#14 SCC


"Goodmorning guys! Gising na~" pambubulabog ni Jed sa mga kasama niya sa kwarto

"5 minutes pa" paghingi ni Madi ng palugit

"Madz alam ko ang 5 minutes mo nagiging isang oras or worse 10 hours kaya please lang bumangon ka na diyan ha " sabay hila ni Jed sa kaibigan mula sa pagkakahiga nito sa kama

"goodmorning :D" masayang gising naman ni Daisy

"naku bes help me naman dito oh si Madi kasi tagal bumangon eh" pagsusumbong ni Jed kay Daisy habang akmang hinihila nito sa Madi

"hahaha sure no prob" tapos sabay nilang hinila si Madi at wala na nga itong magawa kundi gumising at tumayo sa kama na hinihigaan nito

"ahm guys ako naman tulungan niyo" sabay turo ni Daisy kay Eris na mahimbing pang natutulog

"ahhaha~! Naman tara!" matapos ay hinila nilang dalawa si Eris para magising na rin at tagumpay naman sila sa pagising sa dalawa nilang kaibigan na tulog mantika

"alam mo bes magkakasundo tayo, mukhang pareho tayo ng pinagdadaanan lagi pag nagkakaron ng mga overnight haha" natatawang sabi ni Daisy

"at dahil diyan give me 5" sabay apir ni Jed kay Daisy, sabay sabay silang lumabas at sakto nakapaghain na pala ang mga kasamahan nilang lalaki. Maaga kasi sila nagising at sila nalang ang naghanda ng pagkain para naman paggising ng mga babae ay makakain na ang lahat

"goodmorning My bebe~!" sigaw ni Tyro ng buong puso kay Daisy

"kayo na ba?" usisa ni Jed kay Daisy, nagiging malapit na nga silang dalawa

"Ha I wish!" sigaw na sagot naman ni Pao na tila narinig ang tanong ni Jed at nagtawanan naman ang lahat

"goodmorning Madz" hindi inaakala ni Geoff na tatahimik ang lahat kaya naman rinig na rinig ang pagbati ni kay Madi

"hui bes goodmorning daw" sabay tapik ni Jed sa natutulog na diwa ni Madi

"yow, goodmorning din" sabi nito sabay ngiti, nagtinginan naman ang lahat sa nakita nila na para bang may gustong sabihin

"mukhang may magandang balita kayo samen ah" pang aalaska ni Paolo

"hahha wala ah" sabay na banggit ng dalawa na akala mo eh nag usap sa mga isip

"hahah sige na nga SABI NIYO EH" pagatong naman ni Jed

"kain na tayo lumalamig na ang pagkain" pag anyaya ni Keenan sa lahat matapos ay nagsiupo na sila matapos ay kumain na.

"guys nakakita na ba kayo ng enough Places dito sa Rizal na magagamit natin for shoot?" tanong ni Eris

"ah oo madami nga ditong magandang lugar eh lalo na yung simbahan na napuntahan natin " pagsasabi naman ni Daisy

"tama ang galing ng Daisy my loves ko talaga! gusto ko rin yung simabahan sana maglakad ka dun papunta saken balang araw" kinikilig na sabi ni Tyro habang iniiimagine ang pwedeng mangyari

"aba imaginative, kakaiba to" kantyaw naman ni Jed sa kanya matapos ay nagtawanan na naman ang lahat

"so okay na ah, bale ang dalawang tao nalang kelangan natin siguro naman in one week makakahanap na tayo" sabi naman ni Geoff sa mga kasamahan

"ahm ano pa ba mga kailangan natin?" tanong ni Paolo

"kailangan natin ng tao para sa wardrobe at siguro taong medyo may alam na sa pasikot sikot ng anggulo ng camera, professional sana" sabi naman ni Geoff

"ah sige kausapin ko nalang si Kuya marunong sa camera yun" pagsasabi ni Madi

"teka ano nga ulit apelyido mo Madi?" biglang tanong naman ni Paolo

"Montero" sagot ni Madi

"don't tell me si Pride ang kapatid mo?" tanong ni Paolo

"si Pride nga yung gwapo na director sheyt" kinikilig na sabi ni Jed habang hinahampas ang katabi nito na si Daisy

"OMG really?! " gulat na tanong ni Eris, halos ang lahat eh hangang hanga dahil sa sikat nga na direktor ang kapatid ni Madi at marami na ring successful projects

"Sige madz sabihan mo ko pag okay ah, maganda yun advantage na natin ang kuya mo." Masayang sabi naman ni Geoff

"sure " nakangiting sagot ni Madi sa kanya at kumain na sila ulit, hanggang sa sila ay matapos na at nagliligpit na ang iba ng mga pinggan para mahugasan na ang iba naman ay nag aayos na ng mga gamit nila para naman makauwi na rin sila

"wala ng ligo ligo to!" natatawang sabi ni Jed sabay taas ng mga gamit niya na akala mo eh nag aaklas 

"ahaaha naligo ako" sabi naman ni Eris

"naku ikaw pa ba, ang linis mo kaya hahhaa" sabi ni Daisy

"my loves di ka pa ligo? Tara sabay tayo" masayang sabi ni Tyro kay Daisy

"Tara Ty sabay na tayo" isang boses na parang naipit, si Paolo nagpapanggap na si Dasiy tapos ay hinila si Tyro sa C.R para maligo

"AYAKO~!" rinig na rinig ang nagpupumiglas na sigaw ni Tyro sa lugar

"sana ako nalang hinila niya" malungkot na sabi naman ni Jed

"so sad bes iba hinila" malungkot na sabi ni Daisy

"magandang umaga mga anak" biglang dating ni mang Ben

"magandang umaga din Mang Ben" masayang bati ng lahat

"nakakain na ba kayo?" tanong ng matanda

"ah opo tapos na po " masayang sabi naman ni Daisy

"mabuti naman kung ganun basta wag kayong mahiya lumapit saken kung may kelangan man kayo ah" sabi nito

"naku salamat po talaga sa pagtanggap mang Ben ah, maya maya rin po eh aalis na rin po kami at medyo mahaba pa po ang byahe naming pabalik " pagpapaalam naman ni Keenan sa matanda

"naku sayang naman, ngayon nalang ulit sumaya ang baryo " malungkot na saad ni Mang Ben

"naku wag po kayong mag alala babalik naman po kami dito kasi may shoot po kami ni gagawin kung pwede po dito sana kami magstay" pagpapaalam ng binate

"naku oo naman Keenan ano, sige sige basta tawagan mo nalang ako alam mo naman ang numero ko laging bukas ang baryo para sa inyo ah" masayang sabi ni Mang Ben

"naku salamat po" sabay sabay nilang sabi

"tapos na okay na lahat" sigaw ni Eris , siya na naglagay ng mga gamit sa sasakyan, bukod sa mahinhin si Eris may tinatago itong lakas, lakas para magbuhat ng  gamit di rin naman gano karami ang mga dala nila dahil biglaan nga din ang pag oovernight nila sa baryo

"kami rin tapos na maligo!" sigaw naman ni Paolo habang sa tabi niya eh ang malungkot na mukha ni Tyro

"osige tara na para makauwi tayo ng maaga" pagsasabi ni Keenan

"mang Ben salamat po ulit ah" pagpapaalam ni Geoff sa matanda

"naku walang anuman ijo" masayang sabi ni Mang Ben matapos ay sumakay na nga ang lahat sa sasakyan at nagpaalam na sa matanda saka pinaandar na ang sasakyan habang ang matanda naman ay kumakaway habang ito ay papalayo.

"mukhang magiging masaya ulit ang baryo" bulong ng matanda sa sarili

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top