CHAPTER THREE
"I HAVE to attend another webinar today. May report na hinihingi ang president, tanungin mo si Cherry para sa details na kailangang ilagay so you could draft it. Kailangan ding ipasa ngayon ang reflection from my webinar last week. Make a narrative and send it to my email later," sunod-sunod na utos ni Evil Brenda pagpasok ko pa lang sa lounge area ng administration building.
Katatapos ng flag raising ceremony. Nanginginig pa nga ang mga tuhod ko dahil halos one hour kaming nakatayo sa harap ng flag pole. Dapat dederetso na ako sa faculty room para gawin ang mga trabaho ko ngayong umaga.
Pero letse! May pa-special mention sa akin si Evil Brenda kanina bago kami i-dismiss ni Mr. Vargas-ang president ng Brentwood.
Tapos ni hindi na niya ako pinaakyat sa office niya. Hinintay lang niyang makaalis si Mr. Vargas saka sinimulan ang "pagbabagsak" ng sandamukal na utos sa harap ko. It was just the first week of November and I had been insanely busy.
Ibang klase rin talaga si Evil Brenda. Pinagpahinga lang niya ako nang very slight noong All Saint's Day, tapos ngayon may gana ulit siyang magbato nang pagkarami-raming ancillary works. Nakakainis, wala man lang warning! Letse! Pati narrative at reflection niya sa webinar na hindi ko naman alam ang content ay pinapagawa sa akin!
Punyetang bruha!
It was supposed to be a happy Monday. Maaliwalas ang bukas ng umaga at sumabay pa ang magandang sikat ng araw. Dahil doon magaan ang pakiramdam na lumabas ako ng bahay kanina. Sa sobrang ganda nga ng mood ko binati ko pa halos lahat ng nakasalubong ko sa daan. Pero in split seconds unti-unting inagaw ng madilim na aura ni Evil Brenda ang masiglang morning ko.
Hindi ko pa nga natatapos ang action research na ginagawa ko. May upcoming international contest pa ako at halos kalahati pa lang ng goal namin ang nare-review ng contestant ko. Tapos dinagdagan na naman ng buwisit na principal ko!
"Ma'am..." mahinang simula ko.
Time freeze p'wede? Aba'y puyemas ka! Umagang-umaga sinisira mo'ng araw ko! gustong-gusto kong idagdag pero letse ulit! Inulit ko lang ang mahinang "Ma'am" na sinabi ko kanina.
"What?" mataray na tanong niya. "Tell your concern right away, Miss Guanzon, 'wag mong sinasayang ang oras ko."
I mentally rolled my eyes sa tinuran niya Wow! Ako pa talaga ang nagsasayang ng oras dito? Kulang na lang ay magpapad'yak ako dahil sa labis na pagkairita!
Mahinang nagbuga ako ng hangin. "Noted, Ma'am. I'll ask Miss Cherry for the details."
Pagkasabi ko niyon walang paalam na tumalikod siya sa akin at umakyat na sa hagdan patungo sa office niya-her usual response kapag tapos nang mag-utos sa mga alipin niya. Ngali-ngaling hilahin ko ang bagong rebond na shoulder length na buhok niya dahil sa sobrang inis ko.
Nine AM pa lang pero ubos na ang energy ko. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang i-extend iyon hanggang five PM. I felt terribly drained! Sa sobrang frustration ko wala sa loob na napasubsob ako sa malamig na mesa nang marating ko ang faculty room.
Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang simula ng klase ko. At least may time pa akong magluksa sa punong-puno at nakamamatay na schedule ko.
"What's wrong, Kia?"
Nag-angat ako ng mukha nang may magsalita sa tapat ko. Instantly, nagningning ang mga mata ko saka sumilay ang matamis na ngiti nang makita ko si Jiro-na parang may pa-main character effect kasi halos magliwanag siya sa harap ko. Automatically, na-boost ng around fifty percent ang kanina lang ay negative nang energy level ko.
"Yes?" hindi pa rin mapagkit-pagkit ang ngiting tanong ko.
Gosh! Mabuti na lang talaga at hinulog ni Lord ang katulad niya sa workplace ko. At least meron akong energy booster dahil sa angelic at handsome face niya. Plus, ang sweet and caring pa!
"May sakit ka ba? Do you want me to take you to the clinic?" Inilapag niya ang dalang laptop sa ibabaw ng table.
Mukhang katatapos lang ng klase niya. Since may seven-thirty AM class si Jiro hindi niya na-experience ang pagpapahirap sa amin kaninang flag ceremony.
Oh, lucky him... and poor me!
"'Wag na. Don't worry, 'ayos lang ako."
Presence mo lang sapat na para gumaan ang pakiramdam ko! Ehe! gusto ko pang idagdag pero tinikom ko ang bibig. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
Gaga! Stressed ka na nga may gana ka pang lumandi!
Inirapan ko lang ang inner self ko sa sinabi nito.
"Here, I got you something to drink. I hope this will make you feel good."
Gustong mag-rally ng internal organs ko nang ilapag ni Jiro ang bottle ng kape sa ibabaw ng mesa. Napalunok ako. Siguradong magwi-wave na naman ang acid reflux ko kapag ininom ko iyon.
I was tempted to decline this time pero naisip ko ulit na nag-effort si Jiro na bilhin iyon para sa akin. Kaya kahit minumura na ako ng beast mode na sikmura ko, kinuha ko pa rin iyon at nagpasalamat sa kaniya.
"Kailangan mo 'yan kasi we really need to finish the manuscript later. Na-finalize ko na 'yong part ko, let's edit yours kapag free ka na." Magaan siyang ngumiti saka marahang hinaplos ang buhok ko.
Shit! Trabaho na naman!
"Aw. So sweet," narinig kong sabi ng isang co-teacher kong pumasok sa faculty room.
"Makiki-sana all na lang talaga kami sa inyong dalawa," segunda naman ng isa.
Hanggang sa sunod-sunod nang nagsidatingan ang iba pa naming co-teachers-tanda na tapos na ang morning class ng mga ito at magsisimula na ang recess-at nakisali na rin sa pang-aasar. Nagkatinginan kami ni Jiro saka nagkangitian. Deep inside, I was hoping na ika-clarify na niya kung ano talagang meron sa amin.
I waited... pero wala na siyang ibang response. Instead, natatawang bumalik siya sa table niya at umupo sa swivel chair patalikod sa akin. For a moment lalong nadagdagan ang pagkabalisang nararamdaman ko. At hindi na lang iyon dahil sa sobrang nakakapagod na schedule ko.
Fifteen minutes later, I was already drafting that damn report when Evil Brenda burst into the faculty room, accompanied by someone. Mabilis pa kay Flash na natahimik ang kanina lang ay malakas na asaran at tawanan ng co-teachers kong masayang kumakain ng snacks. Pati sina Ellie at Raffy na nagtsitsismisan sa tabi ko ay biglang umayos sa kani-kanilang area at nagkunwaring busy sa pagtatrabaho.
Well, wala nang bago sa ganitong scenario kapag bigla kaming nami-miss ni Evil Brenda-na sobrang bilis kasi kasama lang namin siya sa flag ceremony kanina. Halos lahat naman yata ayaw na magkaroon ng encounter sa kaniya. Isa lang naman kasi ang rason bakit ilag sa kaniya ang lahat ng co-teachers ko-she was extremely difficult to deal with.
Nag-angat ako ng tingin. As always very classy and sophisticated ang datingan ng principal namin. Mukhang nag-retouch pa bago pumunta sa building namin. Maayos kasi ang pagkaka-brush ng buhok niya at matte na matte ang texture ng powder sa balat-walang anong sign ng oiliness doon.
While staring at her, noon ko lang napansin na bagong palit pala ang frame ng eye glasses niya-this time it was a butterfly-rimmed one. A perfect match para sa evilness ng aura niya.
And just like what I saw at the administration building a while ago, consistent pa rin ang pagkakasimangot ng mukha niya na para bang araw-araw ay Biyernes Santo. I wonder kung kailan siya huling ngumiti. Marami namang rason para mag-smile-lalo na kapag nasa Brentwood-pero hindi ko talaga ma-gets bakit ayaw man lang niyang ipakita iyon sa amin.
Pasimple ko pa siyang ini-scan ng tingin from head to toe. She was wearing her usual black blazer on top of her school uniform, a sign of distinction na isa siya sa pinakamataas na personnel ng Brentwood Learning Academy. She also had those pair of black high heeled sling back shoes. Lastly, dala ulit niya ang Christian Dior micro bag na worth a million-peso raw kaya madalas niyang i-flex.
Mula kay Evil Brenda, lumipad ang tingin ko sa taong kasama niya. Naningkit ang mga mata ko nang ma-recognize ang babaeng nakatayo sa tabi niya. The woman was wearing our office uniform already. Nag-iba na rin ito ng hair color-from blonde to black-pero hindi niyon naitago ang signature bitchy look nito. At kapag naaalala ko ang encounter ko rito last week talagang kumukulo pa rin ang blood cells ko!
"Everyone, I'd like you to meet Camille Del Rosario. Starting today, she'll be a part of this teaching family," formal and as always hindi ngumingiting imporma ni Evil Brenda nang sa wakas ay basagin niya ang nakabibinging katahimikan.
As if on cue, biglang umingay ang paligid. My co-teachers welcomed the smiling newbie, Camille Del Rosario. Lahat halos masayang makilala ito, except kami ni Ellie na alam kung ano'ng totoong kulay ng malditang babaeng iyon. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Parehas na disgusto ang nagre-reflect sa mga mata namin.
"Hello, teachers! I'm really glad to meet you all po!" parang sinapian ng kung anong kahinhinan na sabi ng malditang newbie. At para perfect ang acting niya ngumiti pa nang pagkatamis-tamis.
Para kaming masusuka ni Ellie. So, she was playing the role of a friendly and sweet newbie. I laughed outwardly, masking my intense annoyance. Gusto yata niyang ma-nominate sa Cannes at mabigyan ng best actress award! A round of sarcastic applause to her!
When I encountered her last week, I never would have guessed she was a teacher. Gosh! Sa naging asal niya ipinakita lang niyang hindi niya deserve matawag na guro. Because no teacher would behave the way she did. Isa siyang kahihiyan sa propesiyon namin!
Habang busy ako sa pagbibigay ng masamang tingin sa bagong co-teacher namin noon naman pumasok si Jiro. Hindi muna ito pinaupo ni Evil Brenda, instead may tipid na ngiti-o imagination ko lang 'yon-na ipinakilala niya rito si Camille. Jiro, in turn, smiled at the newbie. I watched them closely as they exchanged pleasantries.
At hindi nakaligtas sa matalas at naniningkit na mga mata ko ang pa-cute na ngiti ng bruha kay Jiro ko!
"If looks could really kill, siguro kanina pa nilalangaw 'yang si Ate Girl sa harap mo, Kia." Nilingon ko si Ellie nang wala sa oras sa sinabi niya.
"Actually, gustong-gusto ko nang hatakin paalis sa harap niya si Jiro. 'Kita mo 'yang babaeng 'yan? She's a real two-faced bitch! Kunwari mabait!" pabulong at inis na inis sa sabi ko.
"Gora! Dapat lang talaga na ilayo mo 'yang si Lover Boy sa lintang 'yan. Aba! Malakas ang pakiramdam kong may lahi din 'yang ahas!"
I was tempted to do exactly what Ellie had suggested, pero pinigilan ko ang sarili. Kung may "K"-as in "Karapatan"-lang talaga ako, hinding-hindi ko siya hahayaang makalapit kay Jiro. Kasi katulad ni Ellie, ramdam ko ring may ilalandi pa ang Camille del Rosario na iyon!
─•❉᯽❉•─
"SO, I got this information from my most reliable source in Brentwood. Listen carefully, mga beshy..." Dumukwang si Ellie palapit sa amin at itinuloy ang pabulong na pagsasalita. "Nakapasok daw 'yang si Camille girl because she got connections from the higher ups! At ang sabi pa, may under the table transaction na naganap!"
Nanlaki ang mga mata at sabay kaming napasinghap ni Raffy sa sinabi ni Ellie. We were at the school cafeteria for lunch. Wala talaga akong masabi sa bilis ng radar ng kaibigan ko sa pangangalap ng "information".
Kahapon lang pumasok ang Camille del Rosario na iyon at halos twenty-four hours pa lang ang nakalilipas. Ngayon baon na ni Ellie ang mga chika tungkol sa malditang newbie na iyon.
I could now officially call that bitch a certified maldita. Why? Inirapan lang naman niya ako nang makasalubong ko siya kaninang umaga. I bet she recognized me from last time. Kung anong tamis ng ngiti niya kapag nakaharap ang iba naming co-teachers, ganoon naman ang sama ng tingin niya kapag kami ni Ellie ang nakikita niya.
I also concluded na extra kind at sweet siya sa male teachers. Malambing siya kapag nakikipag-usap kay Raffy at sobrang pa-cute kapag si Jiro na ang kaharap! Hindi ako namalikmata nang ma-observe ko ang malanding ngiti niya kay Jiro kahapon. I saw it again this morning. Napaka-consistent ng gaga!
Sa sobrang inis, gigil na tinusok ko ang order na pork cutlet at isinubo iyon.
"That really sounds interesting, Ellie. Sino namang higher ups ang backer niya?" tanong ni Raffy nang makabawi. Mayamaya enjoy na enjoy na niyang nginunguya ang order na banana crepe para sa dessert.
"Si Mr. Vice President. Base sa source ko magkamag-anak daw sila. Hindi lang sinabi sa 'kin to what extent. Anyway, I will get to know that soon. At least for now, may idea na tayo kung ano'ng meron sa babaeng 'yon," paliwanag pa ni Ellie.
"Seriously? Kaya naman pala malakas ang loob na magtaray!" I exclaimed in so much annoyance.
"Sinabi mo pa!" Ellie rolled her eyes. "Kaya ikaw, Raffy..." Bumaling siya sa pinsan kong nasa tabi ko. "Lumayo-layo ka nang kaunti sa babaeng 'yon. Lagi mong tandaan 'yong ginawa niya sa 'min ng pinsan mo. Nakita mo naman kung paanong naging parang basang sisiw last time itong si Kia, 'di ba?"
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ellie. Amused naman na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Raffy.
"Don't worry, I'll take note of that. Nasa inyo ang full loyalty ko." Malapd na ngumiti ang pinsan ko. "I also got to observe that girl, hindi rin ako komportable sa kaniya lalo na kapag lumalapit siya sa akin."
"Mabuti 'yan. Very good ka d'yan!" natutuwang sabi ko saka siya mahinang tinapik sa balikat.
"Pero friendly reminder lang. Mabuti sigurong 'wag n'yo na lang siyang pansinin. Mukhang wala rin 'yong pakialam sa female co-teachers natin dahil mukhang nasa 'ming boys ang attention niya."
"Well, walang kaso 'yon sa 'kin, Raffy, pero mukhang dito tayo kay Kia magkakaproblema. Halatang target landiin no'ng Camille na 'yon si Lover Boy. Ang lagkit lagi ng tingin!" salubong ang mga kilay na turan ni Ellie.
Hindi ako umimik but I did agree with her. Tinitigan naman ako ni Raffy na parang nababasa niya ang nasa isip ko.
"Hey, you don't have to worry, Kia. Katulad ko loyal din 'yang si Jiro. He only has eyes on you. Trust me," nakangiting saad niya.
Mahina akong nagbuga ng hangin. Hindi ko alam pero kahit may assurance si Raffy ay ayaw pa ring kumalma ng over thinker na utak ko. Pakiramdam ko kasi ay malaki ang chance na ma-sway si Jiro sa panlalandi ni Camille dito. Nevertheless, I tried to push that negative thought aside.
With a hopeful mindset, I gave him a faint smile. "Magdilang-angel ka nga sana, Raffy..."
─•❉᯽❉•─
DAYS passed at nakalimutan ko rin ang presence ng bagong co-teacher namin sa Brentwood. Nakatuon na kasi ang atensiyon ko sa international contest na gaganapin sa Singapore dalawang linggo mula ngayon.
Everything was set. I had my passport and all the other necessary documents ready for the event. Masasabi kong nasa ninety percent na ang preparedness level namin para sa contest. Plane ticket at accommodation na lang talaga ang kulang, although na-inform akong administration na ang bahalang magpa-process doon.
Kanina lang, nakatanggap ako ng message mula kay Miss Cherry. Gusto raw akong makausap ni Evil Brenda tungkol sa competition ko. I was instructed to meet her at the principal's office by four PM.
May hesitation man akong puntahan siya wala akong choice kung hindi sumunod sa utos. After all, siya pa rin ang principal ko kahit sobrang allergic ako sa kaniya. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi na niya dinagdagan ang ancillary works ko at hinayaan na lang akong mag-focus sa existing tasks ko.
Minutes later, narating ko ang principal's office sa third floor ng administration building. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pinihit ang door knob at pumasok doon.
I was first greeted by the eerie and cold vibe-literal na malamig dahil naka-full blast yata ang air condition-of her office. Kalahati ng faculty room namin ang size ng office niya. Simple lang ang interior nito.
It was painted in white and she only had her large mahogany office table at the right portion of it and a sofa set in front. Sa likod niya makikita ang puting three-layered bookshelf. She had at least two large pots of ornamental plants inside. A fiddle leaf fig beside her table and a rubber plant beside the door.
Pero kahit na refreshing at maaliwalas iyon sa mata hindi naikubli ang madilim na aura na nakapalibot kay Evil Brenda na siyang may-ari ng office. Ironic indeed.
"Good afternoon, Ma'am," tipid na bati ko.
Kahit madalas ko siyang nakakasalamuha, hindi pa rin maalis-alis sa sistema ko ang kakaibang pakiramdam kapag nasa malapit siya. That intense feeling of dread and unease.
"Take a seat, Miss Guanzon," pormal na imporma niya nang mag-angat siya ng mukha mula sa mga papeles na binabasa.
Lumapit naman ako at naupo sa pang-isahang sofa na kalapit lang ng malapad na table niya. Saglit lang na katahimikan ang bumalot sa amin, though it felt like a suffocating eternity to me.
"I won't beat around the bush. I want you to withdraw from the competition," deretso at walang kagatol-gatol na turan niya.
Nagpantig ang mga tainga ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ilang segundong napatanga lang ako. Nagbukas-sara ang bibig ko, pilit na hinahanap ang tamang salitang dapat kong isagot ngunit hindi nito magawang lumabas sa labi ko. Instead, I kept staring at her in disbelief.
Mayamaya pumikit ako. Ilang sandali kong kinumbinse ang sariling mali lang ako ng dinig. Na baka pina-prank lang din ako ni Evil Brenda. Pero para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang pagdilat ko ay hindi pa rin nagbabago ang seryosong expression sa mga mata ng bruha sa harap ko.
Sunod-sunod na sumagap at nagbuga ako ng hangin. Kahit para niya akong malakas na sinampal sa sinabi niya pinilit kong kalmahin ang sarili at inintindi ang balitang ibinagsak niya.
"M-Ma'am... matagal na po akong naghahanda para competition na 'to. "You can't just tell me to withdraw like that," kalmado ngunit mariin na saad ako.
Nginangatngat ako ng kaba habang nakatitig kay Evil Brenda pero nagpakatatag ako at pinanatili ang tingin sa kaniya. Hindi ko kailanman tatanggapin ang balitang pilit niyang inihahain sa harap ko.
"I've already replaced your name, Miss Guanzon. Focus on attending seminars and working on your action research instead." May finality sa boses niya.
That was then my cue para tumayo. Mahigpit na naikuyom ko ang mga kamao.
"Ma'am Brenda, this is unfair! You had me replaced without even informing me? Ni hindi ko nga po alam kung capable ba ang ipinalit ninyo sa 'kin? Sa tingin n'yo po ba'y basta-basta ko na lang tatanggapin 'to?" hindi makapaniwalang bulalas ko.
"I assigned the mentorship to Mr. Elizalde, and he gladly accepted."
Marami pa akong gustong sabihin pero napipi ako nang banggitin niya ang pangalang iyon. Para akong sinipa sa sikmura. Unti-unting nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at tuluyan akong napaupo sa sofa.
Right then and there, I felt utterly betrayed...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top