CHAPTER SIX

NAGISING ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Ilang sandaling hindi ko ito pinansin at bumalik ako sa pagtulog. Pero letse! Ayaw tumigil sa pag-iingay! Napapamura at pikit-matang kinapa ko ang lintik na gadget sa bedside table.

Hindi ko na tiningnan ang pangalan ng tumatawag sa screen nang i-swipe ko iyon. Basta tumagilid na lang ako at tinatamad na ipinatong ang phone sa ibabaw ng tainga ko.

I responded with a raspy, "Hello."

"Kia, gising na!"

I remained silent. Saglit na nag-process ang utak ko at kinalkal sa memory bank ko kung kaninong boses ang nasa kabilang linya.

"Hello? Hoy, 'wag mo 'kong tulugan!"

Dumilat ako nang ma-realize na si Zeph iyon. Busangot ang mukhang bumangon ako at nag-Indian seat sa gitna ng kama.

"Ano na naman ba'ng kailangan mo? Ang aga-aga, Zephyrus, ah. Bakit ba nambubulabog ka?" asar na saad ko.

Pero hindi na sumagot ang loko sa kabilang linya. May ilang segundong sunod-sunod na yabag lang ang narinig ko sa background. Paulit-ulit ko pa siyang tinawag hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng room ko at dumungaw ang ulo niya roon.

Pinatay niya ang tawag at ibinulsa ang hawak na cellphone.

"'Di ba sabi ko, sasamahan mo ako sa Artist' Village ngayon?" naka-cross arms na imporma niya nang tuluyan siyang makapasok at maisara ang pinto.

Napapahikab na sinuri ko si Zeph ng tingin mula ulo hanggang paa. Bihis na bihis na nga ang loko. In fairness, ang fresh niyang tingnan sa suot na stripes na sweaters, black pants at navy blue na snapback. Pinuno rin ang pang-amoy ko ng gentle scent mula sa gamit niyang pabango.

Nahiya naman ang may muta pa yatang mga mata ko pati na rin ang sabog na sabog na buhok ko sa itsura nitong si Zeph. Eh, 'di siya na ang early riser!

Pero, sandali nga. Hindi ko talaga maalalang may usapan kaming lalabas ngayong araw. Nakusot ko ang mga mata. I lazily glanced at my bedside clock. Napamulagat ako at nawala ang natitirang ounce ng antok sa katawang-lupa ko nang makitang six AM pa lang ang oras doon!

"Siraulo ka ba, Zeph? Ano'ng gagawin natin sa Artist' Village nang ganito kaaga, ha?" salubong ang mga kilay na tanong ko nang balingan siya.

"Magkakape," he remarked coolly and gave me a sweet smile.

"Gago! Bib'yahe ka nang ganitong oras para lang magkape? Eh, kung sinasakal kaya kita d'yan?"

Iritang nahiga ako at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Umagang-umaga pinapataas ng buwisit ang blood pressure ko!

"Hey, hey, don't do that! Samahan mo na 'ko, please," he protested but I ignored him.

Seconds later, nasa kama ko na siya at pilit na inaalis ang kumot sa katawan ko.

"Punyemas ka, Zephyrus! Masasaktan talaga kita!" gigil na sigaw ko saka siya hinampas ng unan.

Pero parang walang kaso iyon sa kaniya kasi hinagis lang niya ang unan sa kung saan saka bumalik sa panggugulo sa akin. At dahil mas malakas ang gago nagawa niya akong hilahin sa braso para maibangon.

Mayamaya pa, inaalog na niya ako sa magkabilang balikat—which was enough to fully wake me up. Ang ending para na akong gorang kasi lalong sumabog sa mukha ko ang mahabang buhok.

Yamot na minura ko siya dahil sa sobrang inis bagay na tinawanan lang niya nang malakas.

"Letse ka!" asik ko habang iniipit sa magkabilang tainga ang buhok na tumabing sa mukha ko.

"Wala ka namang gagawin, 'di ba? Why don't you just come with me? Saka 'wag mong sabihing magtatrabaho ka na naman. Weekend ngayon, Kia."

"Oo na! Sa tingin mo may choice pa 'ko?" I darted him a death glare. "Eh, kung sinabihan mo kaya ako nang mas maaga para at least prepared ako. Hindi 'yong ganitong bigla kang susulpot dito tapos mambubulabog ka!"

"Sorry na. Sasabihin ko sana kahapon kaso beast mode ka. Natakot akong lapitan ka, baka hambalusin mo 'ko at isubsob din sa cake!" kunwari nasindak na sabi ni Zeph pero bumunghalit din naman ng tawa.

Nahampas ko siya sa balikat nang wala sa oras. Letseng 'to! Kailangan pa talagang ipaalala ang ginawa ko kay Jiro sa L'espresso kahapon? Eh, kinakabahan na nga ako kasi baka isinusumpa na ako ng lalaking iyon ngayon.

"Shut up!"

"Bakit? Ang astig mo nga kahapon, eh. Congratulations, Kia!" Humagalpak siya ng tawa saka pumalakpak.

"Alam mo, 'di ko alam kung proud ka ba talaga sa 'kin o sadyang nang-iinis ka lang. Lumayas ka na nga!"

"Hala! Sincere ako sa sinabi ko 'no? Walang halong joke 'yon." Itinaas niya ang isang palad na para bang gusto talagang mag-pledge sa sinabi niya. "By the way, how are you now? Mas gumaan na ba ang pakiramdam mo?"

Saglit na sumeryoso si Zeph. For seconds, may dumaang emosyon sa mga mata niya ngunit hindi ko nagawang pangalanan ito. Pero mayamaya nawala rin iyon sa isip ko lalo na nang bumalik ang playful glint sa mga mata niya. I was just probably imagining things.

"But seeing you right now, I bet, maayos na maayos ang pakiramdam mo. Ang sama mong tumingin, eh." Ginulo niya ulit ang buhok ko.

"Zeph, just get out!" Mapipigtas na ang pasensiya ko sa siraulong 'to.

"Okay, dahil mabait ako, I'll wait for you outside." He flashed a playful grin.

Nasa pintuan na siya nang parang may kalokohan na namang sumulpot sa isip niya. Tumigil si Zeph at pumihit paharap sa akin.

"Ano na naman?" Umigkas ang kilay ko.

"Kia, I think I prefer meeting you at night. I realized, 'di ka pleasing sa mata kapag ganitong oras ng umaga."

"Gago mo!"

Pero hindi na ako nilingon ni Zeph sa halip ang nadedemonyong tawa na lang niya ang narinig ko sa labas ng kuwarto.

─•❉᯽❉•─

WE REACHED the village at exactly nine AM. Late na para sa morning coffee na gusto ni Zeph. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano'ng pumasok sa isip ng loko bakit bigla na lang siyang nagyaya.

Madalas naman kapag ganitong weekend ay sa bahay niya or sa L'espresso kami tumatambay. Minsan talaga hindi ko rin ma-gets ang trip ng isang ito.

Ang ending, sumama na lang din ako. Tama si Zeph, dapat tigilan ko na rin ang pawo-work every weekend. I realized, hindi na rin healthy ang habit na iyon. Kaya para simulan ang pagbabagong buhay ko, probably a trip to Baler's Artist' Village would be great.

Nagtataasang mga puno at magandang sikat ng araw ang sumalubong sa 'min nang i-park ni Zeph ang kotse sa malawak na entrance ng village. Napansin kong mangilan-ngilan pa lang ang mga sasakyang nakaparada sa bakanteng loteng iyon na nagsisilbing parking space ng mga bumibisitang turista.

Kung tama ang pagkakaalala ko, ito ang pangalawang beses na narating ko ang Dicasalarin. The first time was during our high school field trip. Nasa third year kami noon ni Zeph.

Pagkababa ko ng sasakyan, malamig na simoy ng preskong hangin ang sumalubong sa 'kin. Napangiti ako. Nakagagaan ng loob ang tahimik at natural vibe ng paligid. In fairness, may maganda ring dulot ang pambubulabog sa 'kin ni Zeph.

I scanned the area, may dalawang magkahiwalay na daan mula sa entrance. Kung hindi ako nagkakamali, ang isa roon ay papunta sa beach cove na paborito ring dinarayo ng local at foreign tourists' ng Baler.

"Let's go?" excited na imporma ni Zeph.

"Okay. Tara!" masigla namang sagot ko saka naglakad na papunta sa direction ng village.

Peaceful silence ang sumalubong sa 'min nang marating namin iyon pagkatapos ng halos ten minutes na lakaran. I realized, parang napakagandang mag-stay lang doon at pagmasdan ang iba't ibang tree species na nakapalibot dito.

O 'di naman kaya pakinggan whole day ang huni ng mga ibong malayang lumilipad sa paligid ng village pati na rin ang lagaslas ng tubig sa malapit lang na batis.

Inside, there was a traditional open structure that the locals referred to as The Long House. It was entirely made of wood and featured intricate native designs. Napansin kong may mga turista nang nagpapagala sa loob no'n, karamihan ay kumukuha ng pictures sa IG worthy corners ng bahay.

"Since may acid reflux ka, you can simply try their cocoa drink. For sure magugustuhan mo 'yon," magaang imporma ni Zeph nang makaakyat na kami sa taas.

Napangiti naman ako nang marinig iyon. Gustong-gusto ko talaga ang side na ito ni Zeph. Kahit madalas inaasar niya ako, nevertheless, he always remained considerate towards me. Saka kahit matagal kaming hindi nagkita, tandang-tanda pa rin niya kung ano ang mga ayaw at gusto ko. Isa na roon ang acid reflux na nararanasan ko every time na umiinom ako ng kape.

Na 'di man lang napansin ng manhid na ex-crush mo! gigil na sabi ng inner self ko.

Oo na! Aware naman ako ro'n. But at least, I eventually came to realize that. Medyo late nga lang at almost compromised na ang health ko—dahil sa kakainom ng Gaviscon—still, I was able to spot their differences. At masasabi kong napakalayo ni Zeph sa siraulong lalaking 'yon!

"Kia?"

Napakurap ako nang mag-wave ng kamay si Zeph sa harap ng mukha ko.

"May sinasabi ka?" confused na tanong ko. Nag-init ang pisngi ko kasi parang ang tagal ko pala yatang nakatunghay lang sa kaniya.

"May dumi ba'ng mukha ko? Kung makatitig ka kasi parang tinubuan na ako ng sungay sa ulo."

Mahinang natawa ako sa sinabi niya.

"Wala. Na-touch lang ako sa pagiging caring mo ngayong araw."

"Hindi ka pa ba sanay ro'n? Sa pagkakatanda ko caring naman talaga 'ko, 'di ba?"

Hayan na naman ang mala-signal number four na kahanginan niya! Lintik 'yarn!

Pinandilatan ko si Zeph kasi feel kong hindi ko na naman magugustuhan ang mga salitang lalabas sa pasmadong bibig niya. Ito ang hindi maganda kapag binibigyan ng compliment ang isang 'to, eh. Lalong lumalaki ang ulo!

"Ewan ko sa 'yo, Zeph. Halika na nga, gutom na 'ko."

Iyon lang at nauna na akong naglakad para puntahan ang kainang sinasabi niya.

Nag-stay pa kami sa Artist' Village ng more than three hours bago nagyayang umuwi si Zeph. So far na-enjoy ko naman nang husto ang nature trip namin. I also had the chance to stroll around the area and meet his artist friends na madalas palang mag-stay sa lugar.

Past twelve nang umalis kami. Habang nasa biyahe hindi matigil-tigil ang kuwentuhan namin. Nakakatuwa kasi gumaan nang husto ang loob ko. Na-recharge din ang buong katawan ko dahil sa pagkaka-expose sa sariwang hangin.

Dapat pala matagal na akong niyaya ni Zeph dito. Pero hindi na bale, marami pa namang chance para makabalik kami. Next time gagala na rin kami sa Dicasalarin cove. Maybe, I could also ask him to join me in watching the sunset there.

Pababa na kami sa matarik na daan nang mapansin ko ang kumpulan ng mga tao sa gilid ng kalsada. Seconds passed, may pumaradang ambulansya sa 'di kalayuan. Bumaba ang mga sakay n'on dala ang stretcher at nakipagsiksikan sa mga taong naroon.

"Zeph, may naaksidente yata!" may bahid ng kabang bulalas ko.

Accident prone ang parteng iyon ng Dicasalarin pero ito ang unang beses na makaka-witness ako ng case sa personal.

Zeph didn't say anything; instead, he slowed down. Itinigil niya ang sasakyan mayamaya. I was expecting us to get out, so I unbuckled my seatbelt. Pero nagitla ako nang mapansin siyang nakaupo lang sa driver's seat.

He silently stared at the scene outside, his face marked by a bleak expression. Emosyon na pamilyar na pamilyar sa 'kin at akala ko hindi ko na ulit makikita pa.

That's when I realized the scene had triggered a painful memory for him. Isang napakasakit na pangyayaring kahit sa hinagap ay ayaw ko na ring balikan...

"Look, Kia! Mommy just sent me a photo of my little sister!" excited na bungad ni Zeph nang lapitan niya ako sa desk ko. Itinapat niya ang maliit na screen ng cellphone niya sa mukha ko. "Ang cute-cute niya 'di ba?"

"Oo nga! Uy, parehas kayo ng eyes," nakangiti ring sabi ko.

"Jeez! I can't wait to see her. Dapat nag-absent na lang din ako today, 'no? Para nakasama ako sa pagsundo sa kanila." Umupo siya sa tabi ko saka paharap na nangalumbaba sa 'kin.

"Sadly, 'di p'wede kasi quarterly exam natin ngayon. Hintayin mo na lang sila. Anyway, ilang oras lang naman ang b'yahe from Manila to Baler. Mamayang pag-uwi natin baka nasa bahay n'yo na rin sila," I assured him.

Matagal nang hinihintay ni Zeph ang pagdating ng mommy at little sister niya. Halos dalawang buwan din kasing nanatili sa St. Luke's si Tita Minerva dahil nagkaroon ng complication nang ipanganak nito ang kapatid ni Zeph.

"By the way, her name is Zia. Mommy told me she named my little sister after our late grandma, Letizia." Zeph was overjoyed.

"Zia... Maganda nga, bagay sa kaniya," tumango-tango ako. "Pero sana lang ay hindi maging katulad mo 'yang little sister mo paglaki niya."

Kunot-noong pinagmasdan ako ni Zeph. "At bakit naman?"

"Kasi pasaway at ang sungit mo minsan. Kaya wish ko lang na sana maging good girl 'yang kapatid mo," I stated plainly.

"Kia naman! Kailan pa 'ko nagsungit, ha? 'Di ba ang bait-bait ko sa 'yo? Tanungin mo pa si Kade."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Siya pa talaga ang ginawa mong reference? Eh, sobrang bias n'on, malamang ikaw ang kampihan!"

"Of course! Mas favorite n'ya 'ko compared sa 'yo, eh!" mayabang na buska ni Zeph saka ako nginisian.

Ready ko na sana siyang hambalusin kasi pinakulo na naman niya ang dugo ko nang biglang pumasok sa room ang adviser naming si Mrs. Hidalgo.

"Zephyrus?" tawag niya sa kaibigan ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero napansin kong may iba sa expression ng mukha ni Ma'am.

Agad namang lumapit sa kaniya si Zeph. Seconds later he was ushered outside. Hindi ko alam kung ano exactly ang nangyari nang mga sandaling iyon. Basta nagulat na lang ako nang sumisigaw at nag-iiyak na si Zeph.

Naging mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Hindi ko kailanman inisip na magtatapos ang araw na iyon sa balitang wala na ang buong pamilya ng kaibigan ko.

The next thing I knew, nasa bahay na kami ng mga Dechavez at nasa harap ko na ang nagluluksa at hindi na makausap noong si Zeph.

"Wala ka pa raw kain at tulog sabi ni Nana Delia," mahinang sabi ko nang tumabi ako sa kinauupuan niya sa harap ng kabaong ng mga magulang at kapatid niya. Pero hindi umimik si Zeph at hindi rin siya lumingon sa 'kin.

Simula nang ilagak ang labi ng pamilya niya, ito pa lang ang unang beses na makikita ko siya. As I watched him, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa sitwasyon niya. Wala na ring trace ng pagiging cheerful sa mukha niya. Sa halip, nababakas doon ang ibayong hinagpis at lungkot.

Hindi na ako nagtangkang kausapin si Zeph pagkatapos. Mas pinili ko na lang na tahimik na maupo sa tabi niya kahit pa nahihirapan din akong makita siya sa ganoong estado.

"I should've gone with dad that day, Kia..." puno ng pait at pagsisising turan niya sa malat nang boses mayamaya.

He turned to me, and my heart sank as I saw the profound sadness on his face. No tears were falling from Zeph's eyes, but it was agonizing to witness the intense mix of grief and pain etched in them.

"S-Sana isinama na lang nila ako para hindi ako naiwang mag-isa..." his voice cracked.

Seeing him in that state broke my heart into a million pieces. Dagling ikinulong ko si Zeph sa mahigpit na yakap nang umalpas ang mga luha sa mga mata niya.

"B-Bakit ang unfair nila, Kia? Bakit 'di man lang nila sinabi sa 'king iiwan na pala nila ako? H-How am I supposed to live now?"

"Z-Zeph..."

The next thing I heard from Zeph was his heart-wrenching weeping. The sound pierced through me, making me clutch him even tighter, desperate to offer comfort.

Ilang sandali pa kapwa na kami umiiyak. Hinayaan namin ang mga sariling maghati sa pighating nararamdaman ng bawat isa...

"Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ko kay Zeph nang balingan ko siya mayamaya.

Tahimik na nilingon niya ako saka ilang segundong tumitig sa mga mata ko.

It pained me to see that familiar sadness in my friend's eyes—an emotion that had lingered since that event nine years ago. Just like back then, the cheerful and playful Zeph seemed to vanish in an instant. Agad na pumalit doon ang bahagi niyang punong-puno pa rin ng lungkot at pangungulila.

Nagbuga ng hangin si Zeph pagkaraan ng ilang segundo. Then he offered a faint smile, as if trying to reassure me that everything was okay.

"Shall we go?" he inquired.

Tumango ako bilang sagot. Binuhay niyang muli ang makina ng kotse at ilang sandali pa tumuloy na kami sa b'yahe pauwi. Ngunit hindi maalis ang pagkabahala ko, lalo na't nakapagkit pa rin ang matinding lungkot sa mga mata ng kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top