Chapter 003

Dedicated to yraimreus

Chapter 003
[Regalo With Love]

UMAGANG-UMAGA pa pero feeling ko parang walang liwanag ng araw na aking masisilayan ngayon. Nandito pa ako sa loob ng aking kuwarto, nagmumukmok na tila ba ayaw lumabas sa lunggang kinalalagyan.

Sabado ngayon, kaya wala kaming pasok. Hindi naman ako ganito tuwing sabado, ngayon lang ako nagkaganito dahil sa aking nasaksihan kagabi. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mamo, at kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko siyang tanungin, pero hindi ko alam kung papaano at sa anong paraan.

Bakit niya ginawa sa akin iyon? Bakit niya ako pinagtangkaang patayin? Hindi niya ba ako mahal? Wala ba siyang nararamdaman na pag-ibig para sa akin, bilang kanyang nag-iisang anak?

Kung napatay niya ba ako, pagmamahal din 'yon? Senyales ba na mahal mo ang isang tao kung napatay mo siya? Kung gano'n, muntik niya na akong minahal kasi muntik niya na akong patayin.

"MauMau, anong oras na nakahiga ka pa rin d'yan!" malakas na sigaw ni Mamo sa akin mula sa labas ng aking kuwarto. Imbes na matakot ako sa pagsigaw niyang iyon ay binalewala ko lang siya.

Ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang harapin, naguguluhan pa ako.

Ipinagpatuloy ko lang ang aking pag-iisip ng kung anu-ano habang yakap-yakap ang human size na stitch na unan na binigay sa akin ni Am no'ng nag-12 years old ako. Ito ang unang regalong aking natanggap sa tanan kong buhay, si Am pa lang ng nakapagbigay sa akin no'n.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng aking maliit na kuwarto, alam ko na si Mamo iyon kaya hindi ko siya binalingan ng pansin.

"Anong drama mo, Maureen, at nagmumukmok ka riyan?" tanong niya nang makapasok siya ng tuluyan sa aking silid.

"Masama lang po ang pakiramdam ko, Mamo." I lied up.

Humakbang siya papalapit sa akin dahil sa sinabi kong iyon. Nakita ko siyang huminto sa harapan ko, saka bahagyang hinawakan ang aking noo, para bang inaalam niya kung may lagnat ba ako.

"Wala kang lagnat, Maureen. Tumayo ka na riyan at tulungan mo ako sa gawaing bahay." she said casually.

Akmang aalis na sana siya kaso napigilan ko si Mamo nang magsalita ako gamit ang malungkot kong boses. "Mamo, mahal mo ba ako?"

Nakita ko na napatingin siya sa akin na may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. "Bumangon ka na sabi, eh." pag-iiba niya sa usapan.

"Mahirap ba akong mahalin?" tanong ko pa. Kunot ang kanyang noo nang maitanong ko iyon sa kanya. "Sabi kasi ni Ma'am, kung mahal ka ng isang tao, yayakapin ka niya tuwing umaga, hahalikan, at bibigyan ng pasalubong. Hindi niyo po 'yon ni minsan ginawa sa akin, Mamo. Ibig ba sabihin no'n... hindi mo ako m-mahal?"

Naramdaman kong nanunubig ang aking mata saka nanlalabo ito. Hinayaan ko na lang na tumulo ang aking luha dahil gusto kong ipakita sa aking ina na nasasaktan ako.

Tumikhim siya. "Wala kang alam tungkol sa pagmamahal, Maureen. Itigil mo na 'yang mga katanungan mo, wala kang mapapala d'yan." inis niyang sabi.

Umupo ako sa aking kama mula sa aking pagkahiga. Pinunasan ko muna ang mga luha kong tumutulo. Nakita ko si Mamo na nakapako sa kinatayuan niya, para siyang nagdadalawang-isip sa gagawin niyang kilos. Maliit lang ang kuwarto ko kaya medyo malapit siya sa akin. Nakatalikod siya, kaya nakaharap niya ang larawan naming tatlo nila ni Papo no'ng ako ay bata pa.

Napansin ko ang marahan niyang paglunok, tila ba may naalala na naman ito mula sa aking ama.

"Narinig ko po kayo kagabi," paos kong sabi. Dahil sa pag-amin ko ay bigla siyang napaharap sa akin ng mabilis.

Dilat na dilat ang kanyang mata sa sobrang gulat, para siyang hindi mapalagay sa kaniyang nalaman. "Mau,"

"Kung napatay mo ba ako, Mamo...mahal mo ako? Parte ba ng pag-ibig ang pumatay ng tao?" sunod-sunod na walang kamuwang-muwang kong tanong.

Umiling-iling siya. "MauMau, itigil mo na 'yang mga tanong mo, hindi 'yan makakabuti sa 'yo." iyan lang nasabi niya.

"Gusto ko ng m-mamatay Mamo, para m-maramdaman ko ang p-pagmamahal mo." iyak kong tugon.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, at kung bakit ako nasasaktan. Parte rin ba ito ng pag-ibig? Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam sa pagmamahal?

She massage her forehead angrily then, she looked at me. "Maureen, sabi ko tama na! Itigil mo na 'yang kakaalam mo sa pag-ibig na 'yan, mapapahamak mo lang ang sarili mo!" she exclaimed.

"Gusto kong alamin, Mamo! Ang hirap... ang hirap ng ganito. 'Yong mga kaklase ko, mga taong nakapaligid sa akin... alam nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, nagmamahal sila, s-samantalang ako, wala akong alam, ni hindi ko maramdaman!" I cried out loud.

She gulped hard to calmed herself. "13 years old ka pa lang Mau, pero ang dami mo ng alam. 'Yong ibang bata sa ganyang edad mo, wala silang ibang ginawa kundi ang mgalaro. Pero ikaw, pagmamahal na ang inaatupag mo..." paliwanag niya sa akin. Binasa niya ang kanyang labi para magsalitang muli. Napapansin ko rin na naiilang siyang tingnan ako sa aking mga mata. "Matalino kang bata Maureen, kaya alam kong... ikaw mismo sa sarili mo ang makakasagot sa mga katanungan mong iyan."

Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin gamit ang malamig niyang boses ay tuluyan niya na akong iniwan sa aking kuwarto. Nais ko pang pigilan si Mamo, nais ko pang alamin ang lahat ng katotohanan sa likod ng mga tinatago niya sa akin, pero kahit kunting ideya ay wala akong alam kung paano ko iyon gagawin.

Nang sumapit ang hapon ay namasyal ako sa lugar na madalas kong puntahan, ang lugar kung saan ako naabutan ni Aling Gorya at Am noong nakaraang araw. Madalas talaga akong tumambay rito kasi presko ang hangin at walang ingay, malayo sa negatibong bagay na nakukuha ko mula sa bahay namin.

Nasa tabi ito ng daan, wala namang dumadaan ng mga sasakyan dito kaya ang mga taong nakikita mo ay naglalakad lamang. Napapalibutan ito ng malalaking punong kahoy, malamig at may sariwang hangin. Marami ring makukulay na bulaklak ang makikita mo sa paligid, sa kabilang dako naman ay may makikita kang taong masayang nagtatanim ng palay. Mayroon ding upuan at mesa rito, kaya nagustuhan ko talagang dito mamalagi kasi komportable itong 'pag tambayan.

"Maganda siguro magtayo ng bahay rito, hon. What do you think?" isang malakas na boses na nagpabalik sa akin sa realidad.

May nakita akong tatlong tao sa may 'di kalayuan ko, masaya silang nakatingin sa isang malawak na lupain, sa kanila siguro iyon.

Lumapit sa kaniyang ang isang maputing babae na may kulay brown ang buhok. Artista ba sila? Bakit ang gagara ng kanilang mga kasuotan? Nagtataka rin ako nang may nakita akong isang mamahalin na sasakyan na nakaparada sa kanilang tabi. Paano 'yan nakapasok dito kung ipinagbabawal ang sasakyan sa pribadong lugar na 'to? Ibig sabihin... sa kanila nga ang lupaing ito?

"Okay lang naman sa akin, maganda siya, but how about you, sweetie? You like the place?" tanong ng ginang sa kanyang anak.

Nang marinig ko iyon ay nakita ko ang isang batang babae, para siyang isang prinsesa dahil sa sobrang ganda ng kanyang suot, mahaba at kumikinang ang kanyang buhok dahil sa sobrang ayos nito. Ang kaniyang balat ay parang walang gasgas dahil sobrang kinis. Hindi ko mapagkailang naiinggit ako sa kanya.

"Yes po, mmy, ang ganda rito eh. I think baby Jr will love this place too." masayang komento ng batang babae. Kagaya pala siya ni Am, speaking dollar din.

Sa tinding niya ngayon, siguro magka-edad kami. Sa St. Jude rin kaya siya nag-aaral? Ah, hindi yata, mayaman eh. Pero possible, kasi si Am nga na mayaman sa public school nag-aaral, eh.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang tumingin siya sa akin bigla, kinakabahan ako sa tingin niyang iyon kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Look Mommy, may bata oh," sabi niya sa kanyang ina. "Puwede ko ba siyang lapitan?" she asked with excitement.

Napalingon ako ulit sa kanila nang marinig ko iyon.

"Be careful, hindi mo pa siya kilala." bilin ng kanyang ina. Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi ng mommy niya.

Nakita ko ring binalingan ako ng tingin ng kanyang ama, ngumiti siya ng bahagya sa akin. "Hayaan mo na, hon. She needs that, socializing with others." nakangiti niyang sabi sa asawa.

Sa sinabing iyon ng kanyang daddy ay agad kumaripas ng takbo ang bata papunta sa akin. Nang makalapit na siya ay nakatulala lang ako dahil sobrang ganda niya lalo sa malapitan.

"Hi," she greeted. Sa halip na sagutin siya sa pagbati niya ay palihim kong inamoy ang aking sarili dahil nahihiya ako sa taglay ng bango na aking naaamoy. "Shy ka ba?" she asked. I remained silent, like hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Don't be hiya to me, mabait naman ako, hindi kita aawayin." she added with a smile. "I'm Aleah Joharra Villahermosa, what's your name?" pakilala niya sa sarili, saka inalok sa akin ang kanyang kamay. Wala akong magawa kaya kinamayan ko siya kahit nahihiya ako.

"Priscilla Maureen Alonzo," nahihiya kong pakilala pabalik.

"Ang haba rin pala ng name mo, can I call you Maureen na lang instead of Priscilla Maureen? Ah, you can call me Aleah also...para madali lang bigkasin." mahaba niyang paliwanag. Tumango naman ako sa nais niya.

"Lupa niyo ba 'yang tinitingnan ng parents mo? Dito rin kayo nakatira?" tanong ko.

She shakes her head. "Nope. Actually, hindi kami rito sa Santa Ines nakatira, pero 'yang lupa na 'yan, amin 'yan."

I nodded to agree. "Mayaman pala kayo?"

"Ano sa tingin mo?" she asked back. "By the way, how are you related to Tito McKenzie Alonzo?" seryoso niyang tanong na siyang ikinagimbal ng aking mundo.

*****

LUNES ngayon kaya pasukan na naman. Maaga akong nagising kanina tulad ng inaasahan ko, pagkagising ko rin ay hindi ko na naabutan si Mama, kaya ako na naman ang naghahanda ng kakailanganin ko bago makapasok sa school. Hindi ko rin alam kung saan siya pupumunta sa ganitong oras.

Binilisan ko ang aking kilos para makapasok ako agad sa room namin. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya laking gulat ko na lang nang may nabangga akong tao kaya napahinto ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya para malaman ko kung sino ang aking nabangga, laking gulat ko na lang nang makita ko si...

"Aleah?" gulat kong tanong.

"Hi, Maureen." nakangiti niyang bati.

"Teka, paano? Dito ka nag-aaral?

Nagtataka talaga ako kung paano napunta rito si Aleah, like me naka-uniporme na rin siya. She's wearing a color blue skirt, white T-shirt na may blue na nakadisenyo sa gilid, napansin ko rin na kakaiba ang necktie niya. Kung sa amin ay necktie talaga na isasabit pa sa leeg, ang sa kanya patang ribbon lang.

She smiled. "Yes, kakalipat ko lang kanina. Gusto kasi kita maging frenny, eh, kaya I told my parents to be there na rin." normal niyang paliwanag sa akin.

Napahawak ako sa sling ng aking shoulder bag sa kanyang paliwanag. "What? Malapit na ang end of school year, pinayagan ka pa rin ng school na lumipat?" taka kong tanong ulit.

She crossed her arms strictly. "Money can work, Darling." kampante niyang sabi saka hinawi ng maarte ang kanyang magandang buhok.

Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko nagawa kasi may tumawag sa akin sa likuran.

"Pm!"

Hinarap ko siya. "Am?"

Napawi ang nakangiti niyang postura na nakaharap sa akin nang makita niya ang kausap ko. "Teka, Aleah? What are you doing here?" he asked full of curiosity.

Aleah gulped then, chuckled. "Hindi ba obvious? Ano ba ang ginagawa ng isang student sa paaralan, 'di ba nag-aaral?"

Tama nga naman, kaya siya nandito kasi nag-aaral siya, at isa rin siyang estudyante. Bakit hindi naisip ni speaking dollars 'yon?

"I mean, sa private school ka nag-aaral at hindi rito." pagtatama niya sa kanyang unang sinabi.

Magkakilala sila? Paano? Bakit walang nabanggit si Am na may kilala siyang isang Villahermosa? Sabagay, pareho silang mayaman kaya pamilyar sila sa isa't isa.

Aleah rolled her eyes at him. "Mind your own business, Villarico."

"Magkakilala kayo?" hindi ko mapigilang takang tanong.

"Yeah, I know that idiot." si Aleah.

"Aleah," pagsasaway ni Am sa kanya.

I saw Aleah's chuckling. "Kaya siya galit sa akin kasi binasted ko siya."

Basted? Ano 'yon? "Anong binasted?"

"You know, he do ligaw-ligaw to me, and I don't like him, kaya binasted ko siya."

Napasin kong nag-iba ang reaksyon ni Am sa sinabi ni Aleah sa akin. Bakit, ano ba kasi ang basted? Hindi naman kasi 'yan tinalakay sa klase, eh.

"Hah? Hindi ko gets." naguguluhan kong tugon.

Tinawanan niya ako sa sinabi kong iyon, si Am naman ay para siyang naapektuhan sa sinabi ni Aleah dahil natahimik siya sa gilid. "Gaga, hindi ka pa ba na in love or hindi ka pa ba nagkagusto?"

Kinamot ko muna ang ulo ko bago siya tinugon. "Hindi ko nga alam ang pag-ibig na 'yan, eh."

"Jusko Maureen, open your heart not just your eyes, para makita at maramdaman mo ang litseng pag-ibig na 'yan!"

Hindi talaga nag-sink in sa utak ko ang gustong ipaintindi sa akin ni Aleah. Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko nang napansin kong may humawak sa akin doon. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kuryente, at hindi ko alam kung bakit.

"Halika na, Pm, bayaan mo na ang babaeng 'yan. Sumama ka muna sa akin, kung anu-ano na lang ang sinasabi." sabi ni Am habang nakahawak sa akin kamay.

Napaawang naman ang bibig ni Aleah sa kaniyang nasaksihan. Sa halip na pansinin iyom ay nagawa ko ang magtanong kay Am. "Saan tayo pupunta?"

He shrugged. "Basta, follow me."

Dahan-dahan niyang hinila ang aking kamay para makaalis. Nahakbang ko na ang aking paa saka nagsalitang muli si Aleah.

"Hey, you'll leave me there ba?!" oa niyang tanong.

Nilingon namin siya ni Am, at nakita ko ang naiinis niyang mukha. "Money can work, right? Kaya gamitin mo 'yang pera mo!" sabi ni Am, saka nginitian siya na pang-aasar at tuluyan namin siyang iniwan.

Mahaba-haba na ang nilakad namin ni Am palabas ng school. Hindi ko alam o wala akong ni kunting ideya kung saan kami pupunta.

"Magkakilala pala kayo ni Aleah?" basag niyang tanong sa gitna ng katahimikan na namamayani sa aming dalawa.

I nodded. "Ah, oo, nakita ko kasi siya sa Santa Ines no'ng nakaraang araw." I paused and gazed at him. "Ikaw, bakit niya sinabi na binasted ka niya?" tanong ko pabalik.

"Kalimutan mo na 'yon, 'wag kang nagpapaniwala sa kaniya, hindi 'yon totoo." natatawa niyang aniya.

I bit my lip kasi feeling ko nahihiya ako sa sunod kong itatanong sa kaniya. "Ano ba kasi 'yong ligaw?"

He looked at me seriously. "One day you'll know, kasi gagawin ko 'yon sa 'yo."

"Hah, paano?"

Natawa naman siya sa tanong ko. Bakit ba kasi ang dami kong hindi alam. Sabi nila bata pa raw ako kaya hindi ko pa naiintindihan ang mga bagay, pero bakit si Am, kahit magka-edad lang kami, alam niya na lahat?

"Tsk. Bilisan mo na lang 'yang kilos mo para makarating tayo sa sasakyan ko agad." he chuckled.

"Ano ba kasi gagawin natin do'n?"

"Basta,"

Wala na naman akong masabi kaya kagaya ng sabi niya ay binilisan ko na rin ang aking kilos para makarating kami agad sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.

Mayamaya ay nakita na namin ang kanyang Lamborghini kaya mabilis namin itong tinungo. Ang sarap talaga sa matang tingnan ang kulay pink niyang sasakyan. Akalain mo ka lalaking tao, pero mahilig sa kulay pink. Sabi niya pa, ang tunay daw na lalaki ay hindi nababaklaan sa kulay pink na mga bagay. Tama nga naman siya, ang astig nga, eh. Ang unique talaga ng Villarico na 'to.

Binuksan niya muna ang front seat ng kanyang sasakyan saka may kinuha roon. Nakatayo lang ako sa labas habang naghihintay sa kaniya.

"Yan," sabi niya sabay abot sa akin sa isang kulay pink na paper bag. Pati 'to, pink din?

Kunot ang noo ko namang napatingin sa kaniya. "Ano 'to?"

He sighed. "Buksan mo nang malaman mo." Nagawa niya pang isandal ang kanyang likod sa kanyang kamahal-mahal na Lamborghini, saka ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang uniporme.

Nang mabuksan ko iyon ay lumaki ang aking mata sa aking nakita. "Cellphone? Para saan 'to?"

Binasa ko ang nakasulat sa box. Ang mahal ng cellphone na ibinigay niya, 10,000 pesos, seryoso? Realme, bakit ang mahal mo masyado?

He bit his lips and smirked. "Para sa 'yo. 'Di ba marami kang tanong na gustong alamin, like love, senyales ng pag-ibig, isama mo pa 'yong ligaw at basted. So, using that one, masasagot mo ang mga katanungan mo." mahaba niyang paliwanag.

"Pero Abdiel, 'di ba mahal 'to?" pag-aangal ko sa kanya.

Mahal naman talaga kasi. Oo, matutulungan nga ako nito, pero ang mahal.

He smirked. "Walang mahal sa nagmamahal, Pm. Take it, sa 'yo na 'yan. Nand'yan na rin ang number ko para ma-kontak mo ako agad. Isipin mo na lang na regalo ko 'yan with love." nakangiti niyang tugon sa akin.

Nakaramdam naman ako ng mabilis na tibok sa aking dibdib, parang mga asong nagkaroon ng karera sa loob.

I looked at him in his eyes, nakita ko rin siyang nakatitig sa aking mga mata pabalik. "Love? Mahal mo ako?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top