#1 SCC

"Sa isang bagay na pinipili mo ay meron kang ilang milyong bagay na tinatanggihan."

"Madz, kalimutan mo na kasi siya, break na kayo teh 2 months na." bulyaw ni Jed, Jed Aragones. ang matalik na kaibigan ni Madi Montero ng mahabang panahon.

"pano mo kakalimutan ang taong masyadong maraming ala-ala kasama mo?" sabay kuha at singa ni Madi sa panyong binigay sa kanya ni Jed.

"paano mo ipagpapatuloy ang buhay mo kung nakaraan lang lagi ang pinanghahawakan mo?" sa sinabing yun ni Jed eh natigil sa pag-iyak si Madi.

"ano? iiyak iyak ka na naman diyan? ano araw araw mo ng routine yan Madi? umayos ka nga! " bulyaw naman ng kuya ni Madi sa kanya na si Pride na kakagaling lang sa trabaho.

"kuya naman eh kitang nag-eemote ako dito eh :3" reklamo ni Madi

"emote emote, mag-aral ka! di yung puro ganyan, kaya ka nasasaktan eh." sabi nito sabay kuha ng pagkain sa loob ng ref.

"sus parang siya di nagkaganito kay ate Lian -_-" sabay irap sa kapatid.

"haha, salamat sa pagpapaalala ah." sabi nito sabay padabog na pumasok sa kwarto niya.

"ay sis wala na sila nung Lian?" pang-uusisa naman sa kanya ni Jed.

"di ko ba nasabi sayo? last year pa yun eh :3 bago yung birthday ni Kuya kaya yun, nung birthday niya akala mo halloween ni di nga lumabas ng kwarto niya yun eh halos 6 months siyang wala sa sarili niya." pagkukwento naman ni Madi kay Jed.

"ibig sabihin." seryosong sabi ni Jed.

"ibig sabihin ano?" nagtatakang tanong ni Madi sa kanya

"ibig sabihin may chance nako sa kanya sis! emeged hart hart na this, ito na ba ang sinasabi nilang forever?" sabay hawak sa dalawang kamay ni Madi at punong puno ng pag-asa ang mga mata.

"lul mandiri ka nga Jed! :3 kadiri to asa ka namang papatulan ka nun -_-ni di nga makamove on eh." sabi nito sabay inom sa tsokolateng nasa lamesa.

"kelagan niya ng taong tutulong sa kanyang mag move on, at feeling ko ako na yun ;)" sabi nito sabay hampas kay Madi dahil sa mga naiisip na pwedeng maging scenario nila ni Pride.

"kadiri." sabi ni Madi ng seryoso.

"ahahahaha at sis yun din ang kailangan mo." sabi ni Jed sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Madi ng sobrang seryoso.

"yuck! Jed di tayo talo noh -_-" nandidiring sabi ni Madi dito.

"gaga! hindi ako as if magkakagusto ko sayo like luh, pag nangyari yun i'm just gonna die like right now. very now chozxc ahhahaha! ang ibig kong sabihin ng taong mamahalin, ng taong magiging Fixer ng broken heart mo." sabi nito sabay tingin scroll sa cellphone niya.

"ay nako ayaw ko sa mga kakilala mo pag nagkataon, baka mamaya alanganin din eh mas masakit yung pareho kami ng bet :3 tss lumayas ka na nga! muntanga yung mga idea mo, matutulog nako ng maaga at maaga pa kami bukas para sa project." tapos eh tinulak na palabas si Jed.

"ay wait oh my gosh balita ko may super duper cutie daw sa section niyo, pinagkakaguluhan kasi sa section namin yun eh, yung multi talented." pagpapaalala ni Jed dun sa bagong kaklase ni Madi.

"Jed, di yun multi talented, mahangin yun. mayabang. bagyo." sabay hampas ni Madi ng unan sa ulo ni Jed

"naku ingat ka, baka matangay ng bagyong yan ang puso mo ahahahha! sige na babush" matapos ay umalis nato at naiwan na naman si Madi na nag-iisa at inaalala ang mga ala-ala na dapat na niyang kalimutan. ilag oras ng makalipas ay nasa labas pa rin siya ng bahay nila at nagpapahangin hanggang sa marinig niya ang boses ng pinakaclose sa kanya kahit na lagi silang nag-aaway ang kuya niya. ang boses ni Pride

" yan! yan ang mahirap sa tao laging inaalala ang mga bagay na makakapagpalungkot sa kanya, na dapat kinakalimutan na niya" sabi nito sabay tumabi sa kapatid.

"alam mo kuya kung ano yung masakit? yun yung salitang "AKALA" akala ko yun na eh, akala ko siya na, akala ko siya ang first and last, akala ko kasama ko siyang gagraduate pero hindi eh, umalis siya, nakipagbreak , ganun lang sa kanya kadaling kalimutan yung 4 years na pinagsamahan namin." at sunod sunod ng pumatak ang luha sa mga mata ni Madi.

"baka ganun lang talaga Madz, baka hindi tama yung pagkakataon. malay mo sa susunod ok na, sa ngayon deal with the pain, kasi kakambal ng pagmamahal ang sakit." sabi nito sabay pinatahan ang kapatid at sinamahan nalang na tingnan ang mga bituin sa langit.

*Kinabukasan

"dear kuya, mauuna nako ah malalate na ko eh ipagluto mo nalang yung sarili mo alam mo namang pag nagluto ako eh di mo rin makakain eh at sure akong wala kang balak kainin yun hahaha! salamat sa pagpapatahan saken kagabi." yan ang sulat na iniwan ni Madz kay Pride.

Madi's POV:

nandito nako ngayon sa school ang aga ko ata akalain mo yun halos lahat nasa klase na :3 , ako si Madi Montero 21 years old still taking up Cinematography. since bata pa ko mahilig na talaga ko sa camera, well ba't di ako nag-artista? ayako dun plastikan lang dun ahahah! I can't manage that kind of thing. kaming dalawa nalang ni kuya kasi nadeads ang parents namin, christmas eve 6 years ago habang pauwi sila sa bahay talaga namin ngayon ni kuya para magcelebrate ng christmas ng magkakasama it's my fault kasi nagpumilit ako na umuwi sila it shouldn't happen, and now it ended up na di na talaga mangyayari yun. kakabreak lang namin nung 1st and i think my last boyfriend ko last 2 months ago, ang dahilan? gusto niya. ang simple diba? sinong di masisiraan ng bait kung yan lang ang salitang iiwan sayo ng taong pinahalagahan mo ng sobra. Minsan kasi kung kelan sobrang halaga na sayo nung tao, saka magbabago, saka mawawala, saka bibitaw, saka ka iiwan sa ere.

"Madz!" sigaw ni Tyro, kaklase ko.

"oh? nagstatart na ba?" tanong ko.

"oo tara na late ka na nga sa first subject papalate ka pa sa second." tapos eh hinila niya ko papunta sa room namin.

"ay anong meron? ba't ganito yung ayos?" tanong ko sa kanila pano kasi nakagroupings na sila, di ako nainform?

"yung project na gagawin natin this summer napagdesisyunan na, yung sa last project." sabi ni tyro

"next time kasi agahan mo ng pasok Ms. Montero. since late ka hindi ka na pwedeng mamili ng grupo mo. dun ka kila Mr. Leodiego." grabe :3 ano no choice na talaga? ayaw ko dun kasi yung Leodiego yung tinutukoy ni Jed kagabi. yung Low pressure Area. i mean bagyo na pala talaga.

"oh welcome to the group, Ms?" tanong saken nito sabay abot ng kamay niya.

"Montero." sabi ko hindi ko na pinansin ang kamay niya maya niyan mahawaan pa ko ng hangin sa katawan. di yun makakabuti sa kalusugan ko.

"so gusto ko, yung film na gagawin niyo non fiction. ayako ng fairy tales nor super powers or whatsoever kind of spells, gusto ko makatotohanan nd by the way kayo ang cast ahahah! make it interesting for yung film na mapipili ko ay ipaplay sa Cinema Festival next year. so goodluck sa inyo, enjoy making films :) class dismissed" sabi ni Direk Ramc (XD yan talaga ang codename niya wag kayong ano.)

"goodluck talaga." sabi ko.

"salamat." sabat naman nung Leodiego

"hindi ikaw ang sinasabihan ko." asar na sabi ko sa kanya.

"pero saken ka nakatingin." hindi ko napansin na nakatulala pala ko sa mukha niya sheyt.

"panget mo." sabi ko sabay labas ko na ng room.

___________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top