CHAPTER 31

Kinabukasan, matapos ang masarap at tahimik na gabi, naramdaman ni Riela ang kakaibang saya. Bagamat may halong hiya at takot sa puso, ramdam niya na mas malapit na sila ni Ennui kaysa dati. Alam niyang ito ay isang simula ng mas matatag na relasyon. Iniisip niya ang lahat ng nangyari kagabi, nang biglang may kumatok sa silid.

"Riela, anak!" ang tinig ni Belinda, mula sa kabilang panig ng pinto.

Nagulat si Riela at mabilis na tumayo mula sa kama. Tinutok niya ang mga mata kay Ennui, na tila nagising na lang din dahil sa narinig nitong pagtawag sa kanila.

Si Ennui, na may maligaya at tahimik na ngiti sa kanyang mukha, nagpasya na ring magbihis at magtago nang kaunti para hindi maging awkward kay Riela.

"Buksan mo, anak," tawag ni Belinda, sabay tapik sa pinto. "Mag-aalmusal tayo, at siyempre, nang magkasama tayo."

Agad na bumangon si Riela at pinulot ang mga damit na nasa sahig. Naging messy na ang silid dahil sa magdamag na kaganapan. Wala na siyang nagawa kundi magmadaling mag-ayos. Habang ginagawa niya ito, hindi maiwasang ngumiti ni Ennui sa kakaibang kagalakan na nadarama. "Ma, susunod na lang kami sa baba."

"Sige."

Habang iniiwasan ang tingin ni Riela, tumayo si Ennui at nagpunta sa bintana, tinitingnan ang paligid ng bahay. Parang tahimik ang lahat sa labas, maliban sa mga ingay ng ibon at hangin na dumadampi sa mga dahon.

"Mauna ka na Riela," mahinang sambit ni Ennui. "By the way, good morning."

"Good morning din. Sabay na tayong lumabas." May sapat na lambing na pakiusap ni Riela at niyakap ang kanyang asawa. "Mas matutuwa sila kung sabay tayong lalabas para batiin sila."

"Sure." Sinuklian ni Ennui ng matamis na ngiti si Riela at niyakap din ito pabalik.

"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Ennui.

"Maayos naman, dahil katabi kita," malambing na pakli ni Riela at hindi pa rin bumibitiw.

"Same."

***

Nagpasya sina Ennui at Riela na magtungo sa bukid at dagat upang sulitin ang huling araw nila sa Quezon Province bago bumalik sa kanilang regular na buhay. Habang naglalakad patungo sa bukid, masaya silang nagkukuwentuhan at nagtatawanan, para bang walang anumang alalahanin ang nakapalibot sa kanila. Ngunit sa isang saglit ng katahimikan, biglang dumaan sa isipan ni Ennui ang mga alaala ng nakaraan. That's the motor accident, na hanggang ngayon ay hindi pa niya nailalahad nang mabuti kay Riela.

Bumigat ang kanyang dibdib, while the sudden blur of his vision starts to approach. Mabuti na lang, biglang naramdaman niya ang dahan-dahang paghigpit ng hawak ni Riela sa kanyang kamay. Bumalik siya sa realidad—narito siya, sa tabi ng babaeng pinakamamahal niya at dapat nga, hindi na niya binabalikan ang alaalang sumira sa buhay niya noon.

"Ang tahimik mo bigla," puna ni Riela habang sinulyapan siya, nakangiti. "May iniisip ka ba?"

Ngumiti si Ennui at umiling. "Wala naman, naisip ko lang kung gaano kaganda ang lugar na 'to. Ang payapa. Malayo sa pressure sa trabaho."

"Ang saya dito, ano? Sana nga mas madalas tayong nandito," sagot pa ni Riela. Iniangat niya ang kanilang magkahawak na kamay at marahang hinalikan ang kamay ni Ennui. Ang simpleng kilos na iyon ay parang gumising sa puso nito. Nawala ang bigat ng iniisip ni Ennui at napalitan ng init ng presensya ni Riela. Being with her seemed like there's a guaranteed new start, away from his fears.

Nang makarating sila sa bukid, masaya silang namitas ng mga prutas at nagtampisaw sa mababaw na ilog sa gilid. Simpleng kasiyahan lamang ito, ngunit damang-dama nila ang lalim ng koneksyon nilang mag-asawa.

"Alam mo, habang nandito tayo, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko," wika ni Ennui habang nakahilig sa puno. "Parang kaya kong bitawan lahat ng hindi mahalaga sa buhay ko, basta't kasama kita."

Tumingin si Riela sa kanya, tila nagugulat ngunit nakangiti pa rin. "Ano namang ibig mong sabihin?"

"Minsan kasi, masyado kong iniisip ang expectations ng iba, lalo na ang pamilya ko," pagtatapat ni Ennui. "Pero habang kasama kita, nare-realize ko na hindi ko kailangan ang lahat ng iyon. Ang gusto ko lang, mabuhay nang simple, basta ikaw ang kasama ko."

Natigilan si Riela. Hindi man niya lubos na maunawaan ang bigat ng sinasabi ni Ennui, naramdaman niya ang sinseridad ng mga salita nito. He can now articulate his thoughts, unlike before when he used to be distant at all times. Tumabi siya sa asawa at niyakap ito nang mahigpit. "Kahit anuman ang gusto mong tahakin, susuportahan kita."

Napangiti si Ennui at hinalikan ang tuktok ng noo ni Riela. "Ikaw lang ang kailangan ko ngayon. Salamat. Ang laki ng impact mo sa buhay ko."

"Gano'n din ako, Ennui."

Pagkatapos sa bukid, nagtungo sila sa dagat. Doon, nakalatag sa buhanginan ang kanilang banig habang sabay na pinagmamasdan ang alon na umaabot sa dalampasigan. Naghihintay na lang sila ng takipsilim. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng hangin at hampas ng alon sa dagat ang maririnig. Hindi na muling bumalik sa isipan ni Ennui ang mga multo ng kanyang nakaraan—ang presensya ni Riela ang nagtaboy sa lahat ng iyon.

Habang nakahiga sa buhanginan, tumingin si Ennui sa kagandahan ng sunset. "Riela, dito na natin simulan ang bagong buhay natin. Kung saan mas magiging totoo tayo sa kung ano ang talagang mahalaga—tayo lang. Para mas matutukan mo rin si Papa Manuel."

"Mukhang madali lang naman 'yan, basta't magkasama tayo," sagot ni Riela habang nakangiti. "Gagawin natin 'yan. Pero hindi ba't magiging unfair naman 'yon sa setup natin? Ang layo ng Maynila rito. Paano ang trabaho at pinanghahawakan mong posisyon sa Guillermo group?"

"Hindi ko naman talaga pinangarap 'yon, Riela," pag-amin ni Ennui. "Inudyukan lang ako ni dad dahil nakita niya ang potensyal ko pagkatapos kong bumalik from US. Ginawa niya lang din 'yon, siguro, para makabawi siya. Plus, gusto ko nang mag-focus sa pagiging asawa ko sa'yo. Gusto ko na someday, unti unti na tayong bubuo ng sarili nating pamilya."

"Kung 'yan talaga ang gusto mo, Ennui. Gagawin natin 'yan," masuyong sagot ni Riela. "Pero step by step."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top