siyang tugunin pero walang salita ang lumabas sa aking bibig, para akong nawalan ng boses. Kinakabahan na ako ng sobra, pero mas nangingibabaw sa akin 'yong takot. 

Si Xi, siya ang pinsan ni Aleah? Si Xi ang anak ni Papo sa iba? Pero… ahh-baka ibang pinsan niya iyon at hindi si Xi. 

I heard Xi's chuckled. "Yeah. Actually, lagi kaming nagtagpo ni Maureen 'pag minamalas siya, 'di ba, Maureen?" baling na tanong sa akin ni Xi. Pilit kong sagutin siya pero hindi ko magawa kaya tumango na lang ako. 

Aleah's shaked her head. "Okay. Akala ko kasi hindi pa kayo magkakilala," she paused and looked at me. "Pretty Maureen, siya 'yong pinsan ko na lagi kong binabanggit sa 'yo rati na ipapakilala ko sana sa 'yo. Naaalala mo?" she asked. 

"Ah, oo, n-naalala ko." pilit kong magpakalmang tugon. 

Lumunok ako ng mariin nang makita ko ang matulis na tingin ni Aleah sa akin. Bakit siya ganito? May binabalak ba siya? 

Tumikhim muna siya bago nagawang magsalita. "Saka siya rin 'yong sinasabi ko, cuz, na ka apelyido mo." aniya. Agad naman nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon mula sa aking kaibigan. 

"Aleah," angal ni Am sa kanya. Kung hindi niya pa nagawang tawagin si Aleah ay muntik ko ng makalimutan na nandito pala siya kasama namin. 

Para nila akong laruan, nanliit at naawa ako sa sarili ko dahil tatlong mayayaman na tao ang kasama ko ngayon. Sa oras na magkamali si Aleah, alam kung ako ang madedehado at hindi nila ako magawang pakinggan kasi lahat ng mayayaman gusto nila lagi silang tama. 

Napayuko naman ako nang makita ko kung gaano nga ba kagara at ka pasionable ang kanilang mga datingan. Si Am pormang mayaman, gano'n din si Aleah, habang si Xi ay iba rin ang datingan. Gaya no'ng unang kita namin, naka-tuck-in pa rin ang mga style ng sinusuot niya. 

Once na malaman nila ang sikreto ko, wala na akong takas sa tatlo. 

I heard Aleah's letting out a deep breath. Napaangat naman ako ng tingin sa ginawa niyang iyon. "Why? Wala namang masama sa sinabi ko, ah?" natatawa niyang tugon. 

I know she knows everything, nagbabalat kayo lamang ang kaibigan kong ito. Kaya pala nais niya akong papuntahin dito kasama sila? Ito ba ang sinabi niyang 'have fun'? Kung gano'n mukhang mag-eenjoy nga sila ngayon, maliban sa akin. 

"Alonzo ka rin?" Xi's asked surprisely. I bit my lower lip. Kinakabahan na talaga ako. 

Kung sino ang papipiliin, gagawin din nila ang balak kong gawin ngayon. Run, Maureen, run! 

Akmang aalis at ihahakbang ko na sana ang isa kong paa kaso sumigaw si Aleah dahilan ng mapatigil kaming tatlo. Nakailang mura naman ako sa aking isipan. 

"Maureen, stop!" she commanded so, I did. Hindi ko sila nilingon, hindi ko sila kayang tingnan. "What do you think you're doing? Running away?" natatawa niyang tanong sa akin. 

Narinig ko naman ang kalabog ng mga paa papunta sa akin kaya nakita ko si Am na huminto sa aking harapan. He looked at me, saka niya binalingan ng atensyon si Aleah. "Villahermosa, please stop doing nonsense stuffs!" reklamo ni Am sa kaniya. 

Nagulat naman si Aleah sa sinabing iyon ni Am, maski ako ay nagulat din ako sa kinikilos ng dalawa. Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay parang mauuwi sila sa pagtatalo. Dahil ba sa akin? 

"Nonsense? Oh God, wala 'yan sa dictionary ko." naiinis niyang tugon sa kaibigang lalaki. "Harapin mo ako, Maureen." utos niya kaya paunti-unti akong lumingon sa kanya kahit na kinakabahan na ako. 

"Aleah-" she cut me off. 

Humakbang siya para lapitan ako kaya lalo akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan naming dalawa. "Are you related to tito Mckey, right?" pagputol na tanong niya sa akin. 

Ayaw ko siyang sagutin lalo na't kung ang nakasalalay rito ay ang katotohanang gigimbal sa aming lahat. Maaaring masira ang pagkakaibigan na mayro'n kami. 

"Aleah," pigil kong tawag sa kanya. 

She clenched her teeth, parang nanggigil na siyang alamin ang totoo. "Just fuck*ng tell me the truth, Maureen! 'Yon lang! Mahirap ba 'yon-"

"Oo, anak niya ako! Oo, tatay ko siya! Ano, masaya ka na!" I exclaimed. Natahimik naman siya sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya. 

Tiningnan ko siya ng masama kaya napayuko siya sa ginawa kong iyon. Nang mapagtanto na nila ang pag-amin ko ay humakbang na rin si Xi papalapit sa akin na puno ng katanungan ang kanyang mukha. 

"What?" he asked confusedly. "Ikaw ang anak ni daddy sa labas? Ikaw ang kinababaliwan niyang intindihin nitong mga nakaraang araw kaysa sa akin?!" sigaw niyang paliwanag dahilan ng hawakan ni Am ang aking kamay. 

"Tama na," pagpipigil niya kay Xi, "Halika na, Pm, umuwi na tayo-" Aleah cut him off. 

Natigil na naman kami ni Am sa balak niyang pagtakas na gagawin. "Puwede ba, Villarico, 'wag kang makialam!"

He chuckled a bit. Napansin ko naman ang pagdilim ng kanyang mata at pag-igting ng kanyang panga. "Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hahayaan kayong ganituhin si Pm, sa harapan ko pa talaga?" galit niyang tanong sa babae. 

Siya naman ang nagawang tawanan ni Aleah ngayon. "Why? Pumayag ka naman 'di ba, na paaminin natin siya ngayon? Kaya nga tayo nandito, eh."

Nayukom ko ang aking dalawang kamay dahil sa aking narinig. Pinagkaisahan nila ako? Kaya ba pinilit talaga ako ng babaeng 'to na sumama sa mansyon nila? 

Binalingan ko ng pansin si Am, nakita ko naman na pilit niyang iwasan ang tingin kong iyon. "Ano? May alam ka?" naiiyak kong tanong kay Am. "Pinagloloko niyo akong lahat?!" my voice cracked and I also noticed my hands' trembling. "Akala ko… kaibigan ko kayo? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to?" Sa puntong ito ay hindi ko alam pero kusa ng nagsilabasan ang mga traydor kong luha. Hinayaan ko na lang na tumulo ang mga ito mula sa mga mata kong sobrang dami ng nakikita na katotohanan. 

"Lemme remind you, Maureen… hindi lahat ng tao kaibigan, hindi rin lahat ng mabait sa 'yo ang gusto kang kaibiganin. 'Yong iba, kinakaibigan ka lang kasi balak nilang maghiganti...gaya ko."

Dahil sa paliwanag ni Aleah ay may napagtanto ako kahit papaano, dapat pala hindi ako agad nagtitiwala sa mga taong naging mabuti sa akin. Kung ako nagawa niyang traydurin, magagawa rin ito sa akin ng kahit na sino. 

Am's right, kung ano ang maganda at pangit na nakikita mo sa paligid, iyon ang pag-ibig. Pero… para sa akin, nangingibabaw pa ang pangit kaysa sa maganda. 

"I said stop!" Galit na si Am sa kay Aleah. 

"Inagaw mo ang daddy ko!" galit na sigaw sa akin ni Xi. Ibang-iba siya sa Xi na nakilala ko nitong mga nakaraang araw. Kung ang lalaking iyon ay makulit at masayahin, ngayon ay puno na ng namumuong galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata. 

"Anak sa labas!" pagsasabi ni Aleah sa akin at pinagdiinan pa talaga ang salitang iyon. 

Nagalit na rin ako kay Aleah. She betrayed me, niloko niya ako. Kaibigan at para ng kapatid ang turing ko sa kanya, pero paghihiganti lang pala ang dahilan kung bakit niya ako kinaibigan. Kaya pala lumipat siya ng biglaan sa paaralan ko kasi may plano na siya. After 2 years na friendship namin, ito lang pala ang pakay niya? Dalawang taon niya na rin akong niloloko? Si Am din ba? 

"The f*ck! I said tama na!" Parang sasabog si Abdiel sa galit dahil ramdam ko iyon sa nagawa niyang pagsigaw. Mas lalo naman kaming natahimik lahat nang may umagaw na boses sa amin mula sa aking likuran. 

"What's happening here?!"

"Tito-" sabay na tawag ni Aleah at Am. 

"Dad-" si Xi. 

"Papo-" natataranta ko rin tawag sa pangalan ng aking ama. 

Pumagitna siya sa kinatatayuan naming apat, nang makapuwesto na siya ng maayos ay saka pa siya nagsalita ulit. "Bakit nagtataasan kayo ng boses?" he asked using his calm voice.

Narinig ko naman ang pag-tsked ni Xi, "Ano 'to, reunion?" natatawa niyang tanong sa lahat. 

He gazed in Xi's direction. "What are you talking about, son?" tanong niya sa anak. 

Xi clenched his jaw. Natakot naman ako na baka mag-away ang dalawa dahil sa akin. "Woah, you afford to call me son kahit na nandito rin ang unica hija mo? Common, dad, don't shit us up!" aniya na banayad pero may pagkariin. 

Napansin ko rin na tumahimik ang dalawa kong kaibigan. Kaibigan nga ba? 

He moved closer to his son, para makiusap dito. "Xi, please pag-usapan natin 'to ng maayos kasama si Maureen?" saka niya ako nagawang lingunin. 

Xi massaged his temple gently. Nakita ko rin ang marahan niyang pagtawa, parang puno ng inis ang tawa niyang iyon. "For what? Para alamin natin kung sino sa aming dalawa ang may mas malaking share sa mga kayamanan mo? Tsk, no, thanks. Mas gugustuhin ko pang magutom na lang kung sa 'yo lang din naman galing ang pera." He think na aagawan ko siya ng kayamanan mula kay Papo? Kaya ba ayaw niya sa akin bilang anak sa labas dahil akala niya kahati niya na ako sa perang mamanahin niya? God, how greedy he is?

Napaawang naman ang aking bibig sa sunod niyang ginawa, bigla niya kasing sinamaan ng tingin ang aming ama, saka siya tumalikod. Nagalit naman si Papo sa ginawa niyang iyon. Saan niya namana ang kabastusang pag-uugali niyang ito? 

"Xian Rye, 'wag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Papo exclaimed. 

"Oh, Jesus! What's happening, bakit kayo nagsisigawan?" boses na ikinatigil naming lahat kaya napalingon kami sa aming likuran. 

Ano 'to, reunion? As in ngayon pa talaga? At, nandito pa talaga ang buong angkan nila? Kulang na lang ang orihinal na asawa ni Papo rito, eh. 

"Mom, Dad," natatakot na tawag ni Aleah sa kanyang mga magulang. Nilapitan siya ng mga ito, saka tiningnan na puno ng pag-aalala. 

"Baby, anong mayro'n?" nagtataka na tanong ng ina ni Aleah. 

Napansin ko rin ang pagbaling ng ama ng aking kaibigan kay Papo, saka nagawang magtanong. "Mckey, ano 'to?"

Sa halip na boses ni Papo ang marinig kong sunod na magsalita nang bigla na lang inagaw ni Xi ang atensyon naming lahat. 

"Bakit? Sa tingin mo dapat kang respetuhin? Dad, you're such a f*ckboy. Namatay lang si Mommy dahil sa panganganak sa akin, humanap ka na ng iba at do'n pa talaga sa bayaran, hah?" he asked with so much anger. 

Patay na ang mommy niya? Namatay ang asawa ni Papo nang ipinanganak si Xi?

Kumirot ang aking puso sa aking narinig. Paano niya na kayang sabihin ang mga salitang 'yon sa harap ko? Kaya pala galit at nag-iinit ang dugo ko sa kanya kasi wala rin siyang kuwentang tao, at anak. 

"What are you talking?" walang kamalay-malay na tanong ni Papo sa anak niyang bastos. 

"Bayaran," natatawa niyang komento sa trabaho ng aking ina. 

Nagulat din ang parents ni Aleah sa pinagsasabi ni Xi, kaya mas lalo akong nagalit sa kanya. Once na ulitin mo pa ang sinabi mo, makakatikim ka talaga sa akin. 

I cleared my throat. "Bawiin mo ang sinabi mo," malamig kong pakiusap na utos. 

He chuckled like he's teasing me. "Tsk. Why? Bayaran naman talaga ang ina mo, ah? Nakikikama sa kahit na sinong lalaki, at sa mga bata pa talaga-" Hindi niya nagawa na tapusin ang nais niya pang ipaliwanag nang magawa ko siyang sampalin ng sobrang lakas. Nakita ko naman ang agarang pamumula ng makinis at maputi niyang mukha. 

Napatakip naman si Aleah sa kanyang bibig gaya ng kanyang ina. Si Am naman ay parang balewala lang sa kanya ang aking ginawa lalo na si Papo, habang ang ama ni Aleah ay napailing-iling sa likod ng asawa dahil sa kanilang na nasaksihan. 

Ramdam kong nag-iinit ang aking mata, sa tingin ko naman ay parang may tumutulo na tubig doon. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil nagawa ko nang tingnan si Xi ng masama. "Wala kang alam...kaya wala kang karapatan na bastusin ang ina ko harap ko, at sa harap ng maraming tao!" I exclaimed. Huminto muna ako ng ilang segundo para makahugot ng lakas ng loob. "Ikaw? Perpekto ka ba? Alam mo Xi, kung tutuusin...hindi ikaw ang biktima rito, kun'di ako!" puno ng galit kong pagpapatuloy. "Ang suwerte mo nga, eh, kasi nagawa mong makasama si Papo, mula pagkabata hanggang sa nagkamuwang ka sa mundo, eh, ako? Kahit ni isang hi at I love you hindi ko narinig sa kanya." Hindi ko na napigilan ang aking mga luha kaya hinayaan ko na lang itong tumulo gaya ng nais nila. Naramdaman ko naman ang kamay ng aking amang nakahawak na sa akin. Agad ko naman iyong tinanggal dahil sa galit na aking nararamdaman. "Kung sa tingin mo ay kayamanan ang habol ko kay Papo, pwes nagkakamali ka. Mas mabuti na rin sigurong maging anak ako sa labas… kung ganito lang din naman ang ugali ng magiging pamilya ko." I paused to trailed off. Nilingon sila isa-isa, nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Aleah sa akin at ni Am. Para namang nahiya si Xi sa sinabi ko sa kanya. "Kahit na aso, hindi kayang kainin 'yang mga pag-uugali niyo, ang baho na nga ang pangit pa ng lasa." I smile bitterly, kasing pait ng pinagdaanan ko.  

Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay at walang pasabi na nilisan ang mansyon ng mga Villahermosa. 

"Mau!" My father called me with sincerity. 

"Pm!" si Am. 

Hindi naman nakatakas sa aking tainga ang paghingi ng paumanhin ni Aleah sa kanyang kagagahang ginawa. "Sorry, tito,"

"Jesus, anong klaseng eksena 'to?" Huling tanong na aking narinig mula sa ina ni Aleah bago ko tuluyang nilayuan ang mansyon ng mga ito. 

*****

PARTE raw ng pag-ibig ang magpatawad, magagawa ko kaya iyon? 

Napahinto ako sa aking paglalakad mula sa labas ng gate nila ni Aleah nang marinig ko ang pagtawag ni Am sa akin. Bakit niya pa kasi ako sinundan? 

"Pm!" tawag niya sa pangalan ko na aking ikinalingon sa kaniya. Para siyang nahihiya na titigan ako sa mukha, he can't stand looking at me for a second. "I'm sorry. Sorry kung nagawa ko ang hayaan ka na maipit sa ganoong sitwasyon."

Umiling-iling ako sa nagawa niyang pagpapaumanhin. Napahilot naman ako sa aking noo bago ko siya tinugon. "Ang babaw niyo, Am, nagawa niyo pa talaga akong pagkaisahan ni Aleah." masakit kong aniya. 

He shrugged and clenched his teeth, para bang naiinis din siya sa kanyang sarili dahil sa ginawa niyang iyon. "Hindi ko alam, Pm. Hindi ko lubos akalain na kinagat ko ang masama niyang plano para sa 'yo." Ako rin, hindi ko akalain na gagawin mo iyon sa akin. 

"Kasi… may gusto ka sa kanya-" He cut my explanation.

"Maureen,"

"Alam ko 'yon, napapansin ko rin."

I heard his hard gulped. "Sorry talaga, Pm," ramdam na ramdam ko ang senridad na namumuo sa kanyang boses nang masabi niya iyon sa akin. 

Napangiti ako ng mapait nang may bigla akong naalala. "Siguro, hindi mangyayari ang gusto ni Aling Gorya para sa pagkakaibigan natin."

He looked at me surprisely. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko habang nasa labas kami ng gate ng mansyon ng mga Villahermosa. "What do you mean?"

"Gaya ng friendship nila ni Mamo, siguro… hindi rin magtatagal ang pagkakaibigan na mayro'n tayo, Abdiel."

"Pm," 

Masarap ng may maraming kaibigan, pero hindi lahat tunay. Sabi nila sa sampu, himala na lang kung may dalawa ang tunay sa kanila. Gaya ko, sa dalawa kong kaibigan, hindi ko alam kung may ni isa bang tunay. 

Tiningnan ko siya ng seryoso na may lungkot sa aking mga mata bago bitawan ang mga salitang magpapalungkot din sa kanya. "Hindi ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong buong puso kong pinagkatiwalaan kaso, magawa rin pala akong traydurin 'pag ako ay nakatalikod."

"Maureen," tawag niya sa pangalan ko para umangal sa nais kong sabihin. 

Kinagat ko ang loob ng aking pisngi, kasabay ng pagkusot ko sa saya ng aking uniporme. "Kasi ang alam kong tunay na kahulugan ng pagkakaibigan ay nagdadamayan, hindi 'yong kung kailan kailangan mo ang tulong nila, saka ka pa nila tatalikuran." mapait kong sabi, saka siya nagawang iwan na nakatulala sa kawalan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top