#6 SCC

Geoff's POV:

*one text message Received.

"sometimes we don't get second chance, for Life is not a nintendo game.

 guys, wag niyong kalimutan mamaya kila Geoff 2:00 pm. 

~Keenan."

aahahhaa! alam na ba nila na about chances ang Theme namin? lakas maka-senti netong si Keenan eh. binuksan ko ang contacts ko at hinanap ang number ni Sir Ramc, may itatanong kasi ko.

*RINGING*

"hello." sagot ni Sir

"sir, Leodiego here." pagpapakilala ko.

"oh Mr. Leodiego napatawag ka?" tanong neto

"ah sir kasi I've already have thought for our theme ngayon yung story namin is parang magkakaconnect but sir I think kulang kami sa tao, pwede ba kaming magsali ng atleast 3 people?" tanong ko sa kanya kasi inestimate ko na eh at sure akong kukulangin talaga kami.

"7 nga lang pala kayo noh ahahha sige sige kindly discuss your plan to them , goodluck." sabi neto.

"thank you sir. sige po." tapos eh ibinaba ko na ang telepono.

bumaba ako para kumain naalala ko humingi pala ng leave yung butler ko kaya wala akong katulong dito. yung guard lang sa labas ang kasama ko.

"BBrrrrrooo~" sabay sabay nilang sigaw, dumating yung tatlong kolokoy ahhaha! sila ang matatawag kong matalik kong kaibigan, 

"Itigil ang kasal!" pabirong sabi ni Tyro

"goodmorning Geoff~!" masiglang bati naman saken ni Keenan

"Yow." yan naman ang bungad ni Paolo ahahah!

"teka ba't ang aga niyo naman ata?" tanong ko sa kanila.

"gusto ka kasi naming makita bro, in those boxer. aren't you glad?" tawang tawang sabi Tyro habang nakaturo sa suot suot ko, kasalanan ko bang sumakto talaga na ang suot kong boxer ngayon ay Floral -_-

"wait magpapalit lang ako." pagpapaalam ko sa kanila matapos ay umakyat na sa kwarto ko

"bro don't be shy~" pang-aalaska naman saken ni Keenan. loko talaga. matapos kong magpalit ay agad naman akong nagluto. I don't know kung bakit cinematograpphy ang kinuha ko eh mas gusto ko naman ang culinary, feeling ko kasi may nagsasabi saken na dun ako eh, na mukhang may magandang mangyayari, ayun umakyat yung tatlo sa kwarto ko.

"bro sino to?" tanong ni Paolo saken sabay kuha dun sa picture ng isang Family, picture ng isang pamilyag masaya pero kung titingnan mo talagang mabuti may kwento dun sa larawan. behind them is a christmas tree nakaakbay yung dad sa Mother habang katabi naman nung mother ang nakakatandang kapatid niya and lastly yung kid, mukha siyang masaya kasi nakangiti, holidng a teddy bear pero ang mata niya nagsasabing malungkot siya. ewan ko theory ko lang 

"diba bro yan yung bago tayo mag enroll ng Cinematography , 4 years ago?" tanong naman saken ni Tyro

"ah oo yan nga yun." sabi ko naman.

"nga pala di ko pa to natatanong, akala ko ba culinary gusto mo ba't ka nagcinematography?" tanong naman ni Keenan saken

"yun na nga eh, salamat sa picture na yan. narealize ko na gusto kong i preserve ang kasiyahan ng mga tao sa pamamagitan ng larawan, hindi lang happiness but also the beauty of the particular scenario, parang ang ganda kasi ng ganun. feeling ko writer ako hahahah!" sagot ko sa kanila.

"Tama na nga yan baba na tayo, pagluto mo na kami bro." sabi ni Keenan matapos ay itinulak niya kami pababa ng kwarto. ang saya talaga nila kasama -_- ayakong magluto ngayon eh.

nandito ko ngayon sa kitchen at pinagluluto sila, lagyan ko kaya ng lason to ng matauhan tong mga to ahahaha! 

"wag mong iisipin na lalagyan mo ng lason yan ah." aba ang galing talaga netong si Tyro alam niya ang iniisip ko.

"ahahahha XD ok lang yan kabahan kayo pag badtrip ako." nasabi ko sa kanila.

"onga naalala ko nun eh badtrip tong si Geoff taz pinilit nating magluto ayun nilagyan ng detergent powder yung niluluto niya -_-" pagkukwento ni Keenan.

"muntikan na nga tayo dun eh." pagdadagdag naman ni Paolo

"tapos na to guys." sabi ko sa kanila matapos ay inayos na namin ang mesa.

"aba first time mag-ayos ng hapag kainan tong si Geoff ah." naamaze na sabi ni Tyro

"grabe naman kayo, nag-aayos naman ako dati di niyo lang nakikita." sabi ko sa kanila

"lul yung butler mo laging gumagawa ng mga ganun eh lokohin mo pa kami -_-" nasabi naman ni Keenan.

"ahahha tama na yan kumain nalang tayo." pag-awat naman ni Paolo. kaya ayun kumain na kami

"nga pala bro malapit na birthday mo ah, may plano ka na ba?" tanong saken ni Tyro

"hindi ko pa alam eh, nga pala may idea na ko sa theme natin para sa film na gagawin" pagsasabi ko.

"talaga? anong theme natin?" tanong ni Paolo

"Chances." sabi ko matapos ay kinuha ko ang isang baso ng tubig.

"why chances?" tanong ni Paolo

"oh don't tell me may kinalaman yan sa GM ni Keenan XD" laptrip na sabi ni Tyro

"raulo!" sigaw ni Keenan kay Tyro

"ah hindi, akala ko nga alam niyo na yung theme eh eh naalala ko ni di ko pa nga nababanggit sa inyo na may idea nako, tulad ng theme natin, nagkataon lang siguro. mabalik tayo, para sa sagot sa tanong mo paolo, sa tingin mo ano ang sagot?" tanong ko sa kanya

"kasi laging merong pagkakataon." nasagot niya saken.

"tama. pero diba hindi lahat ng pagkakataon pare-pareho?" tanong ko sa kanila.

"tama tama! hindi nga, so ano ng plano?" tanong ni Tyro

"kwentong magkakaconnect dahil sa pagkakataon, teka mamaya na yung further discussion pag nandito na ang lahat para naman di tayo paulit ulit tsaka baka may ibang suggestion yung ibang member eh." sabi ko sa kanila tapos eh tumuloy na sa pagkain.

"ahahaha tama! sa ngayon kumain na muna tayo , nakakagutom na eh." sabi ni Tyro

"ahahhaha! basta ang maghuhugas si Paolo ah." sabi naman ni Keenan.

"tama tama di pa yan nakakapaghugas si Paolo since birth." dugtong ni Tyro

"ahahha pinagkakaisahan niyo ko ah." natatawang sabi ni Paolo.

"syempre ganun talaga." sabay kindat ni Tyro

"kadiri ka Ty," sabi naman ni Keenan

"ah ganun kadiri ako? sino kaya tong sa panahon ngayon uso pa rin ang GM ah Keenan?" pang-aasar ni Tyro sa kanya.

"walang basagan ng trip Ty ahahaha!" nasabi naman neto, habang kumakain kami eh panay ang asaran nila. ang magkakaibigan parang buhay, magulo.

__________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top