CHAPTER TWO
"MISS Kiara Guanzon? Ito na po'ng order n'yo!"
Nag-angat ako ng tingin mula sa full focused na pagta-type sa keyboard nang may magsalita sa tabi ko. Nakasimangot na mukha ni Zeph habang hawak sa isang kamay ang platter ng order kong strawberry cream slushy at chicken pesto pasta ang bumungad sa akin.
Inayos ko ang suot na reading glasses at sinuri siya ng tingin. He was wearing his signature barista uniform—a black snapback and a linen waist apron. Underneath it was his black trousers and short sleeved white button down shirt—na tinaasan ko ng kilay kasi nakabukas ang tatlong butones nito, revealing a part of his well-toned chest.
Pagkalapag ni Zeph ng order ko, kunot-noong umupo siya sa tabi ko at nakisilip sa screen ng laptop. Humarap naman ako sa kaniya and leaned closer to close a button of his shirt.
"Kaunting ka-wholesome-an lang po, sir," nakataas pa rin ang kilay na sabi ko nang mag-angat ako ng mukha. Pero wala yatang kaso iyon kay Zeph kasi hindi nagbago ang expression ng medyo singkit na mga mata niya.
"I've told you a million times before, bawal ang pagtatrabaho sa shop ko kapag weekend, 'di ba?" This time salubong na ang may katamtamang kapal na mga kilay niya. "I want to remind you that today's a Saturday."
"Pass muna tayo d'yan, p'wede? Don't worry, next time tatambay ako rito para lumamon. Kailangan ko lang talagang tapusin 'to. Saka dapat nga matuwa ka. At least, kumita ka pa rin dahil sa 'kin ngayong araw," magaang sabi ko saka siya nginitian nang pagkatamis-tamis.
Pero hindi convincing ang palusot ko kay Zeph. Seryoso pa rin kasi siyang nakatitig sa akin. Although nagtagal lang iyon ng ilang segundo kasi mayamaya ginulo niya ang buhok ko—particularly my newly cut bangs!
Mahina ko siyang minura. Tawa lang ang naging response ng loko saka bumalik sa counter.
Seconds passed, na-conscious na nilibot ko ng tingin ang paligid ng L'espresso. Nahiya ako bigla dahil baka may customers na nakarinig sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing busy pa rin ang diners ni Zeph sa kani-kanilang ganap. Saka malakas na nagpi-play sa background ang Photograph ni Ed Sheeran kaya siguradong safe ang bad words ko.
Napapairap na inayos ko ang buhok. Siraulo talaga kahit kailan! Heto at sinisimulan na niya ang panggugulo sa akin. Pasalamat siya at na-miss ko siya kundi makakatikim talaga ang lintik dahil sinisira niya ang pananahimik ko.
However, may point din naman si Zeph. Kung may choice lang din ako mas pipiliin kong humilata na lang sa bahay buong araw at huwag nang magtrabaho. Pero dahil ayaw kong matambakan at abutan ng deadline, I decided to just finish this task kahit pa off ko ngayon.
Packed na kasi ang schedule ko sa susunod na apat na linggo. I also need to prepare review materials for my upcoming international math competition.
"You should've asked that guy, who looked like a body builder, to finish the work instead. Sigurado papetiks-petiks 'yon ngayon, habang ikaw, nandito sa shop ko't nagpapakahirap d'yan."
Taas-kilay na nilingon ko si Zeph. He had an annoyed look on his face while he was busy listing something at the counter. Malapit lang ang puwesto ko sa kaniya kaya malinaw kong narinig ang mga sinabi niya.
Inis na inirapan ko ang loko. Nakita na niya ng isang beses si Jiro sa L'espresso noong umuwi siya last year. Hindi ko alam na natatandaan pa pala niya ito.
"Don't worry, I'm not doing this alone. He also has his part and he's probably working on it now. By the way his name's Jiro Elizalde and he's not a bodybuilder. Kamukha niya kaya si Captain America, duh?" I rolled my eyes at him.
"Sige, Kia, ipagtanggol mo pa!" Pinandilatan ako ni Zeph.
Tawa na lang ang isinagot ko saka uminom ng order kong slushy. Mayamaya komportableng sumandal ako sa backrest ng upuan at tahimik na pinanuod si Zeph sa ginagawa niya sa counter. Napangiti ako nang mag-register sa taste buds ko ang refreshing at matamis na fresh strawberries. Alam na alam talaga ni Zeph ang timpla ng favorite ko.
Well, isa ito sa mga na-miss ko. Kaya nga rin tuwang-tuwa akong nandito ulit ang loko—kahit nonstop ang pang-aasar niya—kasi ibig sabihin lang na madalas kong matitikman ang mga paborito ko.
I've known Zephyrus Dechavez for years. If I remember correctly, we've been friends for thirteen years. I first met him when I was twelve years old. Nagbabakasyon pa lang ang family ko noon sa Baler at nagkataong nasa iisang subdivision kami nakatira.
Classmates din kami hanggang fourth year high school. At kung hindi siya umalis papuntang UK noong seventeen years old kami, siguradong hanggang college ay siya ang kasama ko. Zeph had been away for nine years, and during that time, momentarily, nawala ang communication naming dalawa. Na-restore lang iyon nang mag-decide siyang umuwi almost two years ago.
Kung tama ang pagkakatanda ko sa mga kuwento ni Kuya Kade—isa si Kuya sa close friends niya—he worked at an Architecture firm in UK. Hindi ko alam kung bakit ginusto niyang iwan ang career sa ibang bansa at umuwi na lang para magtayo ng coffee shop.
Ah, I should ask him about that next time. Hindi pa kasi kami nagkakaroon ng chance para mag-bonding nang matagal dahil parehas din kaming busy.
Zeph had a creative approach to conceptualizing and launching his first business. Mula nang maitayo ang L'espresso sa Zabali, not more than a year ago, lagi na iyong dinudumog. Paborito iyong puntahan hindi lang ng mga taga Zabali kundi pati na rin ng mga turistang bumibisita sa Baler.
Aesthetically speaking, unique at cozy ang vibe ng interior at exterior design ng coffee shop. Perfect place din iyon para sa katulad kong gusto pa ring mag-relieve ng stress kahit kaharap ang trabaho.
Hindi ko alam kung saan napulot ni Zeph ang idea na gawing outer layout ang scraps mula sa shipping containers. Pero bilib talaga ako sa skills niya kasi he got the whole thing totally remodeled and redesigned—wood grain ang texture nito sa labas.
Minimalist ang overall interior look ng L'espresso. The walls inside were completely insulated and painted white. The café's wall color also complemented the rattan pendant lamps installed on the ceiling.
May ilan ding paintings at framed quotations sa pader. Sa paligid ay nagkalat ang naggagandahang ornamental plants—na ang iba pa nga'y ibinigay ni Mommy for free. Wooden tables and chairs ang makikita sa loob na puwedeng mag-cater ng at least twenty customers. Pero recently, nag-expand pa ng area si Zeph at ginawa niyang outdoor lounge ang malawak na front space ng cafe.
Aside sa IG worthy view, isang factor ding binabalik-balikan ng customers ang masarap na timpla ng local coffee at ilan pang signature beverages ng L'espresso—na hindi ko alam kung saan inaral ni Zeph. Saka talented din ang na-hire niyang staffs lalo na ang magaling niyang chef na si Marco.
I took another sip of my slushy. Mayamaya, nangalumbaba ako sa mesa at patuloy na pinagmasdan si Zeph. Habang tinititigan siya, ngayon ko na-realize na totoo ngang isa ang pleasing looks niya sa other attraction ng L'espresso—lalo na sa teenagers na madalas tumambay roon after class.
Kahit annoying ang loko, hindi maitatagong lovable ang pagiging sweet at funny ng personality niya. It was clear that he was really good-looking. Zeph always had a youthful appearance and defined facial features that could leave a lasting impression on anyone.
Para nga ring nag-freeze na ang pagtanda niya noong twenty years old siya. Many said that he looked like a prince from a fairytale book. Marami ding nagsasabi na mas bagay niyang maging model kumpara sa pagiging coffee shop owner.
Main asset ni Zeph ang fair complexion na kutis niya at ang slight na singkit na mga mata na madalas maging playful kapag tumatawa siya. He also has a perfectly sculpted nose—na sobrang kinaiinggitan ko kahit matangos din naman ang ilong ko—and a cupid's bow shaped lips.
Lastly, girls drool—except for me—over his ripped body, which they often describe as a sinful treat for the eyes. Well, maraming nagsasabi na maganda raw ang katawan ni Zeph at sure na sure silang perfect ang six pack abs ng loko. Hindi ko nga lang ma-attest kasi hindi ko pa naman iyon nakikita.
Though, aware akong puwedeng pumasa ang kaibigan ko bilang fitness ambassador dahil sa well-proportioned na built niya. Hindi hamak kasing mas masipag siyang mag-work out kumpara sa akin.
"Ano, Kia, isang order pa ba ng slushy?"
Napakurap ako nang mag-register sa pandinig ko ang boses ni Zeph. Nanlalaki ang mga matang nagbawi ako ng tingin. Wala sa loob na inabot ko ang drinks sa table at uminom doon. Pero letse! Sunod-sunod akong naubo nang sumabit sa lalamunan ko ang maliit na slice ng strawberry!
"Hoy, 'ayos ka lang d'yan?"
Matalim ang tingin na nilingon ko si Zeph. Lalong uminit ang ulo ko nang ngisian niya ako imbes na mag-alala sa akin.
"Shut up, Zephyrus!" asik ko nang tumigil ako sa pag-ubo.
"Ang tagal mong nakatitig sa 'kin. Ano, na-realize mo na bang 'di hamak na mas g'wapo ako kaysa do'n sa body builder na crush mo?" Ngiting-aso ang loko saka kumindat pa sa akin.
Nanggagalaiting inirapan ko siya at ibinalik ang atensiyon sa screen ng laptop ko. Malakas na tawa ang response ni Zeph sa ginawa ko. Letse! Tempted tuloy akong ibato sa kaniya ang mouse na hawak ko!
─•❉᯽❉•─
NAPANGITI ako nang madatnan ang makapal na compilation ng sample Math test questions sa ibabaw ng table ko. At hindi ko na kailangang hulaan kung kanino iyon galing. Jiro's sweet message on that sticky note said it all.
Gusto kong mag-cartwheel dahil sa kilig! Malapad pa rin ang ngiting dinampot ko ang yellow sticky note sa ibabaw ng folder.
"'Hope these help, beautiful.' Jusko! Naol talaga, beautiful!"
Napahagikhik na nilingon ko si Ellie na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
"Echosera ka talaga!" napapalatak na sabi ko saka umupo sa swivel chair.
Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa faculty room nang mga oras na iyon. It was three in the afternoon at magkasabay na natapos ang mga klase namin. It was also my last period for today kaya free at super energized na akong pag-aralan ang review materials na bigay ni Jiro.
"Sobrang lawak ng ngiti mo d'yan, eh. Malay ko ba kung may pa-I love you na 'yang si Lover Boy sa 'yo!" natatawa namang sagot ni Ellie. "Teka, ano ba kasing real score sa inyong dalawa, ha? Kayo na ba?"
Humugot ako ng hininga saka ibinaba ang hawak kong folder. Humarap ako kay Ellie at bumungisngis.
"Wala pang kami, pero feeling ko malapit na."
Napatili si Ellie sabay hampas sa balikat ko. "Jusko! Napaka-showbiz ng sagot, girl!"
Natawa ako sa reaksiyon niya. "Don't worry, babalitaan naman kita once na may progress na. Chill ka muna d'yan, baka kasi ma-jinx."
"Naku, hindi 'yan mangyayari ano ka ba? 'Kita naman sa actions n'yang si Lover Boy na malakas din ang tama sa 'yo. Mag-e-effort ba naman 'yan nang gan'yan kung hindi? Saka halatang-halata rin niyang bet na bet mo siya kasi kung makangiti ka, wagas! In love na in love 'yarn, girl?"
This time ako naman ang pumalo kay Ellie sa sinabi niya. "Loka-loka! Pati ba naman pagngiti ko napapansin mo?"
"Naman, girl! Saka hindi ka ba aware na kalat na sa buong Brentwood na may something sa inyo? Baka nga na-Maritess na rin ng iba na kayo na," Ellie said in a matter of fact. "And speaking of... o, ayan na si Lover Boy! Mukhang na-sense yata niyang pinagtsitsismisan natin siya."
Napalingon ako sa direksiyong inginuso ni Ellie.
There, I was more than glad to see Jiro as he walked toward the entrance of the faculty room. Hapon na pero ang bango pa rin niyang tingnan sa employee uniform niya.
Today, he got his hair brushed up. Suot din niya ang round framed glasses na lalong nakadagdag sa good boy look niya. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin at the sight of his immaculately handsome face!
Cutie! impit kong tili sa isip.
"Hoy!" pabulong na tawag ni Ellie saka ako mahinang siniko sa tagiliran. "'Wag kang masyadong pahalatang kinikilig ka, girl. Baka ma-turn off si Lover Boy."
"Ssshh! Quiet ka na lang d'yan, Ellie!" I jokingly rolled my eyes at her.
"Hi, Kia! Na-check mo na 'yong mga review materials na iniwan ko sa table mo?" bungad ni Jiro nang makalapit siya sa akin.
"Yup! I just saw it kasi kadarating ko lang din. Thanks, ha. Nag-abala ka pa talaga," puno ng sincerity na sagot ko.
Ibinaba ni Jiro ang mga dalang gamit sa ibabaw ng table niya—which was just in front of mine—saka umupo sa swivel chair niya paharap sa 'kin.
"You're always welcome." He gave me a warm smile. "Ah, by the way, I marked those questions na sa tingin ko kailangang i-simplify para mas madaling intindihin ng mga bata. But check them first, then sabihan mo ako if kailangan pang i-revise."
One thing that I liked about Jiro was his way of being so generous and thoughtful. Gustong mag-cartwheel ng puso ko sa isiping nag-effort siyang i-check ang mga test questions na iyon para sa akin.
"Sige, i-chat kita mamayang gabi kung may mga kailangan tayong baguhin." Hindi na nabura ang malawak na ngiti ko.
"Kia, bago ko pala makalimutan, I guess, we could work on that action research together this weekend."
As he mentioned that action research thing, Zeph's warning not to work on weekends echoed in my mind. Oo nga pala! Nag-promise akong tatambay sa L'espresso na wala dapat dalang laptop o kahit anong related sa trabaho ko. Zeph and I even agreed to hang out at Sabang Beach.
"Maybe we could work here at school or at a nearby café. Just tell me kung saan ka mas comfortable magtrabaho," dagdag pa ni Jiro.
Suddenly, I was torn between breaking my promise to Zeph and joining Jiro to work on that damn research!
O, sabihin ko na lang kaya kay Zeph na hindi pa rin free ang schedule ko sa weekend?
Pero nakapangako ka na sa kaniya, Kia! inis na sigaw ng kontrabidang inner self ko.
Ilang segundong naumid ang dila ko. I was contemplating whether to decline his request or simply inform Zeph that I'd be busy.
Letse! Ang hirap naman!
"Kia, tara sa cafeteria! Nanghihina na 'ko sa pagma-magic ng grades dito. Need ko ng energy!"
Para akong binunutan ng malaking tinik sa dibdib nang biglang sumingit si Ellie sa usapan. I was grateful because she saved me from having to make a decision right then and there.
"Let's go!" Tumayo na si Ellie at hinila ang kamay ko. "Jiro, aalis muna kami nitong si Kia, ha? Don't worry, ibabalik ko rin siya sa 'yo mamaya," dugtong pa niya nang balingan ito.
Humihingi naman ng pang-unawang tiningnan ko si Jiro sa harap ko. Hindi ko alam kung namalikmata ako pero parang may dumaang disappointment sa magagandang mga mata niya. Although saglit lang iyon dahil agad din siyang ngumiti sa akin as he muttered a simple, "Enjoy."
"Minsan nakaka-turn off din 'yang si Lover Boy," panimula ni Ellie nang nasa entrance na kami ng cafeteria.
"Bakit?" May pagtatakang nilingon ko si Ellie.
"Kasi parang ayaw ka niyang magpahinga. 'Kita mo, Monday pa lang ngayon pero trabaho na naman sa weekend ang bukambibig niya. Alam ko namang hindi ka magno-No sa kaniya pero p'wede namang gawin na lang ninyo 'yan some other time. Besides, free day natin 'yon, 'no? Bakit 'di ka na lang niya yayaing mag-date? Hello? Mas mabuti pa kaya 'yon!" inis na litanya ni Ellie.
Natawa ako sa sinabi ng loka-lokang kaibigan ko, though tama rin naman siya.
"Hindi naman siguro gano'n, ano ka ba? Jiro's probably just concern about me." Pumalatak ako. "Pero pinag-iisipan ko na ring i-decline 'yon. May lakad na talaga ako this weekend kasi nag-usap kami ni Zeph na magla-lunch sa Sabang Beach. Saka nasermunan niya ako last week no'ng nagdala ako ng trabaho sa shop niya. Binantaan pa ako ng lintik na iba-ban niya ako sa L'espresso kapag inulit ko pa 'yon."
Surely, baka itakwil na rin ako ng isang iyon kapag sinabi kong pipiliin ko na namang magtrabaho this weekend kaysa sumama rito.
"Zeph? As in si Zephyrus Dechavez? Wait, umuwi na 'yong best friend mo?" Sa reaction ni Ellie, noon ko naalalang hindi pa pala nagkikita ang dalawa. Madalas kasing wala si Zeph sa tuwing tumatambay kami ni Ellie sa shop nito.
"Yep. Kauuwi niya last Friday. Well, sama ka sa 'kin next time para makilala mo rin siya," magaang sabi ko.
"Sure!" excited na bulalas ni Ellie. "Balita ko, sobrang pogi raw niyang best friend mo. Bukambibig siya ng mga loyal customer ng L'espresso. Pati nga students ko kilala siya. And in all fairness, may point 'yang kaibigan mo. Agree ako sa sinabi niyang pagba-ban sa 'yo, girl! See? Siya ang talagang may concern!"
"Oo na. Tama na kayong dalawa!" napapangiwing sabi ko. "Ang mabuti pa pumili ka na ng pagkain mo para makabalik na tayo sa faculty room. Marami pa 'kong gagawin." Hinila ko si Ellie palapit sa counter.
"Kia, mahal ko na talaga 'yang si Chef Jadd! Jusko, available na naman 'yong chicken pizza ko!" Halos magningning ang mga mata ng loka nang makita niyang naka-display ang pagkaing paborito niya.
Katulad ni Ellie isa ang school cafeteria sa mga gusto kong facilities ng Brentwood Learning Academy. Malawak at maaliwalas kasi ang interior nito na modern ang dating. Also, it felt homey to be there as it was clean and well-maintained. Plus, sadyang masasarap at healthy ang mga pagkain.
Health conscious kasi ang president ng Brentwood at number one advocate ito ng wellness sa buong campus. It was a good thing though dahil pati kaming employees ay nakikinabang. At least, nakasisiguro din kaming safe ang mga kinakain namin.
"I bet, kahit everyday ka pang kumain niyan, hindi ka mauumay," natatawang turan ko nang palabas na kami ni Ellie sa cafeteria.
"Naku! Sinabi mo pa, girl! Kung p'wede lang i-hire 'yang si Chef Jadd para maging personal cook ko, eh. Pero mukhang off limits kasi parang matagal nang nabakuran."
Namilog ang mga matang lumingon ako kay Ellie. "Hoy! Saang lupalop naman ng Brentwood mo nasagap 'yan, ha?"
Pilyang humalakhak si Ellie. "Kilala mo ako, Kia. I have my sources. S'yempre, para saan pa't naging professional Maritess ako kung hindi ko alam ang mga information na katulad niyan? Don't worry, ikuk'wento ko 'yan sa 'yo later. 'Wag dito kasi baka may ibang makasagap ng essential information na 'to. Mahirap na!"
Napabungisngis na tinampal ko sa braso si Ellie. "Gosh! Ibang level talaga 'yang pagiging chikadora mo. Ikaw na—"
"O.M.G.!"
Malakas na napasinghap ako at naputol ang iba pang sasabihin. Kasabay kasi ng maarteng sigaw na iyon ay ang pagbuhos sa akin ng kung anong mainit na likidong iyon. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa suot kong damit. May bahid na ng dark brown na mantsa ang harapan ng blouse kong puti man din.
"Oh, gosh!" hindi makapaniwalang bulalas ko saka sinubukang pagpagin ang damit ko, na para bang maalis pa ang mantsang nakakapit doon.
Mayamaya ramdam ko na ang hapding dulot ng pagkapaso sa dibdib ko. Letse! Nanunuot nang husto ang init sa pakiramdam ko. Seconds later, rumehistro sa pang-amoy ko ang identity ng naitapon sa akin—damn, it was a cup of hot coffee!
"Oops, sorry!" narinig kong sabi ng maarteng boses na iyon. It was the same voice I heard a while ago.
Nag-angat ako ng mukha. At hindi ko maiwasang tumaas ang kilay nang salubungin ako ang iritableng tingin ng babaeng hindi ko sigurado kung ako ang bumangga o siya ang nakabangga sa akin. Either way, I had this bad feeling na mabub'wisit ako lalo sa kaniya dahil sa nakakainis na titig niya.
From her looks, it seemed like she was an outsider. Base iyon sa suot niyang white sleeveless top and above-the-knee black skirt na hapit sa katawan. And to match that OOTD she paired it with high-heeled mid-calf boots and a classy Gucci bag. In general, she had this bitchy look on her face.
Actually maganda siya—she had thin upturned nose and red full lips. Pero nakakapanggigil ang asta ng hooded niyang mga mata. Mayamaya umarko na rin ang manipis niyang kilay na perfect ang pagkaka-ahit.
"Done assessing me? Well, I don't have much time for this crap. Just tell me how much I owe for the laundry or dry cleaning. Give me your e-wallet or bank account number so I can transfer the payment. I don't have cash kasi with me right now," ubod nang arteng saad niya.
I rolled my eyes in so much annoyance.
"Excuse me? Miss, a simple sorry will be enough. Saka may pera akong pambayad ng laundry, 'no!" nagngingit-ngit at nainsultong sagot ko.
"Oh." Kunwari ay gulat niyang natutop ang bibig. "I just said, 'sorry' na kanina. You probably didn't hear me. And it's not my fault din kaya. Kasalanan mo rin, hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo!" she snapped arrogantly.
Ngalingaling hilahin ko ang nguso niya nang makuha pa niyang mag-pout sa harap ko.
Letseng gagang 'to!
"Jusko naman, 'te! Ang arte, ha! Itong kaibigan ko pa talaga ang hindi tumitingin? Eh, ikaw kaya itong nagti-text habang naglalakad? O, 'wag mong i-deny! Kitang-kita kita kahit busy akong nakikipagtsismisan sa kasama ko!" halos lumuwa ang mga matang singit ni Ellie sa usapan.
Pero mukhang walang kaso iyon sa kaniya. Nalaglag ang mga panga namin ni Ellie nang harap-harapan pa niya kaming irapan.
"Alright. Sorry," labas sa ilong na sabi niya saka parang walang nangyaring tumalikod na sa 'min at naglakad palayo.
I was really tempted na hilahin ang bleached at straight na straight niyang mahabang buhok pero pinigilan ko ang sarili. Napansin ko kasing pinagtitinginan na kami ng ilang estudyante sa paligid. I should at least control my urge to get back at her kahit napakahirap gawin!
"Girl, pigilan mo 'ko! Makakalmot ko talaga ang babaeng 'yon!" gigil na bulalas ni Ellie at umambang susundan ito. Mahigpit ko naman siyang hinawakan sa braso.
"Tama na 'yan, Ellie. Halika na, umalis na lang tayo rito. Mahirap na, baka ma-issue pa tayo. Hayaan mo na lang," mahinahong sabi ko saka siya hinila palabas ng cafeteria.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top