Chapter 009

Dedicated to Erinicchi


Chapter 009
[Pinapag-ibig]

HINDI ako makapagsalita, hindi ako makagawa ng kilos kasi may narinig akong nagsisigawan sa labas ng aking kuwarto. 

Gusto kong magising kasi hindi ko na kayang pakinggan ang pagtatalo nilang dalawa, nagulat naman ako bigla nang may malakas na boses akong narinig. 

"ANAK ko rin siya, Prizzy, at may karapatan ako sa kanya!" galit na sigaw ng isang lalaki sa labas ng aking kuwarto dahilan ng magising ako. 

Naalimpungatan ako dahil sa gulat at kung ano ang mayro'n sa labas. Akala ko binabangungot lang ako, 'yon pala ay totoo ang aking mga naririnig, nangyari na ang isa sa mga kinatatakutan ko. 

Ang aga-aga pa pero iyon na agad ang salitang bumulabog sa araw ko. Bumagon ako mula sa aking pagkahiga, hindi pa man ako tuluyang nakaahon sa aking kama ay narinig ko ang aking ina na tinugon ang boses ng lalaking nagsalita kanina. 

"Anak? Wow! Ang kapal mo, Mckey! Pagkatapos mo kaming iwan, iyan agad ang sasabihin mo sa akin?!" Dahil sa ginawang pagsigaw ng aking ina ay alam ko na kung sino ang kanyang kausap. 

Nandito siya? Anong ginagawa niya rito? 

"Kung hindi mo kayang ibigay ang magandang buhay para sa kanya, pwes, ako..  kaya ko 'yon!" lakas ng loob na sumbat niya kay Mamo. 

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng aking kuwarto saka lumabas doon para harapin silang pareho. Napatigil naman silang dalawa nang makita nila ako. Parehas na silang nakatingin sa aking ngayon, kung si Mamo may pag-aalala sa kanyang mukha, nakangiti naman ang aking ama na nakatingin sa akin. Pero hindi ko ikinangiti ang pagpunta niya rito ngayon. 

"Anak," bati niya sa akin nang huminto ako sa pagitan nilang dalawa. 

I looked at him using my cold expression. I hate seeing my father at this moment, naalala ko lahat, lahat ng ka duwagang kanyang ginawa. "Anong ginagawa niyo rito?" walang ka emo-emosyong tanong ko kay Papo. 

He moved closer to me trying to reach my hands, pero umiwas ako sa kanya, saka nilapitan si Mamo. "Sasama ka sa akin,"

Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay natawa ako bigla, tawang kakaiba, may halong galit. "Hindi ako sasama sa inyo, mas gusto ko si Mamo." malamig kong tugon. 

He gazed to my mother's direction. "Sa ayaw at sa gusto mo, Maureen, sa akin ka sasama." Pagpupumilit niya. 

My jaw dropped. "Naririnig niyo ba ang sarili niyo?" I asked. "Pagkatapos mo kaming iwan, babalik ka lang na parang walang nangyari?" I continued. "Come on, ang kapal niyo naman 'ata, Mr. McKenzie Alonzo." galit kong sabi sa kaniya. Nagulat din ako kung paano ko na kayang tawagin siya sa kompleto niyang pangalan. 

"Anak kita, Mau, kaya may karapatan ako sa 'yo."

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon, saka napahilot sa aking noo. "Karapatan? Saan kayo nakahugot ng lakas ng loob para sabihin sa akin 'yan?!" galit kong sumbat na tanong sa kaniya. Naramdaman ko naman ang kamay ni Mamo na nakahawak sa braso ko. Pero hindi ako nagpatinag doon dahil gusto kong magalit sa aking ama. "Papo, iniwan mo kami, kaya simula no'n… wala ka ng karapatan sa akin!" dagdag kong galit na pagsisisi sa kaniya. 

He gasped. Pinilit niya pa rin ang lapitan ako pero hindi ko siya nais palapitin sa akin. "Anak kita, Maureen!" pag-aangal niyang sabi sa akin, at ipagpilitan ang salitang anak

Hindi ko lubos akalain na pumunta lang si Papo rito para ipamukha sa aking ina na may karapatan pa rin siya sa akin. Galit ako sa sinabi niya, totoong anak niya ako, pero kahit kailan hindi siya nagpakaama sa akin. 

"Yes, anak mo ako! Anak mo lang ako, pero hindi mo pinanindigan ang pagiging ama mo sa akin! At kung may isang tao man ang may karapatang tumawag sa akin ng anak...si Mamo 'yon, at hindi ikaw!"

Pumagitna naman si Mamo sa amin sa ginawa kong pagsigaw sa aking ama. Nilingon niya ako, saka inawat. "Mau, tama na." pag-aalala niyang sabi sa akin, nakita ko naman sa kanyang mukha ang pagkatakot. Saan siya takot, kay Papo ba? Matapos niya akong tiningnan ay binalingan niya si Papo ng pansin. "Umalis ka na, Mackey." pakikiusap niya sa dating asawa. 

My father's shaked his head to decline. Para bang hindi siya sang-ayon sa nais na mangyari ni Mamo. "Hindi ako aalis hangga't 'di ko kasama si Maureen."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga dahil sa aking narinig. Tiningnan ko ng malungkot si Papo, para tanungin siya sa katanungang bumabagabag sa akin.

"Bakit ngayon pa, Papo? Bakit ngayon ka pa bumalik... kung saan okay na kami?"

Umigting ang kanyang panga sa mga katanungan kong iyon. "Okay? Anak, hindi ka okay hangga't si Prizzy ang kasama mo! Mapapahamak ka lang sa kanya!"

How could he afford to say those things to me? Harap ng ina ko? Mapapahamak ako kay Mamo, bakit sa kaniya ba hindi? 

"Bakit, sa 'yo ba safety ako? Ano sa tingin niyo, kung kayo ba kasama ko… magiging okay ako?" puno ng poot kong tanong sa kaniya. "Hindi, at kahit kailan hindi ako magiging okay kung ang taong makakasama ko ay ang taong unang nagparamdam sa akin na hindi ako kamahal-mahal!" Naiyak na ako dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya. 

Nasaktan ako, nasaktan niya ako, kami ni Mamo. Bakit ang lakas ng loob niyang magpakita ulit sa amin? After four years, magpaparamdam siya ulit? 

Nagawa niya nang lumapit sa akin sa puntong ito, hindi kasi ako makaiwas kasi nanghihina na ang aking mga tuhod. "Mau, mahal kita." matamis niyang sabi. 

Mahal niya ako? Wow! Talaga, McKenzie? 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya mula sa aking pagkayuko kanina. "Mahal? Eh, bakit mo ako iniwan? Bakit mo kami pinagpalit sa ibang pamilya? Bakit, hah?!"

Umiling-iling siya, napansin ko rin ang namumuong sakit sa kanyang mga mata. Si Mamo naman ay napapansin ko ang pananahimik niya sa gilig. "Hindi ko kayo pinagpalit,"

Napatunganga ako sa pag-amin ng aking ama. Hindi niya kami pinagpalit? Eh, ano ang ginawa niya, pinagsabay kami sa ibang pamilya? Aangal pa sana ako sa kanyang sinabi kaso nauna na si Mamo. 

"Tama na," si Mamo. Para siyang kinakabahan at natatakot sa ano mang sasabihin ng asawa niya sa akin ngayon. May dapat ba talaga akong malaman? 

"Ano?" I asked with confusion. 

"Hindi ko kayo pinagpalit, Mau."

"Tama na! Mckey, ano ba?! Puwede ba umalis ka na lang?!" natataranta na pakikiusap sa kanya ng aking ina. 

Nalilito na ako sa kanilang dalawa. May gustong aminin si Papo, pero pinipigilan siya ni Mamo. "Anong ibig niyong sabihin?" puno ng kalituhan kong tanong. 

Mas lalong hinigpitan ni Mamo ang paghawak niya sa akin sa ikalawang pagkakataon. Hinarap niya si Papo na puno ng pagmamakaawa. Ang ina kong walang paki, ngayon ay napuno na ng pag-aalala.

Napansin ko rin ang panginginig ng kamay niyang nakahawak sa akin. "Mckey, please, hayaan mo na kami." Her voice cracked. "Kahit ito lang, please?" She pleaded. 

Papo clenched his fist. Is he that mad for what my mother's want? "No. Tell her the truth!" galit na suhestiyon ng aking ama sa kaniya. 

Tinanggal ko ang kamay ni Mamo na nakahawak sa akin para harapin silang pareho. I want to know the truth, the whole damn truth. "Na ano, Papo? Ano ang totoo?!" nawawalan ng lakas kong sigaw na tanong. 

Ihinilamos niya muna ang kanyang mga palad sa kaniyang mukha bago inamin ang katotohanang nagpatigil ng mundo naming lahat. "Pamilyado akong tao bago kayo dumating sa buhay ko."

*****

MAS pinili kong kalimutan muna ang mga nangyayari sa pamilya ko noong nakaraan kesa alalahanin iyon. Gusto kong magpatuloy sa buhay na walang mga negatibong bagay ang aking iniisip, kaya kakalimutan ko muna kahit panandalian lamang ang katotohanang narinig ko mula sa aking ama. 

"Maureen!" masiglang tawag sa akin ni Aleah nang makita niya akong naupo sa upuan ng gym sa aming paaralan. 

Miyerkules ngayon, at tuwing sasapit ang araw na ito ay nandito kami sa gym para mag-ensayo sa isang Mapeh subject namin. As usual, try out na naman para sa isasali sa volleyball pang division meet. 

"Aleah," bati ko sa kanya pabalik nang nakaupo na siya sa aking tabi. 

"Belated happy birthday pala, bhe. Pasensya na at hindi kita nabati sa mismong kaarawan mo, no'ng dumating kasi ako kina Abdiel ay wala ka na. Sayang nga, eh, ipakilala pa naman sana kita sa pinsan ko." mahaba niyang paliwanag sa akin. Ngiti lang ang nagawa kong tugon sa kaniya. "Syanga pala, babawi na lang ako next time for my gift sa 'yo." dagdag niya pang sabi na aking ikinatango. 

"Ok lang 'yon, saka ang mahalaga na bati mo na ako." nakangiti kong tugon sa aking kaibigan. 

Seryoso siyang tumingin sa akin, saka ako tinanong. "Syanga pala, kamusta kayo ni Villarico sa araw na 'yon?" seryoso niyang tanong na ikinakunot ng aking noo. "Tito Marco said kasi na sinundan ka raw niya kasi may nangyari-" I cut him off. Ayaw ko na pati siya malaman niya ang totoo. 

Napahawak ako ng mariin sa aking kinauupuan sa kanyang sinabi. "Ahh, oo, maaga kasi akong nauwi dahil may handaan din sa bahay." I lied up. 

"Okay." Tumango-tango pa siya sa sinabi ko, para bang pinaniniwalaan niya talaga ako. "Grabi, 'no… ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang no'ng nakilala kita, saka lumipat ako rito. Tapos ngayon, malapit na tayong magtatapos ng high school." masaya niyang aniya. 

Tama si Aleah, sobrang bilis ng takbo ng panahon. Lahat nagbago, maliban sa pagkakaibigan namin, at sa angkin niyang kagandahan, hindi lang sa panlabas na anyo pati na rin ang kalooban niya. 

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, saka tiningnan ang mga ibang estudyante na masayang naglalaro ng kung anu-ano sa loob ng gym. 

Mayamaya pa nang naramdam kong natahimik na siya ay saka ko pa siya tinugon. "Oo nga, eh. Noon ang speaking dollar mo pa, ngayon mas magaling ka pang mag tagalog sa akin." 

Ang galing na talaga ni Aleah sa tagalog, para siyang hindi dumaan sa pagka-speaking dollar niya.

She glanced at me with her sweetest smile. "Siyempre, ang galing kaya ng tutor ko." She paused for awhile and held my hands. "Salamat, Maureen, hah?" 

"Para saan?"

"Kasi hindi ka napagod na turuan akong magtalog ng maayos. I owe you a lot."

"Nako, wala 'yon. Sa katunayan nga… kulang pa 'yon sa mga kabutihang pinapakita mo sa akin."

Simula nang maging close kami ni Aleah, wala siyang ibang ginawa kundi ang tratuhin ako ng maayos. Dahil sa kanya, at kay Am, naramdaman kong kamahal-mahal ako at mayroon akong kapatid, kakampi, saka kaibigan. Hindi ko kayang mawala ang pagkakaibigan na mayro'n kami kung darating man ang araw na malalaman niya ang totoo. 

"Bakit ang drama niyo na namang dalawa?" basag na tanong ng isang pamilyar na boses sa aming harapan. 

Napako naman ang tingin namin sa kaibigan naming pogi. "Bakit ang pakialamero mo na naman, hah?" pang-iinis sa kaniya ni Aleah. As always, back to aso at pusa na naman ang dalawa. 

Natawa naman si Am sa ginawang iyon ng kaibigan. Ilang saglit pa ay napatigil ako sa aking kakatawa nang may inabot sa akin ang binata. 

"Oh, para sa 'yo." kalmado niyang sabi, saka inabot ang isang tsokolate. 

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ng isa ko pang kaibigan sa aking tabi. "Si Maureen, lang? Paano ako?" reklamo ni Aleah sa kaniya, saka ngumuso na parang bata.

Am gazed at him and smirked. "Sa susunod, ikaw naman."

"Okay." walang gana niyang tugon kay Am. 

Tinapunan ko ng tingin si Am, saka siya tiningnan ng seryoso. "Bakit ang bait mo sa akin?" I asked seriously. "Pinapag-ibig mo ba ako?" That was a joke, but they took it seriously. 

"Haler, are you gaguing me? Hindi pag-ibig tawag d'yan, paglalandi." Angal ng isa kong kaibigan sa aking tanong. 

Natatawa naman ako sa ekspresyon ni Aleah. Iba talagang tagalog ang babaeng 'to, may halong english. Akalain mo, imbis na gagu, ginawang gaguing? Nagtunog sosyal na naman ulit si brotha. 

I can't imagine my life without these two amazing friend of mine. Dahil sa kanila ay unti-unti ko ng nauunawaan ang pag-ibig, ang pag-ibig na ngayon ay alam ko na ang kahulugan. 

Minsan, ang mga tanong na natin sa buhay ay hindi natin napapansin na tayo lang din pala ang makakasagot sa mga ito. Kagaya ng tanong ko, kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ngayon,  alam ko na, ang tunay na pag-ibig ay dahan-dahan ko ng nakikita sa aking paligid. 

Am massage his temple gentle. "Hm, mas bet ko ang sinabi ni Pm, kesa sa sinabi mo." Pagtatama niya, saka marahang ngumiti. That smile, his sexy smile. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top