CHAPTER 17

Tahimik namang nagkatinginan sina Riela at Ennui mula sa dining area. Walang nagsasalita, ngunit pareho nilang nararamdaman ang pagbabagong nagaganap. Riela knows that what she feels wasn't fear or a sign of giving up. Habang si Ennui naman, tila natutukso nang hayaan ang sarili na magmahal nang totoo. What happened last night left them hanging. They almost kissed and it's a big deal for the both of them.

Habang nag-aalmusal, parang may bomba na sumabog sa susunod na pahayag ni Belinda.

"Pwede bang dito muna ako sa loob ng isang linggo?" sabi niya na parang wala lang. "Para naman kahit papaano, magabayan ko pa rin si Riela at maturuan ko siya sa mga bagay bagay."

Napatingin si Riela kay Ennui, halatang nagpipigil ng reaksyon. Si Ennui naman ay parang gusto nang mag-teleport palabas ng bahay. They didn't expect this. Alangan namang ipagtabuyan nila ito dahil hindi maganda ang idea ng pag-stay nito. Mas lalo lang silang mahihirapan na itago ang kanilang damdamin.

"A week?" tanong ni Riela, pilit na itinatago ang kanyang pag-aalala.

"Oo anak," sagot ni Belinda na may ngiti sa mukha ngunit may halong pagsisiyasat sa mga mata. "Gusto ko lang matiyak na hindi ka napapabayaan. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Ennui, pero mabuti nang sigurado. Isa pa, alam kong busy kayo sa trabaho kaya hayaan n'yo munang alalayan ko kayo sa mga gawaing bahay. Isa pa, gusto rin naman iyon ng papa mo."

Tumango si Ennui, pilit na nagpapakita ng respeto. "That's very thoughtful of you, Ma—Mama."

Hindi nakatakas kay Belinda ang bahagyang pag-pause ni Ennui. Tumango siya, ngunit sa isip niya, dumadagdag ang mga bagay na kailangan niyang obserbahan.

***

Sa mga sumunod na araw, naging abala si Belinda sa pagbibigay ng mga "tips" kay Riela.

"Riela, dapat matuto kang maghanda ng paborito niyang pagkain. The way to a man's heart is through his stomach, iyon ang pinakasikat na kasabihan."

"Alam ko naman 'yon ma. Kaya nga alam ko, naalagaan mo talaga si papa," proud na sambit ni Riela. It was a touching moment for Ennui. He admired Riela's bond with her parents. That was something he envied some kids before. Dati kasi, madalas niyang nasusumpungan ang pagtatalo ng mga magulang niya bago sila matuloy sa pag-file ng divorce sa France.

Tumango si Riela habang nagpipilit magprito ng itlog, bagama't hindi niya matandaan kung kailan siya huling nagluto ng kahit ano. Sa gilid, pinapanood sila ni Ennui na nagmukhang excited sa kanilang ginagawa.

"At ikaw naman Ennui," dagdag ni Belinda, "Kahit kasal na kayo, hindi ka pa rin dapat tumigil sa pagpapakita ng sweetness kay Riela. Lagi mong sasabihin ang simpleng 'I love you.' Gusto kasi nitong si Riela na sinasabihan ng sweet and kind words. Right, hija?"

Halos mabulunan si Riela sa gilid. "Ah... y-yes, Ma."

Nagkatinginan ang dalawa. Alam nilang dapat nilang dagdagan ang pagpapanggap, ngunit ramdam pa rin nila ang hirap ng bawat sandali.

Hangga't sa dumating na ang gabi. Kailangang mag-share ng kwarto sina Riela at Ennui upang hindi masira ang kanilang pagpapanggap. Habang naghahanda para matulog, pilit nilang tinatago ang tensyon. Pareho silang hindi makapaniwalang nagkakaganito ang mga bagay.

"Do you think she suspects anything?" tanong ni Riela habang nag-aayos ng kumot.

"Definitely. But I think she's more focused on whether I'm good enough for you." May bahid ng sarcasm ang tono ni Ennui, ngunit halata ang kaba sa boses niya.

Napangiti si Riela, kahit papaano'y nagbiro. "Well, you're not exactly doing a stellar job of convincing her."

Natawa si Ennui. "I know right. I'm not even an actor to begin with."

"At kung aktor ka man, pagagalitan ka lang palagi ng direktor, kasi madalas kang emotionless."

Habang nagpapalitan sila ng biro, nagkatinginan silang dalawa. Tumahimik ang paligid, at sa kabila ng katahimikan, parang may malakas na pag-uusap na nagaganap sa kanilang mga mata. Dahan-dahang lumapit si Ennui. Hindi nila namalayan, ngunit tila may magnet na humila sa kanilang dalawa. At bago pa nila maawat ang sarili, naglapat ang kanilang mga labi sa isang banayad ngunit matinding halik.

Ngunit ang mahika ng sandaling iyon ay naputol na naman may marinig silang malakas na katok mula sa kabilang kwarto.

"Riela! Ennui! Paano ba hinaan ulit itong aircon? Nilalamig na ako!" sigaw ni Belinda.

Agad na tumigil sina Riela at Ennui, parehong namumula at nagkatinginan. Halatang pareho nilang iniisip ang parehong bagay.

"Of course, she'd interrupt us now," may panghinayang sa boses ni Ennui.

Nagtawanan sila nang mahina.

"I'll handle it," sabi ni Riela habang bumangon, pilit na tinatago ang embarrassment sa harap ng gwapong asawa.

Habang papalabas ng silid si Riela, naiwan si Ennui, nakangiti nang bahagya habang nakatingin sa pinto. Hindi niya maiwasang isipin kung paano nagiging mas komplikado ngunit mas makulay ang kanilang mga araw. Napaupo si Riela sa sofa, napabuntong-hininga. "That was close."

"Too close," Ennui agreed. "We need to be more careful. Kung napansin niyang magkaiba ang kwarto natin, what else could she notice?"

Riela looked at him, a hint of frustration in her eyes. "I can't keep lying to her. She's my mother, Ennui. Baka malaman niya rin ang totoo."

"Not if we keep playing our parts well," Ennui said firmly. "The stakes are too high to let this fall apart now."

Parehong naramdaman ulit nina Riela at Ennui ang bigat ng sitwasyon. Sa gitna ng kanilang pagsisinungaling at pagpapanggap, may bahagi sa kanilang dalawa na nag-iisip kung hanggang kailan nila kakayaning panatilihin ang ilusyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top