#3 SCC

"AHHH!" sigaw na maririnig mo sa buong bahay, sigaw ni Pride.

"AHHHH~!" mas lalong malakas na pagsigaw naman ni Madi na halos mabasag na lahat ng pinggan, lahat ng babasagin sa bahay nila.

"teka nga! Madz! ba't ganyan ang itsura mo?!" pabulyaw na sabi ng kuya niya na si Pride

"Aww kuya itsura ko talaga yan -_-" inis na sabi ni Madi

"aww sorry, di pa rin ako sanay XD AHAHAHAH!" tawang halos mamatay ang tawa ni Pride

"tss aga aga pa lakas mangantyaw ah :3" reklamo ni Madi habang nilalagyan ng mainit na tubig ang cup noodles na kinuha niya.

"maaga? alas onse na maaga? -_- tsaka puro ka cup noodles kaya ganyan ang itsura mo eh." panenermon ng kuya neto.

"eh kung ikaw kaya magluto -_-" sagot naman ni Madi sa kanya

"nga pala may lakad ka?" biglang tanong ni Pride

"ah oo." sagot naman ni Madi sa kanya, matapos nitong kumain ay naligo na agad siya at nagbihis na ng maalala niya na hindi niya alam ang address ni Geoff. tinext niya to, tinawagan pero walang sagot. walang reply.

"kung di nga naman bwisit tong taong to." bulong ni Madi sa sarili. matapos ay kinuha niya ang Laptop niya at binuksan ang FB account niya at tiningnan ang profile ni Geoff nagbabakasakaling nandun ang address niya at di naman siya nagkamali dahil nakuha niya.

" :O oh my g! sis ah, ilang oras ka na bang nakatambay sa profile niya?" nagulat si Madi dahil sa biglaang pagdating ni Jed at sumakto pa na nasa profile siya ni Geoff

"kinukuha ko lang yung address ah, utang na loob alisin mo na sa isip mo yang iniisip mo." pangunguna ni Madi kay Jed.

"asus, ok lang yan sis para naman makamove on ka na, teka aalis ka na ba?" tanong ni Jed dito

"ah oo eh." sabi ni Madi sabay sara sa laptop neto.

"ay sayang, ahahah wrong timing din kasi eh." panghihinayan ni Jed

"ah oh anong meron?" tanong ni Madi dito

"ah kasi yung anak nung Prof niyo, si Sir Ramc kung di ako nagkakamali, nag-aayang lumabas ipapakita niya daw saken yung super crush niya as in todo todo na :V mang-iistalk kami hahahah!" proud na sabi ni Jed.

"buset :V kala ko naman kung ano. sige ingat nalang kayo, Jed una nako ah." pagpapaalam ni Madi dito.

"sige enjoy!" sigaw naman ni Jed sa kanya bago tuluyang umalis.

lumipas ang ilang oras eh sa wakas natunton niya na din ang bahay nila Geoff.

*DING DONG*

*DING DONG*

*DING DONG*

"ay ma'am sino po sila?" tanong ng gwardiya.

"Ms. Montero." sabi naman neto.

"ah kayo po pala pasok po sa loob." tapos eh pinapasok na siya ng gwardiya at inalalayan papunta sa bahay ng mga Leodiego.

"oh tara na?" tanong ni Geoff habang pababa ng hagdan.

"ang bagal mo, tara na." tapos eh nauna nang lumabas ng bahay si Madi

"ano tara na?" bumamaba si Geoff ng sasakyan at hinila si Madi

"antayin muna natin yung iba pwede?" naasar na tanong ni Madi

"eh kung maghihintay pala tayo di dapat sa loob muna tayo." sabi naman ni Geoff.

"luh ayaw ko nga malay ko ba kung ano pang gawin mo saken." sabi ni Madi

" baka nga ikaw ang may gawin saken eh, tsaka wala naman tayong hihintayin eh." natatawang sabi ni Geoff

"anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Madi

"next week pa diba? di ka nakikinig kahapon nung kausap kita sa phone?" tanong ni Geoff

"eh diba nagchat ka kagabi?" nalilitong tanong ni Madi

"naniwala ka? ahahaha! di ka nga talaga nakikinig, obaka naman gusto mo lang talaga kong puntahan at makita Ms. Montero?" nang-aasar na sabi ni Geoff nagulat siya sa mga sumunod na nangyari dahil nakatanggap siya ng sampal mula kay Madi

"problema mo?" naasar na tanong ni Geoff

"hindi ka nakakatuwa." yan lang ang sinabi ni Madi matapos ay iniwanan niya na si Geoff.

Jed's POV:

"friend wait!" rinig na rinig ang sigaw ko, kung bakit napunta ako dito? eto ang mabilisang flash back.

"friend sure ka ba na diyan nakatira yung boylaloung bet mo?" tanong ko kay Gin, yung sinasabi ko kay Madi na anak ng direktor na prof nila na nagpapasama kasi gusto niyang makita at iistalk yung lalaking nakita niya daw nung nakaraang araw sa hallway ay napatingin sa kanya, destiny daw :3

"oo naman, sure ako, pinaimbestigahan ko na din yan siya kaya sure nako." sabi neto.

"aba matinde ka :V" nasabi ko ng bigla kong nakita si Madi, kaya naman ni rub ko ang eyes ko and guess what? totoo ang nakikita ko si Madi nga yun, don't tell me.

"ayun ayun siya! si Geoff Leodiego!" tapos hinampas hampas pa ko neto :3 kaya lang ata ko pinasama para pag kinilig siya may mahahampas siya.

"si Madi yun." sabi ko habang tinturo ko si Madi.

"Madi?" tanong ni Gin

"oo Madi yung bestfriend ko." sabi ko sa kanya

"eh anong ginagawa niya sa bahay ng cupcake ko?" tanong neto saken :3

"pag-uusapan daw yung about sa project nila." sabi ko naman sa kanya.

"ah good." sabi neto.

"good ang alin?" nalilitong tanong ko.

"good, akala ko may something sa kanila eh, ay alam ko na! magpapatulong ako sa kanya :) " sabi neto, bruhang to di ko naman akalain na si Geoff pala ang gusto ayaw ko talaga, bagay sila ni Madi eh. ng biglang paglingon namin ay sinampal niMadi siGeoff kaya ayun napababa ako ng di oras sa kotse at hinabol si Madi nakasunod naman saken si Gin

*FLASHBACK ENDS HERE*

"anong ginagawa mo dito? at sino to?" tanong ni Madi ewan ko pero ang seryoso niya ngayon.

"hi! Gin nga pala :) Gin Cardoval. :D" pagpapakilala ni Gin sa kanya.

"Cardoval, ka ano ano mo si Sir Ramc?" tanong neto

"Father :)" sabi neto tapos eh iniabot ang kamay niya kay Madi. nakipagshakehands naman si Madi sa kanya, in fairness mukhang magiging magkaibigan ata to ang problema lang ang gusto ko para kay Madi eh ang gusto netong si Gin :3

"ah mauuna nako." walang ganang sabi ni Madi

"nga pala ba't mo siya sinampal?" tanong neto, agad ko namang tinakpan ang bibig niya at baka may kung anong masabi pa.

"siguro sa ibang araw ikukwento ko nalang, pagod ako ngayon eh sorry." sabi ni Madi.

"ah ganun ba sige bukas pupuntahan kita sa inyo :) my god I'm so thankful mukhang may set of friends nako :), wait kukunin ko lang yung car, hahatid ko na kayo" masayang masayang sabi ni Gin samen. nakuwento niya nga pala saken na she grew up alone kasi natatakot siyang makipagkaibigan till nung makilala niya ko. siguro kung di ko pa to inapproach wala kami dito ngayon.

____________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top