CHAPTER 13
Kinabukasan, nagulat si Riela nang makatanggap siya ng tawag mula kay Ennui. Hindi niya inaasahan na sa kabila ng ginawa niyang pang-iinis, hindi pa rin pala siya nito kalilimutan.
"Ennui, hindi ko alam kung may magagawa ka pa rito. I'm done. Lahat ng tao, naniniwala sa mga sinasabi nilang kasalanan ko."
"Hindi pa tapos ang laban mo, Riela," may paninindigang sagot ni Ennui sa kabilang linya. "Makipagkita ka sa akin. Alam ko ang paraan para maayos ito."
Napagkasunduan nilang magkita sa isang pribadong mansyon ni Ennui. It's now or never, kahit na i-reject ni Riela ang plano niya, ang mahalaga na lang ay masabi niya rito ang balak niyang gawin na mas makabubuti para taong mahalaga na sa kanyang buhay.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ennui," umiiyak na sabi ni Riela, nanginginig ang boses niya. She couldn't deny that she needs his connection right now, for the case, of course. But more importantly, it's him that she wanted more than anything else.
"Ayoko nang maging Riela Borromeo," tuloy niya habang patuloy na bumabagsak ang luha mula sa kanyang mga mata. "Minsan iniisip ko na lang na tapusin ang lahat, kung ganito rin lang ang takbo ng buhay ko."
Kumirot ang puso ni Ennui sa narinig. Hindi niya kayang makita si Riela sa ganitong kalagayan—basag at halos mawalan ng pag-asa. Gently, he placed a comforting hand on her shoulder in a warm and steady manner. "Kung ayaw mo nang maging Riela Borromeo," mahinahon niyang sambit at puno ng sinseridad, "then let me give you a new last name."
Natigilan si Riela, nagulat sa sinabi ni Ennui. She couldn't find the right response, but something stirred in her heart—something fragile, like a flicker of light from clouds above after the storm. Totoo ba ang sinasabi ni Ennui? O baka pinasasakay lang siya nito sa nauna nilang media circus? Hindi siya sigurado. But for the first time in a long while, she felt a small glimmer of hope, a tiny warmth that made her want to believe in better days ahead.
"Pakakasalan kita," diretsahang sabi ni Ennui at blangko ang ekspresyon, hindi makitaan ng sinseridad o bahid ng pagmamahal.
Napatitig si Riela sa kanya na lubhang naguguluhan. Hindi niya akalain na mabi-bring up pa pala ang 'challenge' na 'yon.
"Ano? Bakit mo sasabihin ang bagay na 'yan sa gitna ng ganitong sitwasyon?"
"Ito lang ang paraan para malinis ang pangalan mo," paliwanag ni Ennui. "Kapag magkasama tayo, mas magiging mahirap para sa kanila na iugnay ka sa kaso ng Alluring Care na 'yan. Gagamitin natin ang media sa paraang sila mismo ang magtatanggol sa atin. A marriage between us would shift the narrative—mauuso ang kwento ng pagmamahalan natin, at mawawala sa kanila ang focus sa kaso."
"Pero—" Pinutol ni Ennui ang sasabihin ni Riela.
"Alam kong mukhang mali ito. At hindi ko sinasabing gawin natin ito nang walang plano. But this is not just about you anymore. This is about us."
"Hindi ko alam kung kaya ko, Ennui," sagot ni Riela, nanginginig ang boses. "Kung magpapakasal tayo, hindi iyon totoo. Masisira lang ang pangalan mo, pati ang pamilya mo."
"Hindi ito tungkol sa pamilya ko," tugon ni Ennui, mahina ngunit matatag. "Tungkol ito sa'yo. Hindi ko kayang panoorin kang nagdurusa habang alam kong may magagawa ako."
At this moment, si Ennui na lang ang nag-iisang tao na may kapasidad siyang tulungan. Her management couldn't do things faster than Ennui could. Baka nga, valid na rason na itong nangyayari para pumayag sa pagpapakasal.
"Kung gagawin natin ito, kailangang malinaw na kasunduan lamang ito. Walang emotional attachment."
"Agreed," sagot ni Ennui, ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi niya kayang itago ang tunay niyang nararamdaman. Sa kabila ng lahat, mahal niya si Riela. Ngunit kung ito ang paraan para manatili siya sa buhay nito, handa siyang magsakripisyo.
***
Hindi nagtagal, nagsimula na ang plano. Ginamit ni Ennui ang PR team ng Guillermo Group upang baguhin ang imahe ni Riela. Lumalaban din sila sa defamation case na isinampa kay Riela ng isa sa executives ng fraudulent business na iyon. Kumalat na ang kwento ng kanilang "engagement," na tila matagal nang lihim pero ngayon lamang inamin. Ipinakita sa publiko na si Ennui ay buong pusong nagtitiwala kay Riela, at ito ang nagpabago sa perception ng tao.
Ang kanilang kasal ay simple ngunit elegante. Ginanap iyon sa isang pribadong lugar upang malimitahan ang media coverage. Kahit pribado ang seremonya, naging usap-usapan pa rin ito sa buong bansa. Maraming nagulat, marami ang nagduda, ngunit may mga naniwala rin na tunay ang kanilang pagmamahalan. Present ang parents ni Riela, kasama ang BFF niyang si Aicelle at ang manager niyang si Ms. Louise. Naroon din ang tatay ni Ennui, na walang magawa kundi tanggapin ang desisyon ng anak na magpakasal. Hindi nga lang nakahabol ang isa pa nitong anak na si Frida. Naroon din ang tiyuhin na si William at parang hindi na nagduda sa biglaang pagpapakasal ng pamangkin.
Habang naglalakad si Riela sa altar, hindi niya maiwasang mapaluha. Hindi dahil sa kaligayahan, kundi dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Alam niyang isang palabas lamang ito, ngunit hindi niya maitanggi na may bahagi ng puso niya na umaasa ng higit pa. She's about to marry not just a man, but her hero who saved her from the mess she didn't expect. At higit sa lahat, may kalakip na pagsuyo at pagmamahal na ang dahilan ng kasal na ito—para sa kanya.
Gano'n din si Ennui, kusang lumabas ang luha sa kanyang mga mata. Riela looks stunning with the simple white dress. He didn't want to put her in this situation. Ayaw niyang maisip nito na sinamantala niya ang pagiging miserable nito para lang magkasama sila. Hindi deserve ni Riela na makulong sa kasal na walang pagmamahal. Nasaksihan na niyang hindi nagtatagumpay ang gano'ng setup, prime example kasi ng arranged marriage ang mga magulang niya dati. But in his heart, handa siyang mahalin si Riela, sa paraang hindi na niya kailangang pilitin ito na i-reciprocate ang damdamin niya. If this marriage didn't work, he's always prepared to let her go.
Pagkatapos maikling seremonya ng kasal, unti-unting nagbago ang imahe ni Riela. Sa tulong ni Ennui, mas napatunayan pa nilang wala siyang kinalaman sa kaso ng Alluring Care at na-dismiss ang defamation case. Ngunit sa kabila ng tagumpay na iyon, nanatiling kumplikado ang relasyon nila ni Ennui. Bagama't magkasama sila sa mata ng publiko, tila isang napakalaking pader ang namamagitan sa kanilang dalawa sa likod ng camera.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top