#7 SCC

Madi's POV:

ang tagal naman ng mga kagrupo namin :3, kanina pako dito sa labas kasama si Jed. ahahah sinama ko na siya para naman may magpapakalma saken pag uminit ang ulo ko.

"Friend ano? aagawan mo na ba ng trabaho yung guard nila Geoff dito?" biro saken ni Jed, one hour na rin kaming naghihintay dito, tama bang panindigan ng mga kagrupo ko ang kahulugan ng Filipino time :3

"Madi!" rinig kong sigaw ng isang babae, yun oh sakto paglingon ko dumating na si Eris.

"buti dumating ka na :3" sabi ko sa kanya.

"pano kasi aalis na dapat ako kanina pa kaya lang yun may call of nature, by the way, who is he?" tanong niya habang nakaturo kay Jed.

"Jed Aragones, bestfriend ko :)" sagot ko sa kanya.

"nice meeting you Jed :) ah tara na sa loob?" aya niya samen ni Jed.

"teka yung iba wala pa eh." alalang sabi ko sa kanya, luh usapan namin 2:00 PM anyare?

"ah nandun na sila sa loob, nagtext saken si Daisy kanina, tayong dalawa nalang daw ang kulang." sabi neto tapos eh hinila na niya kaming dalawa ni Jed papasok sa impyerno este sa bahay ni Leodiego.

"Madz~!" sigaw kong rinig ni Tyro, tama si Eris kumpleto na nga sila , hayop talaga tong si Leodiego di man lang ako tinext -_-

"oh kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila.

"ah oo, sino nga palang inaantay mo sa labas kanina?" tanong ni Paolo saken.

"pano niyo nalamang nasa labas kami kanina pa?" tanong ko sa kanila.

"May cctv kasi dun." sagot ni Leodiego.

"eh ba't di ka man lang nagsabi kanina pa namin hinihintay ni Jed sa labas yung iba tapos nandito na pala kayo!" sigaw ko naasar nako ah hindi pa kami nagsisimula ang init na ng ulo ko dahil sa bagyong to kakahighblood, matutuyuan ata ko ng dugo dito.

"di ka naman nagtanong eh. by the way let's start?" tapos eh umupo na siya at nagsimulang idiscuss yung mga kailangan naming gawin.

"so sisimulan natin sa Casting." panimula ni Keenan.

"eh pero wala pa tayong synopsis." pag-angal ko.

"Chances. our story will be about chances." sagot saken ni Leodiego.

"oi mukhang astig yan ah." sabi ni Jed

"teka sino ka?" tanong ni Tyro dito.

"ah hi I'm Jed, makikinood lang ako :D" sabi nito.

"hindi ka naman siguro sa ibang grupo diba?" sabat ni Keenan.

"hindi natin siya kaklase kaya relax lang kayo :)" pagtatanggol ni Eris kay Jed.

"teka nga bakit Chances?" tanong ko sa kanila, nilapit ni Leodiego ang mukha niya sa mukha ko, ano to binibigyan niya ba ko ng pagkakataon na sirain ang mukha niya?

"realistic kasi Ms. Montero." tapos eh nilayo niya ang mukha niya sa mukha ko.

"natanong mo na ba sila kung gusto din nila yun? mamaya niyan ikaw lang ang may gusto diyan." pang-aasar ko sa kanya.

"ah yes. opinyon mo nalang ang kulang but since 1 vs. 6 to talo ka na ahahahah!" sabi nito sabay akbay kay Tyro

"so san naman tatakbo ang story natin?" tanong ko sa kanya.

"base sa pagkakasabi ni Geoff kanina, connected stories ang gagawin natin tapos lahat ng story nila may kinalaman sa chances, story tungkol sa isang taong naiwan na nakatakdang magkaron ng pagkakataon sa isang taong dadating sa buhay niya, kaconnect neto ang storya ng kaibigan niya na iniwan at umaasa sa bagay na wala ng pagkakataon, sa paglipas ng taon ay magbabalik ang taong nang-iwan sa bida which is wala ng pagkakataon kasi sinayang niya na yung una then here magkakaconflict yung dalawa kasi mahuhuli ni girl si boy na hinahalikan ng isang kaibigan, matapos ito naman ang tatalakay sa mga bagay na kailangan ng second chances. " pagkukwento ni Daisy.

"so pano yung editing niyan,yung Lighting? art department? production sound? production? sa  As I've estimated kelangan ng limang  tao para sa characters? tama ba?" pagsasabi ko.

"napag-isipan ko na yan :D habang nagkukwento si Daisy kanina dun sa synopsis natin ahahah!" tuwang tuwang sabi ni Eris

"so since idea to ni Geoff at siya ang mas may alam dito, he will be the director." panimula nito

"teka." angal ko.

"don't worry, you'll be the assistant director, then Tyro and Me will be the lead." pagsasaad neto

"teka Eris diba pwedeng si daisy nalang?" pag-angal ni Tyro, may gusto kasi siya kay daisy.

"ah no. since si Daisy ang bahala sa art department. tapos Paolo ikaw naman sa Camera and lighting since nung nagkaron tayo ng practical exam about diyan eh ikaw ang highest. then the two co lead will be Keenan and Madi." nagulat ang lahat ng binigkasi ni Eris ang pangalan ko.

"teka ba't dalawa yung saken?" angal ko hassle kaya yun.

"kasi assistant director ka lang naman and kulang din kasi tayo sa tao. kailangan pa natin ng tatlo and since dinala mo na yung kaibigan mo dito siguro naman matutulungan niya tayo, you and wait wala na ba kayong kilala na magaling mag-edit ng videos?" biglang tanong ni Eris.

"yung kuya ni Madi, yun pwede siya :)" pagsasalita naman ni Jed loko to dinamay pa si kuya.

"ah kasi" magsasalita sana ko ng pinutol ni Leodiego ang sasabihin ko

"ok then sa costume and hair department nalang tayo may kulang right?" tanong neto

"ah sa pagkakaanalyze ko kelangan pa natin ng isa pa." sabi ni Paolo.

"well since next month pa naman natin sisimulan yung pagtataping neto, kasi kelangan pa nating maghanap ng location at ayusin ang lahat ng kelangang ayusin kasama na dun yung story line, i think by that time makakahanap na tayo ng isa pa." sabi neto.

"so one month nating paghahandaan yung film?" tanong ko.

"yes Ms. Montero, may problema ka?" tanong niya saken -_-

"hindi ba't parang kakapusin naman tayo sa oras niyan? madalian ang gusto mo eh." sabi nito.

"Ms. Montero, hindi ang oras ang maghahabol saten, tayo ang maghahabol dun." sabi nito saken sabay ngiti ng nakakaloko, aba namemersonal na ata to eh sasapakin ko na to

"friend easy ka lang tama naman siya eh :3 mahalaga ang oras para sa project niyo." pagpapakalma saken ni Jed.

"so guys, sisimulan natin tomorrow, maghahanap tayo ng location." pagsasabi nung bagyo -_-

"ah sige ba gusto ko yan joyride :D" masayang sabi ni Tyro.

"wala ka na bang angal Ms.Montero?" pinag-iinitan talaga ko neto eh, dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil sa prank tapos ganyan pa siya ni hindi nga siya nagsorry :3

"wala." sabi ko sabay irap dito

"chill lang kayo guys~" pag -awat ni Jed samen

"since tapos na ang meeting pwede naman na sigurong umuwi diba?" sabi ko sabay hila kay Jed palabas ng pintuan nila

"by the way sorry nga pala nung nakaraang araw, wag ka kasing maniwala agad sa sinasabi ng mga tao kasi minsan di nila alam ang depinisyon ng sinasabi nila" ang lakas ng loob niya at sa kanya pa talaga nanggaling yan ah -_- umalis nako agad di ko na pinatulan, hindi pa naman ako ganun ka immature.

__________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top