CHAPTER 19
Pagkatapos ng dinner, nagkaroon ng pagkakataon sina Riela at Ennui na mag-usap nang pribado sa kanilang kwarto.
"Your sister is intense. Hindi ko masabayan ang energy niya," pag-amin ni Riela habang nilalapag ang unan sa gilid ng kama.
"That's just really her nature," sagot ni Ennui, umupo sa gilid ng kama at hinilot ang sentido. "She's always been like that—direct to the point. But she means well. I used to be insecure with her confidence. Para nga kay dad, mas magaling siya kumpara sa akin. Pero based din kasi sa France ang asawa ni ate kaya doon na rin sila nanirahan at wala siyang paki sa business namin dito."
Huminga nang malalim si Riela at tinitingnan si Ennui na tila iniisip kung paano sasabihin ang nasa isip niya. "What if she figures it out? I mean, what if she doesn't believe us?"
Tumingin si Ennui kay Riela, seryoso ang kanyang ekspresyon. "She won't. As long as we stay consistent with the story, she won't have any reason to doubt."
Ngumiti si Riela kahit medyo alanganin. "Hindi naman gano'n kadali ang sinasabi mo."
"I know it's not," sagot ni Ennui, halos bumulong. "But we've come this far. So I trusted you, we'll handle it."
Nagkatinginan silang dalawa, at sa sandaling iyon, muling naramdaman ni Riela ang parehong tensyon mula noong gabi na pinipigilan nilang sumabog ang kanilang damdamin, ultimo iyong kaisa-isang gabi na tumagal ang paghahalikan nilang dalawa. Ngunit bago pa man ito lumalim ang naiisip nila, kumatok si Frida sa pinto.
"Hey, you two!" tawag nito mula sa labas. "Mind if I come in? I forgot to ask something earlier."
Nagkatinginan ulit sina Riela at Ennui na tila parehong naubusan ng lakas.
"Come in, Ate Frida," sabi ni Ennui, pilit na inaayos ang sarili.
Pumasok si Frida, may dalang tasa ng tsaa at isang malikot na ngiti. "Don't worry, I won't stay long. Just one more question before I sleep."
Napatingin si Riela, hindi alam kung matatawa o maiinis. "Sure, what is it?"
"Do you guys ever fight? Like, real arguments?" tanong ni Frida. "Because I've heard that couples who never argue aren't being honest with each other. Aside from Riela's issue before, that's what I want to know."
Saglit na natahimik ang dalawa bago sumagot si Riela. "We discuss things, but we're usually on the same page. Nag-away na rin po kami sa work. Ilang beses na. Kahit sa household chores."
"Hmm," sagot ni Frida, tila iniisip kung totoo ang sinabi ni Riela. "Well, that's good. I'm just checking. You know me—I'm protective of my little brother. At ikaw naman Ennui, you should know how to show your emotions well."
Tumango si Riela. "I understand him. It's sweet, actually."
Ngumiti si Frida at tumayo. "Alright, I'll let you two rest. Goodnight."
Pagkaalis ni Frida, nanatiling tahimik sina Riela at Ennui. Pareho silang nakaupo sa gilid ng kama, ngunit ramdam ang bigat ng tensyon sa pagitan nila.
"That was exhausting," bulong ni Riela.
"Tell me more about it," sagot ni Ennui. Ngunit kahit pagod, hindi niya maiwasang isipin na masyadong mabilis ang tibok ng puso niya tuwing magkasama silang dalawa sa isang kwarto. "Sweet? My gestures? Sweet ba 'yong nagagalit ako?"
"Kinda... and I swear, your sister is relentless," bungad ni Riela, sabay hagod sa buhok niya. "Hindi ba siya napapagod sa kakatanong?"
Ngumiti si Ennui, bahagyang nakahinga ng maluwag matapos ang mahabang araw. "She's always been like that. She thinks it's her job to protect me, even if I don't need it anymore."
"Hindi naman halata," biro ni Riela, ngunit may halong pagod ang kanyang tawa.
Tumayo si Riela at nagsimulang mag-ayos ng kama. Habang ginagawa niya ito, napansin niyang nanatiling nakatingin si Ennui sa kanya. Hindi niya mapigilang magtanong, "What? Bakit ganyan ka kung makatingin?"
Umiling si Ennui, parang nahuli sa akto. "Nothing. Just... I guess I'm not used to having someone around like this."
Napahinto si Riela sa ginagawa. Tumingin siya kay Ennui, sinusuri ang mukha nito. "You mean someone pretending to be your wife?"
Ngumiti si Ennui, pero halatang pilit. "Something like that."
Bumalik si Riela sa pag-aayos, ngunit naramdaman niya ang bigat ng tingin ni Ennui. Sa totoo lang, siya mismo ay naguguluhan. Hindi niya maintindihan kung bakit tila mas lumalalim pa ang nararamdaman niya sa lalaking ito, lalo na't malinaw sa kanilang usapan na lahat ng ito ay pagkukunwari lamang.
Pagkatapos ay tumayo si Ennui, lumapit sa kanya, at tumulong sa pag-aayos ng kama. Naging sobrang tahimik ang kwarto, naramdaman nila ang unti-unting paglapit ng kanilang mga kamay. Nang magkasalubong ang kanilang mga daliri, sabay silang napatingin sa isa't isa. Hindi nila agad binawi ang kanilang pagkakahawak sa isa't isa, na para bang may puwersang nagsasabing manatili lang sila roon.
"Riela," mahinang sabi ni Ennui, ang kanyang boses mababa at seryoso.
"Hmm?" tanong ni Riela, ang kanyang puso biglang bumilis ang tibok.
"Do you ever think about... What would this be like if it were real?" tanong niya, tila nagulat din sa sarili niyang sinabi.
Napatingin si Riela sa kanya, nagulat sa tanong. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon, kaya't iniiwas niya ang tingin. "What do you mean?"
"It's nothing," sagot ni Ennui, umatras nang kaunti. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, humakbang si Riela paharap at pinilit na basahin ang emosyon sa kanyang mukha.
"Ennui, if there's something you want to say, just say it," sabi ni Riela na halos pabulong.
Sa halip na sumagot, marahan na lumapit si Ennui. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Parehong tila nakalimutan na ang mundo sa paligid nila.
"Maybe it's not fake anymore," bulong ni Ennui bago niya marahang inilapit ang kanyang labi. He slowly kissed the cupid bow part of her lips. He's surprised that she didn't even resist.
Hindi na nakapag-isip si Riela. Tumugon siya sa halik, ang tensyon na matagal na nilang itinatago ay sumabog sa isang sandaling iyon. Ang kanilang halik ay puno ng damdamin—ng pangungulila, at ng mga salitang hindi nila masabi.
Ngunit bago pa man ito lumalim, biglang may kumatok na naman sa pinto.
"Hey, guys? Sorry to bother you again," sabi ni Frida mula sa labas. "I forgot my phone charger."
Agad na naghiwalay ang dalawa, parehong namumula at halatang nataranta. Tumalon si Ennui palayo habang si Riela naman ay mabilis na inayos ang buhok niya.
"Yeah, sure!" sagot ni Ennui at pilit na pinapakalma ang boses niya.
Pagkapasok ni Frida, hindi ito nagtagal at kinuha lamang ang kanyang gamit. Ngunit bago ito umalis, napansin niya ang kakaibang enerhiya sa loob ng kwarto. Ngumiti siya nang may halong biro. "Hmm. You look—too close. Your room seemed soundproof, right? Enjoy!"
Pagkalabas ni Frida, nanatiling tahimik sina Riela at Ennui. Pareho nilang alam na may nangyari sa pagitan nila—at kahit na putol iyon, malinaw na hindi nila ito basta-basta malilimutan. Hindi matatapos ang gabing ito hangga't hindi nila naa-address ang kaguluhan sa kanilang damdamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top