CHAPTER 14

Sa desisyon niyang hindi na bumalik sa showbiz, nagpaalam si Riela sa kanyang fans sa isang heartfelt online post:

"Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin sa loob ng maraming taon. Ito na siguro ang tamang panahon para bigyan ko ng pansin ang ibang aspeto ng buhay ko. Hindi ibig sabihin na hindi ko na kayo mahal, kundi mas iniingatan ko lang ang sarili ko. Paalam muna, pero hindi pa naman ito ang wakas. Spread kindness, not hatred—iyan ang lagi kong iiwan sa inyo. I love you, my loyal fans!"

Patuloy ang luha niya habang binabasa ang madamdaming pamamaalam. She knew that she will retire, pero hindi niya inasahan na ngayon pala ang araw na 'yon. She learned to love her work and be grateful at all times. Pero heto na siya, she became a housewife of a man she barely knew. Alam niyang wala nang oras para magdrama. Kailangan niyang gawin ang obligasyon niya kay Ennui kahit walang kalakip na pagmamahal iyon. Wala pa nga ba?

She composed herself when she went out of her room. Ang setup nila, magkakaiba sila ng kwarto sa mansyon. Inipon muna niya ang lakas ng loob bago harapin si Ennui at ilahad ang naisip niyang paraan upang makatulong din sa career nito.

***

"Internship?" tanong ni Ennui, bakas sa mukha ang pagtutol habang kausap si Riela sa opisina nito sa Alabang. "Riela, married ka na sa'kin. Wala kang kailangang patunayan kung pagbawi lang ang gusto mo. You need to rest. Emotionally, physically, and mentally—you're not that well."

"Exactly," sagot ni Riela. "Kaya mas gusto kong magsimula sa baba. Minimum wage, no special treatment. Gusto kong matutunan ang trabaho mo nang walang shortcuts. Ito lang din ang paraang naisip ko para kumita ng pera. May sakit si papa at kailangan niya ng health maintenance."

Muling napabuntong-hininga si Ennui, halatang hindi sang-ayon. "Alam mo bang hindi mo kailangang gawin ito? You're my wife now. Hindi mo kailangang magpaka-martir para makabawi. We'll send your parents their monthly allowance."

Ngunit hindi natinag si Riela. "Hindi ito tungkol sa utang na loob, Ennui. Gusto ko lang may mapatunayan sa sarili ko. And our marriage wasn't real. Ayoko rin na isipin ng tatay mo na ginagamit kita dahil sa pera mo."

Sa huli, naisip ni Ennui parang magandang ideya ang panukala ni Riela. Mas mabuti na nga ito, dahil mas madalas niya itong makikita. Balak niyang ilagay ito sa main branch ng hardware company, kung saan din sila nagkomprontahan noon.

***

Sa unang linggo bilang intern, sinimulan ni Riela ang trabaho sa warehouse. Nagbubuhat siya ng mga light materials, nag-aayos ng inventory, at tumutulong sa front desk ng showroom. Sa kabila ng hirap, hindi siya umangal. Ngunit para kay Ennui, nakakainis ang sitwasyong iyon. Hindi dahil hindi niya kayang panoorin si Riela na nagpapakahirap, kundi dahil naiilang siyang makita itong tila masaya sa pagiging simpleng empleyado.

Napapadalas na nga ang pagbisita ni Ennui sa hardware. Naabutan niya pa si Riela na sumasabay sa lunch ng ibang kasamahan. Doon niya napagtanto na talagang hindi nito pineke ang kabutihang loob. Sobrang galing daw ni Riela pagdating sa pakikisama. Maybe, she really wanted this kind of life, away from the public eye and at least, her life wasn't an open book anymore. Somehow, nakatulong pa yata siya na isara ang madilim na kabanata ng buhay ni Riela.

Being more fond of her was dangerous. Kaya hangga't maaga pa, kailangan nang pigilin ni Ennui ang nararamdaman niya. Hindi na basta fan-idol ang ugnayan nilang dalawa. Kasal na sila sa harap ng batas at sa harap ng Diyos. At any time, aware siya na kapag tumindi iyon, baka may magawa siyang bagay na hindi nagugustuhan ni Riela. Kaya ngayon pa lang, naisip niyang i-execute ang tila epektibong plano.

Emotional distance plan.

Sa mga sumunod na araw, binalita niya sa lahat ang pamamalagi sa branch sa loob ng isang linggo. Kunwari, may nakita siyang lapses sa inventory kahit wala naman.

Sa opisina, ipinapakita niya ang pagiging istrikto na parang hindi sila mag-asawa. Laging malamig ang kanyang tono tuwing nagbibigay siya ng feedback sa trabaho ni Riela.

"Late ka kanina," sabi ni Ennui nang walang emosyon isang araw matapos ang meeting.

"Two minutes lang, Sir," sagot ni Riela. Sinikap niyang maging determined at nakangiti pa rin. "Traffic kasi."

"Traffic is not an excuse," tugon ni Ennui, diretso ang tingin. "This is a workplace, not a showbiz set."

Alam ni Riela na sinasadya iyon ni Ennui, pero nasasaktan siya sa inaasta nito. May times pa na pinapahiya siya nito sa iba niyang katrabaho. Talagang stoic. Hindi naman ito ang unang beses na napapagalitan siya ng kung sino, mas malala pa nga ang naranasan niya dati bilang artista. But Ennui, treating her like that feels like she won't recover easily. Parang babagsak na ang luha niya sa sandaling iyon pero kailangan niyang magpakatatag.

"I'm sorry, Sir." Yumuko siya para itago ang pagkadismaya at unti-unting pagbagsak ng mga luha niya. Sumisikdo ang puso niya dahil ganito siya kung itrato ni Ennui. Tama nga sila, sobrang distant nitong tao. Wala yata itong nararamdaman na kahit katiting na pagmamahal sa puso nito.

"Apologizing won't work. Pabibigyan kita ng memo sa HR. Magkakaroon ka ng sanctions."

"Okay." Mas tinatagan pa ni Riela ang sarili. Aalis na sana siya sa opisina pero napahinto naman siya sa biglang pagsasalita ng nakakairita niyang asawa.

"I think you need a condo, na malapit lang. Since talagang ma-traffic."

After siya nitong pagalitan, biglang nag-iba ang tono nito. Napaka-unpredictable.

"Minimum lang ang sahod ko, Sir. Alam mo naman siguro 'yon. Hindi po ba?" She made a formal yet sarcastic tone. Kakaiba palang mang-inis ang taong bato na si Ennui Guillermo.

"Sa condo ko. Doon ka mags-stay, of course." Malamig pa rin ang tono ng kanyang asawa.

Umiling si Riela bilang pagpapakita ng matinding pagtutol. "No way. Don't play with my feelings, Ennui. Hindi ka nakakatuwa. Pinapahiya mo ako rito tapos biglang magiging ganyan ka?"

At hindi na niya napigil ang pagbagsak ng kanyang luha. Ennui didn't know how to handle that. Gusto niyang i-comfort si Riela pero hindi niya alam kung paano gagawin. Kailangan ba niya itong halikan? If he will do that, may kalalagyan siya. He just shrugged off. Hinayaan niyang umiyak ito sa harapan niya habang nagkukunwaring nagbabasa siya ng reports.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top