CHAPTER 22
Sa pagpasok nina Frida at Riela sa guest room, mahigpit na isinara ni Frida ang pinto. Naupo ito sa kama at tiningnan ang tensed niyang sister-in-law.
"Okay, spill it. Ano ba talaga ang nangyari kagabi?" diretsahang tanong ni Frida. Napakunot ang noo niya, tila iniimbestigahan ang bawat galaw ni Riela.
Huminga nang malalim si Riela para pakalmahin ang sarili. "We talked about a couple of things. A lot. And then, we just... ended up together," sagot niya, tila ba pilit iniwasang ibigay ang buong detalye.
"Together?" Frida raised an eyebrow. "Come on, Riela, give me something. May nararamdaman ako, at hindi maganda."
Napayuko si Riela. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman niya. "Actually, sweet siya kagabi tapos kaninang umaga, nagbago agad ang mood niya. Ang dami niyang iniisip, parang ang layo niya kahit nasa tabi ko siya. Frida, sometimes it's hard for me to know his thoughts. Hindi kasi siya nagsasabi."
"May mga bagay na hindi niya kayang sabihin. Lalo na kung tungkol sa nakaraan niya," mahinang tugon naman ni Frida.
"Nalilito ako, pero mukhang tama ka," bulalas ni Riela. "Actually, hindi na yata matandaan ni Ennui na ako ang nagligtas sa kanya, eleven years ago. Bigla siyang nawala pagkatapos ng aksidente sa motor. Bakit kaya?"
Napatingin si Frida sa kanya, halatang nabigla sa tanong. "Riela... hindi ko dapat sinasabi 'to, pero mahirap para kay Ennui ang nangyari sa kanya noon. I don't exactly know the details about it, dad also didn't tell me. I was studying in France at that time, before I got married."
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Riela, puno ng pag-aalala. "Sobrang curious ako, Frida. Naaalala ko pa ang araw na 'yon. Alam kong nakita niya naman ako at namukhaan pero kahit minsan, hindi niya bini-bring up ang bagay na 'yon. Ayoko naman siyang kulitin. Iniisip ko kasi, baka lang may kinalaman ang aksidenteng 'yon kung bakit gano'n ang behavior niya."
Pumikit si Frida, tila ba nag-iisip nang mabuti kung paano sasagutin si Riela. "Pero ang alam ko lang, na pagkatapos ng aksidente, he wasn't the same. Hindi niya gustong pag-usapan 'yon. Ang alam ko lang din, ang trauma niya hindi lang galing sa physical injury—kundi sa mga desisyon niya noong araw na 'yon."
"Trauma?" Riela asked, her voice trembling. "So it all makes sense."
Tumango si Frida. "Ennui doesn't want to revisit that time. Pero isa lang ang sigurado ako—ikaw lang ang tao na malapit sa kanya, na nakapagpabago sa kanya nang ganyan. Kahit anong takot ang nararamdaman niya, ikaw na ang naiisip niya sa mga desisyon niya. Ennui didn't have serious relationships before. Plus, I know, kapag nagdedesisyon siya, mahirap na 'yong baguhin. That's why when I just heard the news of his sudden engagement, hindi ko na siya kinwestyon. Even dad, wala siyang nagawa. Siguro naman, na-witness mo rin kung paano ka niya ipaglaban, right?"
"Kung gano'n, bakit niya ako tinutulak palayo?" tanong ni Riela, hindi na kayang pigilan ang pangingilid ng luha. "Frida, mahal ko siya. Pero pakiramdam ko, hindi niya ako gusto sa paraang gusto ko siya."
Tumayo si Frida, saka hinawakan ang mga kamay ni Riela. "Mahal ka ni Ennui, pero hindi niya alam kung paano mahalin ang sarili niya. Just be patient with him, huwag kang sumuko. You have the power to break through. At ako, bilang sister-in-law mo, tutulungan kita na mas mapalapit pa sa kanya. I'll tell you what his interests and hobbies are."
***
Hindi pumunta si Ennui sa kahit saang business related fields ngayong araw. As someone who used to reject the idea of consulting professionals regarding mental health matters, he thought that this is the time that he should stop the rejection and seek help. Hindi na niya kayang indahin ang mga bagay na gumugulo sa isip niya, lalo na kung may kinalaman kay Riela na pwede niyang ikahumaling pa rito nang husto. Pagpasok niya sa clinic, halatang hindi pa rin siya komportable. Nakaupo siya sa malambot na sofa habang kaharap ang isang counselor. Buti na nga lang at lalaki iyon na kagaya niya at mas maiintindihan siya.
"Mr. Guillermo, how can I help you today?" tanong ng counselor, ang tono nito'y mahinahon at puno ng malasakit.
Napakamot si Ennui sa ulo, hesitant pa rin siyang aminin ang kanyang concern. "I don't know where to start. It's kind of embarrassing. But I know I need to sort out all of these."
Ngumiti ang counselor, hinihikayat siyang magpatuloy. "You're here, and that's a big step already. Take your time."
Huminga nang malalim si Ennui. "I'm... sexually attracted to my wife. But it feels strange for me. Parang hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag kasama siya. I'm afraid that this kind of desire will eat me up. Ayokong isipin niya na masyado akong mahilig sa gano'ng bagay. To be honest, sa kanya lang naman ako naging ganito. Before I married her, I didn't even think about sexualizing her. But after marriage, everything has changed. It feels odd—overwhelming, and other feelings I couldn't even tell."
"Do you think this attraction is wrong?" tanong ng counselor.
"Not wrong," pagklaro niya saka iniwas ang tingin. "But I feel like I've taken advantage of her. Last night, we... already—you know, and I just didn't hold back. And I can't stop overthinking that moment until now. Detalyado pa rin sa isip ko 'yong mga ginawa namin. Hindi ba't parang ang bastos? Because honestly, I didn't want to think about her that way. After that, I didn't even dare to look at her without being awkward."
Binuklat ng counselor ang kanyang journal. "It sounds like you're struggling with guilt. Could it be that you're connecting this feeling to something from your past?"
Tumahimik si Ennui, hindi makatingin nang diretso. "Maybe. There's this part of me that doesn't think I deserve her. I feel broken or incomplete, but when I'm with her, that's when I just think that being with her makes me want to become better. Hindi lang ako confident enough to show my emotions."
"Let's explore that," mahinahong pakli ng counselor. "Perhaps understanding where that feeling comes from can help you embrace your relationship with her in a healthier way."
Sa likod ng pag-uusap, ramdam ni Ennui ang bigat ng emosyon. Sa bawat salitang kanyang inamin, pakiramdam niya na gumagaan ang kanyang pakiramdam. Alam niyang malayo pa ang kailangang lakbayin, but he's glad that he took the first step.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top