Chapter 010
Dedicated to BreAderWriter
Chapter 010
[Kutob ni Maureen]
"HI," bati sa akin ng isang pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagulat naman ako nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.
Anong ginagawa niya rito?
"Xi?" gulat kong tawag sa pangalan niya.
He smirked, "Yeah, I thought you already forget me, Crying Maureen." Naalala niya pa rin ang pangalan ko? What? Ako, crying Maureen?
Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa labis na pagtataka kung bakit siya nandito. Habang siya naman ay busy sa kakalinga-linga sa paligid na tila may hinahanap.
Marami na ring mga estudyante sa labas ng paaralan namin. As usual, ito naman talaga ang nangyayari tuwing uwian.
"Pauwi ka na?" baling na tanong niya sa akin nang matapos niyang libutin ng tingin ang buong labas ng campus.
Tumango ako, saka siya tinugon. "Ah, oo, ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya pabalik.
He sighed and crossed his arms. Taray hah, astig ng dating. Ngayon ko lang napansin na maporma rin pala ang lalaking 'to, amoy mayaman din gaya ni Am. He gazed at me before he replied to my questions. "Hm, sinusundo ko ang pinsan ko." he replied. Nakita ko naman ang paghilot niya sa kanyang sentido. "Mukhang matatagalan 'ata ang isang 'yon, gusto hatid muna kita sa inyo-" I cut him off. Anong ihahatid? Haler, hindi nga tayo close.
Aminado akong kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Nakakatakot kayang magpahatid sa 'di mo kakilala. Ibig kong sabihin is… hindi pa kami close kaya ayaw kong magpahatid sa kanya.
"No. I mean… 'wag na, may hinihintay rin kasi ako." pagsisinungaling ko sa kanya.
He nodded to agree. "Okay, sabi mo, eh." walang gana niyang aniya. Sa puntong ito ay nakapamulsa na siyang nakatingin sa loob ng paaralan namin. Are he expecting someone whose inside? Imbis na ako ang nagtanong sa kaniya ng mga 'yon ay naunahan niya na ako. "Sino ba kasi hinihintay mo? Jowa mo ba?" he asked seriously.
"H-hah? H-hindi, kaibigan… oo, k-kaibigan ko." nabubulol kong anito. I waited for my best friend- si Am.
Kanina ko pa sila hinihintay ni Aleah, at ewan ko kung bakit ang tagal nilang hindi nakasunod sa akin agad. Sabi kasi nila sa akin kanina na may pag-uusapan lang daw sila tungkol sa family business nila at hindi ko na rin inalam kung ano iyon. Wala naman akong alam sa business-business na 'yan.
"Ah, kung hindi ka puwedeng ihatid sa ngayon, siguro sa susunod... I can ask you to go out with me, right?"
"Hah?" tugon ko ulit na puno ng katanungan.
"Are you a deaf? Wala ka na bang ibang alam na salita bukod sa hah?"
"Ah, nakakagulat ka kasi," peke kong natatawa na tugon.
Bakit ba kasi gano'n-gano'n na lang ang mga binibitawan niyang salita. He wants me to go out with him? Ano siya, gold? Bahala siya sa buhay niya, wala ng next time.
Hindi ko alam pero mainit ang dugo ko sa lalaking 'to, para bang may nagawa siyang mali sa akin na hindi ko maunawaan.
Mas lalo naman akong nagulat sa salitang sunod niyang binitawan. "Pahingi ng number," he commanded.
"Number?"
He chuckled a bit. "Paulit-ulit? Yes, number? Mayro'n ka bang phone?" Napatingin naman ako sa cellphone na ibinigay sa akin ni Am noon. Nag-angat din ako ng tingin kay Xi na nakatingin na rin pala sa kamay ko. "Akin na," Saka mabilis na hinablot iyon sa akin. God, ang rush ng taong 'to. Hindi man lang ako tinanong kung papayag ba akong ibigay sa kanya ang number ko?
"Xi," reklamo ko sa kanya habang kinuha niya ang numero ng aking sim card.
Mayamaya pa ay binalik niya sa akin ang aking cellphone na may malaking ngiti sa kanyang labi.
He gulped and looked at me. "'Yan, text-text na lang later. I will go to my pinsan muna. See you, babe!" he said with a smile and winked. Nandidiri naman ako sa ginawa niyang iyon. Mayabang!
Akmang aangal pa sana ako sa kaniya kaso agad niya akong tinalikuran at walang pasabi na pumasok nang tuluyan sa loob ng aming paaralan. Baliw!
He left me with a blast. Sarap niyang tisirin. Bahala siya, hindi ko siya tutugunin sa mga texts at calls niya sa akin kung sakaling gagawin niya man iyon.
Ilang sandali pa ay medyo nawalan ng kahit kunti ang pagkainis ko sa lalaking 'yon nang makita ko si Am papalabas ng campus. Nasaan si Aleah?
"Oh, what happened, bakit para kang napag-iwanan ng mundo niyan?" salubong na tanong sa akin ni Am nang makalapit na siya sa gawi ko.
Bumuntong-hininga ako. "Wala. Nasaan si Aleah, bakit hindi mo kasama?" tanong ko pabalik.
He looked back inside the campus before talking. "Ah, nando'n pa sa loob. Kinausap niya muna pinsan niya." pagpapaintindi niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niyang iyon. "Halika na, umuwi na tayo. I think nandyan na rin si Manong Neri." I nodded to agree with what he wants.
Gaya ng sabi ni Am ay agad naming hinanap si Mang Neri para makauwi na kami. Kanina pa rin ako uwing-uwi dahil tila na miss ko agad si Mamo. Nasa bahay na kaya siya ngayon?
Nang makapasok na kami sa sasakyan ni Am ay agad akong napaigtad nang may natanggap akong isang message sa aking cellphone. Dali-dali ko naman itong tiningnan dahilan ng mag-init ang ulo ko sa text na aking nabasa.
From Unknown Number:
How about our deal, are you in?
I know it's him, pero wala akong oras para makipaglaro sa kaluhan niya. Bahala siyang lumabas mag-isa, 'di ko siya trip kasama.
"Who's that?" malamig na tanong ng aking katabi.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tingin niya sa akin. Jusko, Am naman, bakit gan'yan ka makatingin sa akin? Balak mo ba akong kapusin sa paghinga?
I gulped hard as I calmed myself down. "Wala. Globe lang, nagpapaalala na malapit ng maubos ang load ko." Ibit my lower lip. Tumango naman siya sa sinabi kong iyon saka nag-iwas ng tingin sa akin.
Salamat, Globe, isang kang dakilang bayani dahil tinuruan mo ako kung papaano nga ako makatakas sa katanungang iyon.
*****
ALAS SINGKO na ng hapon ako nakauwi sa bahay namin. Matapos akong ihatid ni Am ay agad din siyang umuwi dahil may lakad pa raw sila ng kanyang pamilya. Nang makapasok ako sa loob ng aming bahay ay agad akong nanlumo nang hindi ko man lang nakita kahit na anino ni Mamo. Nasaan na naman kaya ang isang 'yon?
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang pinagsasabi ni Papo sa akin. I want to know the whole truth at magagawa ko lang 'yon sa tulong ni Aleah.
Nilapag ko agad ang aking mga gamit sa eskwela nang makapasok na ako sa aking kuwarto. Umupo muna ako sa gilid ng aking kama para makapag-relax kahit papaano. Pero sa gitna ng aking katahimikan ay bigla akong napalingon sa gilid nang tumunog ang aking cellphone.
Hindi niya ba ako titigilan sa kakukulit niya? Padabog ko itong kinuha saka sinagot ang tawag para matapos na.
"Bakit?" inis kong tanong sa kabilang linya.
Narinig ko naman ang pagtawa niya dahilan ng mas lalo pang nag-init ang aking ulo. "Grabi ka naman, gan'yan ka ba makikiusap sa isang gwapo na tulad ko?"
Nayayabangan na talaga ako sa kanya. Oo, guwapo siya pero ang taas ng confidence niya masyado, nakakabawas puntos.
I rolled my eyes. "Feeling mo. Oh, bakit ka napatawag?" seryoso kong tanong.
"About the deal,"
"Deal? May deal ba tayo? Bakit wala akong alam?"
He sighed in the other line. "Go out with me tomorrow, after your class." suhestiyon niya sa kabilang linya.
Lumaki naman ang mata ko sa sinabi niyang iyon. What? Bukas? He's crazy!
I cleared my throat. I don't want to go out with him, with that crazy stranger. "Busy ako. Ayaw ko." walang gana kong sabi saka walang pasabing pinatay agad ang tawag.
Yes, tinulungan niya ako no'ng nakaraan, no'ng umiiyak ako pero hindi ibig sabihin no'n ay papayag na ako sa gusto niya. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga gustong maging close si Xi, para akong nagagalit 'pag kasama o makikita siya after no'ng nagkita kami sa party ni Am. What a strange feeling of mine.
Bigla namang umilaw ang screen ng aking cellphone nang may nag-pop up na message sa status bar ko.
From Unknown Number:
I'll fetch you tomorrow, babe! (Sent with wink emoji)
Napasapo naman ako sa aking noo nang nabasa ko ang text niyang iyon. He's so… ah! Kakainis! Sarap niyang balatan ng buhay!
*****
PINANGAKO ko noon sa sarili ko na kung malaman ko na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay i-sha-share ko ito sa taong mahalaga sa akin. Iibigin at pagamamahalin ko rin sila hanggang sa saan ang kaya ko. Pero minsan pala, hindi sapat ang pag-ibig para manatili sa tabi mo ang isang tao.
Hindi pag-ibig ang laging sagot sa lahat ng katanungan mo sa buhay, kasi kung pag-ibig man… masaya, mapayapa at maganda sana ang nakikita ko ngayon sa mundo lalo na sa pamilya ko.
Akala ko pa naman madali lang ang magmahal ng tao at madali lang din akong mahalin, pero parang hindi, eh, mali ako ng intindi. Kasi kung lahat madali para sa pag-ibig hindi ko sana nararanasan ang mga ito sa lalaking unang minahal ko.
"Mau, please to talk to Papo," matamis na pakiusap sa akin ng aking ama.
Ang inaasahan ko pa naman na sasalubong sa umaga ko ngayon ay si Mamo, pero laking gulat ko na lang na si Papo ang narito at hindi ang aking ina. Kinakabahan na talaga ako, para bang may hindi magandang mangyayari ngayon. Kinukutuban ako ng masama para kay Mamo.
Tiningnan ko ulit ang aking ama, nais ko siyang harapin at sagutin ng buo kahit na galit pa rin ako sa kanya.
"Umuwi ka na po para makapasok na ako na ako sa school." pakiusap ko naman.
Hawak-hawak ko ng mahigpit ang sling ng aking pack bag dahil sa panggigil na aking nararamdaman sa aking ama.
He gasped. "Mau, mag-usap muna tayo...tapos ihahatid kita sa school niyo."
I shaked my head. "Ayaw ko po, kaya ko pong pumasok nang wala ang tulong niyo." matigas kong tugon.
Nag-iba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha nang marinig niya iyon, para bang napahiya ko siya.
"Mau,"
"Sinabi ko na po sa inyo, hindi ko iiwan sa Mamo, hindi ako sasam sa 'yo, final answer."
Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan namin ng aking ama. Hindi ko aakalain na basta-basta na lang siyang papasok sa pamamahay namin. Nagulat na nga lang ako kanina na nakaupo na siya sa may upuan sa aming sala nang makalabas ako mula sa aking kuwarto.
"Pero para 'to sa kapakanan mo, Maureen! Puwede ba iyon muna ang isipin mo ngayon at 'wag 'yang walang kuwenta mong nanay-"
"Bakit, ano sa tingin niyo… may kuwenta kayong ama? Kung tutuusin nga, eh, wala kayong karapatang maging ama kasi ang selfish niyo! Sarili mo lang ang iniisip mo, at hindi 'yong pamilya mo, Papo!" I exclaimed. Galit na galit na ako sa kanya.
How can he tell that to my mother? May kuwenta si Mamo kaysa sa kaniya, kasi si Mamo nagawa niya akong hindi iwan kahit papaano.
"One day, malalaman mo rin ang totoo." He paused to trailed off. I saw the pain living in my father's eyes. "Kung sakaling darating ang araw na 'yon, sana hindi mo pagsisihan na mas pinili mong paniwalaan ang iyong ina kaysa sa akin, Mau." dagdag niya, saka umalis ng bahay.
Ilang sandali pa ay naiwan akong tahimik sa loob, masakit ang aking puso dahil sa sinabi ng aking ama. Ano kaya ang dapat kong malaman? Nakakatakot pero nais kong alamin.
Nagdesisyon akong lisanin na ang aming bahay para makapasok sa school, pero napahinto ako sa may pintuan namin nang may dumating na ali na hindi ko kilala. Kinabahan naman ako bigla sa presensya niya.
Pareho sila ng tindig ni Mamo, saka para rin siyang walang pake sa mundo sa kanyang suot. Madumi at gusot-gusot ang kanyang damit. Hindi ba siya naliligo?
Nang makalapit na siya sa gawi ko ay seryoso niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Kakainin niya ba ako? Ang sama niya kasing makatingin, eh.
"Ikaw ba si Maureen?" tanong sa akin ng ginang na kasing edad rin ni Mamo. Kilala niya ba ang aking ina?
I nodded to say yes. "Opo. Sino po sila?"
Hindi niya ako tinugon agad kaya mas lalo na akong kinabahan. Bakit ko nararamdaman 'to? Ang sama ng kutob ko sa ano ang maaaring mangyari ngayon.
Nagpakawala naman siya ng isang malalim na buntong-hininga bago ako tinugon. "Kaibigan ako ni Prizzy," pakilala niya sa akin. Nakita ko naman na biglang lumungkot ang kanyang mukha kaya mas lalo akong kinakabahan sa susunod na sasabihin niya sa akin. "Nasa kulungan ngayon ang iyong ina."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top