CHAPTER 23
Sa gitna ng kanilang usapan, bumalik ang dating masayahing anyo ni Frida. "Bago kita pakawalan at bago ako umuwi mamaya, may ibibigay ako sa'yo."
Ttumayo ito at kinuha ang isang box mula sa closet. Kahon iyon na maganda ang pagkakabalot.
"Ano ito?" tanong ni Riela at nakatingin sa kahon na tila ba kinakabahan.
Ngumiti si Frida nang may halong kapilyahan. "Wedding gift. Trust me, you'll thank me later."
Agad na binuksan ni Riela ang kahon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman—isang set ng eleganteng lingerie at isang silk nightgown na kulay red and black. Halos hindi siya makapagsalita. "Frida! Ano 'to?"
Tumawa si Frida. "Relax! It's just something you need, to spice things up. Don't be naive. Alam mo naman, after marriage, kailangan ng mga game changer. Don't be shy, bagay na bagay sa'yo 'yan."
"Naku, Frida..." Napailing si Riela, halatang namumula ang pisngi. "Hindi ko alam kung matatawa o mahihiya ako. I don't think I can wear this, shirt and pajamas lang ang madalas kong pantulog."
"Come on, tanggapin mo na. So you two could give me a niece or a nephew soon!" panunudyo ni Frida.
Bigla tuloy tumalon sa tuwa ang puso ni Riela. Building a family with Ennui has been a good idea to begin with. Mahal naman na niya ito. Kaya lang, kailangan pa rin nilang kapain ang isa't isa bago tuluyang magdala ng panibagong buhay sa mundo. Besides, last night, natandaan naman niyang may nagamit silang proteksyon at si Ennui naman ang nag-insist na gamitin iyon. Clearly, the idea of having a baby was not in this room as of now.
"By the way," dagdag ni Frida, habang kinukuha ang phone niya. "Kung gusto mo, pwede rin akong magpadala ng ganito sa best friend mo, si Aicelle na naikwento mo rin kanina, right?"
Tumawa nang tuluyan si Riela, bahagyang gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagiging attentive ni Frida sa pagkukwento niya, na sobrang layo siguro sa demeanor ni Ennui. "Hindi ko alam kung matutuwa o tatawa lang si Aicelle kapag nakita niya ito."
"Trust me, magugustuhan din niya 'yan since sabi mo nga, she's already married, like you," sagot ni Frida. "She seems like the type na adventurous din."
Matapos magpaalam ni Frida para umuwi sa mansyon kung nasaan ang dad nila ni Ennui na si Johan, naiwan si Riela sa kwarto na para talaga sa kanya. Inilabas niya ang nightgown mula sa kahon at iniladlad ito. Napakaganda talaga, halatang galing sa France. Malambot ang tela nito at mukhang mamahalín.
Naalala niya ang sinabi ni Frida tungkol kay Aicelle. Kaya naman kinuha niya ang phone niya at nag-chat dito.
"Look what Frida gave me! HAHAHA!"
Pagkatapos, naisip niyang sukatin ang nightgown. Isinuot niya ito at tumingin sa salamin. Bagay na bagay nga sa kanya ang kulay, at halos hindi niya mapigilang humanga sa sariling repleksyon. Kumuha siya ng litrato habang suot iyon para ipasa kay Aicelle.
"Look oh! May pamigay din si Frida sa'yo."
Pero sa pagmamadali, hindi niya napansin na naipasa niya ang litrato sa maling tao—kay Ennui!
***
Kasalukuyang nasa loob ng sasakyan si Ennui pagkatapos ng appointment niya sa counselor. Napatingin siya sa phone niya nang biglang may dumating na notification, baka urgent kaya binuksan na niya. Pero hindi niya inaasahan ang makikita—si Riela, nag-send sa kanya ng larawan na nakasuot ng nightgown, na sobrang eleganteng at kaakit-akit. May slit pa iyon, kaya biglang bumilis ang tahip sa dibdib niya.
Napako siya sa kinauupuan. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. He needed time to think properly, kailangan makapag-drive pa siya nang maayos.
"Ano ito? Para saan? At para kanino?" Naglaro sa isip niya ang mga tanong na iyon. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalinlangan sa nararamdaman niya. Pero sa kabilang banda, may sumiklab din na insecurity mula sa kaibuturan ng puso niya.
"Was she seducing me? Bakit niya ito pinadala sa akin? O baka hindi talaga ito para sa akin?" Naging mas malala ang kanyang haka-haka ng kanyang isipan nang maalala ang damdaming laging nangingibabaw sa kanya—ang takot na baka hindi siya sapat para kay Riela. Hindi na siya nagdalawang-isip. Nagpasya siyang hindi na muna umuwi. Kaya nag-reply siya sa larawan nito.
"I need more time to finish my tasks. Don't wait for me tonight."
Pagkatapos ng ilang minuto, napansin naman ni Riela ang reply ni Ennui. Napansin din niyang hindi kay Aicelle napunta ang message kundi kay Ennui. Nanlaki ang mga mata niya at halos mabitawan ang telepono.
"Oh my gosh! juskopo!" Napasigaw siya sa sarili.
Agad niyang tinawagan si Ennui, pero hindi nito sinagot ang telepono. Nag-chat siya agad para linawin dito ang misunderstanding.
"Ennui, sorry! Mali ang send ko. Para kay Aicelle iyon, hindi para sa'yo."
Walang reply. Agad siyang nakaramdam ng kaba. "Bakit hindi siya sumasagot?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top