CHAPTER TWELVE

I'M GOING to confess...

Iyan ang nabuong decision sa isip ko pagkatapos ng encounter namin ni Kendra sa L'espresso limang araw na ang nakakalipas. Hindi deserve ni Zeph ang mapunta sa babaeng kagaya nito. Masyado na siyang nasaktan nang maraming beses. Now's the time para lumaya siya mula sa mga masasakit na pangyayaring iyon ng buhay niya.

And does your confession have anything to do with Zeph not experiencing the same pain again? Ano'ng magagawa no'n, Kia? Hindi kaya ikaw naman ang masaktan sa huli?

Naisip ko na ang consequences ng gagawin ko bago ako nag-come up with this decision. Instead of him going back to Kendra, I would ask Zeph to take a chance on me. Kahit slightest chance willing akong kapitan. I was not one hundred sure if he would take it pero kailangan kong magtiwala.

At kong rejected man ako, then I should accept it and move on for real—kahit na alam kong masakit. Basta 'wag lang niyang hilingin na lumayo ako sa kaniya. Kasi mas matatanggap ko pang friendship lang talaga ang kaya niyang i-offer sa 'kin.

Kaya para maging successful ang plano ko, nagdesisyon akong gawin iyon sa pagpunta namin sa Dicasalarin cove. We agreed to go there to watch the sunset together. Mabuti na lang at absent ngayong araw ang asungot na Kendra na iyon. Sumilip ako kanina sa bahay ni Zeph, walang trace ng malditang babae sa premises nito.

Pagkatapos kasi ng sagutan namin sa L'espresso, mas pinag-igihan pa ni Kendra ang "pagbabantay" kay Zeph. Mabuti na lang at tough ang kaibigan ko. Hindi ko pa siyang nakikitang nasu-sway kahit minsan. Madalas pa nga niyang ipagtabuyan si Kendra. Mukhang malala nga siguro ang galit niya sa babaeng iyon.

Kanina pa ako ready at hinihintay ko na lang talaga si Zeph na tawagin ako. Mabuti na lang at walang nagbago sa trato niya sa 'kin kahit pa biglang sumulpot si Kendra. He still checked on me. Nangungulit pa rin siya at nambubulabog. Ako lang talaga itong may something na nararamdaman sa gestures niya. Ayaw ko man pero nagsisimula na akong umaasa nang slight. Bagay na hindi ko dapat gawin kasi nakakatakot ma-fall nang husto.

Fifty-fifty kasi kung sasaluhin niya ako...

But I was still willing to make a move though. Tama si Ellie, Zeph's probably worth the risk.

And he's the risk you're willing to take, girl! sigaw pa ng inner self ko.

Mayamaya napapabuntong-hininga akong tiningnan ang reflection ko sa salamin. Today, I decided to wear a pink floral Sunday dress. Somewhat special ang ganap ngayong araw. At least magmukha man lang akong maganda sa confession ko sa kaniya. I paired it with flat white sling back sandals. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang lampas-balikat na curly hair ko.

Minutes passed, narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Zeph. Dali-daling lumabas ako ng k'warto. Pagkababa ko ng hagdan naabutan ko sina Mommy at Daddy sa living room. It was three in the afternoon at magkasama silang kumakain ng meryenda habang nanunuod ng TV.

"Saan ang punta n'yo ni Zeph, anak?" tanong ni Mommy nang makita niya ako.

"Road trip lang, Mommy," magaang sabi ko at sinadyang hindi na magbigay ng iba pang details.

"Hmm... that must be somewhere special. Pero 'wag kayong masyadong magpapagabi, Kia. Tell Zephyrus na mag-ingat din sa pagda-drive," bilin naman ni Daddy.

"Yep! No worries po, Dad!" sagot ko saka nagpaalam na rin sa kanila.

Nakalabas na ako ng gate nang madatnan ko si Zeph na nakasandal sa gilid ng sasakyan niya. Ngiting-ngiti siya nang makita ako.

"Are we going on a date?" amused na tanong ni Zeph habang hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan niya.

"No. Manunuod lang talaga tayo ng sunset," kalmadong sagot ko pero deep inside nagka-cartwheel na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Wala talagang romantic side ang lintik na Zeph na 'to! Ang manhid! Hindi man lang napansin na nagpaganda ako para sa kaniya!

"Sabi ko nga," he softly chuckled. "But anyway, you look pretty in that dress. You should wear clothes like that often."

For a moment naumid ang dila ko sa sinabi niya. Nag-init din ang mga pisngi ko. Letse! Babawiin ko nang wala siyang romantic side. Baka masobrahan naman niya at malunok ko pa tuloy ang tapang na mag-confess sa kaniya!

"Sus! Binola mo pa 'ko! Tara na nga!" Mabilis na tumalikod na ako para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko. Malakas na halakhak na lang ni Zep hang narinig ko bilang sagot.

─•❉᯽❉•─

SINCE kabisado na ni Zeph ang daan mas naging mabilis at smooth ang biyahe namin. In less than twenty minutes narating namin ang beach cove. We initially bought some snacks at the entrance. Pagkatapos maayos na mai-park ni Zeph ang sasakyan, magkaagapay naming tinalunton ang medyo mabatong daan pababa ng dagat.

Hindi matapos-tapos ang kuwentuhan namin as we walked our way through the shore. Around four-thirty na noon ng hapon at ilang minuto na lang pababa na ang araw. Napansin kong marami kaming kasabayang turista na halatang sinadya ang panunuod ng sunset sa cove.

As we reached the beach proper minutes later, I was greeted by the cold sea breeze. Napapangiting napapikit ako at pinuno ang baga ng sariwang hangin galing sa dagat. At para ma-experience ko lalo ang pamamasyal doon, inalis ko ang suot na sandals at hinayaang damhin ng paa ko ang nakakakiliting pinong-pinong white sand. Good thing hindi mainit ang sikat ng pababang araw. At least I got to freely walk through the shore.

Sumunod naman si Zeph at inalis din ang suot niyang sapatos. Mayamaya nag-e-enjoy na kaming naglalakad sa pinong buhanginan. We roamed around the beach cove for minutes. Naghabulan na parang mga bata. For a moment, it was as if we came back to the time when we were still teens at madalas pang maging tambayan ang beach area ng Dicasalarin. Aside sa Sabang beach, favorite place namin ito ni Zeph.

"Na-miss ko 'to!" nakangiting sabi ko habang hinahayaang mabasa ng alon ang mga paa ko. Nang mapagod kami kakalakad at kakatakbo, nag-decide kaming umupo na sa buhanginan at hintayin na lang ang tuluyang paglubog ng araw.

"Me too. It has been awhile since we came here." Katulad ko, payapa ring tingnan ang mukha ni Zeph habang nakatitig sa malawak na karagatan sa harap namin—na noon ay balot na ng kulay kahel na liwanag na nagmumula sa pababang araw.

"We should come here often, Zeph. Nakaka-relax ang pakiramdam ng mga buhangin sa paa. Nakakawala ng stress." I dipped my feet onto the fine sand. Malawak na napangiti ako nang maging comforting iyon sa pandama.

"Sure. Ikaw lang naman itong laging busy, eh, at ayaw akong samahan kapag nagyayaya ako. Alam mo bang nagtatampo na ako sa 'yo, Kia? Akala ko pa naman willing kang maging tour guide ko habang nasa Pilipinas ako."

At nahuli ko ang kunwari ay pagsimangot ni Zeph nang lingunin ko siya. Natawa tuloy ako. Pero mayamaya sumeryoso rin ako lalo na nang ma-realize ko ang sinabi niya.

Kaya lang naman ako umiiwas sa kaniya lately ay dahil sa presence ni Kendra sa paligid. Which brought me to the thought of my plan. Sa isiping iyon, umayos ako nang upo saka humarap sa kaniya. Pinuno ko ng hangin ang baga saka muling nagsalita.

This is the right time to do it. Kaya mo 'yan, Kia!

"Zeph, I want to tell you something," seryosong simula ko.

Mula sa pagtitig sa tanawin sa harap namin bumaling siya sa 'kin. Bakas ang curiosity sa magagandang mga mata niya na noon ay may hues na ng magkahalong red at orange dahil sa sunset.

"Ano?" expectant na tanong niya. Tutok ang mga mata niya sa 'kin.

Shit! This is it!

Napalunok ako at matapang na sinalubong ang tingin niya.

"A-About you and Kendra... p-p'wede bang... p'wede bang 'wag kang bumalik sa kaniya?"

Pinagpawisan ako nang malamig nang masabi ko iyon. Ang lakas na rin ng tibok ng puso ko. I was afraid Zeph might hear it.

"Why?" Bakas ang pagkalito sa mga mata niya.

May urge na akong umurong. Sobra na akong kinakabahan. But I realized it's now or never. No, I shouldn't back out. Para lang itong skydiving—nakakatakot pero bahala na si Batman!

"K-Kasi gusto kita, Zeph... Twelve years old pa lang tayo, gustong-gusto na kita. At ayaw kong bumalik ka kay Kendra. Kasi... kasi kapag ginawa mo 'yon, masasaktan ako!"

Zeph didn't answer. Deafening silence ang bumalot sa 'min sa sumunod na mga segundo. Titig na titig lang siya sa akin. Sa mga mata niya, kitang-kita ko ang sobrang pagkalito. Parang bumagal ang oras. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan ko, at sa loob ng katahimikan, alam kong nakarating ito sa puso niya.

O, akala ko lang 'yon...

Hindi ko napigilan ang pangingilid ng pesteng mga luha ko nang ilang sandali pa ay hindi pa rin umiimik si Zeph. Titig na titig pa rin siya sa akin. At kasabay ng reaksiyon niya ang realization na rejected ang confession ko... Hindi na kailangang magsalita pa ni Zeph para i-confirm iyon. His actions said it all.

Naramdaman ko ang pagguho ng pag-asa ko. Ang labis na sakit ay tumagos sa puso ko, at ang bawat tibok nito ay parang nagpapalala ng sugat na dulot ng katahimikan ni Zeph.

At para mapagtakpan ang pagkapahiya dahil sa failed confession ko, hindi na nag-isip na agad akong tumayo at tumalikod na sa kaniya. Naninikip ang dibdib ko at parang anumang sandali ay sasabog iyon. Akala ko ready na ako sa rejection niya. Pero hindi ko inasahang ganito pala talaga kasakit...

Handa na akong humakbang palayo nang mayamaya'y pigilan ni Zeph ang braso ko.

"L-Let go, Zeph. It's okay..." hindi lumilingon na saad ko.

Pero hindi sumagot si Zeph. Instead, marahan niya akong hinila palapit at paharap sa kaniya. The next thing I knew, mahigpit na niya akong yakap habang ilang inches na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Nagtama ang aming mga mata, at para akong malulunod dahil sa titig niya. Sunod-sunod na napalunok ako. Our distance was suffocating!

Tumigil yata ang puso ko sa pagtibok nang tawirin ni Zeph ang nalalabing distansiya sa pagitan namin and claimed my lips for a kiss! I was too stunned pero mayamaya pa hindi ko na napigilang mapapikit. Kinalimutan ko muna ang lahat—ang oras, ang lugar, at ang kasalukuyang sitwasyon namin—at tuluyang nagpatangay sa marahan at maingat na galaw ng labi niya sa mga labi ko. Right there and then ang gusto ko lang isipin ay si Zeph.

Mayamaya pinutol ni Zeph ang halik. Dumaan sa mga mata niya ang magkakahalong emosyon na hindi ko mabigyan ng pangalan—a mixture of emotions which mirrored mine.

"Z-Zeph..."

And when I was finally expecting him to let me go, that's when he claimed my lips for another kiss. This time a lot deeper. Naramdaman kong mas hinigpitan ni Zeph ang yakap sa 'kin. At katulad kanina, hinayaan ko ang sariling muling magpaubaya sa magkakahalong emosyong dulot ng halik niya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top