CHAPTER 8
Lumipas ang ilang linggo, unti-unting nagbabalik si Riela sa showbiz na mas matatag at mas maingat. Tuluyan nang na-clear ang pangalan niya, kahit may pananamlay pa rin ang ibang endorsement deals. Hindi niya inasahan ang dami ng taong sumuporta sa kanya matapos malaman ang buong katotohanan. Ang hashtag na #ApologizeToRielaBorromeo ang pinaka-trending ngayon sa X. May iilan siyang kakilala sa industriya na nagpakita ng suporta, pero mas pinili niyang i-ignore ang mga 'yon. Bakit pa niya papansinin ang kaplastikan ng mga taong dumistansya sa kanya at nagbigay agad ng assumption na guilty siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa?
Sa kabila ng lahat, madalas pa rin niyang maalala si Ennui. Sino ba talaga ang lalaking iyon? At bakit tila may mas malalim pang dahilan ang ginawa nitong pagtulong sa kanya? Hindi niya alam kung magkikita pa sila, pero alam niya—may koneksyon silang dalawa na hindi basta-basta mapuputol at hindi niya hahayaang maputol kahit anong mangyari.
"Baka tumatanaw lang siya ng utang na loob sa'kin. Baka natatandaan niya pa rin ako noong naaksidente siya," sa isip niya habang naghahanap ng info tungkol kay Ennui sa kanyang laptop. Parang siya naman ang naging fan ng binata. More like, hindi lang gawain ng fan ito. She's already been stalking him! Pero sa tingin niya, kulang pa ang nakakalap niyang impormasyon. Masyado ring pribado si Ennui. Ang huling post nito sa FB ay 6 years ago pa.
Pinipilit niya naman talagang balewalain ang pag-iisip kay Ennui, ngunit hindi niya ito magawa. Sa halip, paulit-ulit niyang binasa ang calling card na iniwan nito. Sa isang banda, gusto niyang ibalik ang smartphone na ipinahiram nito bilang dahilan para makausap muli ito. Ngunit higit doon, may bahagi ng sarili niya na gusto lang makausap ang binata nang personal.
Sa una, sinubukan niyang tawagan ang numero, pero bawat tawag niya ay hindi sinasagot ni Ennui. Minsan pa nga, pinapatay nito ang linya pagkatapos ng ilang ring. Nasaktan siya nang bahagya, at ang simpleng pagbabalik sana ng telepono ay tila nagiging mas personal na.
Sa huli, hindi na siya nakatiis. Nagdesisyon siyang puntahan si Ennui sa "Guillermo Corporate Office". Pagdating niya, nakaramdam siya ng kaba. Agad siyang napansin ng receptionist na tila nagulat nang makita siya. Sino nga naman ang hindi magugulat sa presensya ng isang sikat na artista tulad ni Riela sa kanilang office? Sa pagkakaalam din nila, hindi naman nagpupunta sa lugar na iyon ang prospect endorsers ng kanilang products at malimit ang pagkuha nila sa mga artista dahil ayaw ng higher-ups ang malaking cost of advertising.
"Good morning, ma'am. How may I assist you?" magalang na tanong ng receptionist, pilit na pinipigilan ang magtanong kung bakit naroon ang aktres.
"I'm here, para kay Ennui Guillermo," maikli niyang sagot. Itinatago niya ang nerbiyos sa kanyang boses saka nilakipan ng matamis na ngiti.
Halos sabay-sabay na napalingon ang ibang staff sa lobby. Ang bulong-bulungan ay nagsimula na. "Si Riela ba 'yan? Bakit hinahanap niya si Sir Ennui?"
Pagkatapos ng ilang saglit, inalalayan siya ng receptionist papunta sa elevator. Habang naglalakad, mas lalo niyang naramdaman ang tensyon. Hindi niya inaasahan ang ganito mula sa mga tao sa paligid. She knows the tension comes from their judgments and assumptions.
Pagdating niya sa floor kung saan naroon ang opisina ni Ennui, agad siyang sinalubong ng kanyang male executive assistant. "Ms. Riela, may kailangan po ba kayo kay Sir Ennui? I'm sorry to inform you, hindi po nag-e-entertain ng endorsers si Sir Ennui. Ire-rely ko na lang po kayo sa advertising department."
"I'm not here for any endorsement. Hindi naman ako nagsa-sign pa ng deals. Mahirap na." Tumawa siya nang bahagya para itago ang kahihiyan. Ennui was really avoidant. Ngayon lang siya na-challenge nang ganito. Samantalang sa estado niya bilang isa sa mga hinahangaang aktres, mga tao pa ang lumalapit sa kanya para lang makakuha ng pictures at autograph.
Agad na nagmadali ang assistant papasok sa opisina. Habang naghihintay, nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Napansin niyang marami nang nakatingin sa kanya. May ibang staff na nagbubulungan, may mga patago pa kung kuhaan siya ng litrato. Tila kumalat na ang balita sa buong building.
Lumabas ang assistant matapos ang ilang minuto at sinabing, "Ms. Riela, pwede n'yo nang kausapin si Sir Ennui."
Nang pumasok siya, nakita niya si Ennui na nakaupo sa harap ng kanyang desk, tila walang bahid ng emosyon sa mukha. Ngunit nang tumingin siya sa kanya, nakita niya ang bahagyang gulat sa mga mata nito.
"Riela," aniya, nananatiling kalmado. "Anong ginagawa mo rito?"
Hindi alam ni Riela kung paano sisimulan ang paliwanag. Kaya't inilabas na lang niya ang phone na pinahiram nito at inilapag iyon sa mesa. "Ibabalik ko lang ito. At gusto kong malaman kung bakit mo ako ini-ignore."
Tiningnan ni Ennui ang telepono, ngunit hindi niya ito kinuha. "Wala naman akong kailangang ipaliwanag pa. Tapos na ang lahat. Malaya ka na. Bakit mo pa ako hinahanap?"
Napaatras si Riela. Hindi niya inaasahan ang malamig na sagot nito.
"Gusto ko lang magpasalamat. At... hindi ko alam, gusto ko lang—" Hindi niya natuloy ang sasabihin. Nahihirapan siyang ilabas ang nararamdaman.
Tumayo si Ennui. "Riela, wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko ang ginawa ko dahil alam kong tama iyon."
"Pero bakit mo ako ini-ignore?" tanong ni Riela at naging mas direkta ang tono. "Bakit ngayon, parang wala lang? Hindi ba't tayo ang magkasama sa lahat ng gulong 'yon?"
Napahinto si Ennui. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Alam niyang tama si Riela, ngunit may mga bagay na hindi niya gustong ipaliwanag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top