Chapter 001

Dedicated to ezidilaw


Chapter 001
[Yakap ng Pagmamahal]

Love is the most beautiful affection 
that you should feel. 
                                      ~Maria-Felomina

SIMULA no'ng nakita ko sa palabas sa telebisyon ang tungkol sa love ay hindi na ako tinantanan nito. 

Marami na akong katanungan tungkol dito na hindi ko maalam-alam ang mga sagot. Kagaya ng...paano natin malalaman kung pag-ibig ang nararamdaman natin sa isang tao kung hindi naman natin nakikita ang totoong laman ng ating puso? 

Sabi kasi ro'n sa nakita kong teleserye, kaya raw mahal ni boy si girl kasi iyon ang sinasabi ng puso niya. Kung gano'n, bakit hindi ko narinig minsan na nagsalita ang puso ko? Ibig ba sabihin no'n, hindi ko naramdaman si love?

Ang gulo, sobrang gulo. Hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan nito, at kung paano ito nararamdaman. 

"Oh, MauMau, nakatulala ka na naman d'yan?" tanong sa akin ni Mamo na nagpabalik sa akin sa realidad. 

Nilingon ko siya sa kinaroroonan niya, saka siya tinugon. "Mamo, may tanong ako," Huminto ako saglit para hintayin muna siyang ilapag ang kanyang mga dalang labahan sa mesa.

Nang mailapag niya na ang mga iyon sa mesa ay saka niya pa ako binalingan ng pansin. "Oh, ano na naman 'yang itatanong mo?" may halong inis na tanong niya sa 'kin. 

Bumuntong-hininga ako ng ilang ulit dahil alam kong maiinis na naman siya sa palagi kong tinatanong sa kaniya. 

"Ano po ba 'yong love?"  

Dahil sa tanong kung iyon ay nakita ko na nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. Padabog niyang kinuha ang mga labahan. Pero bago niya pa ako tinalikuran ay nagawa niya pang sagutin ang tanong kong iyon. 

"Piste…" sabi niya na ikinakunot ng aking noo. "Yan ang love. Kaya kung ako sa 'yo, 'wag kang papasok sa love na 'yan dahil piste 'yan!" Saka niya ako tinalikuran.

Hindi ko alam, pero may kung ano sa akin ang nagtataka kung bakit iyon ang itinugon ng aking ina. Imbes na tantanan ko na siya dahil na sagutan niya na ang aking katanungan ay sinundan ko ito. Ewan ko, pero gusto kong alamin ang nais niyang ipahiwatig sa 'kin. 

Tahimik kong tinungo ang kusina kung saan siya naglalaba, nang makita ko na ang aking ina ay huminto ako sa kaniyang tapat. Alam kong nararamdaman niya ang presensya ko kahit na hindi niya pa ako nagawang lingunin. 

Kinakabahan ako, natatakot at hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang nais kong itanong ulit sa kaniya. 

Mayamaya pa nang makaramdam ako ng kagaanan sa aking puso ay saka ako nagsalita. "Mamo…" pagtawag ko sa kanya na ikinaangat ng kanyang tingin sa akin. Tumikhim muna ako bago magpatuloy. "Bakit po piste ang tawag niyo sa love? 'Di ba po sabi nila, ang love ay masarap sa pakiramdam?" mahina kong tanong. 

Inis niyang binitawan ang kinuso niyang damit saka natatawa na tumingin sa akin. Natakot naman ako sa kanya. "Tsk. At nagpapaniwala ka naman do'n? Jusko, Maureen! Baka nakakalimutan mo, ang love sa una lang 'yan masarap, pero sa huli...piste na 'yan!" she exclaimed. 

Nakaramdam ako ng panginginig sa aking kamay dahil feeling ko galit na naman sa akin si Mamo. 

"Mamo," pagtawag ko sa pangalan niya.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkaupo sa isang bangkito. Pinunasan niya muna ang kaniyang puno ng bula na kamay saka ako hinarap ng maayos. 

She massage her temple gently. "Tingnan mo ang ginawa ng Ama mo… ni minsan hindi niya sinabi sa atin na mahal niya tayo." she paused then, smirked. "Kaya ayon, sumama sa iba kasi 'yong babae raw na 'yon ang talagang mahal na mahal niya." pagpapatuloy ng aking ina. Na tahimik naman ako sa aking kinatatayuan sa sinabi niyang iyon. Para akong nanghihina sa aking naitanong kanina. Hanggang ngayon pala si Papo pa rin ang nasa isip niya? "See? Ang love piste 'yan kasi naging piste ang buhay natin dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan!" 

Ramdam ko ang galit ni Mamo, parang ayaw na ayaw niya talagang binabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa pag-ibig. Oo, alam ko ang dahilan kung bakit siya nagkaganito, pero mali bang tanungin ko siya tungkol sa kanyang nalalaman about sa love? 

Ang nais ko lang naman ay alamin kung ano nga ba ang pag-ibig, pero parang mali 'ata ako ng taong tinanong. 

"Mamo, pero po-" pag-angal ko na hindi ko nagawang tapusin nang agad siyang nagsalita.

Bumalik muna siya sa kanyang paglalaba saka nagsalitang muli. "Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'yang kakaalam mo kung ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig, kasi hindi mo rin mahahanap ang kasagutan na nais mong maunawaan." masinsinan niyang paalala sa akin. 

Bakit hindi ko mauunawaan? Kung malalaman ko ba ang tunay na kahulugan ng love ay maging kagaya rin ako kay Mamo pagkatapos? Kung gano'n, mukhang tama nga siya, kailangan ko na nga itong itigil. 

Hapon na, pero ang utak ko ay nasa kay Mamo pa rin, ang dami kong tanong tungkol sa mga sinasabi niya sa akin. Naiintindihan ko naman si Mamo eh, maliban sa, bakit pati sa akin ay hindi niya pinaramdam ang love na gusto kong maramdaman mula sa isang magulang.

"Pm!" malakas na pagtawag sa aking pangalan na ikinagising ng aking diwa. Nilingon ko ang isang lalaking papalapit sa kinauupuan ko, saka mapait na ngumiti sa kaniya. 

"Oh, Maureen! Bakit ganyan na naman ang itsura mo, pinagalitan ka na naman ba ng iyong ina?" tanong sa akin ni Aling Gorya. 

"Aling Gorya, nandito rin po pala kayo." Nilapitan ko naman siya para magmano bilang paggalang. 

Ngumiti siya sa ginawa kong iyon, gano'n din ang kanyang anak. "Kaawaan ka ng Diyos, anak." masaya niyang sabi. "Oh, bakit ka ba nandito sa labas?" tanong niya ulit. 

"Ah, wala po, nagpapahangin lang."

"Syasya, mauna na ako kasi may gagawin pa ako sa bahay." Huminto siya saglit saka tiningnan ang anak. "Oh, ikaw Abdiel, dito ka lang ba o sasabay ka sa akin?"

Bumuntong-hininga si Abdiel sa tanong ni Aling Gorya sa kaniya. "Sasamahan ko muna si Pm, Mmy." mahinahon niyang tugon sabay tingin sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit sa sinabi niyang iyon. 

Tumango-tango si Aling Gorya bago tinugon ang anak. "Okay, basta 'wag kang magpapagabi ng uwi, hah?" Bilin niya sa kanyang anak. Tumango lang naman si Abdiel bilang tugon at saka tuluyang umalis ang kanyang ina. 

Sana ganyan din kabait ang aking ina sa akin. Ganito ba ang pagmamahal, nag-aalala ka sa siguridad ng isang tao? Kung tama ako, ang suwerte naman ni Abdiel dahil mahal siya ng kanyang ina. 

Napabaling ang aking atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon nang maingat siyang tumabi sa aking kinauupuan. "Pinagalitan ka na naman ba ni Aling Prizzy, kaya ka nagkaganyan?" malungkot niyang tanong sa akin. Nakagat ko naman ang aking pang-ibabang labi sa tanong niyang iyon. "Kinukulit mo na naman ba siya tungkol sa pag-ibig?" dagdag niya pa. 

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya bilang tugon. "Gusto ko lang naman malaman eh, kung ano talaga ang meaning ng love na nakikita ko sa teleserye at kagaya ng sinasabi ng ibang tao. Masama ba 'yon?" 

He shrugged. "Hindi. Pero alam mo naman 'di ba, kung bakit ayaw ng ina mo ang ganyang usapan?" he asked.

Niyukom ko ang aking palad dahil naramdam ako ng galit. "Dahil kay Papo. Pero Am, iba si Papo, iba rin ako." I sighed to calm myself. "Alam kung iniwan niya kami, pero hindi naman ibig sabihin no'n na pati sa akin ipagkakait niya ang pagmamahal na ninanais ko." malungkot ko pang dagdag na paliwanag. 

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay pagkatapos ng sinabi kong iyon. Kunot noo akong nakatingin sa kanya, habang siya ay nanatili sa gano'ng ekspresyon ang kanyang mukha. 

He smirked. "Priscilla Maureen, kilalang-kilala na kita, kaya alam kong maiintindihan mo si Mamo mo sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon." 

Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi niyang iyon. Nasa kanya pa rin ang kamay kong hinawakan niya kanina. Mingat niya pa rin itong hinawakan, para bang natatakot siya na magasgasan iyon.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, Am. Minsan, nakakapagod din siyang intindihin." mapait kong tugon.

"Hm, gusto mo talagang maramdaman ang pag-ibig?" tanong niya na ikinataka ko. Unti-unti ko namang tinango ang aking ulo para tugunin siya. Malaki ang ngiting kanyang pinakita sa akin sa ginawa kong pagtango. "Tumayo ka," Utos niya na ikinatigil ng aking mundo. 

"Bakit?" 

He chuckled. "Ipaparamdam ko sa 'yo ang pag-ibig na hinahanap mo."

"Hah?" naguguluhan kong tanong. 

"Shh," Tumayo naman si Am mula sa kanyang pagkaupo. Wala akong choice, kaya sinunod ko ang sinabi niya, tumayo na rin ako.

Nang pareho na kaming nakatayo at nakaharap na ako sa kaniya ay laking gulat ko na lang kasi bigla niya akong niyakap. Lumaki ang dalawa kong mata sa ginawa niyang iyon. "Anong ginagawa mo, Abdiel Matthew?" gulat kong tanong. 

I heard him chuckled. Napansin ko rin na hinagod niya ng maingat ang akin buhok, saka naaamoy ko rin ang pabango niyang sobrang sarap sa ilong kung singhutin. Pero balewala ang lahat ng iyon nang marinig ko ang salitang sunod niyang binitawan. "Ito ang tinatawag nilang… yakap ng pagmamahal." 

Kaba, sobrang lakas na kaba, iyon ang naramdaman ko sa loob ng aking dibdib. Kabang dahilan na kinakapos ako ng hininga. 

*****

KAHIT  lumipas na ang araw simula no'ng yakapin ako ni Am, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa niyang iyon. Para akong tanga sa kakaisip kung talaga bang parte ng pag-ibig ang yakapin ka ng isang tao. Si Am pa lang kasi ang unang taong yumakap sa akin, kung hindi ako nagkakamali. Ni minsan hindi ko maalala kung niyakap na ba ako ni Papo o ni Mamo, basta ang alam ko lang ni isang senyales ng pagmamahal ay hindi ko naramdaman mula sa kanila. 

Alas syete na ng umaga. Maaga akong gumising kanina para maaga rin akong makarating sa school. Tama nga ako, maaga nga akong nakarating dito dahil kanina pa ako nandito sa loob ng aming classroom. Hinihintay pa namin si Miss Salazar, para magsimula na ang aming klase. 

Maliit lang ang klasrum namin at hindi rin masyadong marami ang mga kaklase ko. Nasa public kasi ako nag-aaral, saka isa akong grade seven student. Sobrang colorful ng paligid, lalo na't maraming nakadikit sa dingding sa loob ng aming silid about sa mga sayings, mga activities sa bulletin board, mga bayani at kung anu-ano pang mga palamuti ang nakasabit dito.

Dito na ako nag-aaral sa St. Jude Academy simula no'ng nag-highschool ako. No'ng ako naman ay nasa elementarya sa St. Inis Elementary School naman ako nag-aaral. Nakalimutan ko na nga ang mga alaala ko noon eh, ang tanging alam ko lang ay busy ako sa kakahanap ng pag-ibig. 

Ano kaya ang senyales na pag-ibig na ang nararamdaman mo sa isang tao? 

"Marami, una na roon 'pag napifeel mong masaya ka kapag kasama mo siya." she replied. 

Hindi ko naman lubos maunawaan ang sinabi ni Miss Salazar. Nang makita ko kasi siya kanina habang nag-iisip ako ng kung anu-ano ay agad ko siyang nilapitan para tanungin, total hindi pa naman nagsisimula ang aming klase. 

Kinamot ko muna ang aking noo bago nagtanong muli. "So, ibig po bang sabihin 'pag masaya ako, nagmamahal na ako? Kung masaya ba ako habang kasama ko ang mga kaklase ko, love na 'yon?" sunod-sunod na seryoso kong tanong sa kanya. 

Natawa naman siya sa sinabi kong iyon, kaya nakagat ko ang loob ng aking pisngi. Nakakahiya. "How old are you ulit, Maureen?"

"13 po,"

"Sa tingin ko sa edad mong 'yan alam mo na ang love, pero hindi 'yong love na para sa isang someone, like attachment sa isang tao. Ang ibig kong sabihin sa love na alam mo na ay 'yong pagmamahal mula kay God, sa family mo, saka sa mga friends mo." paliwanag ni Ma'am na aking ikinalito. 

Napahawak ako ng mahigpit sa kaniyang lamesa. Nakatayo kasi ako sa gilid niya, habang siya ay busy sa kakagawa ng mga bagay. "Paano po kung hindi ko naramdaman ang love mula sa kanila? Marami pa lang klase ang love?"

Napahinto siya saglit at seryosong napatingin sa akin. "What do you mean sa hindi mo naramdaman?"

"Kasi sabi sa palabas ng tv, 'pag love ka raw ng tao, mararamdaman mo raw 'yon dito." I stopped and pointed my heart. "Tapos sasabihan ka ng I love you. Pero hindi naman ako sinabihan ng family ko ng ganyan, eh, lalo na si Mamo. Hindi niya ako love kasi lagi niya akong pinapagalitan." malungkot kong paliwanag sa aking guro. 

Napahinto siya sa pagsasaayos ng kanyang mga gamit para harapin ako ng buo. Bumuntong-hininga muna siya, saka nagsalita. "Maureen, mahal ka ng ina mo. Siguro hindi man niya sinasabi, pero pinaparamdam niya naman iyon sa 'yo."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay matapos niyang sabihin iyon. Tiningnan ko naman ang parteng hinawakan niya bago nag-angat ng tingin. "Kagaya sa anong paraan po?" I asked seriously. 

Ngumiti siya sa akin. "Hahalikan ka sa umaga, 'pag gigisingin ka niya. Oh, ipagluluto ka niya araw-araw bago ka papasok sa school." masayang aniya ni Ma'am. 

Napabitaw ako mula sa kanyang pagkahawak sa akin, saka mapait na ngumiti. Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon. "Hindi niya po ginagawa 'yon. Sa tuwing gigising po ako sa umaga wala na siya sa bahay at hindi ko alam kung saan siya pumunta." malungkot kong tugon. 

Ni minsan hindi nagawa ni Mamo sa akin ang mga bagay na iyon. Simula no'ng umalis si Papo ay nawalan na siya ng pake sa akin, at ako na rin ang gumagawa sa mga bagay na dapat ang ina ko ang gumawa. 

She out a deep breath. "Pasalubong, oo, papasalubungan ka niya ng mga laruan o pagkain." dagdag niya pang nakangiting sabi. 

Nagawa ko pa rin ang ngumiti kahit na alam ko na hindi naman iyon nagawa ni mamo para sa akin. "Galit lang po ang inuuwi niya sa akin sa bahay, Ma'am."

Na tahimik siya sa sinabi kong iyon, kaya muli niyang kinuha ang aking kamay dahilan ng mapaharap ulit ako sa kanya. 

She bit her lower lip before saying something. "Maureen, masyado ka pang bata, kaya hindi mo pa naiintindihan ang lahat. Ang mahalaga mahal ka ni God."

"Mahal po ako ni God?" I paused. Nakita ko naman na tumango ang aking guro sa aking tanong. "Pero bakit niya hinayaang iwan kami ni Papo, kung talagang mahal niya ako?" My voice cracked. 

Natulala ako sa sunod niyang ginawa, pero hinayaan ko na lamang siya sa nais niyang gawin sa akin. "Maureen, shh, don't think too much." pag-aalala niyang sabi. 

"Ano po'ng ginagawa niyo, bakit niyo po ako niyayakap?" taka kong tanong sa kanya. 

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ma'am Salazar habang yakap-yakap ako. "Ginagawa 'to ng taong mahal ka, niyayakap kita kasi mahal ka ni Ma'am Salazar." masaya niyang tugon. 

Niyakap ko rin siya pabalik kasi gumaan ang aking pakiramdam sa kanyang ginawa. May bigla naman akong naalala na siyang aking ikinataka, kung gano'n... mahal din ako ni Am? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top