CHAPTER FIFTEEN
KIARA
MADILIM na madilim pa ang paligid. Alas tres ng madaling-araw at nasa biyahe ako patungong Diguisit beach. Nakatulog na si Ellie sa tabi ni Raffy sa driver's seat. Samantalang ako nakapikit lang at pinipilit ang sariling dalawin ng antok.
Malamig sa loob ng sasakyan ni Raffy. Ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko dahil nakatutok sa akin ang air condition. Pero hindi ko iyon alintana, instead, hinayaan ko lang na balutin ako ng lamig at makaramdam ng discomfort mula roon. At least I got to distract myself. Sa unending thoughts na ayaw na yata akong lubayan, at lalo na sa masakit na eksenang iyon na siyang rason kung bakit pinili kong sumama kina Ellie ngayon.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko. Pero nagpatuloy ako sa mabilis na pagtakbo. Nangingibabaw ang pagnanais kong makalayo at takasan ang masakit na eksenang nakita ko. Deretso akong pumasok sa kuwarto at agad na ni-lock ang pinto. Doon hinayaan kong lumaya ang labis na bigat na nararamdaman ko.
Naninikip nang husto ang dibdib ko. Pakiramdaman ko'y libo-libong punyal ang itinatarak doon. Pinangapusan ako ng hininga. Mula sa pagkakasandal sa likod ng pinto nanghihinang napadausdos ako paupo. I couldn't seem to accept what I saw. Hindi matanggap ng puso kong pipiliin pa rin ni Zeph si Kendra sa huli.
At ang tanga-tanga ko kasi hinayaan kong paniwalaan ang assumptions ko tungkol sa totoong nararamdaman niya sa akin. Where in fact I should've doubted it a long time ago. Lalo na nang wala akong matanggap na confirmation mula mismo kay Zeph. He never really told me that he loved me. Not even once...
Sobrang sakit... kasi sa aming dalawa ako lang pala ang nagmamahal. Worst, sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko lang ulit ang sariling masaktan at umasa sa wala.
For seconds, umiyak lang ako nang umiyak. Saglit lang na natigil iyon nang mag-ring ang cellphone sa working table ko. Marahas kong pinalis ang mga luha saka tumayo upang tingnan iyon. Lalo akong napahikbi nang pangalan ni Zeph ang makita ko sa screen. Nasasaktan man sinagot ko ang tawag. Ang tanga ko rin talaga dahil gusto ko pa talagang marinig ang anumang sasabihin niya.
"Kia..." mahinang simula ni Zeph sa kabilang linya. Nag-unahan nang husto ang mga luha ko sa pagpatak nang mahimigan ko ang buong pagsuyo sa tinig niya. O, parte lang ba ito ng pagkukunwari niya?
Handa na akong tapusin ang tawag—dahil na-realize kong hindi ko rin maatim na kausapin siya sa ganitong estado ng emosyon ko—nang mahagip ng mga mata ko ang bulto niyang pumagitna sa kalsadang katapat lang ng kuwarto ko.
He looked devastated and confused. Pero pinili kong alisin sa isip ang nakikita kong mga emosyon sa mukha niya. Ayaw ko nang magpadala pa roon. I remained silent for seconds hanggang sa nagdesisyon akong tuluyan nang ibaba ang tawag. I was about to press the end button when Zeph started to talk.
"Kia, please, pakinggan mo 'ko..." may pagsusumamong saad niya.
Marahas akong nagbuga ng hangin.
"Ano pa ba ang dapat kong marinig sa 'yo, Zeph?" puno ng hinanakit na sumbat ko. "Hindi naman ako bulag. Malinaw kong nakita ang lahat. Saka 'wag kang mag-alala. Hindi ako eng-eng para 'di ma-gets kung ano talaga ang gusto mong mangyari. I understand, hindi mo ako kayang mahalin. Ako lang itong tatanga-tangang pinaniwala ang sariling may response ang feelings ko para sa 'yo."
Pagkasabi ko no'n agad ko nang pinatay ang tawag at isinara ang bintana ng kuwarto ko. Mayamaya nanghihinang napaupo ako sa malamig na tiled floor at muli hinayaan ko ang sariling umiyak lang nang umiyak.
Isinandal ko ang ulo sa backrest ng upuan at itinutok ang tingin sa labas ng sasakyan. Last minute lang na tinawagan ko si Ellie para sabihing sasama ako sa bakasyon nila. Magulo man ang estado ng emosyon ko, I decided to do that. I realized, lalo lang akong masasaktan kung mananatili pa ako sa bahay.
Kilala ko si Zeph, pupuntahan at pupuntahan niya ulit ako. Kagabi matagal pa siyang nag-stay sa labas. Ilang ulit pa akong kinatok ni Mommy para sabihing naroon siya at naghihintay. Pero hindi ko pinansin si Mommy at nagpanggap akong tulog. Ayaw kong makita si Zeph. Lalong-lalo na ang pakinggan ang anumang explanations niya. Hindi ko na gustong gawing tanga ang sarili ko. Quota na ako sa labis na sakit.
Mabuti na lang at understanding si Ellie. Hindi na siya nagtanong sa 'kin nang makita niyang mugto ang mga mata ko nang sunduin nila ako ni Raffy kanina. Kahit si Raffy nanatili lang na tahimik. But I bet they'll ask me later. Hinihintay lang siguro nilang maging handa ako para ikuwento sa kanila ang nangyari.
Muli kong ipinikit ang mga mata. At kahit ayaw ko man, ang huling eksena sa pagitan namin ni Zeph ang paulit-ulit na naglaro sa isipan ko...
─•❉᯽❉•─
MASYADONG maganda ang Aplaya—ang resort kung saan kami mananatili ng tatlong araw—para sa hurting at unstable na emosyon ko. Kung sa ibang pagkakataon siguro nagawa ko nang i-admire ang nakaka-relax na ambiance ng lugar dahil sa asul na asul na karagatan. Pero hindi ko mapilit ang sariling i-appreciate ito nang husto kahit pa nga tanaw sa tutuluyan naming cottage ang white sand beach ng Diguisit.
"Free at last!" masayang saad ni Raffy nang makapasok kami sa loob ng cottage. Nauna siya kasama si Ellie kaya hindi nila pansin ang lupaypay na mga balikat ko habang nakasunod sa kanilang dalawa.
My friends decided to book a family size cottage para share na kaming tatlo roon. Mabuti na lang at hindi pa fully booked ang Aplaya kahit pa nga Christmas season. Ellie and I would be sharing a room while Raffy take the other. May sarili na ring maliit na living room, kitchen at CR ang cottage na tutuluyan namin. Nang marating namin iyon kanina, around eight in the morning, nagsisimula na ring magsidatingan ang ibang guests.
Christmas themed na rin ang buong paligid. Damang-dama na ang pasko dahil sa naggagandahang Christmas decors na nakapalibot doon. Colorful lanterns were everywhere. May Christmas songs na rin na pumapailanlang sa buong resort.
"So, ano'ng first sa itenary natin for today?" pilit na pinasiglang tanong ko nang mayamaya ay matutok sa akin ang tingin ng dalawa—na katatapos lang magbaba ng gamit sa living room.
"We'll have breakfast first. Nagutom ako!" magaang sabi ni Raffy saka ngumiti. Ngunit kapansin-pansin ang kakaibang glint sa mga mata ng pinsan ko nang tumutok iyon sa 'kin. May bahid ng pag-aalala roon. Pasimpleng iniiwas ko ang tingin sa kaniya.
"Ako rin! Kanina pa galit ang mga alaga ko!" natatawa namang sabi ni Ellie saka tinapik-tapik pa ang tiyan.
"Alright! Tara na!" Nauna na akong naglakad palabas ng cottage. Ilang hakbang na ang layo ko sa doorway nang umagapay sa akin si Ellie at marahan akong hinawakan sa braso.
"Sigurado ka bang okay ka lang talaga, Kia?" May pag-aalala sa boses niya.
Mahinang napabuntong-hininga ako saka ngumiti sa kaniya. "Yes naman!"
Ilang sandaling tahimik na tumitig sa 'kin si Ellie na para bang sinasabing wala siyang balak na paniwalaan ang sinabi ko. Pero na-realize niya rin sigurong hindi niya ako mapipilit magsalita lalo na nang hindi ko na pinasubalian pa ang huling sinabi ko.
"Magk'wento ka kapag ready ka na. Makikinig ako." Puno ng pag-intinding masuyo niyang tinapik ang balikat ko.
Minutes passed, narating namin ang Buena Grande—ang coffee shop sa loob ng Aplaya. Pagpasok pa lang namin sinalubong na kami ng mabangong aroma ng kape. The place also smelled of freshly baked pastries and these added to its overall warm and inviting vibe. Maaliwalas ang paligid dahil tanaw mula roon ang overlooking view ng Diguisit beach. Mula sa kinauupuan ko, hinayaan kong punuuin ng preskong hangin mula sa dagat ang baga ko. Nag-inhale exhale pa ako nang paulit-ulit hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang paggaan ng pakiramdam ko.
"You made the right choice of coming with us, Kia."
Gulat na nilingon ko si Raffy nang magsalita siya mayamaya. Nasa mga mata niya ang sense ng pang-unawa. Kaibigan ko nga talaga sila ni Ellie. They've been very observant. Alam na alam nila kung kailan may mali sa 'kin.
"Raffy..."
"Hindi namin alam kung ano'ng totoong nangyari at hindi ka namin pipiliting magkuwento kung hindi ka pa ready. Pero lagi mong tandaan na nandito kami para makinig sa 'yo."
Tipid akong ngumiti sa sinabi ng pinsan ko. "Salamat sa pag-intindi, Raffy."
"Don't mention it..." Ginagap niya ang kamay ko saka marahang pinisil iyon.
"Sandali! Ano na'ng kaganapan ang meron dito, ha? May na-miss na ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Ellie nang makabalik sa table namin. Umalis siya kanina para saglit na mag-CR. Mabilis siyang humarap at bumaling sa akin nang makaupo.
"Nagkuwento ka na sa pinsan mo? Dali, ikuwento mo na rin sa 'kin," atat na sabi ni Ellie saka hinawakan pa ang braso ko.
Napapailing na nagkatinginan kami ni Raffy.
"Ellie, hayaan muna natin si Kia. Let's not pressure her."
Agad namang naintindihan ni Ellie ang sinabi ng pinsan ko. Mayamaya naging apologetic ang tingin niya sa akin. "Alright, sorry, girl. Kating-kati lang talaga akong alamin ang nangyari sa 'yo. Pero kung hindi mo pa keri mag-share, ayos lang. I-enjoy mo na lang muna ang stay mo rito sa Diguisit. Sana makatulong 'yan kahit paano sa heart problem mo."
Marahan akong ngumiti sa kanilang dalawa. "Maraming salamat. Kaibigan ko talaga kayo."
"Oo, girl! At isang sabi mo lang susugurin talaga namin si Zephyrus para sa 'yo!"
Tumango-tango naman si Raffy bilang sagot.
Mahina akong natawa at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Mayamaya magaang yumakap ako kay Ellie sa tabi ko. "Don't worry, I'll tell you about it. Hayaan mo munang makapag isip-isip ako, Ellie."
Isang mabining haplos lang sa likod ang isinagot ng kaibigan ko sa 'kin.
For two days, swimming, surfing—para kina Ellie at Raffy—at walang katapusang food trip ang pinagkaabalahan naming tatlo. I was able to enjoy them at natuwa ako dahil somehow, nagawa akong i-distract ng activities na iyon sa mabigat na emosyong dala-dala ko.
Bonfire by the beach ang naging ending activity namin sa Diguisit. Nang gabing iyon, nag-decide akong magkuwento sa mga kaibigan ko. Nag-e-enjoy man kasi ako physically, pero deep inside nasasaktan at nababagabag pa rin ako. Panandalian ngang nawawala ang sakit kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ngunit kapag mag-isa na ako, parang bangungot itong bigla na lang hahabol sa 'kin.
Raffy had set our area for the bonfire. May mga nakahanda na ring pagkain na igi-grill namin ni Ellie. Kung hindi ako brokenhearted, sobra ko sigurong ma-a-appreciate ang activity na iyon. Nakaupo na kaming tatlo sa harap ng bonfire at tangan na namin sa mga kamay ay kanya-kanyang can ng beer nang simulan kong basagin ang katahimikang saglit na bumalot sa 'ming tatlo.
"Z-Zeph was still in love with Kendra..."
For seconds, I stared at the flickering flames. Lalo nang unti-unting bumalik sa isip ko ang masakit na eksenang iyon. Naramdaman kong mula sa pagtitig sa malamlam na apoy sa harapan namin ay lumipat sa 'kin ang tingin nina Ellie and Raffy. Ngunit walang nagsalita sa kanilang dalawa. Sa halip ay tahimik lang nilang hinintay ang susunod ko pang sasabihin.
"I saw that two days ago... nang mahuli ko silang magkayakap sa porch ng bahay ni Zeph. Kendra probably succeeded in reclaiming him kahit pa nakita natin kung paano siya itaboy ni Zeph. I had a hunch as well na siya 'y-yong pinuntahan ni Zeph... k-kaya siya nawala ng two days."
Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata ko. Mayamaya hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Marahas kong pinahid iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"H-He never really said that he loved me. Instead... he was hoping for a happy life with Kendra. At ang sakit kasi na-witness ko pa 'yon..." Mahigpit kong piniga ang hawak kong lata ng beer saka mapait na ngumiti. "Ang tanga ko lang kasi 'di ko pa na-gets no'ng una na hindi niya talaga ako mahal. Sana sinabi na lang niya nang harapan, hindi 'yong kailangan pa niyang ipakita sa 'kin na si Kendra pa rin ang gusto niya!"
Sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga pasaway na luha ko. Ilang sandali pa, hindi ko na napigilan ang malakas na mapahikbi. Mabilis akong kinabig ni Ellie palapit sa kaniya at ikinulong sa maingat na yakap niya.
"It's okay, Kia..." mahinang saad niya saka marahang hinaplos ang likod ko. "Gagong Zephyrus 'yon! Nagsisisi tuloy akong sinabihan pa kitang mag-take ng risk sa kaniya. Sorry, beshy..."
"I never expect him to do that, but he was an asshole!" mariing pahayag naman ni Raffy. I'd always known him to be so calm at ngayon ang unang beses na maririnig ko siyang magsalita nang gano'n.
"Me too. Akala ko pa naman iba siya sa gagong Jiro na 'yon. Parehas lang pala sila! Don't worry, girl, kami nitong si Raffy ang bahala sa 'yo. Kakalbuhin namin pareho 'yang si Zephyrus kasama na ang ex niya!" nanggagalaiting talak ni Ellie.
"You do not have to do that, Ellie," sabi ko nang bahagya nang kumalma ang pakiramdam ko. Kumalas ako sa hayap niya at humarap sa kanila ni Raffy. "I've told him to just stop. Sinabi ko ring tanggap kong hindi niya ako magagawang mahalin. I decided to let him go... kahit... kahit s-sobrang sakit."
"We salute you for being so brave, Kia. Kung iyan ang decision mo, then we'll have to support that," puno ng pang-unawang sabi ni Raffy mayamaya.
"Ako rin. But then, will you be alright after that? Kasi matagal din kayong naging magkaibigan. Okay lang ba sa 'yong putulin na rin ang friendship ninyo?" may alinlangang tanong ni Ellie.
At the thought of it lalong nanikip ang dibdib ko. "Masakit na tuluyang i-let go ang friendship naming dalawa. Pero siguro gano'n nga talaga ang ending ng story namin ni Zeph. We were bound to break apart..."
Malungkot at may luha sa mga matang tumitig ako sa noon ay papahina nang apoy ng bonfire. As I stared at the flickering light an image of me and Zeph walking our different ways appeared...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top