#2 SCC

"Friend inaya mo pa ko." biglang sabi ni Jed 

"Oh bakit may lakad ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

"tanga -_- inaya mo pa ko kung feeling ko wala naman akong kasama." ayun nagtampo kasalanan ko bang tulala ako dun sa magjowabels na nasa harap namin. 

"kita mo yan? magbebreak din yan." feeling manghuhula ako ngayong araw walang kokontra.

"yan tayo eh porke di tayo masaya, kailangan di na rin masaya ang taong nakapaligid satin, kelangan patas kelangan nararamdaman din nila ang sakit na nararamdaman mo, pero friend Life is unfair. hindi pwedeng maging miserable ang lahat dahil lang miserable ka. tandaan mo yan. "

*Ringing

It's really good to hear your voice saying my name it sound so sweet

coming from the lips of an angel~

"at hindi halatang hindi ka pa nakakamove on sa kanya akin na nga yan!" sabay agaw ng cellphone ko saken ni Jed, hindi ko na nasagot yung tawag kasi inuna niya yung pagpapalit ng ringtone ko. themesong kasi namin yun eh haha naalala ko na naman :3

*Ringing

today's a winding road that's taking me to places that I didn't want to go woah

today's a blink of an eye~

"lakas maka thunder ah. " tapos eh kinuha ko yung cellphone ko

"yan ang themsong niyo ng nakikita kong future mo ;)" asar saken ni Jed, hinayaan ko nalang siyang gumawa ng scenario sa utak niya at sinagot ko na yung tawag, number lang eh.

"hello." sagot ko.

"uhm hello. Ms.Montero Right?" tanong nung nasa kabilang phone

"ay sinetch yan friend?" pang uusisa naman saken ni Jed, sinenyasan ko naman siya na wag munang maingay.

"ah yes. speaking?" tanong ko.

"yung nag-iisang gwapo sa room." ayan napakapit ako ng di oras sa mesa. buset ang lakas ng hangin at base sa sinabi niya kilala ko na agad siya -_-

"di ka gwapo, wag self proclaimed. oh anong meron?" tanong ko sa kanya

"Ang sungit mo naman, sige ka di ka na gaganda niyan." asar neto

"aba loko ka ah, so sinasabi mong panget ako?" asar na tanong ko sa kanya

"oi di saken nanggaling yan ah. ahahaha."  parang tanga tumawag lang para mang-asar -_-

"ibaba ko na." sabi ko 

"about sa project. let's start it next week 2:00 pm, samen magkikita kita, to know my address search mo nalang sa FB. ge bye." matapos a binabaan ako, aba ang loko inunahan ako.

"sino yun sis?! shems! base sa convo niyo sheyt ang intense this is LOVE" pang-uusisa saken ni Jed tapos eh hinawakan ako sa kamay.

"siraulo! yun yung Leodiego, yung taong pinaglihi sa bagyo." sabi ko.

"sabihin mo yung taong gwapo na kinahuhumalingan ng lahat." matapos ay parang nag-iba ang ning ning ng mata ni Jed.

"problema mo?" tanong ko sa kanya.

"naiisip mo ba ang nasa isip ko?" tanong niya saken

"oo ;) " sabi ko sa kanya ng may pagkaflirty na boses.

"sheyt friend galingan mo~!" pagchecheer niya saken,

"basta friend ah dadalawin mo ko sa preso pag nagkataon ." sabi ko ng may malungkot na boses.

"friend wag naman rape, ito ang sama mo. dapat di sapilitan ahahah!" tapos eh tumawa siya ng tumawa hanggang sa nakatuon na samen ang attention ng lahat.

"timang! hindi rape. murder case! ang kapal ng mukha niyang babaan ako ng phone -_-" sabi ko tapos eh walk out nako ayaw ko na ng atmosphere dun kaya iniwan ko si Jed mag-isa

"hoi ikaw magbabayad ah!" sigaw saken ni Jed

"ikaw na muna ahahah!" tapos eh tuluyan nakong umalis.

"sis! pupunta ko sa bahay niyo mamaya!" hinayaan ko na siya di ko na nilingon ahahaha.

nang makarating ako ng bahay eh nagutom ulit ako kaya naman kumuha na naman ako ng cup noodles ang paborito ko ahahah seafood :) shems ang sarap nun lalo na pag maulan lagi kaming kumakain nun ni ahaha nevermind. binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang magbrowse ng kung anik anik. at ano pa bang makakalimutan kong i open? syempre FB :V

"Friend~!" aww nandiyan na siya.

"oh?" tanong ko.

"lagi nalang ba kong maiiwan?" pag iinarte ni Jed.

"hoi manahimik ka diyan ah ngayon lang naman kita iniwan ah." sabi ko sa kanya.

"luh ngayon lang daw :3 tabi nga diyan." tapos eh inagaw niya saken ang laptop. 

"sinong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"ayun." tapos eh hinarap niya saken. 

"stalker ka na niyan?" asar kong sabi sa kanya

"hindi naman. tamo ang cute niya dito sa tagged picture sa kanya tulog siya sheyt" tapos eh ngiting ngiti.

"in fairness mukha siyang anghel diyan." ewan ko biglang lumabas sa bibig ko :3

"ayiieieee hart hart na this." asar saken ni Jed

"naku Jed magtigil ka diyan kundi sasapakin kita :3 wait kukuha lang ako ng pagkain mo :3" nasabi ko tapos eh aalis na sana ko ng biglang

"add friend." yan ang narinig ko, sheyt kaya yun dali dali akong tumakbo

"akin na yan~!" sigaw ko kay Jed.

"oi may notif. Geoff Leodiego Accepted your friend Request." asar saken ni Jed

"piste ka Jed maya niyan kung ano ang isipin niya." sabi ko kay Jed tapos biglang may nag chat.

"sabi ko na nga ba eh crush mo ko." sabi nito. kilala niyo na. pag mahangin siya na yun.

"ang kapal. ang kapal kapal." reply ko sa kanya.

"now typing. yie kilig kilig." pang aasar saken ni Jed konti nalang mapupuno nako

"ge goodnight. bukas ah don't be late, ayaw ko sa taong hindi walang isang salita."

"tss sige." reply ko , habang si Jed naman nag-aabang kung magrereply pa.

"seen 8:49 PM , aww seenzoned :V" asar niya saken ayun di nako nakatiis pinalayas ko na siya.

"bukas ka na manggulo saken kelangan ko ng magpahinga ng maaga pagod na ko." sabi ko sa kanya

"sus kunwari ka pa beauty rest kamo kasi magkikita kayo bukas." asar ulit saken.

"grupo friend. hindi kaming dalawa lang hindi yun date." sabi ko

"ah so umaasa ka pang date yun ay nako si friend sheyt" ayun sinarhan ko na siya ng pinto ng makalayas na at makapagpahinga nako, masyadong maraming nangyari ngayong araw. siguro naman hindi na masama ang ilang oras na pagpapahinga. matapos ay iniwanan ko nalang ulit ng note si kuya kasi ang alam ko di kami makakapag-usap ngayon pagbalik niya kasi tulog nako nun.

_________________________________________________________________________

COMMENT/VOTE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top