Chapter 004
Dedicated to JenroseSuazo
Chapter 004
[Signs of Love]
PAGKAUWI ko sa bahay ay agad kong tinungo ang aking kuwarto, hindi ko na inalam kung nasaan ang aking ina, kasi alam kong gagabihin na naman ng uwi 'yon. Minsan, nag-aalala rin ako kung saan siya napagawi sa ganitong oras, aalis siya ng umaga, uuwi siya naman siya ng gabi. May kung ano nga sa sarili ko na sundan siya balang araw, pero dahil may tiwala ako sa kanya, hindi ko iyon gagawin. Hahayan ko na lang na siya mismo ang magsasabi sa akin ng totoo tungkol sa mga pinaggagawa niya.
Marami-rami na rin ang naiisip ko, kaya naisipan kong ibaling muli ang aking atensyon sa regalo sa 'kin ni Am. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos akalain na reregaluhan niya ako ng cellphone. Ang mahal kasi nito, sayang ang perang kanyang pinambili.
Wala na naman akong magagawa kasi hawak ko na naman at natanggap ko na kaya binuksan ko na lang ito. Binasa ko ang mga app na nakikita ko, saka hinanap ang site na puwede akong mag-search. Nang makita ko ang app na 'Esearch mo' ay dali-dali ko iyong pinindot.
Nang mapindot ko na ang app na iyon ay agad akong nagtypa para sa nais kong i-search na kaalaman.
Typing….
"What is love?"
Searching… .
Ilang segundo rin ang hinintay ko bago lumabas ang resulta ng katanungan na aking hinahanap. Nang makita ko na ang meaning ng salitang love ay bigla akong napaupo ng maayos sa aking kama, para mabasa ko ito ng maayos.
Love?
- Love is bigger than you are. You can invite love, but you cannot dictate how, when, and where love expresses itself.
~Deborah Taj Anapol, Ph.D.
Medyo nalito naman ako sa nabasa ko kasi english siya, hindi kasi ako masyadong nakakaintindi ng english, isa pa hindi ko rin maintindihan ang love na sinasabi sa research.
You can invite love, but you cannot dictate how, when, and where love expresses itself.
Iyon ang tumatak sa isip ko, ibig sabihin ang love ay walang pinipili at kusa mo itong mararamdaman. Kaya pala sabi nila, nakakabaliw talaga ang love.
Ibig ba sabihin, kahit ayaw ako ni Mamo…wala siyang ibang choice kundi mahalin niya ako, kasi ako ang anak niya. Tama ba ang pagkaintindi ko?
Nang may naintindihan na ako sa nalaman ko tungkol sa love ay agad akong nagtypang muli para sa ikalawa kong tanong.
Typing…
Signs of love
Searching…
"12 Signs of love," basa ko sa nakikita kong mga lumalabas na study sa aking sinaliksik. "Sign number one, you feel safe with them." basa ko ulit sa unang sign.
Safe? 'Pag feeling mo safety ka kasama ang isang tao, love na ang tawag do'n? Si Mamo ba, safety ba siyang kasama?
"Sign number two, they listen." I paused suddenly when some questions pop up in my head. "Pinapakinggan naman ako ni Mamo, 'di ba? Mahal niya ba talaga ako? Bakit ang hirap sagutin?" tanong ko sa aking sarili. Napahinto naman ako nang mabasa ko ang sumunod na signs. "They make an effort," Nakagat ko ang pang ibaba kong labi sa aking nabasa.
I know in the first place na ni minsan hindi ko nakita na nag-effort si Mamo para sa akin. Ni hindi niya nga nagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga ina para sa kanilang mga anak. Hindi niya ako niyayakap, hinalikan, ipinagluto at inasikaso, para lang akong wala sa paningin niya. Minsan nga, naitatanong ko sa aking sarili kung anak niya ba ako o hindi.
"Anak niya ba talaga ako?" tanong ko sa kawalan.
Agad naman akong napatigil sa aking ginawa nang may bigla akong narinig na maingay sa labas ng aking kuwarto. Dali-dali naman akong tumayo para alamin ito. Pinasok ba ako ng magnanakaw?
Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ay kinuha ko muna ang payong ko na nakasabit sa gilid ng aking aparador. Nang makuha ko na ito ay dahan-dahan akong lumabas. May naririnig pa rin akong ingay sa labas, yabag ng paa at teka… sumusuka?
Sumusuka ang magnanakaw? Tanong ko sa aking isipan.
Kabado ako, pero ininda ko iyon para alamin ang nangyayari. Nang mabuksan ko na ang aking pinto ay laking gulat ko na lamang nang makita ko si Mamo na nanghihina saka sumusuka sa labas ng aming bahay. Inilapag ko naman agad ang payong na hawak-hawak ko at agad siyang pinuntahan.
Suka lang siya nang suka, kaya nang makalapit ako sa kanya ay dahan-dahan kong hinagod ang kanyang likod.
"Mamo, naglalasing ka na naman?" hindi ko mapigilang tanong. Walang salita na lumabas sa kanyang bibig dahil sumusuka pa rin siya. Nag-aalala na ako sa kanya dahil napapansin kong namumutla na ang kanyang mukha. "Sandali lang po, ikukuha ko muna kayo ng tubig." bilin ko. Agad ko namang tinungo ang maliit at malinis naming kusina para ikuha siya ng maiinom.
Kinuha ko ang pitsel na nasa mesa at ang baso sa gilid nito. Matapos kong malagyan ng tubig ang baso ay mabilis ko iyong dinala sa kinaroroonan ng aking ina.
"Mamo, uminom ka muna," hinihingal kong sabi sabay alok sa kanya ng tubig. Kinuha niya naman iyon saka ininom.
"Wokey na a-ako," sabi niya.
Tatalikuran na niya sana ako kaso nagawa ko siyang pigilan. "Napapadalas na po 'ata ang pag-uwi niyo sa gabi, Mamo. Saan po ba kasi kayo pumupunta?" seryoso kong tanong na nagpahinto sa kanya.
Nilingon niya ako, saka sinamaan ng tingin. "Pakeh m-mo ba, hah?" natatawa niyang tanong pabalik.
"S'yempre anak niyo po ako, kaya may pake ako sa inyo." mahina kong tugon.
"Anak, anak lang kita. Sho please, ishtop a-acting na para bang mash may alam ka pa sha akin." natatawa niyang sabi, at tuluyan akong tinalikuran.
Tumulo bigla ang isang botel ng luha mula sa aking mata sa narinig kong iyon, para akong sinaksak sa kanyang sinabi. Anak niya lang ako, kaya wala akong pake.
Dahil ba natuto na akong masaktan at umiyak, nagmamahal na ako? May alam na ako sa pag-ibig?
Nakita kong nahihirapan siya sa pag-akyat sa hagdanan ng bahay namin, kaya sinundan ko siya para alalayan.
"Tulungan na kita, Mamo. Umakbay ka sa akin." nanginginig kong sabi sa kanya.
Pilit niya akong itulak papalayo, pero hindi ko siya hinayaan na gawin iyon. "Kaya koh ngah sabi, eh." pagpupumiglas niya sa pagtulong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga muna ako para kumalma. "Lasing kayo oh, kaya tutulungan na kita." pagsasabi ko pa.
Galit siyang tumingin sa akin dahil sa pagpupumilit kong tulungan siya. "Ano ba! Lintek, shabing k-kaya ko na!" she exclaimed.
Bigla naman akong nagulat nang malakas niya akong tinulak dahilan ng matumba ako sa may damuhan. Nakita kong nagulat din siya sa ginawa niya. "MauMau," natataranta niyang tawag sa akin.
Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa kanyang ginawa. Naramdaman ko namang sumakit ang aking pang-upo pero binalewala ko lang iyon. Tiningnan ko lang siya gamit ang blangko kong ekspresyon sa aking mukha. Akmang lalapitan niya na sana ako at hawakan ang aking kamay, pero agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya kahit na nakaupo pa rin ako.
"Tama nga ang desisyon ni Papo na iwan kayo, ang hirap niyo kasing intindihan, Mamo." malungkot kong sabi habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Wala naman akong ibang gusto kundi tulungan kayo, eh, pero ako pa 'tong may mali?" dagdag ko pa.
"Mau, sorry," panghihingi niya ng paumanhin.
Tumayo ako para harapin siya ng buo. Nang makatayo na ako ng tuluyan sa harapan niya, saka pa ako nagsalitang muli. "Siguro, ok na rin na hindi ko alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, kasi… ang hirap niyo rin sigurong mahalin." naiiyak kong sabi sabay talikod sa aking ina.
Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay may naramdaman akong mainit na kamay na yumakap mula sa aking likuran. Unti-unti kong tiningnan ang kamay niyang nakayakap sa akin, naiyak naman ako lalo kasi unang beses niya pa akong nayakap simula no'ng ako ay nagkaroon ng malay sa mundo.
Narinig ko ang pagsinghot niya, tila naiiyak siya sa likuran ko. "Sorry, Mau, duwag lang si Mamo. Hindi mo man masyadong alam ang pag-ibig na 'yan sa ngayon, tandaan mo na walang ibon ang nanaising mawala ang kanyang itlog sa binubuo niyang pugad." matino niyang sabi, para bang nawala ang kalasingan niya.
Hindi ako nakaimik o nakakilos sa sinabi niyang iyon, para akong nawalan ng lakas. Wala man akong masyadong naintindihan sa kanyang sinabi, ang tanging alam ko lang mahal niya ako dahil sa mainit na yakap na kanyang binigay sa akin. May bahagi naman sa puso ko ang sumaya, kasi nagawa na akong yakapin ng aking ina.
Parte ng pagmamahal ang magpatawad, magpaubaya at umintindi.
Iyon ang sabi ni Miss Jabhi kanina habang kinukuwento niya sa amin ang 'Ibong Adarna' na isinulat ni Jose dela Cruz.
Ang ganda ng kuwento, marami akong napulot na aral at nadagdagan din ang kaalaman ko tungkol sa pag-ibig na aking gustong alamin.
"So, who among you here can share the moral lessons na nakuha niya mula sa kuwento?" tanong ni Miss Jabhi sa aming lahat. Walang sumagot kahit isa sa mga kaklase ko sa tanong niyang iyon. Napalingon naman ako kay Aleah, para senyasan siya na sagutin ang tanong ni Miss. Hindi siya lumingon sa akin kaya ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa pisara dahilan ng matawag ang apelyido ko. "Yes, Miss Alonzo?" tawag niya sa akin.
Nagpekeng ngiti akong tumingin sa kanya. Paano ko 'to sasagutin? "Po?"
"Anong ginintuang aral ang nakuha mo sa Ibong Adarna?" pag-uulit niya sa tanong.
"Ano po, ang a-aral na nakuha ko is… dapat maging mabait ka sa kapatid at pamilya mo." mahina kong tugon.
Tumaas ang kanyang isang kilay sa nagawa kong sagot. "Ikaw Maureen, naging mabait ka ba sa pamilya mo?"
"Opo," nahihiya kong tugon.
Tumango siya, parang sumang-ayon si Miss sa sinabi ko. "Sa anong paraan?"
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa kaba na aking nararamdaman sa loob ng aking puso. "Sinusunod ko po ang gusto ni Mamo,"
"Tulad ng ano?" she asked again.
"Pag-aaral ng mabuti,"
"So ibig sabihin mahal mo ang Mamo mo, kasi sinusunod mo ang lahat ng gusto niya?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Napansin ko ang pagtitinginan sa akin ng mga kaklase ko, lalo na ni Aleah nang nilingon ko ang gawi niya. Seryoso lang silang nakikinig sa aking mga sagot.
Aminado akong magugulat nga talaga si Miss sa maitutugon ko sa kanya, lalo na't ang katotohanan naman ang pinagbabasehan ko.
"Hindi po," malamig kong pag-amin.
Hindi ko pa alam kung mahal ko ba si Mamo, kasi hindi ko pa alam ang tunay na meaning ng love.
"Hindi? Bakit hindi? Ibig sabihin, hindi mo mahal ang 'yong ina?" sunod-sunod na pagtataka niyang tanong sa akin gamit ang hindi makapaniwala na reaksyon sa kanyang mukha.
I cleared my throat. "Hindi...hindi ko po alam ang salitang p-pagmamahal." Nakita ko naman na napaawang ang kanyang bibig nang marinig niya ang huli kong tugon sa kaniya.
No'ng recess namin ay magkasama kami ni Aleah na lumabas sa aming silid, gusto niya kasi na sabay kaming pumunta sa canteen. Insaktong pagkarating namin sa may pintuan ng room nila ni Am ay lumabas siya galing sa loob.
Nakita ko ang pagngiti niya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Napawi bigla ang kanyang ngiti nang makita niya si Aleah sa aking tabi.
I heard Aleah's outing a breath. "What's with that look, Villarico? Para kang asong hindi makatahol sa kanto." pang-iinis niyang komento sa aking kaibigan.
He smirked. "May kasama ka pa lang feeling anghel, Pm? Sana sinabi mo sa akin kanina, nakabaon sana ako ng holy water ngayon." natatawa niyang tugon.
Natawa na rin ako sa bangayan ng dalawa. Pm and Aleah are not in a good term dahil sa basted-basted na sila lang ang nakakaalam. Puwede na pala sa kasing edad namin ang ligaw? Ano ba kasi 'yon?
Magsasalita pa sana si Aleah, kaso naagaw ang atensyon naming tatlo nang may biglang umagaw no'n sa amin.
"Anong klase kayang tao si Maureen, hindi alam ang pag-ibig, eh." sabi no'ng matabang babae kong kaklase.
Napalingon kami sa kinaroroonan ng tatlong magkaibigan na nag-tsitismisan sa gilid. Nakikinig lang kami nila Aleah at Am sa kanila, suguro hindi nila kami napansin.
"Oo nga, 'no? Tapos hindi niya raw mahal ang mommy niya, like hindi ba nag-eexist sa mundo nila ang love?" saad pa no'ng kaibigan niyang quickchow ang buhok.
Nang masabi iyon ng kulot ang buhok kong kaklase ay nagtawanan silang tatlo. Nanliit naman ako sa sarili ko kasi tama nga naman ang mga sinasabi nila. Wala akong alam sa love, hindi nag-eexist sa mundo ko ang pag-ibig.
"Pati nga si Miss, eh, hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina-" putol na sabi ng isa nilang kaibigan.
Hindi niya magawa na tapusin ang nais niyang sabihin nang lapitan sila ni Aleah, at pagalit silang hinarap.
"Do you think doing tsismis like this can make you guys pretty?" mataray na tanong ni Aleah sa kanila.
"Aleah, hayaan mo na," pag-awat ko sa kanya.
She shakes her head. "Nope. They're doing bad habit so, we should make them stop." inis niyang tugon.
"Stop it, Villahermosa." sambat ni Am sa usapan na siya namang ikinalingon naming lahat sa kanyang kinatatayuan. Kunot ang noo ni Aleah na nakatingin sa kaniya, tila ba nagtatanong siya sa ginawa niyang pagpigil. Binalingan niya ng pansin ang tatlong magkakaibigan bago nagsalitang muli. "You," turo niya sa tatlo. "Get rid of this place now, or else… I will make you guys walk using your hands." malamig niyang utos na ikinagulat naming lahat. Dahil sa ginawa niyang iyon ay agad kumaripas ng takto ang magkakaibigan, para bang takot na takot sila kay Am.
Natawa si Aleah sa kanyang ginawa at napapalakpak ng wala sa oras. "Mas malala ka pa sa akin, Villarico. Look, baka makaihi sa saya nila ang mga 'yon dahil sa pananakot mo." komento niya kay Am sa ginawa niya sa mga kaklase namin.
He wet his lips. "Basta si Pm na ang pinag-uusapan, I can be a carnivore in just a glimpse." tugon niya, saka naunang maglakad sa amin papuntang canteen.
*****
"KAHIT saan Villarico, ang hilig mo talagang mag-walkout." inis na tanong ni Aleah kay Am nang makarating kami sa puwesto niya rito sa canteen.
Maraming tao ang nasa paligid at lahat sila ay may kanya-kanyang grupong kinabibilangan habang nag-i-snack. Hindi naman masyadong maluwag ang lugar, pero ang linis at sarap sa mata ang makikita mo sa paligid. Naka-organized ang mga estudyante, at hindi maingay o magulo.
Umupo na kami sa harapang upuan sa p'westo niya. May dala na rin kaming mga pagkain namin na in-order namin kanina bago siya sundan dito.
Nang makaupo na kami ay narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Am.
Nag-angat siya ng tingin para tugunin ang hindi kasundo na si Aleah. "Bakit, ano naman ang gagawin ko? Pagtiisan ang nakakasawa mong mukha?" he chuckled.
"Whatever." she replied and rolled her eyes. "Hey gorgeous, are you ok?" baling na tanong niya sa akin.
I nodded as I reply at her. "Ahm, o-oo, may iniisip lang ako."
Napatingin na rin sa akin si Am sa tanong na iyon. "Ano, 'yong tungkol na naman sa sinabi ng mga ugly ducklings na 'yon kanina?" he asked seriously.
I shaked my head to say no. "Hindi, si Mamo,"
Nagtakang tingin naman sa akin si Aleah na nasa aking tabi. "Mamo? You mean… your mom?" she paused before she continued to her next question. "Oh, anong nangyari sa kanya?" she added.
I gulped hard as I calmed myself a little down. "Nagtataka na kasi ako sa kanya, eh. Sa umaga, hindi ko na siya naabutan kung gigising ako, tapos gabi na siyang uuwi. Alam niyo 'yon, para bang may tinatago siya sa akin." paliwanag ko gamit ang nag-aalala kong boses.
Nabitawan ni Am ang hawak-hawak niyang juice saka inilapag sa mesa. Umayos muna siya sa kanyang pagkaupo bago magsalitang muli. "How about, tanungin mo ang Mamo mo, kung ano ang ginagawa niya?"
"Or else, follow her. I mean, magiging spy ka para malaman mo." si Aleah.
I shrugged, like I'm losing hopes. "Ewan ko, hindi ko alam."
Sa halip na pag-usapan pa namin ang problema ko ay biglang iniba ni Aleah ang usapan, ikinataka ko naman ang nais niyang mangyari.
"Nako guys, chill lang tayo. Don't stress yourself too much. Mabuti pa ay samahan niyo na lang ako sa bahay mamaya." She invited us full of excitement.
"Anong mayro'n?" taka kong tanong.
"Wala lang, gusto ko lang kayong ipakilala sa parents ko."
"Kilala ko na parents mo," si Am.
Umiling siya, saka ako tiningnan. "Si Maureen, I want her to meet my parents."
"Are you ok with that, Pm?" Am asked using his cold voice.
I bit my lips. "Hindi 'ata ako makakasama,"
"Ah, so sad naman," manghihinayang na sabi ni Aleah.
Ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya. Gusto kong sumama, pero baka magagalit na naman sa akin si Mamo, lalo na kung gagabihin na naman ako sa pag-uwi tulad no'ng dati.
I caught Am's eyes gazing at me. "Nope. Sasama tayo, sasamahan kita."
"Yehey!" masayang sigaw ni Aleah.
"Am-" angal kong naputol dahil nagsalita ulit ang nasa tabi ko.
"Final answer na Maureen, sasama ka sa bahay." Nang masabi niya iyon ay agad niyang kinain ang donut na in-order niya kanina.
"Paano si Mamo," pagrereklamo ko.
Napatigil naman silang dalawa sa kakain, at binalingan ulit ako ng tingin. "Explain to her after na lang, and also baka nandoon din si Tito." normal na suggestion ni Aleah.
Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. "Tito?"
She nodded slowly. "Yeah, 'yong ka-apelyido mo, remember?" tanong niya sa akin na ikinabilis ng tibok ng aking puso.
The man who has the same surname like mine? Ang lalaking hindi ko magawang kalimutan simula no'ng marinig ko ang kanyang pangalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top