CHAPTER 28
Makaraan ang ilang araw, nagpasya silang dalawa na umuwi ng probinsya para bisitahin ang pamilya ni Riela. Matagal na ring hindi nadadalaw ni Riela ang kanyang ama na si Manuel, na ngayo'y hindi na nakakalakad nang maayos dahil sa karamdaman. Since when Riela used to be an actress, vocal siya sa sitwasyon ng kanyang pamilya. She'd always share a glimpse of her family to show how proud she was. Iyon din naman ang nagustuhan ni Ennui sa kanya noong fan pa lamang siya nito at hindi pa sila nagkakaroon ng ugnayan. Instead of posting solo travel photos and fashionable selfies of her, mas madalas na mag-post si Riela ng pictures ng kanyang pamilya at kaibigan, bukod sa brand deals at mga proyekto nito sa pagiging aktres.
Nang makarating sila sa probinsya ng Quezon, malugod silang sinalubong ni Belinda. Nakita ni Ennui kung paano agad naging masigla si Riela habang kausap ang kanyang ama. Ang mala-anghel nitong ngiti, at ang lambing sa kanyang mga salita—lahat ng ito ay lalong nagpatindi ng pagmamahal ni Ennui para sa kanya. Mas naramdaman din niya ang matinding respeto at paghanga para asawa niya nang makita ang tagpong iyon.
"I miss you papa. Sorry kung hindi kita nabisita kaagad," she whimpered like a kid. Her emotions were sincere. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan sila ng kapitbahay. Para nga silang main character dahil sa pagdating nila roon.
Lumapit naman si Ennui at nagmano. Malugod na tinanggap ni Manuel ang kamay niya. "Salamat naman at binisita mo rin kami, anak."
Parang natunaw ang puso ni Ennui. He didn't experience being called like that. Ramdam niya na sobrang sinsero ng pagtanggap ng mga magulang ni Riela sa kanya, kahit naging biglaan ang kanilang pagpapakasal. It was evident that they were always after Riela's happiness. Hindi rin gano'n kagarbo ang kanilang lifestyle pero masagana pa rin. Halata talaga na ini-invest nila sa tama ang perang kinikita ni Riela noon. Maayos din ang kanilang tirahan. May maliit na rin silang negosyo.
"Dadalasan po namin ang pagdalaw dito, papa." His smile widened upon addressing his father-in-law in a sweet manner. Napagtanto niya na ang dami niyang sinayang na pagkakataon, to have this kind of human interactions. Masaya na may bumabati sa kanila, gaya sa trabaho, at masaya rin na may natatanggap silang warm welcome mula sa mga taong natutuwa lang talaga na makita sila at walang hinihinging kapalit.
***
Sa mga sumunod na araw, nakita ni Ennui kung gaano kalapit si Riela sa kanyang pamilya. Siya mismo ay tumulong din sa mga gawaing bahay at tumayong katuwang ni Belinda sa pag-aalaga kay Manuel. Mas lalo niyang nakita ang pagmamahal ni Riela, hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa mga taong mahalaga sa kanilang paligid.
"Alam mo, Ennui," sambit ni Riela isang gabi habang nakaupo sila sa balkonahe ng bahay, "dito ko lagi nararamdaman kung gaano kahalaga ang buhay. Ang pamilya, ang pagmamahalan... this is my kind of emotional support."
Hinawakan ni Ennui ang kanyang kamay at tumango. "Salamat sa pagpapakilala mo sa akin sa mundong ito, Riela. Mas lalo kitang minamahal, hindi lang bilang asawa ko, kundi bilang tao."
"Nagustuhan mo ba rito? Hindi ka ba naiilang sa kanila?"
"Well at first, si mama, nakakatakot siya noong nando'n siya sa bahay natin," pag-amin ni Ennui. "Kasi alam mo naman, cold ako or madalas na emotionless tapos natatakot din ako na isipin niyang binabalewala kita."
"Kaya nga mabuti na rin 'yong ganito, nae-expose ka na sa mga tao. Nagsimula nang magbago ang attitude mo noong na-encourage kita na makisama sa ibang empleyado," pagmamalaki ni Riela. "Kahit alam kong mahirap para sa'yo, ginawa mo pa rin. Thank you for that sacrifice."
"When you love someone, you won't feel that you're sacrificing. You decide and do things only for love. That's what I realized when I married you," masuyong pahayag ni Ennui. Naging mas mahigpit pa ang paghawak ni Riela sa kamay niya.
"Marrying me wasn't a sacrificial matter?" Riela could shed a tear at that moment. May katagalan na rin ang insidenteng nagpabago sa buhay niya pero nakalimutan na niya ang sakit na dulot nito. Ang naiiwan na lang na alaala ay kung paano naging mas makulay ang mundo niya dahil pinakasalan niya si Ennui.
"It was more like, my way of saving you—rather than a sacrificial one. Saving you wasn't a sacrifice, it's a moral obligation." A hint of a playful smile grew on his face. Inilapit niya ang sarili sa kanyang asawa, nang may buong pagsuyo.
Napapikit naman si Riela at naramdaman niyang nagdikit muli ang kanilang mga labi, kahit kaunti na lang ang pagitan nito. Pero naudlot ang moment nila nang marinig ang malakas na boses ni Belinda sa ibaba.
"Ennui, Riela! Handa na ang hapunan!"
Nagkauntugan sila bago maglayo.
"Mama's really consistent—sa pag-udlot ng moments natin." Parang bata na nagmaktol si Ennui at naiiling na tumawa kay Riela.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top