CHAPTER 16
Habang nagtatagal, natutunan ni Riela ang galawan sa kompanya. Sa kabila ng pagiging mahigpit ni Ennui, na-appreciate niya ang pasensya at sipag ni Riela. Isang araw, nakita niyang inaayos ni Riela ang isang customer complaint kahit lampas na sa oras ng trabaho.
"Bakit hindi mo na lang iwanan 'yan at ipagpaliban na lang?" tanong ni Ennui habang dumaan sa showroom. "Saka wala kayong OT for a week."
"May pending report pa ako, na hinihingi mo na," sagot ni Riela, hindi tumitigil sa pagtatrabaho. "Mas mabilis din kung ako na lang ang mag-aasikaso. Skilled ako sa pagharap sa mga tao compared to them. Artista ako, right?"
Napatigil si Ennui. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang dedikasyon ni Riela nang walang kamera o spotlight. Ngunit pinilit niyang huwag ipakita ang pagkamangha. "Artista ka dati, pero ngayon hindi na. You don't have to please people."
"People pleaser pa rin ako. Like what I'm doing for our marriage." Saglit lang na sumulyap si Riela kay Ennui ngunit naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya dahil kanina pa pala ito nakatingin nang diretso sa kanya.
"Uhm... mauna ka nang umuwi. Matagal pa ako."
"I'll stay here. Hihintayin kita. Masyado kang masipag," malamig niyang sabi. "Don't overdo it."
"Patapos na ako, hintayin mo na lang ako sa labas kung willing to wait ka."
"Basta ikaw ang hihintayin, I'm always willing overtime." There's a hint of admiration from his voice.
Tinawanan siya ni Riela. "Walang overtime ngayon."
"That's not what I mean," sabi naman ni Ennui at bahagyang ngumiti na lang sa pagbibiro ng kanyang asawa.
"Hihintayin kita sa labas." Tumalikod siya. Natagpuan na niya ang sarili na nakangiti. It was getting harder to fake his indifference. Tanging si Riela lang ang nakakapagpalabas ng cheesy side niya.
***
Isang umaga, laking gulat ni Riela nang makita ang kanyang ina, si Belinda. Simple lang ang ginang, may dala-dalang passlubong para sa kanila. Nginitian niya ang anak, ngunit hindi maikakaila ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Ma?" bulalas ni Riela, halatang hindi inaasahan ang pagbisita. "Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Para nasundo kita?"
"Eh, syempre gusto kong makita kung maayos ka rito," sagot ni Belinda, pasimpleng sinisipat niya si Ennui na kalalabas lang ng kwarto. Diretso nitong inabot ang kamay ng lalaki, sinuklian ng pormal na ngiti ang ngiti nito.
"Ma'am, good morning po," bati ni Ennui sa marespetong paraan. Hindi siya prepared sa pagbisita ng ginang. Buti na lang wala silang pasok sa trabaho ngayon.
"Ma'am? Asawa mo na ang anak ko." Na-weirdo-han si Belinda sa kung paano siya in-address ng manugang.
Agad na nag-offer si Ennui ng upuan, sabay kuha ng mga bitbit nito at itinago ang pagkailang. "Salamat po, mama. Pasok po kayo."
Sa isip ni Ennui, ang biglaang pagdating ni Belinda ay isang pagsubok. Ang pagpapanggap nila ni Riela bilang masayang mag-asawa ay tila magiging mas mahirap. Nagpapakiramdaman lang sila ni Riela habang nasa harap nito.
Habang nasa hapag-kainan, nagsimula si Belinda ng mga tanong na tila para lang casual, pero halatang may halong pagsusuri.
"Riela, kumusta naman ang buhay dito? Wala bang masyadong trabaho na iniuuwi si mister mo? Mukhang tahimik masyado ang bahay n'yo."
"Ma, okay naman po," sagot ni Riela, pilit ang ngiti. "Si Ennui, sobrang maalaga sa'kin sa trabaho. Madalas niya rin i-treat ang iba kong kasamahan kapag bumibisita siya doon."
Napangisi si Belinda, bahagyang tumingin kay Ennui. "Salamat naman kung gano'n."
"Ginagawa ko lang po ang makakaya ko bilang asawa niya," sagot ni Ennui nang walang alinlangan. "Si Riela po ang priority ko. Ayoko po siyang mapagod."
Sa kabila ng pagpeke nila, hindi maiwasang mag-cringe ni Riela. Alam niyang hindi sanay si Ennui sa mga ganitong palabas, ngunit para sa kanya, bawat salita ay tila nagbibigay pa rin ng assurance na hindi nga siya pinababayaan nito, which is true. Hindi lang talaga sila pwedeng maging affectionate sa isa't isa.
Pagsapit ng gabi, naisip ni Belinda na kailangan niyang tiyakin ang isang bagay. Habang nag-aayos ng kanyang mga gamit sa guest room, napansin niyang sa magkahiwalay na silid pumasok sina Ennui at Riela. Napakunot tuloy ang kanyang noo.
"Mag-asawa pero hiwalay ng kwarto? May mali yata."
Hindi nagtagal, kumatok siya sa kwarto ni Riela. "Anak, bakit hindi kayo magkasama sa kwarto?"
Halos matumba si Riela sa kaba nang makita ang kanyang ina. "Ah, Ma, kasi... maingay akong matulog. Ayoko namang maabala si Ennui dahil mas gusto niyang magtrabaho sa ganitong oras. Kailangan niyang mag-focus."
"Hindi ka naman humihilik, kilala kita. Anak kita, eh," hindi makapaniwalang pakli ni Belinda. Mag-asawa kayo. Dapat magkasama kayong matulog kahit ano pang mangyari. Kung hindi kayo magtatabi, uuwi na lang ako sa probinsya at isasama kita."
Walang nagawa si Riela kundi mag-text kay Ennui: May problema. Nakita ni mama na hindi tayo pareho ng kwartong pinasukan. Paano na?
Hindi nagtagal, nakatanggap din naman siya ng reply kay Ennui.
***
Pagpasok pa lang ni Riela sa silid ni Ennui, nagkatinginan agad silang dalawa. Parehong alam nila na delikado sila kapag hindi nila pinagbuti ang kanilang pagpapanggap.
"Isang gabi lang naman siguro 'to."
Tumango si Riela. "Oo nga. Sorry, hindi ko talaga alam na bibisita si mama."
"You don't have to apologize, Riela."
Habang pinapatay ang ilaw, ramdam nila ang bigat ng tensyon na parang pader na itinatag sa pagitan nila. Pareho silang nahiga sa magkabilang gilid ng kama, halos dumikit na sila sa magkabilang gilid para lang magbigay ng distansya sa isa't isa. Ngunit habang tumatagal ang gabi, nag-iba ang hangin.
Isang beses na nagkatitigan sila nang hindi sinasadya habang parehong nagbabaligtad ng direksyon sa pagtulog. Ang mga matang dati'y magaling kung magtago ng lihim ay biglang nagiging lantaran at handa nang umamin.
"Riela," mahinang bulong ni Ennui, na parang tinatawag ang kanyang pangalan hindi na bilang asawa sa papel, kundi bilang isang tao na tinatangi niya nang walang kapalit.
"Bakit?" sagot ni Riela, halatang nanginginig pa ang himig ng boses niya.
"I can't sleep."
"Well... same." Riela felt the tension getting more in the room. The more she looked at her husband's face, the more she felt the need to do something that might cross the line. Alam niyang hindi niya dapat maramdaman ang gano'ng bagay. The hidden attraction would destroy her soon. Kailangan, hindi siya magpatalo. Kaya imbis na magpadala sa magagandang mata ni Ennui, bumalikwas siya at pumikit. Hangga't sa naramdaman niya ang marahang paghawak nito sa kanyang balikat, kaya napabalik ang gawi niya para magkaharap silang muli.
Dahan-dahan, napalapit ang kanilang mga mukha. Ang sandali ay puno ng pagdadalawang-isip, ngunit para bang ang mundo ay unti-unting naglalaho sa pagitan ng kanilang tinginan.
Ngunit bago pa man maganap ang inaasahan, biglang may kumatok.
"Anak, paano ba hinaan 'tong aircon? Para akong nasa bansang may snow!" sigaw ni Belinda mula sa labas.
Bigla silang napaigtad at lumayo sa isa't isa. Si Riela agad na tumakbo papunta sa pinto, habang si Ennui ay tahimik na huminga nang malalim. The magic of that moment fades out—as of now, pero alam nilang pareho na may nangyayari na sa pagitan nila na hindi na nila maaaring balewalain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top