CHAPTER EIGHT
"ZEPH!" habol ang hiningang tawag ko nang madatnan ko siyang nakatayo sa bukana ng mahabang hanging bridge ng Zabali.
Papalakas na noon ang patak ng ulan at kapwa na kami nababasa nito—bagay na parehas naming inignora. Tama akong makikita ko siya rito. Ngunit kaiba sa eksenang iyon nine years ago, hindi ko siya naabutan sa gitna ng tulay. I saw him at the entrance, drenched from the rain.
It was already six PM, and he had definitely stayed there for too long. In just a few more minutes, the last traces of daylight would be completely swallowed by darkness.
Parang na-i-imagine ko na ang itsura ni Zeph habang nakatanaw sa malawak at kalmadong ilog. Siguradong nasa mga mata niyang muli ang lungkot at labis na pangungulila. Kahit pa alam kong wala na siyang balak tumalon this time sinalakay pa rin ako ng kaba kaya mabilis kong inakyat ang sementadong hagdan at hinila siya palayo roon.
"Kia? Ano'ng ginagawa mo rito?" mahina at bahagyang gulat na tanong niya nang makita ako.
Para akong napaso nang rumehistro sa palad ko ang mataas nang body temperature niya habang hawak ko pa rin siya sa braso. At lalo akong nag-alala nang matitigan kong mabuti ang mukha niya. His face looked extremely pale. Namumula rin ang gilid ng ilong niya at bloodshot ang malalalim na mga mata.
"Umuwi na tayo, Zeph," hindi mapakaling sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya.
Tipid na ngumiti si Zeph—ngiting hindi umabot sa mga mata niya. Mayamaya muli siyang lumingon sa malawak na tanawin sa harap namin.
Malakas na ang buhos ng ulan. Nanginginig na rin ako dahil sinasabayan pa iyon ng malamig na ihip ng hangin. I bet he also felt the same pero sadyang mas pinipili niyang huwag iyong pansinin.
Binalot kami ng ilang segundong katahimikan. Tanging ang patak ng ulan lang ang maririnig na ingay sa paligid.
"Just like that day, nine years ago nahanap mo ulit ko..."
Hindi siya nakatingin sa akin but he surely had that pained look in his eyes right now. Tama ako nang makita ko ang lungkot na iyon sa Dicasalarin a few days ago. Hindi pa rin nakakalimutan ni Zeph ang masakit na trahedyang iyon—ang pag-iwan sa kaniya ng buong pamilya.
That explained why he suddenly disappeared. Bagay na hindi ko man lang napansin. Ever since he returned two years ago, there hasn't been any sign of the painful past he once carried. Zeph had always been smiling. There were no signs that he was silently hurting...
"When you saved me from ending my life nine years ago, you gave me hope, Kia... Kaya sinubukan kong magpatuloy kahit hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. When I finally found the courage to return, I thought I was doing alright. P-Pero kapag dumarating ang araw na 'to... laging nawawalan ako ng lakas para umusad ulit." His voice cracked. "H-Hindi ko pa pala kayang humarap sa kanila. Kasi lagi pa rin akong hinahabol ng masakit na katotohanang wala na sila at kahit kailan 'di na muling babalik pa..."
Lumapit ako kay Zeph. Saglit na naghinang ang mga tingin namin. Gusto kong maiyak sa nakita kong lungkot doon pero pinigilan ko ang sarili. Mayamaya mahigpit ko siyang ikinulong mga bisig ko.
"It's alright, Zeph..." I assured him.
"Alam mo bang sobra ko na silang nami-miss? Everyday lagi kong hinihiling na sana masamang prank lang 'to. Na isang araw magigising na lang akong nasa tabi ko na ulit sina Mommy at Daddy. Na makikita ko ulit si Zia. P-Pero nine years na akong naghihintay, wala pa ring nagsasabi sa 'king malaking biro lang lahat..."
Tumulo ang mga luha ko at hinayaan kong umagos iyon kasama ng malakas na buhos ng ulan. Naramdaman kong humigpit ang yakap sa 'kin ni Zeph. Nagpaubaya ako. I let him clung into me, hoping that by doing that, the pain in him will subside...
Lalong tumaas ang lagnat ni Zeph pagkalipas lang ng ilang oras mula nang makauwi kami. After staying there for too long napilit ko rin siyang umuwi. Hinayaan ko na siyang matulog at magpahinga, though constant ko siyang chi-ne-check dahil tuloy-tuloy ang pagtaas ng body temperature niya.
Habang nakaupo ako sa tabi ng kama niya, hindi ko magawang alisin ang tingin sa kaniya. After nine years, ngayon ko lang ulit siya nakita sa ganitong ka-vulnerable na estado. Malayong-malayo siya sa kaibigan kong kilala ng lahat.
Ang Zeph na laging nakatawa, nakangiti at often times kinaiinisan ko kasi sobrang mapang-asar. What I was seeing at that moment was someone who had hidden his pain and suffering for a long time.
Ngayon, nahiling kong sana ay hindi na lang nangyari ang aksidenteng kumuha sa buong pamilya niya. If that didn't happen nine years back, I wouldn't probably see Zeph in this situation. Hinding-hindi ko makikita ang labis na lungkot at pangungulila niya. Sa halip, mananatili siya sa masayahing Zeph na nakilala ko thirteen years ago.
"K-Kia..."
Lumipad ang tingin ko sa kaniya nang sambitin niya ang pangalan ko kasabay ng unti-unting pagmulat ng mga mata. May ilang minuto pa lang nang maidlip siya kanina. Lumapit ako at sinalat ang noo niya, mainit na mainit pa rin siya. I grabbed the thermal scanner from the bedside table and checked his temperature. Nagbuga ako ng hangin nang hindi pa rin iyon bumababa.
"Tawagan ko na kaya si Kuya Kade para dalhin ka sa hospital?" nag-aalalang saad ko.
Mahina siyang naubo. "No. Dito na lang ako."
"Sure ka?"
Sunod-sunod siyang tumango.
"Okay, matulog ka na ulit. You should rest para bumaba ang lagnat mo." I leaned closer para iayos ang makapal na kumot na nakabalot sa kaniya.
Akma na akong lalayo nang hawakan niya ang kamay ko. I stared at him. His eyes looked too tired and powerless. Mayamaya sinalakay ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakadikit ng mainit na balat niya sa akin.
"Kia, don't go..." he said, almost pleading.
Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang may kung anong init na humaplos sa puso ko lalo na nang mas higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Ngunit dagli kong pinalis iyon at pinilit ngumiti. "Don't worry, dito lang ako. I'm not going to leave you."
"Salamat..." mahinang saad niya saka muling pumikit.
Malalim na ang paghinga ni Zeph pero hindi pa rin niya nagawang bitawan ang kamay ko.
─•❉᯽❉•─
NAGISING ako sa pagtama ng kung anong mainit sa mukha ko. Iminulat ko ang mga mata para mapapikit ulit nang salubungin ako ng liwanang mula sa sikat ng araw na tumagos sa katapat kong bintana.
Napapahikab na umayos ako ng upo mula sa pagkakasubsob sa gilid ng kama ni Zeph. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako roon last night. Unang napansin ko ang kamay kong hawak pa rin niya. Ilang segundong tahimik lang na nakatitig ako roon habang pinupuno ako ng halo-halong emosyon.
For some unknown reason, biglang bumilis ang heartbeat ko. Napamulagat ako. Mayamaya wala sa loob na hinatak ko ang kamay para bumitaw mula sa hawak niya. Pero mukhang masyadong malakas iyon dahil gumalaw si Zeph at biglang nagising.
I watched as he opened his eyes. Seconds later, nasa akin na ang tingin niya.
I cleared my throat at dagling bumaling sa ibang direksiyon. Good thing nahagip ng mga mata ko ang thermometer sa bedside table. Dinampot ko iyon.
"K-Kumusta na'ng pakiramdam mo?" agad na tanong ko para takpan ang pagkagulat at pagkalito.
Pinindot ko ang thermal scanner at inilapit iyon sa kaniya. Seeing that his body temperature had returned to normal filled me with immense relief.
"I'm feeling better," mas magaan na ang boses na sabi niya.
Bumangon si Zeph at sumandal sa headboard. Kumpara kagabi, mas kalmado at maaliwalas na ang bukas ng mukha niya ngayon.
"'Buti kong gano'n. Pinakaba mo ako, Zeph. Akala ko 'di na bababa ang lagnat mo."
Hindi sumagot si Zeph, instead ilang segundong tumitig lang siya sa 'kin. Hanggang sa unti-unti siyang ngumiti. This time, it was his familiar, genuine smile.
And I wasn't ready for it. Tumigil yata ang heartbeat ko dahil sa ngiti niya.
Shit! Ano'ng nangyayari sa 'kin? Bakit ganito ang effect ng smile ng Zephyrus?
Kia, pull yourself together! Kulang ka lang sa tulog, 'te! malakas namang sigaw ng inner self ko.
"Sorry kung pinag alala kita. By the way, thanks for staying, Kia," nakangiti pa ring sabi niya.
Mahina akong bumuntong-hininga. Mabuti na lang at unti-unti nang nagno-normalize ang heartbeat ko.
"Pasalamat ka't mabait ako. Saka 'di rin kaya ng konsensiya kong iwan kang inaapoy ng lagnat, 'no!" pabirong saad ko.
Mahinang natawa si Zeph. "Ramdam ko nga, eh. You know what? I even dreamt about you."
"O, at ano namang ginagawa ko sa panaginip mo?"
Pero hindi nagsalita si Zeph. Instead, he leaned closer towards me. He gazed deeply into my eyes, revealing an emotion I couldn't name. My heart began to race once more.
This time, the sensation was even more intense. I felt as if I might suffocate, especially when Zeph closed the distance between us. My eyes widened in surprise as he gently placed his warm palm against my face.
Ano ba'ng ginagawa mo, Zeph?
"Sinasakal mo ako, Kia! Hanggang sa panaginip tinatalakan mo rin ako!" amused at tumatawang sabi niya saka ginulo ang buhok ko.
Sa ginawa niya na-confirm kong magaling na nga siya. Ang lakas na naman kasi ng trip niyang mang-asar! Buwisit talaga! Nahampas ko tuloy siya nang wala sa oras.
"Aray!" nagrereklamong daing niya pero tawa naman nang tawa. "Ano ba 'yan? 'Di pa nga 'ko magaling sinasaktan mo na naman ako."
"Punyemas ka kasi! Deserve mo 'yan!" I glared at him.
Pero mayamaya sumeryoso ang expression ng mukha ni Zeph.
"Kung hindi ka dumating kahapon, I might have had to endure the pain alone again... Salamat, kasi ngayon naramdaman kong may kahati ako sa bigat ng nararamdaman ko."
Tiningnan niya ako nang deretso sa mga mata. At parang hinaplos ang puso ko dahil doon, may nakita akong pag-asa.
"I was not actually expecting to find you there, pero dinala pa rin ako ro'n ng mga paa ko. I hope this time everything will really be alright, Zeph. Sana nagawa mo na ring palayain ang bigat na nararamdaman mo. Lagi mo ring tatandaan na nandito lang ako. Kaya 'wag mo nang uulitin 'yon, okay? Share your pain with me. Stop hiding them."
Zeph responded with a warm smile, then drew closer and enveloped me in a tight embrace.
─•❉᯽❉•─
A WEEK later fully recovered na ang kaibigan ko. Bumalik na ulit siya sa L'espresso and this time mas maingay at mas makulit pa. Pero masaya akong makita siya as he finally learned to let go.
Three days later, he asked me to come with him to the cemetery. For the first time in nine years, he was going back to visit his family. Isang beses ko pa siyang nakitang mag-break down pero pagkatapos no'n mas naging maayos na siya.
I could say that everything went back to normal—except for this one thing. Ang pasaway at hindi normal na heartbeat ko kapag ngumingiti o nasa malapit siya. Hindi ko alam kung ano'ng spell ang ginawa ng lokong Zephyrus na iyon at bakit bigla na lang naging aware ako sa mga gestures niya!
Imagination mo lang 'yan, girl! Kulang ka lang sa tulog kaya gan'yan ang mga nangyayari sa 'yo! madalas na litanya ng inner self ko, bagay na pinaniniwalaan ko bilang valid explanation ng unnamed emotions na nararamdaman ko.
Kaso ilang araw na akong nagbibilang hindi pa rin maalis-alis ang nakaka-stress na pakiramdam na ito! Sa isiping iyon marahas akong napabuntong-hininga.
"Kia, tumingin ka ro'n!" untag ni Ellie sabay tampal sa balikat ko.
Napapitlag ako kaya nilingon ko siya. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kumakain ng snacks.
"Saan?"
Hindi siya sumagot sa halip inginuso ni Ellie ang direksiyon ng dalawang taong nahagip ng mga mata niya. I saw Camille and Jiro. As usual, nakakapit ulit si Camille sa braso ng lalake na para bang any moment ay maglalaho ang jowa nito. Tinaasan ko lang sila ng kilay.
Wala ako sa mood maging bitter ngayon. Kahit maglambitin pa siguro ang gaga na parang unggoy sa leeg ni Jiro, I wouldn't really care.
"Grabe naman kung makadikit 'tong babaeng 'to! May lahing linta 'yarn?" naniningkit ang mga matang puna ni Ellie.
"Let them be. In love, eh," naiiling na sabi ko.
"Wow! Coming from you, Kia? Girl, bago 'yan!"
"Ano?" natatawang tanong ko.
"Naka-move on ka na?"
Sunod-sunod akong tumango. "Yeah. I guess, matagal na."
Mayamaya ibinalik ko ang tingin sa subject ng usapan namin. Nagtagal ang titig ko kay Jiro. Kung dati sobrang nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita ko siya, lalo na kapag naaalala ko ang ginawa niyang panggagamit sa 'kin, ngayon wala na akong maramdamang kahit anong indifference.
Awa na lang siguro kasi halatang hindi siya masaya sa relasyon nila ni Camille. Malimit na kasing nakasimangot ang mukha niya, malayong-malayo na sa laging nakangiting appearance niya noon.
Saka na-realize kong hindi pala ganoon kalalim ang damdamin ko para sa kaniya. I was probably in love with the idea of him. Kasi sa mga mata ko no'n siya ang pinaka-perfect. But he was too far from being one. Ni hindi nga siya sobrang guwapo. Napagtanto ko ring totoong 'di hamak na mas pogi ng sampung paligo si Zeph kumpara sa kaniya!
Natigilan ako nang sumagi ulit sa isip ko si Zeph. Napasinghap ako at natutop ang bibig. Shuta! Ano ba 'tong pumapasok sa lintik na utak ko?
"Hoy, girl, ano'ng meron, ha? Bakit namumula ka d'yan? Don't tell me bumalik ang pagka-beast mode mo sa dalawang 'yan?" takang-takang tanong ni Ellie mayamaya.
"Wala!" defensive na sagot ko. Napalakas yata 'yon kasi napatingin pa ang mga estudyante sa katabi naming table.
"Ay grabe! Nagtatanong lang ako, Kia." Pinandilatan ako ni Ellie. "Pero sandali nga... bakit pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa 'kin?"
Ellie leaned in and fixed me with a penetrating gaze. I laughed nervously, feeling a surge of tension. "Imagination mo lang 'yan."
"Imagination? Girl, 'di makakapagsinungaling sa 'kin 'yang namumulang pisngi mo. Saka 'yang kakaibang ningning ng mga mata mo? Kia, 'wag ako!"
"Ellie, nagsasabi ako'ng totoo. Wala lang 'to, promise!"
Pero at the back of my mind, sinasampal ko na nang paulit-ulit ang sarili ko. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Nababaliw na ba ako? Bakit parang sirang plakang ayaw tumigil ng utak ko kakaisip kay Zephyrus?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top