#9 SCC
Keenan's POV:
siguro mga ilang oras pa na byahe eh makakakita na rin kami ng magandang location. habang wala pa kaming nahahanap eh soundtrip muna kami dito sa loob, ang tahimik na nila mula nung sa huling sinabi ni Madi, sa pagkakakilala ko kasi pag seryoso yun, seryoso talaga siya, nga pala kilala niyo na ba ko? ako si Keenan Marasigan, 22 years of age kababata si Eris actually di lang siya tatlo talaga kami , babae din yung isa. but then now, meron na kaming tropa, 4 kami nila Paolo, Geoff, at Tyro magagabi na rin pero wala pa kaming nahahanap na perfect talagang location till.
"guys." seryosong sabi ko sa kanila.
"oh bakit tayo huminto? may problema ba?" tanong saken ni Eris
"may problema tayo." yan ang nasabi ko sa kanila.
"wag mong sabihing naflattan tayo ng gulong Keen, wag." seryosong sabi saken ni Geoff
"ahahha mukhang ganun na nga :V" sang ayon ko sa kanya, at ayan nakikita ko na silang nagpapanic pano kasi magfa 5:30 na at dahil November na kahit ganitong oras palang akala mo alas otso na dahil sa dilim na nakapalibot sayo.
"sabihin mong may spare tyre ka please." yan naman ang sabi ni Madi at sure akong kinakabahan siya sa magiging posibleng sagot ko
"onga Keen, meron ka naman atang spare tyre diba?" dagdag pa ni Daisy, actually kanina ko pa napansin na parang may iba na sa sasakyan ngayon ko nga lang nasure.
"ahhahaha meron naman." sabi ko sa kanila at rinig na rinig ko ang mga bunting hininga nila dahil sa mga salitang lumabas mula sa bibig ko.
"good then ano pang hinihintay natin?" tara na palitan na natin." tapos eh bumaba na si Tyro at yung iba.
"teka di pa ko tapos." sabi ko sa kanila.
"tapos san?" tanong ni Jed.
"meron naman akong spare tyre. sa bahay." at ayun nagpanic na yung iba lalo na si Tyro
"sheyt sheyt! ano ba gusto ko pang ikasal kami ni Daisy! sheyt ayaw ko dito mamatay na kami!" pagsisisigaw neto
"ijo." nagulat siya ng may biglang tumapik sa balikat niya
"ahh! papatayin na niya tayo! papatayin na niya tayo!" pagsisisigaw naman ngayon ni Jed.
"tara na po sir Keenan." sabi neto, nagulat tuloy silang lahat.
"SIR?" sabay sabay nilang sabi ng may pagtataka.
"Mang Ben buti dumating na ho kayo." siya si Mang Ben kanina nung napansin ko na may problema na sa sasakyan eh agad ko siyang kinontact, siya ang tagapag-alaga ko nung bata pa ko and since close talaga kami ayun i still keep in touch with him.
"buti nga ho nagsabi agad kayo," sabi neto matapos ay binitbit na namin ang kanya kanya naming gamit para ilipat sa ibang sasakyan, yung kasam naman ni mang Ben ang bahala sa Van na nasiraan ng gulong
"Naku buti nalang talaga may back up plan ka Keen kung hindi kanina pa kita binugbog hanggang sa mapagtanto mo yung mali mo -_-" panenermon saken ni Daisy.
"sa susunod Papa Keen wag mo naman kaming pakabahin ng ganun :V naghesterikal pa tuloy ako ng di oras :3" pagrereklamo naman ni Jed
"musta naman si Tyro." natatawang sabi ni Daisy.
"days naman eh :(" at sa buong byahe eh nagtawanan lang kami hanggang sa makarating na kami sa Baryo nila Mang Ben
"ang daming bandiritas dito, parang Fiesta." nasabi ni Jed
"ay di ko ho ba nabanggit sa inyo? Fiesta ho ngayon dito kaya mag eenjoy ho kayo lalo, ang ganda nga naman ng pagkakataon, minsan may mga bagay na di ayon sa kagustuhan natin at dahil dun may mga magagandang pangyayari na mas nabibigyan ng pagkakataon." may point si Mang Ben ahahah! siya talaga ang adviser ko.
"Friend mukhang masaya to." nasabi ni Jed kay Madi.
"ahaha kayo lang." sabi naman neto.
"pwede ba for once? wag ka namang panira ng momentum?" sabi ni Geoff naasar na siguro.
"bakit? pinipigilan ko ba kayong sumaya?" tanong ni Madi sa kanya.
"hindi, pero dahil sa inuugali mo pinipigilan mo ang iba na sumaya kasi kinokonsensya mo sila, kasi malungkot ka kaya kelangan sila din." sabi neto.
"wag kang mag-alala sasaya ka, wala ka namang konsensya diba?" asar sa kanya ni Madi. galit na talaga si Geoff ayun muntik na niyang masapak si Madi buti nalang napigilan ko apat na kasi kami ngayon sa likod ng driver's seat sa van nila mang Ben.
"hayaan mo nalang muna." nasabi ni Jed kay Geoff." matapos ay bumaba na si Madi at sumunod na ang iba.
"eh sobra na kasi yang babaeng yan eh." reklamo ni Jed.
"nasasaktan lang yan kaya ganyan." bigla namang sabi ni Mang Ben, ahahah buti pa si mang Ben alam na nasasaktan si Madi na ni niya naman kilala, samantalang kaming nasa paligid niya hindi namin napansin.
"hayaan niyo nalang siya muna guys." pagsasabi naman ni Eris
"onga enjoy nalang natin yung fiesta dito kila Mang Ben" pagsang ayon naman ni Tyro
"ahahaha pasensya ka na talaga kay Madi Geoff ah." paghingi ng pasensya ni Jed kay Geoff
"pagsabihan mo yang kaibigan mo." sagot ni Geoff, first time nasira ang mood niya sa isang getaway ahahah. may iba.
"dito po muna kayo magpalipas ng gabi mga Ma'am at Sir, meron pong dalawang kwarto dito pasensya na ho kayo." sabi ni Mang Ben
"ay nako manong ok na po yun , maraming salamat po :D" masayang sabi ni Daisy
"naku mabuti naman ho at ok lang sa inyo. bale kayo na po ang bahala kung saan niyo gusto , ihahatid ko nalang yung mga banig at kulambo na kakailanganin niyo, malamok ho kasi dito. nga po pala may mga salo salo mamaya at konting kasiyahan kaya sana po eh makadalo kayo." pag-anyaya samen ni mang Ben,
"ay nako oo naman po. pupunta po kami." masayang sabi Paolo.
"mabuti naman kung sa ganun :) sige po ipapahanda ko na ang mga pagkain mamaya, naku tiyak magugustuhan niyo yun, sige ho maiwan ko muna kayo." sabi ni Mang Ben matapos ay umalis na din ito at kami naman, hinati namin ang dalawang kwarto,tapos ay inayos namin ang mga gamit namin at naghanda para sa pagtitipon na dadaluhan namin mamaya.
_________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top