Chapter 002
Dedicated to sweetlittledevil19
Chapter 002
[Sugat ng Pag-ibig]
SASAKAY sa jeep tuwing uwian. Iyan ang nakasanayan ko mula no'ng nag grade seven ako. Kung ang ibang estudyante ay may taga-sundo o may mga magagara silang sasakyan, kabaliktaran naman iyon sa akin.
Ganito na ang nakasanayan ko, pagtitiyaga akong maghintay ng jeep para makauwi sa bahay. Naiinggit nga ako sa iba kong kaklase, eh, kasi sila may mga magulang silang sumusundo sa kanila, samantalang ako ay wala. Kahit no'ng nasa elementarya pa ako, hindi ko naranasan iyon.
Hapon na pero matulis pa rin ang sikat ng araw. Marami akong estudyanteng nakikita sa paligid na busy sa kahihintay ng masasakyan kagaya ko, at ang iba naman ay nakasakay na.
Ang gandang tingnan ng mga estudyante rito sa St. Jude tuwing ganito ang eksena, kasi lahat ng estudyante ay naka-uniporme, kaya masarap sa mata kung tingnan.
Napalingon ako sa may bandang gilid nang may narinig akong mag-ina na parang nagtatalo.
"Mommy, sinabihan na kitang huwag na akong sunduin, 'di ba? What are you doing here?" inis na pagrereklamo ng kaklase ko.
Minsan naiinis ako sa mga estudyanteng ganyan. Ang suwerte nga nila, eh, kasi love sila ng magulang nila kaya sila sinusundo.
Napapikit ng mariin ang kanyang ina, saka siya tinugon. "Baby, para sa safety mo naman 'to." mahina niyang paliwanag.
Her daughter rolled her eyes at her. "Kahit na, and please stop calling me baby, I'm not bata anymore!" pagalit na tugon niya sa kanyang ina, saka niya iniwan at pumasok sa sasakyan.
Naawa ako sa ina ng kaklase ko, akmang lalapitan ko na sana siya kaso may pumigil sa akin.
"Pauwi ka na?" tanong ni Pm. Napalingon naman ako sa aking likuran kung saan siya nakatayo.
Kagaya ko naka-uniporme rin siya. Sobrang nate niyang tingnan sa suot niya ngayon, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit palagi siyang may ribbon bilang most nate student of the year tuwing recognition namin.
Tumango ako. "Ah, oo, naghihintay lang ako ng jeep,"
"Sumabay ka na sa akin, nandyan na naman si Manong Neri." Alok niya.
Umiling ako para tumanggi. "Huwag na, may pamasahe pa naman ako."
Bumuntong-hininga siya at seryoso akong tiningnan. "Pm, 'wag ng matigas ang ulo. Sumabay ka na lang, saka ipunin mo na lang 'yang pera na mayro'n ka." nagpupumilit niyang sabi.
Nakagat ko ang loob ng aking pisngi. Wala na naman akong takas sa kaibigan kong 'to. "Okay lang talaga, Am." pagpapalusot ko.
Umigting ang kanyang panga. "Priscilla Maureen Alonzo?!"
"Oo na, sasabay na ako," walang choice kong sabi at napakamot sa aking ulo.
He smirked. "Good,"
Agad kaming pumasok ni Am sa kanyang sasakyan, tama nga siya nandito na nga si Manong Neri. Nang makapasok na kami sa loob ay nagulat ako kung bakit siya tumabi ng upo sa akin. Dapat kasi nasa front seat siya para may katabi at makausap si Manong.
"Bakit dito ka umupo?" tanong ko sa kanyang nang maupo siya sa aking tabi.
Nilingon niya ako na nakataas ang kanyang isang kilay. "So what? This is my car, remember?"
Oo nga, bakit hindi ko man lang naisip 'yon? Pero that's not what I mean.
"I mean, walang kasama si Mang Neri sa harap, wala siyang makakausap." sabi ko habang nakatingin sa driver's seat.
"Ayos lang naman ako rito, Ma'am Maureen." biglaang sabi ni Mang Neri.
He chuckled, like he's teasing me. "See? Okay lang siya so, you stop acting na para bang mali ko pa talaga ang tabihan ka rito."
"Wala naman akong sinabing gano'n," nahihiya kong tugon.
Tumikhim siya, saka ako tinanong gamit ang mahinahon niyang boses. "Kamusta ang klase mo?
"Gano'n pa rin,"
Hindi kami magkaklase ni Am, nasa kabilang section kasi siya. Kung ako nasa section B, nahihiya naman ako sa katalinuhan ng lalaking 'to kasi nasa section A siya.
Matalino naman talaga si Abdiel, kalog nga lang. Sa katunayan, nahihiya nga akong kausapin siya minsan eh, kasi ang sosyal niyang mag-english. Sabi nga ng mga kaklase ko, speaking dollar daw ang isang Abdiel Matthew Villarico.
"Kinukulit mo na naman ba ang teacher mo about sa love na 'yan?" natatawa niyang tanong sa akin.
Inirapan ko siya dahil alam kong nagsisimula na naman siyang inisin ako.
"Hindi," iyan lang ang nasabi ko.
"Nah, I'm not satisfied with your answer." Nang masabi niya iyon ay naramdaman ko ang pag-andar ng Lamborghini niyang sasakyan.
Bumuntong-hininga ako. Hirap talagang papaniwalain ang Villarico na 'to. "Oo na, tama ka na. Ano naman sa 'yo kung kinukulit ko na naman si Miss Salazar?" inis kong aniya.
"Bakit ba kasi atat na atat kang alamin ang love na 'yan, hah?"
Tinarayan ko siya dahil naiinis na naman ako sa kanya. "Pake mo ba? Bakit ikaw ba, hindi?"
He bit his lip. "Minsan, pero hindi ako desperado kagaya mo."
Desperado, iyon din ang tingin ko sa aking sarili, hindi lang minsan, but most of the time. Bakit ba kasi ako pa ang pinagkaitan ng pagmamahal? Bakit ako pa 'tong gustong mahalin, ako pa 'tong hindi alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig? Gano'n na ba talaga kagalit sa akin ang mundo?
13 years old pa ako, pero alam ko mismo sa sarili ko na hindi na ako bata para pagpapaniwalain ang aking sarili na alam ko ang pag-ibig. Hindi ko alam, wala akong alam.
"Magkaiba naman kasi talaga tayo," I paused to trailed off. Nakita ko naman na kunot ang noo niyang tumingin sa akin, ako naman ay nanatili lang sa daan ang buong atensyon. "Ikaw, mahal ka ng parents mo… samantalang ako, hindi ko minsan naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal." malungkot kong dagdag na paliwanag.
Napaayos naman siya ng upo sa sinabi kong iyon, para bang nahihiya siya sa akin. Magkaiba nga naman talaga kami.
"Salamat, Mang Neri!" pagpapasalamat ko nang makalabas na ako sa sasakyan ni Am ng tuluyan. "Salamat," nahihiya kong pasasalamat sa kaniya. Nginitian niya lang ako, saka bumaba sa kanyang sasakyan at maingat akong inalalayan pababa.
"Ihahatid muna kita sa bahay niyo," Pag-aalok niya sa akin. Agad naman akong umiling bilang pagtanggi.
"Huwag na, kaya ko namang umuwing mag-isa." pagpapalusot ko. Tumango naman siya at ngumiti.
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilain ng malakas, sobrang bilis no'n kaya nataranta ako. Ilang sandali pa ay may nahulog na kung ano mula sa kinatatayuan ko. "Pm!" sigaw niya kasabay ng pag-ilag namin mula sa nahuhulog.
Nakita ko namang bumagsak sa lupa ang isang sanga ng puno, at malaki-laki rin iyon. Mabuti na lang nakailag kami.
Napako naman ako ng ilang segundo nang napagtanto kong nakayakap na pala ako sa kanya dahilan ng maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. Mayamaya pa nang mapansin niyang napatingin ako sa kanyang mukha ay kumalas siya mula sa pagkayakap sa akin.
Tumayo muna siya ng maayos saka ako kinamusta. "Ayos ka lang?"
"Oo, ikaw?" pag-aalala kong tanong.
Sasagot na sana siya kaso naunahan siya ni Mang Neri, na siya namang kakalabas niya mula sa sasakyan. "Nako Sir, may sugat kayo sa kamay." natataranta na komento ni Mang Neri, ikinakaba naman iyon ng aking dibdib.
Pareho kami ni Am na nakatingin sa kanyang kamay na nasugatan. Nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi nang makita ko na dumudugo nga ito.
"May sugat ka," My voice broke.
Hinawakan niya ang sugat niyang iyon, at marahang pinunasan gamit ang panyong nakuha niya sa kanyang bulsa. Sa halip na mag-aalala pa ako, bigla naman akong natawa sa aking isip nang napagtanto ko ang kulay ng panyo na kanyang hinawakan. Pink? Seryoso siya?
I snapped to reality when he talks again, kaya napatingin ako sa kanyang mukha ng diretso. "Ayos lang 'to, malayo 'to sa bituka." kampante niyang sabi.
Kinusot-kusot ko ang saya ng aking uniporme dahil kinakabahan talaga ako sa kanya. Hindi naman masyadong malaki ang sugat sa kanyang kamay, pero nag-aalala talaga ako. "Baka papagalitan ka ni Aling Gorya n'yan?"
"Hindi naman siguro. And besides, sugat naman 'to ng pag-ibig." nakangiti niyang sabi na ikitawa naman ni Mang Neri.
*****
GABI NA akong nakauwi sa bahay dahil tinulungan ko pa si Am, para gamutin ang kanyang sugat. Hindi kakayanin ng konsensya ko na hayaan siyang gano'n, lalo na't ako ang rason kung bakit siya nasugatan.
Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa akin kanina. Alam kong nagbibiro lang siya, pero kakaibang kaba naman ang dulot ng sinabi niyang iyon sa aking dibdib.
Kinakabahan ka rin ba, kung pumapag-ibig ka?
"MauMau, bakit ngayon ka lang?! Anong oras na, uwian pa ba 'to ng matinong estudyante?!" galit na salubong na tanong sa akin ng aking ina.
Inilapag ko muna ang aking gamit sa mesa, saka magmano sa kanya bilang paggalang. Kukunin ko na sana ang kanyang kamay kaso bigla niya akong tinalikuran. Para naman akong naiiyak sa ginawa niyang pagtalikod sa akin.
"Tinulungan ko pa kasi si Abdiel na gamutin ang sugat niya, Mamo." Nagawa ko siyang tugunin gamit ang normal kong boses.
Hinarap niya akong muli. Nagawa niyang hilutin ang kanyang noo, parang naiinis talaga siya sa pag-uwi ko sa ganitong oras ng gabi.
"Bakit, wala ba siyang kamay para gamutin ang sarili niya?" pilosopo niyang tanong ulit.
"Mamo kasi, ako ang dahilan kung bakit siya nasugatan."
Umiling siya. "Kahit na, babae ka kaya dapat umuwi ka ng maaga at sa tamang oras." galit niyang pangaral.
Napayuko ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya. "Sorry po, hindi na mauulit."
She looked at me in my eyes using her cold expression. "Sa susunod na uuwi ka sa ganitong oras, hindi ka na makakapasok sa bahay." galit niyang bilin at iniwan ako ng tuluyan.
Senyales din ba ng pag-ibig ang pagalitan at taratuhin ako ng ganito ni Mamo? Kung pag-ibig man ito, gugustuhin ko pang pagalitan niya ako araw-araw, kahit na kamuhian niya pa ako, maramdaman ko lang ang pag-ibig niya.
Alas dyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog, dilat na dilat pa rin ang dalawa kong mata. Kaya napagdesisyunan kong umupo muna sa aking kama mula sa aking pagkahiga. Maingat kong pinakinggan ang paligid ng aming bahay para alamin kung natutulog na rin ba ang aking ina.
Simple lang ang buhay namin, hindi kami mahirap, hindi rin kami mayaman. Kasya lang ang pera namin para may makain kami araw-araw. Si Mamo kasi ang humahanap ng way para may panggastos kami, ang sabi niya lang sa akin, may paraan daw siya para magkaroon kami ng pera, at hindi ko naman alam kung ano ang paraan na iyon.
Dalawang taon na ang lumipas simula no'ng iwan kami ni Papo. Onse anyos pa lang ako nang mangyari iyon, nagkakalabuan kasi sila ni Mamo dahil may kabit ang aking ama...kaya sila naghiwalay. Since that day, hindi ko na nakita si Mamo na ngumiti at sumaya. Kailan kaya siya babalik sa dating Mamo na kilala ko?
Bigla akong napahinto sa kakaisip ng kung anu-ano nang may narinig akong umiiyak sa labas ng aking k'warto. Wala naman akong ibang kasama rito kaya nagtaka ako kung bakit siya umiiyak. Alam ko na si Mamo iyon dahil narinig ko ang boses niya.
Maingat kong binuksan ang pintuan ng aking kuwarto para alamin ang nangyayari sa labas. Dahil maliit lang ang ipasyo ng bahay namin ay agad kong nakita ang aking ina na umiiyak habang umiinom ng alak. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko na makita ang litrato na kanyang iniiyakan. Ang litrato nila ni Papo no'ng kasal nila.
"Ano ba ang kulang sa akin Mackey, at iniwan mo ako, kami ng anak mo?" naiiyak niyang tanong sa larawan.
Napalunok ako sa aking nasaksihan at narinig, hanggang ngayon pala ay nagluluksa pa rin si Mamo sa pang-iiwan ng aking ama. Tiningnan ko lang siya para alamin ang nais niyang sabihin.
She cried, saka tumungga ulit ng alak na hawak-hawak niya. "Malaki na si MauMau, nahihirapan na ako sha pagpapalaki sa kanya, lalo na't marami s-siyang katanungan na hindi ko alam kung papaano siya shashagutin." Nanginginig ang aking kamay sa kanyang sinabi. "Ginawa ko ang lahat para maging mabuting ina para sa kanya, pero pakiramdam ko… hi-hindi ko kaya. Ang sama-sama ko, hindi ko shiya trinato ng maayos shimula no'ng iniwan mo kami…" she added. "Dahil s-siya ang shinisisi ko sha pang-iiwan mo s-sha 'kin."
May kung anong mainit na butil ng tubig ang tumulo mula sa aking mata, agad ko naman iyong pinunasan. Nantili ang aking paningin sa kay Mamu, bakit niya sa akin sinisisi ang nangyari?
Para naman akong nawalan ng lakas ng loob at balanse ang aking katawan dahil sa sunod kong narinig mula sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit kami iniwan ni Papo, at kung bakit siya laging nagagalit sa akin? Bakit Mamo, anong kasalanan ko?
Tumawa siya ng bahagya na para bang nababaliw. "Kung hindi lang shana ako nagwala sha gabing 'yon dahil nalaman kong may babae ka, hindi ko shana siya napagtangkaang...patayin na naging dahilan ng pag-alis m-mo. Hik." naiiyak niyang sabi sa litratong hawak-hawak niya bago nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top