CHAPTER 29

Isang umaga, habang abala sa paghahanda ng almusal si Belinda, masigla niyang ibinalita na may pista sa kalapit na baryo.

"Manuel, siguro naman puwede tayong makapunta, kahit sandali lang. Sayang naman ang pag-imbita ni Kapitana," ani Belinda habang tinutulungan ang asawa sa kinauupuan nito.

Narinig ito ni Riela. Na-miss niya rin na makipyesta. It would be a better idea if she joins them. "Ma, sasama kami ni Ennui. Mas mahirap na maglakad-lakad doon nang walang katuwang."

Tumango naman si Ennui bilang pagsang-ayon. "Gusto ko rin pong ma-experience 'yan."

"Hindi na. Kaya naman namin ito ni Manuel. Ayokong mapagod kayo, lalo na't napakalayo doon. Dito na lang kayo magpahinga, mag-enjoy kayo sa araw n'yo," pagtutol ni Belinda at nilakipan ang mga sinabi niya ng nakakalokong ngiti.

"Sigurado kayo, Ma?" tanong ni Riela, halatang nag-aalala. But she knows, behind her mother's smile, there's something else that she can tell. Noong isang araw, naitanong na nito sa kanya kung kailan nila balak ni Ennui na magkaroon ng anak. Excited na kasi silang magkaroon ng apo at hindi na nga raw sila bumabata.

"Kami nang bahala ng Papa mo. Magtiwala ka sa'kin," sabi pa ni Belinda.

Sa pag-alis nina Manuel at Belinda, naiwan sina Riela at Ennui sa bahay. Noong una, sinubukan nilang maging abala sa mga gawaing bahay. Naglinis si Riela ng kusina habang si Ennui naman ay naglinis ng bakuran. Pero habang tumatagal, nararamdaman nilang parang nagiging kakaiba ang katahimikan. It's like a wall between them. Hindi nila maipaliwanag, pero tila may lumulutang na namang tensyon sa hangin.

Nagdesisyon si Riela na magpahinga sa sala habang nagbabasa ng libro, eksaktong pagkatapos lang nila na mananghalian. Si Ennui naman ay naupo sa kabilang dulo ng sofa at nagkunwaring abala sa pag-check ng kanyang phone kahit wala naman siyang nasasagap na malakas na signal. Ngunit, kahit abala ang kanilang mga mata, hindi nila mapigilang sumulyap sa isa't isa. And no matter how they try to distract themselves, some things lingering on their minds need to be discussed.

Hanggang sa tuluyang sumuko si Ennui. Lumapit siya kay Riela at niyakap ito nang marahan, may pag-iingat.

Napatingin si Riela kay Ennui at bakas sa kanyang mukha ang kaba at pagkalito. "Ennui, may gusto ka bang gawin?"

Tumango si Ennui ngunit hindi na siya nakapagsalita. Hinawakan niya ang kamay ni Riela, at sa unang pagkakataon, hindi siya tinanggihan nito. They gazed through each other's eyes and those inhibitions disappeared. Hindi nila napigilang hawakan ang isa't isa.

Ngunit bago pa tuluyang matangay sila ng damdamin, huminga nang malalim si Riela at umatras. "Ennui, tama na. This is not the right place to be touchy like this. Baka mahuli tayo."

Napayuko si Ennui at nanginginig ang mga kamay na lumayo. "Pasensya ka na, Riela. Hirap na hirap na ako. Pero tama ka. This is not the right place for us. Pero si mama naman kasi..."

Tumayo si Riela at naglakad papunta sa bintana. "Na-gets mo rin ang pinahihiwatig niya?"

"Yes. I think she wants us to have babies." Bumuntong-hininga si Ennui. Lalo siyang nahihirapan at tinatalo na naman siya ng guilt sa mga sandaling iyon. "And I know, hindi ka pa prepared sa gano'ng bagay, plus like what you've told me, we need to have timing for that."

Naglakad si Ennui papalapit kay Riela ngunit sa halip na ipilit ang nararamdaman, hinawakan lang niya ang balikat ni Riela at bumulong dito. "Kahit anong mangyari, pipiliin kitang respetuhin. But this feeling seemed off at sometimes, para naman tayong mga teenager kahit malapit na tayong lumampas sa kalendaryo."

Tumango si Riela, at isang mahigpit na yakap ang unang naging sagot niya. "I want that too, Ennui. Pero feeling ko kasi, hindi ka pa talaga handa. Parang may pumipigil sa'yo kaya hindi na ako magiging mapaghanap sa gano'n. Okay lang 'yon. I understand."

Huminga nang malalim si Ennui. "Sorry if you still feel na hindi ko kayang i-express ang desire ko. Don't think that you're not attractive enough. Hindi naman ikaw ang may problema."

"I know." Iglap na hinagkan ni Riela sa pisngi si Ennui saka ngumiti nang may pagkapilya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top