CHAPTER TEN

Two years ago...

IKAKASAL na si Zeph.

Iyan ang isiping paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko nang marinig ko ang balita mula kay Mommy. Kabababa ko sa dining area para kumain ng late lunch—halos maghapon akong nagtrabaho para sa lesson plan ko—nang matapos si Mommy sa pakikipag-usap sa phone, na napag-alaman kong si Zeph pala.

She broke the news that he was engaged at next month ang inaasahang kasal. Nang malaman ko iyon hindi ko halos malasahan ang pagkaing nasa bibig ko. Suddenly, the food tasted bland. Naglaho ring parang bula ang gutom sa sistema ko. I was tempted na tumakbo pabalik sa k'warto ko pero ayaw kong magtanong si Mommy—na masaya pang nagkukuwento sa harap ko.

"He asked me to relay the news to you and Kade. Hindi pa raw kasi kayo nagkakausap," masayang sabi ni Mommy. Obviously, hindi niya ramdam na may rason kung bakit hindi ko agad nalaman ang balita tungkol sa engagement ni Zeph.

Nagbaba ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. It has been three months since I last talked to Zeph. Actually, normal lang iyon sa 'min dahil madalas ay busy rin kami sa kaniya-kaniya nang buhay. I recently had my teaching job at Brentwood. Siya naman ay abala na sa career sa London—bagay na mas pinili kong hindi na alamin ang buong detalye.

At dahil hindi ka na nakibalita sa kaniya, you missed the chance to know more about his whereabouts. Kaya hindi ka rin handa sa news na ikakasal na siya.

At that thought parang piniga nang husto ang puso ko. Naramdaman ko ang labis na pagkirot no'n.

Pero hindi ba't ito rin naman ang gusto ko? Kaya ko unti-unting pinutol ang communication naming dalawa ay dahil gusto ko na ring ibaon sa limot ang espesyal na pagtingin ko sa kaniya. After all, almost seven years na naming hindi nakikita ang isa't isa. Siguro'y enough reason na rin iyon para umusad ako at itigil na ang paghihintay sa kaniya.

And knowing na ikakasal na siya isang valid reason iyon para kalimutan ko na ang anumang damdaming meron pa ako para kay Zeph.

But you couldn't also hide the fact na kaya mo naiisip 'yan ngayon ay dahil nasasaktan ka sa nalaman mo, Kia...

Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko. Bigla ay nag-init ang sulok ng mga mata ko. At bago pa mabisto ni Mommy ang tunay na damdamin ko kay Zeph, pinilit ko ang sariling huminga nang malalim. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa kumalma ang pakiramdam ko. Then I excused myself. Nagdahilan na lang ako na kailangan ko pang tapusin ang naiwan kong trabaho sa room ko.

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko nang maisara ko pinto ng kwarto. Nanghihinang napasandal ako roon. Mayamaya hindi ko napigilan ang sariling mapahikbi. Gusto ko mang paniwalain ang sarili kong wala lang sa 'kin ang balitang nalaman ko pero hindi naman maitanggi ng puso ko ang totoong nararamdaman nito.

The thought of knowing about his engagement sent an overwhelming pain inside me. Pakiramdam ko hinihiwa nang paulit-ulit ang puso ko. And little by little it was suffocating me...

I hated to see myself in this situation. I felt helpless. For the first time naawa ako sa sarili ko. Kailanman hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang ilang taong pagtingin ko kay Zeph. Bakit hindi ko naisip na sakit lang ang aabutin ko sa pag-aakalang babalik siya at susuklian ang damdaming meron ako sa kaniya?

Kung hindi ba naman ako tanga!

Seconds passed natigil din ako sa pag-iyak. Inayos ko ang sarili at pinahid ang natitirang trace ng luha sa pisngi ko. Mayamaya ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Wala sa loob na itinaas ko ang kanang kamay ko. There, I saw Zeph's gift—ang bracelet na bigay niya noong seventeenth birthday ko. I realized, pitong taon ko na rin palang suot iyon. Ibig sabihin pitong taon na rin akong umaasang magkakaroon din ng happy ending ang love story na ako lang pala ang naghahangad para sa 'min.

With that, I did the best thing. Kinalas ko ang lock ng bracelet at sa unang pagkakataon, inalis iyon sa kamay ko. Huminga ako nang malalim. I stared at the ceiling for minutes until I was able to come up with a decision.

I have to forget Zeph. I need to force myself to do it. Mahal ko ang sarili ko at hindi nito deserve ang patuloy pang masaktan nang dahil sa kaniya...

Days later, I went to school na baon ang decision na iyon. At para pangatawanan ito, I worked like crazy. I filled my thoughts with nothing but work. Tumanggap ako ng tasks at pinuno ang schedule ko. That way wala na akong excuse para isipin pa si Zeph.

"Ma'am Kia, p'wede ba kitang maistorbo for a while?"

I was busy typing words on my laptop when I heard that voice. Nag-angat ako ng mukha. I saw Sir Jiro—a new teacher na halos one week pa lang mula nang ma-employ sa Brentwood. Now, I understood why Ellie had been going gaga over him. Ngayong nasa malapit siya na-realize kong eye candy naman pala talaga ang lalaki.

"Yes, Sir? May tanong ka?" magaang tanong ko.

"Ma'am, will it be fine if magpatulong ako sa 'yo regarding sa reports na hinihingi ni Ma'am Sabado? I can't quite get her instructions. Medyo nakakalito kasi."

Napangiti at nabuhay ang curiosity ko nang mabanggit niya ang pangalan ni Evil Brenda—ang bruhang principal namin. Poor him. Kapapasok pa lang niya rito pero biktima na agad siya ng babaeng iyon. Heto at may trabaho na agad na ibinigay sa kaniya.

I closed my laptop and stared at him.

"Pinatawag ka rin ba sa office niya?" curious na tanong ko.

"Yeah. Kaninang umaga lang," napapakamot ng ulong sagot niya with that helpless look on his face. "And I wasn't expecting she'll give me this list."

Inilapag ni Sir Jiro sa harap ko ang bond paper na naglalaman ng mga "special task" para sa 'ming mga alalay ni Evil Brenda. Oh, poor us!

Magaang tinapik ko siya sa balikat para makisimpatya sa nararamdaman niya. "Don't worry I'll help you with that, Sir. At least, kahit paano may karamay ka d'yan. Siguro nalaman mo na ring most ng trabaho mula sa office of the principal ay sa 'kin niya originally ipinapasa."

Tumango-tango si Sir Jiro. "Miss Cherry told me about it."

"Ang helpless ng situation natin, ano?"

"You think so, Ma'am?"

"Oo, sobra!" bulalas ko saka tumawa. Natawa rin si Jiro sa sinabi ko.

─•❉᯽❉•─

AND I never thought na ang pangyayaring iyon ang magiging simula ng friendship namin ni Jiro. Six months later we were inseparable. Madalas kami ang magkasama dahil often times kami rin ang only receiver ng mga trabaho mula kay Evil Brenda. Jiro eventually became my stress reliever dahil unexpectedly masaya rin siyang kausap. Wala rin akong masabi sa pagiging kind and generous niya.

I'd also discovered that he was very down to earth. Though, galing siya sa mayamang pamilya, hindi iyon mahahalata dahil sobrang grounded niya. Sa pagkakaalam ko, ako pa yata ang unang nakaalam na kilala sa business world ang mga magulang niya. That's when I came across an article on the internet. Binanggit doon ang pangalan ni Jiro dahil sa pagpa-participate niya sa isa mga outreach program ng parents niya.

Pero hindi ko rin inasahan na ang closeness namin ay magkakaroon ng ibang kahulugan sa mga co-teachers namin. Lalo na kay Ellie na halos everyday yata akong tinatanong tungkol sa real score sa pagitan naming dalawa.

"Girl, umamin ka na kasi sa 'kin. May something na sa inyo ni Jiro, 'no?" puno ng pang-iintrigang tanong ni Ellie. We were at the school cafeteria at kasalukuyan kaming kumakain ng lunch.

I took a sip from my mango slushy saka naiiling na binalingan siya.

"Ellie, stop that. 'Wag mong bigyan ng meaning ang closeness namin, okay? We're just friends. 'Yon lang."

Besides, hindi pa ako ready na buksan ang puso ko sa gan'yang possibilities. I still want to heal from my past pains, gusto ko pa sanang idagdag pero pinigil ko ang sarili.

Itinago ko kay Ellie ang totoong damdamin ko kay Zeph. I actually told no one about it. And I guess, mananatili nang lihim iyon hanggang sa pagtanda ko. I didn't see any reason para sabihin pa iyon sa iba. After all, tapos na. Saka unti-unti na ring naghihilom ang sugat na dulot ng one-sided love ko towards him. Umaasa rin akong sana, sa pagdaan ng mga araw tuluyan ko nang makalimutan ang damdamin ko sa kaniya.

"Sure?" hindi pa rin convinced na tanong niya.

Natawa ako. Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan? "Yes, very sure."

"Pero alam mo, bagay kayo. Actually, okay lang naman sa 'king ma-develop kayo for real, eh. Besides, mabait naman 'yang si Jiro at pogi pa!" Malakas na humalakhak ang loka-lokang kaibigan ko.

"Let's see where will it take us, Ellie. Masyado pang maaga para 'yan ang isipin natin. Sa ngayon masaya akong magkaibigan lang kami," magaang sabi ko.

"Okay, sabi mo 'yan, eh. Pero, Kia, tandaan mong nandito lang ako bilang number one supporter ng love team ninyo in case naisipan na ninyong mag-level up, ha?"

Natawa kami pareho ni Ellie sa sinabi niya. Mayamaya magana na naming ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain ng lunch.

That day, seven PM na kami nakauwi ni Jiro. Tinapos kasi namin ang report na hinihingi ni Evil Brenda. Nagprisenta siyang ihatid ako pauwi. I was hesitant at first dahil malayo pa ang uuwian niya pero napilit din niya ako lalo na nang lumakas ang buhos ng ulan.

Twenty minutes later narating namin ang bahay.

"Ingat ka sa pag-uwi at salamat ulit, Jiro," nakangiting sabi ko nang makababa ako ng sasakyan niya.

"No worries. 'Bye, Kia!"

After waving him goodbye hinintay ko pang makaalis ang kotse ni Jiro. Nang hindi ko na ito matanaw I decided na pumasok na. Akma na akong tatalikod nang marinig kong bumukas ang malaking gate sa tapat ng bahay namin. Seven years ding nabakante iyon at akala ko ay hindi na matitirhan pa. But six months ago that old American house has been remodeled. Hindi ko na nga lang natanong kina Mommy kung sino ang nakabili.

Recently lang natapos ang renovations sa bahay at ngayon ko lang napansin na lumipat na pala roon ang bagong may-ari nito. Curious na humarap ako sa direksiyon niyon. Pero hindi ko inasahan ang magiging reaksiyon ko. Kumabog nang husto ang dibdib ko—bagay na iisang tao lang ang nakagagawa—at nanlaki ang mga mata nang iluwa ng gate ang taong hindi ko inakalang muli kong makikita pagkatapos ng pitong taon...

Ilang ulit na kumurap ako. I thought dinaraya lang ako ng paningin ko. Pero nang humakbang siya palapit at masinagan ng liwanag mula sa katabing lamp post ang bulto niya, roon ko natantong hindi nga siya parte lang ng imahinasyon ko.

"Z-Zeph..." mahinang usal ko sa pangalan niya.

Sa isip ko lang dapat iyon but I was shock to hear my own voice calling his name.

"Kia!" malawak ang ngiting tawag niya sa pangalan ko saka patakbong lumapit sa 'kin.

We were only a few steps apart. Nagbukas-sara ang bibig ko. Hindi ko mahanap ang boses ko para magsalita. Then this urge of running away from him came rushing. Gusto ko nang tumalikod at tumakbo palayo pero traydor ang mga paa ako. Namanhid ang mga iyon at tila ba ako itinulos sa kinatatayuan. I was left in there helplessly staring at him.

"God! I missed you!" Iyon lang at tinawid ni Zeph ang nalalabing distansiya sa pagitan namin. Seconds later, nakita ko na lang ang sariling nakakulong na sa mahigpit na yakap niya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top