CHAPTER 21
Tumatagos ang sikat ng araw sa kurtina ng bintana. Napahikab si Riela, at dahan-dahan siyang napamulat, pero sumikip ang dibdib niya nang bumalik sa kanya ang realidad. Nilipat niya ang tingin sa gilid ng kama, at doon niya nakita si Ennui na gising na at nakaupo sa dulo ng kama habang nakatalikod sa kanya. She felt sad, for assuming that he might think that what happened between them last night was just a mistake for him.
Wala itong suot na pang-itaas. Nakayuko rin ang ulo nito, tila ba malalim ang iniisip.
"Good morning," ani Riela, mahina at may halong pag-aalinlangan ang boses niya.
Hindi kaagad sumagot si Ennui. Bahagya lang gumalaw ang mga daliri nito, at napaisip si Riela kung narinig ba siya nito. Hanggang sa marinig niya ang malalim nitong buntong-hininga. Dahan-dahan itong lumingon, pero bahagya lang, sapat para makita niya ang anino ng mukha nito sa liwanag ng umaga.
"Good morning," sagot naman ni Ennui, na parang may pag-aalinlangan.
Umupo nang maayos si Riela, hinila ang kumot para takpan ang sarili, parang kaya nitong protektahan siya mula sa bigat ng bagay na hindi pa nila napag-uusapan. She looked at Ennui with a sense of longing in her eyes. Every part of him makes him intriguingly handsome—his defined jawline, messy hair, and most of all—his lips that devoured every part of her last night.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Riela nang dahan-dahan habang sinusubok na alisin ang distansya sa pagitan nila.
Ennui laughed but in an unenthusiastic manner. Hinagod niya ang kanyang sariling buhok.
"I'm fine," sagot nito, pero ramdam ni Riela sa tono nito na may hindi ito sincere. Humarap na ito nang buo sa kanya, at nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa likod ng malinaw na tingin nito, may emosyon na hindi niya kayang basahin.
"May iniisip lang ako," sabi nito, pagkatapos ng saglit na pag-aalinlangan.
"Tungkol sa kagabi?" bulong ni Riela, habang ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib.
Tumango si Ennui nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Tungkol sa lahat. Anong mangyayari ngayon, Riela? Ano'ng ibig sabihin nito... para sa atin?"
Napalunok si Riela, naramdaman ang bigat ng tanong nito. Sa mga mata ni Ennui, nababasa niya ang parehong takot at pag-asa na bumabagabag din sa kanya. Bahagya siyang napakagat-labi saka huminga nang malalim. "Hindi ko alam," prangka niyang sagot. "Pero... wala akong pinagsisihan. Ikaw ba?"
Nagtagal ang katahimikan, parang pinong sinulid na nakabitin sa hangin ang sandaling iyon. Nakakainip. Hanggang sa umiling si Ennui, at may bahagyang ngiti sa kanyang labi, it's bittersweet.
"Hindi," sabi nito nang mahina. "Wala rin akong pinagsisihan."
Parang tumalon ang puso ni Riela; isang munting pag-asa ang sumiklab sa loob niya. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay, dumampi ito sa braso ni Ennui. "Kung ganon, you don't have to overthink, Ennui."
Tumingin si Ennui sa kamay ni Riela, tapos bumalik ang tingin nito sa kanya. Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. But still, she can't read what Ennui is thinking right now. He looked distressed.
Sa kabilang banda, nanaig kay Ennui ang katotohanang hindi niya napigilan ang sarili at sinuway na niya ang pangako niya na kahit kailan, hindi siya mapapalapit kay Riela... nang ganito. The thought that he seemed to take advantage of her misfortune stresses him. Nakakakonsensiya. He didn't dare to dream of being with her like this. Ni hindi niya naisip na pagpantasyahan ito, pero kagabi, hindi na niya napigilan ang sarili na magpatangay sa mapusok nilang damdamin. Alam niyang consensual ang lahat, pero nababagabag siya sa katotohanang hindi naging tama ang pagtatagpo nilang muli. If only he had courted her or they had dated at first, baka maisip niya na wala siyang nagawang kamalian.
"May pasok tayo ngayon." Ennui got up and picked his shirt on a chair. Ikinagulat ni Riela ang desisyon nito, napag-usapan na kasi nila kagabi na hangga't nandito si Frida, hindi muna sila papasok sa trabaho.
"Pero napag-usapan na natin na hindi pa tayo papasok," tila may paglalambing na tugon ni Riela.
"Ako na lang. Dito ka na lang at samahan mo siya." Naging malamig ang boses niya at nilingon si Riela na halatang hindi natutuwa sa mga sandaling iyon.
"Also, get dressed, and sorry if I made you tired. Hindi na mauulit." He didn't mean to say that, but he had to. Alam niya na kapag lagi silang magkasama ni Riela, baka mas mapadalas pa ang kanilang pagtatabi.
"So... Hindi mo pala gusto 'yon? Na nagsisi ka rin pala?" Riela felt a sudden chill. Hindi niya gusto ang narinig. She simply composed herself and do what Ennui requested, dahil wala naman siyang nakuhang sagot mula rito. Pumunta siya sa restroom at doon niya ibinuhos ang luhang kinikimkim.
***
Frida, on the other hand, teased them in a subtle manner as soon as they approached the kitchen.
"So, how's the morning after the 'talk'?" tanong ni Frida, habang binibigyan sila ng nakakalokong ngiti. Ang bawat galak na tawa ni Frida ay parang may halong misteryo, na nagsisilbing pampalakas ng loob kay Riela at nagdudulot naman ng kalituhan kay Ennui. Hindi na nila alam kung anong nararamdaman nila—kung magaan ba sa pakiramdam o mabigat
"Maayos naman ang pag-uusap," Riela lied. Hindi siya makatingin nang diretso sa kanyang sister-in-law.
"Nag-usap lang?" panunukso naman ni Frida.
"Oo. Ano ba dapat?" Nilakipan ni Riela ng mapagkunwaring ngiti ang kanyang tanong. Pero ang mga mata niya ay nagsasalita ng ibang kwento—ang pagkakaroon ng malalim na pagkabagabag niya sa gitna ng lahat ng ganitong kabaliwan. Habang si Ennui, na napansin ang bawat galaw at reaksyon ni Riela, ay nahirapan na hindi masabi ang totoo niyang dinaramdam.
"I have to talk to you, Riela. And Ennui, pwedeng umalis ka muna? You're not needed and I hate your vibe," prangkang pakli naman ni Frida at hinatak si Riela. Ramdam niya kasi na may hindi magandang nangyari sa pagitan nila at dahil kilala naman niya si Ennui na sarili niyang kapatid, maybe she has to do her part too. Ayaw niya kasing may nagaganap na separation sa mga Guillermo. Masyado nang masalimuot ang pamilya nila sa gano'ng issues.
"Aalis naman talaga ako. Papasok ako sa corporate office. Mag-i-inspect din ako ng planta sa wine business natin," biglang paglalahad ni Ennui na tinawanan lang ni Frida.
"Hindi na gawain 'yan ng CEO, Ennui. Hindi ka naman na operations head manager or something," pagpapaalala ni Frida saka binalingan si Riela.
"Maraming lapses," pagdadahilan ni Ennui. "Sa trabaho."
"Or sa marriage? Was it rushed? I bet hindi. I know you," kontra naman ni Frida. "Anyway, ingat ka sa work mo. Mag-uusap na kami."
Huminga nang malalim si Ennui nang hatakin ni Frida si Riela papunta sa guest room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top