CHAPTER 6

Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan. Bumungad kay Riela ang isang magarbong mansyon na halatang pribado at well-maintained. May kakaibang katahimikan sa paligid, parang eksaktong lugar na maaaring itago ng sinuman na nais umiwas sa mata ng publiko.

"Dito muna tayo," sabi ni Ennui saka binuksan ang pinto ng sasakyan. Hindi siya agresibo sa kilos, ngunit nanatili ang matatag na tono ng kanyang boses. "Walang mga guard dito. Wala ring makakaalam kung nasaan ka. Hindi kita gustong ikulong, pero kailangan muna nating siguraduhing ligtas ka bago natin maayos ang lahat."

Nag-atubili si Riela. Ngunit nang mapansin niyang bukas ang daan palabas at walang kahit sinong humahawak o pumipigil sa kanya, napagtanto niyang hindi siya ganap na bihag. "Ano ba talaga ang balak mo? Hanggang kailan mo ako itatago dito?"

"Magtatagal lang tayo rito habang hinahanap natin ang tamang paraan para maayos ang gulong ito," sagot ni Ennui. "At kung gusto mong umalis, bukas ang pinto. Hindi kita pipigilan."

Nagulat si Riela sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan ang ganitong sagot mula sa taong nagdala sa kanya nang walang paalam. Ngunit kahit pa tila sincere si Ennui, hindi niya pa rin magawang magtiwala nang lubos. She was still outraged by the idea that he became someone she couldn't imagine. Inaakala pa man din niya na naging mabuting tao si Ennui, pero sa nangyayaring ito, nahihirapan siyang magbigay ng buong tiwala.

Sinundan niya ito sa pagpapasok. Hindi sila nag-iimikan, ngunit ramdam ni Ennui ang bigat ng tingin ni Riela sa kanya. Nang makarating sila sa itaas, bumungad kay Riela ang isang napakagarang living room. Minimalist ang disenyo, ngunit halatang napaka-high-end ng bawat detalye nito.

"Pwede kang magpahinga sa kwarto doon," sabay turo ni Ennui sa isang pinto. "May pagkain sa kusina. Gamitin mo ang telepono kung may kailangan ka. Hindi kita pipilitin na kausapin ako, pero kung may tanong ka, nandito lang ako."

Hindi sumagot si Riela. Lumakad siya patungo sa kwarto na itinuro, ngunit bago niya ito tuluyang isara, tumingin siya pabalik. "Hindi pa rin kita pinaniniwalaan. Itong bahay mo, pang-mafia boss!"

"Nasobrahan ka yata sa pagbabasa ng romance books," panunudyo ni Ennui. "Or maybe, since you're an actress, puro drama na ang nasa isip mo. I'm not asking you to trust me. Kung wala kang tiwala, umalis ka na. Pero hindi ka ihahatid ng driver ko."

"Paano kung may baril ka?"

"You had the privilege to inspect me now." Itinaas ni Ennui ang dalawang kamay, implying that he's allowing Riela to search what he's hiding. Na willing siyang kapkapan nito, kahit pa alam niyang hindi niya gusto na sila'y magkalapit.

"Hindi na. Hayaan mo na lang akong mag-text sa mga magulang ko. Ipapaalam ko sa kanila na insured na ako, kung sakaling may masamang mangyari sa'kin, ipapaalam ko na dito lang nila ako makikita!" palaban na sagot naman ni Riela at hindi na nag-atubiling kapkapan si Ennui.

"Okay. Heto ang phone. Bago 'yan, traceable din ang contact number dyan. Tumawag ka na. Goodnight." Nilampasan siya ni Ennui pero bago iyon, iniabot nito sa kanya ang susi ng silid, pati na rin ang smartphone. "For your trust issues, i-lock mo ang kwarto mo."

***

That night, gising pa rin si Riela habang nakahiga sa kwarto na ibinigay sa kanya ni Ennui. Hindi mapakali ang isip niya sa lahat nagdaang kaganapan. Ginamit niya rin talaga ang binigay na phone ni Ennui pero na-curious siya dahil may calling card na nakalagay sa clear case nito. She read it. Parang kay Ennui nga iyon.

"Eh—Nu—Wee? Is that a proper pronunciation of his name? Pero baka Eh—Noy pala?" She got confused, especially to the part where she finally found out his last name.

"Guillermo. For sure, related siya kay Chezka na nagka-issue last month dahil sa pagpapahiya sa half-brother niyang si Argon," aniya.

Kaya naman, nag-research siya ng tungkol sa binata. May iilang articles siyang nakita at tama ang guess niya, he's related to Chezka Guillermo. They were cousins. Ayon pa sa naririnig niya, sobrang messy ng pamilyang iyon at makapangyarihan. Dapat na ba siyang matakot?

"Now, gets ko na kung bakit gano'n niya sabihin na may connections siya para tulungan ako. Sobrang entitled." That impression hurt her deeply. Kaya pala nawala agad si Ennui noon, mayaman pala ang pamilya nito at hindi kung sinu-sino lang. Kalaunan, nagawa niyang iwaksi sa isip niya si Ennui, kailangan niyang tawagan ang parents niya pati si Ms. Louise. Pero sa kasamaang palad, walang sumasagot sa kanyang tawag. Magpapadala na sana siya ng message para ipaalam na tinangay siya ng isang lalaki pero hindi niya magawa. She wanted to give Ennui the benefit of the doubt.

Habang nalulunod siya sa pag-aalinlangan, isang ideya ang unti-unting nabuo—paano kung tumakas na lang siya? Walang nagbabantay sa kanya sa pribadong lugar ni Ennui. Maaari siyang umalis sa kalagitnaan ng gabi at walang makakahuli sa kanya.

Pagtakas lang ang tanging paraan para maibalik niya ang kontrol sa kanyang buhay. Dumaan siya sa mga pasilyo ng pribadong gusali ni Ennui, nang maingat at may mabibilis na hakbang.

Kahit nakalabas na siya sa gate, nanginginig pa rin ang dibdib niya dahil sa kaba. Pero pagliko niya sa kanto, may nakita siyang grupo ng mga pulis na nagbabantay sa 'di kalayuan kung nasaan siya. Naka-flash ang mga ilaw at wangwang ng kanilang sasakyan. Parang may ginagawang operasyon o checkpoint sa mga motorista. Parang natuyo ang hininga niya at sumiklab na naman ang matinding takot. Again, she's assuming that if they ever see her, dadamputin siya ng mga ito at ikukulong.

Mas lalong tumataas ang takot sa kanyang dibdib. Kapag nahuli siya ngayon, lalong magiging komplikado ang lahat. At kahit walang malinaw na plano, mabilis siyang bumalik, nabuo na ang pasya niya. Hindi niya kayang magpahuli o mas lumubog sa gulo. Kailangang linisin muna niya ang pangalan niya. Baka kailangan niya pa rin ng tulong mula kay Ennui.

Paglapit niya sa gusali, nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa doorway ng mansyon. Naroon si Ennui at nakasandal sa doorframe, kalmado ang mga mata habang hinihintay siyang bumalik.

"Alam kong babalik ka," ani Ennui. Walang bahid ng galit sa boses niya, bagkus ay puno ng pag-unawa.

"Aalis na sana ako," pag-amin ni Riela, na halos pabulong ang boses. "Akala ko, pagtakas lang ang paraan."

Hindi agad sumagot si Ennui. Tiningnan lang siya nito gamit ang mga matang mahirap basahin, habang hinahayaan ang katahimikan na mamayani sa pagitan nila. Maya-maya, lumapit ito nang bahagya.

"Alam kong gusto mong tumakas. Alam kong hindi mo pa ako lubos na pinagkakatiwalaan," sabi ni Ennui. "Pero wala kang dapat ikatakot sa akin. Hindi ako ang kalaban mo, Riela."

Tinitigan ni Riela si Ennui, magulo pa rin ang isip at damdamin niya. Pero sa sandaling iyon, may naintindihan siya. Sa kabila ng kakaibang takbo ng mga pangyayari, hindi ito katulad ng iba sa buhay niya na iniwan siya. Hindi nito ginamit ang sitwasyon para sa sariling kapakanan.

"Halika, may ipapakita ako sa private workstation ko rito," mahinahong sambit ni Ennui.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top