Reason
Sa halos 5 taon naming magkarelasyon ni Wendy walang araw na hindi kami nagtatalo. Sinusubukan ko na palaging kumalma at huwag sabayan ang galit nya dahil alam kong magtatalo lamang kami lalo.
"Wendy wala nga akong babae. Kaofficemate ko lamang ang nagchat na iyon sa kin."
"Wala? Kitang-kita ng mata ko na may pa heart-heart pa iyong ahas na yun. Pwede ba wag ka ng magdahilan alam ko namang nagsasawa ka na, dahil hindi mo na ako mahal."
Lumapit ako sa kaniya para pawiin ang luha nya. Palagi siyang ganito. Kaunting bagay ay palalakihin niya para lamang mag-away kami.
Isang araw ay nagkaroon ng kaunting salo-salo sa labas kasama ang aking mga katrabaho. Hindi ko alam na makikita ni Wendy ang mga litrato naming iyon. Wala naman akong itinatago sa kanya. Nagpaalam rin ako na magkakaroon nga kami ng selebrasyon sa labas.
Nang umuwi ako ay nakita ko ang galit niyang mukha. Umiiyak rin ito habang nakaupo sa salas.
"Love, nagdinner ka na ba?"
Lalapit sana ako sa kaniya ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil nagsimula na siyang magsisigaw.
"Akala mo ba hindi ko alam na lumabas ka lamang naman dahil nandoon iyung ahas na yun. "
"Wendy hindi yun totoo. Alam mong hindi iyon totoo. Hindi ba nagpaalam ako sayo." Kalmado kong saad.
"Hindi. Hindi ka nagpunta ron dahil sa boss mo o hindi dahil kase nahihiya ka na hindi umattend sa selebrasyon na yun. Kaya ka umattend don dahil nandon yung babae kaopisina mo."
"Please love kumalma ka muna. Intindihin mo yung sinasabi ko. Wala akong pakialam sa babaeng yun."
Lumapit ako sa kaniya ngunit pinalo niya lamang ako. Pinilit ko siyang pigilan subalit itinutulak nya rin ako Ganito palagi ang sitwasyon namin sa bahay.
"Tangina. Tigilan mo na itong pagkukunwari mo. Alam ko namang hindi ka parin nagbabago. Minahal kita noong babaero ka bakit ka nga naman magbabago para sakin?" Umiiyak pa rin niyang saad habang patuloy siya sa pagpalo sa akin.
"Hindi! makinig ka sakin please. Ikaw lamang yung mahal ko. Wala ng iba pa simula ng mahalin kita."
Alam ko naman kung saan nanggagaling yung takot niya. Noong makilala niya ako ay alam ng marami na babaero ako. Subalit binago ko na ang sarili ko simula ng mahalin ko siya.
At hindi ko alam na masisigawan ko rin siya dahil sa pagod ako. Pagod ako sa trabaho at nagkasagutan kami ng boss ko. Kaya pag-uwi ko hindi ko alam na masisigawan ko siya.
"Bakit ka late? Siguro dahil nagdate kayo ng ka officemate mo noh?" Bungad ni Wendy sa akin.
"Wendy pagod ako makipagtalo." Paos na sagot ko.
"Ano? San ka pagod sa pakikilpaglampungan sa babaeng yun huh? Pagod ka kase may ginawa kayong dalawa? Pagod ka huh kaya ba nalate ka ng uwi kase magkasama nga kayo. "
"Tangina Wendy sabi ng pagod ako!" Pasigaw na sagot ko.
Natahimik naman siya bago napaurong sa may lababo.
"Ayan. Sin-nisigawan mo n-na ako dahil iba na yung gusto mo. D-diba may mahal ka ng iba kaya mo nagagawa to. "
"Wendy hindi ako nambababae okey. Pagod ako sa trabaho ko." Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Hindi! Pagod ka dahil don sa babaeng yun. Huwag ka nang magdahilan Alfonso."
Pinilit kong huwag magalit pa sa ikinikilos niya dahil ayaw ko na pagsisihan namin ang maaaring sumunod na mangyari. Lalapitan ko sana siya subalit kumuha siya ng baso sa lagayang naroron.
"Huwag kang lalapit Alfonso. Sinungaling ka! Doon ka na sa babae mo. Bakit ka pa umuwi? Bakit ka pa umuwi kung iba na naman yung gusto mo?" Patuloy siya sa pag-iyak.
"Wendy w-wag mong ibabato yan."
"Ibabato ko ito kapag lumapit ka. Pagod ka na hindi ba? P-Pagod ka n-na sa relasyong ito?"
Hindi naman ako sumagot sa tanong niya. Pagod na ba ako? Sino bang hindi mapapagod sa takbo ng relasyong meron kami— palagi na lamang away at selos?
Pero kahit ganito itong relasyong meron kami, hindi ako magsasawa na mapagod kahit pa paulit-ulit, basta sa dulo alam kong sya ay para sakin at ako ay para sa kanya.
Nagulat na lamang ako ng ibato niya iyong baso sa akin. Balak ko sana iyong saluhin subalit tumama na iyon sa lamesa kaya agad iyong nabasag na nagdulot ng pagkakaroon ng dugo sa aking kamay.
"Shit!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magmura. Parang nawala lahat ang pagpipigil ko.
"Alfonso, I-I'm S-sorry."
Lumapit siya sa akin ngunit dahil nawala na ang kontrol ko ay nasigawan ko siya.
"T*ng*na Wendy! Sabi kong wag mong ibabato yan pero hindi mo ko sinunod. Sinabi kong pagod ako pero ayaw mong maniwala. Ganyan ka ba walang tiwala sa akin. Pinipigilan ko yung sarili ko na wag kang sabayan pero bullsh*t Wendy nakakapagod na! At oo pagod na ako. Pagod na pagod na akong intindihin yang ugali mo."
Marahas akong tumayo roon at iniwan siya sa bahay habang pinigilan ko ang pagdudugo ng kamay ko gamit ang pagsipsip roon. Magtutungo muna ako sa bahay ng kaibigan ko at palilipasin ko muna ang emosyon naming dalawa.
"Shit! Alam mo bang napakatanga mo na. Lalaki ka Brad pero heto ka nagtitiis na masaktan sa kaniya ng paulit-ulit."
Ngumiti ako kay Elton ng pilit bago muling tinungga ang bote ng beer sa harap ko.
"Ano? Magtitiis ka na lang? Alfonso, Alam mo bang anak ka ng isang Saavedra? Maraming naghahabol sayo. Nandyan pa yung Sheena o Cheeny ba yun? Hindi ka noon sasaktan bakit ayaw mo?"
Huminga ako ng malalim bago binigyan siya ng bored na tingin.
"Gugustuhin ko ng masaktan ng paulit-ulit, kesa hiwalayan si Wendy at ipagpalit."
Nakagat ko pa ang ibabang labi ko habang inaalala kung bakit ko nga ba nagustuhan si Wendy. Maganda ito, hindi man siya kalevel ng style ni Cheeny ay sya parin ang maganda para sa kin. At napakasweet ngayon lamang ito nagbago.
"Brad hindi ba napakatoxic na ng relasyon nyo? Halos limang taon na kayo pero heto paulit ulit na away lamang ang nangyayari sa inyo. Hindi ka ba napapagod na sumugal at mag-invest ng paulit ulit sa isang relasyong hindi naman naggo-grow. Hindi ba may kasabihan nga ang iba na kaya nga tayo pumapasok sa isang relasyon dahil gusto nating sumaya. So bakit nananatili ka parin kahit toxic na?"
Muli kong tinungga ang bote bago sumagot sa kaniya.
"Hangga't wala ka sa gyera kung saan nakikipaglaban ang mga taong nagmamahal at sumusugal parin kahit puno na ng dayaan, nakikipaglaban parin kahit sugatan na, hindi mo maiintindihan kung bakit pilit kaming nagstay kahit masakit na. Yung sinasabi nilang kaya tayo pumapasok sa relasyon para maging masaya, mali yon eh! Dahil yung saya makukuha mo yun kapag kuntento ka pero yung pakiramdam na hindi mo alam kung paano mabubuhay kung wala sya, don mo lang makukuha—sa pag-ibig. At para sa amin na sundalo sa gyerang pinasok namin, makokontento lamang kami kapag kasama na namin ang taong ipinaglalaban namin."
"Kahit nasasaktan kana? Brad tingnan mo nga yang kamay mo. Noong una halos pumutok na yang noo mo dahil binato ka nya ng heels nya. Tapos ngayon? Ano ? Aantayin mo na mapatay ka nya bago mo hiwalayan?"
Napanguso ako ng maalala ko kung ilang beses na ba akong nakaramdam ng physical pain dahil sa kanya.
"Isang beses pa Elton." Tumatango kong saad habang pinasadahan ko ng aking dila ang sarili kong labi para basain iyon.
"T*ng*na Alfonso! Kilala kita! Sa normal na tao isa is One! Pero pagdating sa kagaya mong tanga na marupok pa, ang ibig sabihin ng isa pa ay Isang Libo pang beses."
Napangisi naman ako sa sinabi nito. Hindi naman ako nagagalit sa mga sinasabi nito. Sanay na ako na palagi siyang nagmumura. Alam kong nag-aalala lamang ito sa akin, hindi naman ito ganoong katutol sa relasyong meron kami ni Wendy. Sadya lamang na ayaw niya akong nasasaktan.
"Hindi mo kasi alam yung feeling na makita mo yung isang tao at masasabi mong SIYA na talaga."
Para naman siyang sinapian sa sinabi ko. Para siyang kinikilig habang umiihi sa panginginig niya.
"Kung ganyan ka toxic na relasyon yung papasukin ko, huwag na lamang magmahal. Kung magiging ganyan ako kacheesy at katanga, huwag na lamang Alfonso."
"Sabi mo eh!"
"Sige na tawagan mo na alam kung nahihiya ka lamang sa akin kaya hindi mo tinatawagan. Sanay na ako sa pagiging marupok mo Alfonso Saavedra."
Umiling ako sa kaniya. Hindi naman sa ayaw kong tawagan si Wendy pero siguro mamaya na lamang sa personal. Uuwi rin ako sa bahay namin dahil ayaw ko na mag-isa sya roon gayong nagkasagutan kami kanina. Sadyang pinahupa ko lamang ang galit namin pareho.
"Woww! Bago yan brad!"
"F*ck you Elton Vergel!"
Humalakhak naman siya sa akin bago muling uminom. Bigla namang tumunog ang selpon ko at ang tawagan namin ni Wendy ang nasa screen noon.
'Love
"Oh men! Hinahanap ka na ni Wendy. Sagutin mo na! Shut Up na ako."
Tinitigan ko muna ng ilang minuto ang selpon ko bago ko ito sinagot.
"Love sorry na. Sorry kung sobrang immature ko. Please umuwi ka na. Huwag mo naman akong iwan oh! Mahal na mahal kase kita kaya natatakot ako na mawala ka sa akin. Please Alfonso comeback to me please. Promise hindi na ako uulit. I know nakailang ulit na akong nangako na hindi na ulit ako mananakit pero please comeback to me please love." Umiiyak na saad niya.
Hindi ko magawang sumagot sa kaniya hinayaan ko na magpatuloy siya sa pagsasalita. At husgahan man ako ng kaibigan ko o pagtawanan pero hindi ko ikinakahiya umiyak sa harap niya.
"Alfonso, mahal mo pa rin naman ako hindi ba? Yung pagod na sinabi mo kanina hindi ba nasabi mo lang yun kase galit ka? Love sorry na oh! S-Sorry kung hin-di k-ko napigilan yung galit ko."
"Wendy tama na." Mahina kong saad habang umiiyak.
"Alfonso p-please hu-huwag mo naman akong iwan. Please. P-please hind-di ko alam kung ano ang mabgyayari sa akin kung wala ka. Please bu-bumalik ka na sakin. Please Alfonso."
"Tama na Wendy." Pinatay ko na ang tawag niya.
"Bakit mo pinatay? Akala ko ba isa pa? Isang libo pa? Umiiyak ka oh bakit mo pinatay agad?"
"Uuwi na ako Elton. Ayoko na mag-isa roon si Wendy habang umiiyak. Mahal ko siya kaya handa akong sumugal ng paulit ulit kahit pa toxic yung tingin nila sa relasyong hinahawakan ko."
"Go Dr love." Pagtataboy nya rin sa akin.
Nang umuwi ako sa bahay ay patay ang ilaw ng aming silid. Nakatagilid ng higa sa kama si Wendy at alam kong hindi pa sya tulog. Rinig ko rin ang pagsinghot niya dulot ng pag-iyak.
"Love?"
Nang marinig niya ang pagdating ko ay agad siyang bumangon. Lumapit siya sa akin bago ko niyakap.
"Thank you bumalik ka. Ak-kala ko hin-di ka na b-babalik. So-sorry sorry dahil palagi na lamang kitang pinagdududahan. Sorry kung di ko naiisip na napapagod ka rin. Alfonso hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas kung hindi kita kasama. Mab-buti na lamang at bum-malik ka." Humahagulhol hiyang iyak.
"Did I leave you Wendy? Umalis lamang ako sa bahay pero hindi sa buhay mo dahil gaya mo hindi ko rin alam kung paano haharapin ang bukas ng wala ka."
Kumalas ako ng yakap sa kaniya bago punasin ang kaniyang mga luha.
"Mahal na mahal kita Wendy kaya kahit paulit ulit mo akong saktan ng physical at emosyonal ay tatanggaoin ko makasama ka lamang sa araw-araw."
"Mahal na mahal rin kita Alfonso. Sorry love huh. Sorry dahil dito."
Kinuha niya ang kamay ko at hinaplos iyon bago ilagay sa kaniyang labi at halikan iyon kung saan may sugat. Binawi ko ang mga kamay ko sa kaniya para hawakan ang mga kamay niya.
"May isa lamang akong hihilingin sayo love. Can you trust me? Dahil nasasaktan ako na hindi mo magawang magtiwala na mahal kita. Babaero ako NOON subalit noong mahalin kita ay itinakwil ko na ang ugaling iyon sa buhay ko dahil nangako ako na ikaw lamang ang mamahalin ko. Pwede mo bang gawin iyon Wendy para sa akin at para sa atin."
Habang umiiyak ay marahan siyang tumango. Niyakap ko siya bago halikan sa kaniyang noo.
Simula nga ng gabing iyon ay pinag-aralan ni Wendy na magtiwala sa akin. Nagkakatampuhan pa rin kami nito subalit hindi na kami humahantong sa sakitan na pisikal. Simula rin noon ay mas lalo ko lamang siyang minahal at ngayon nga ay kasal na kami. Isang taon na kaming kasal at iyun na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.
"Bakit ka nagstay? Ganun mo ba ako kamahal para magstay ka parin kahit ilang beses ka nang napagod sa akin." Tanong ng asawa ko sa akin habang pinadaop ang mga kamay namin.
Narito kami ngayon sa buhanginan at tinitingnan ang paglubog ng araw.
"Hindi, I mean maraming tao ang nagmahal kagaya ko pero hindi kase lahat nang nagmamahal, kayang magstay."
Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya ng mas mahigpit mula sa kaniyang likuran.
"So bakit ka nga nag stay, Alfonso?" Tumingala siya para makita ako.
"Dahil alam kung ikaw na ang para sakin.
At alam ko rin na kapag nag let go ako, ako rin ang magsu-suffer sa dulo dahil hindi lahat ng naghiwalay ay muling nabibigyang pagkakataon para magtagpo at magbalikan. At ayoko na mangyari iyon sa ating dalawa dahil alam kong ikaw na ang ibigay ni Lord para sa akin. Kaya kahit madalas akong napapagod, hindi ko magawang bitawan ang babaeng para sa akin na talaga."
Nakita ko na lamang ang pag-iyak niya.
"I love you Alfonso, asawa ko."
"I love you more Wendy, asawa ko."
Sa isang relasyon marami talaga kayong maaaring pagdaan. Siguro may ibang tao na kagaya ng relasyon namin ni Wendy— away-bati. Pero huwag kayong susuko dahil lamang napapagod kayo. Ayos lamang magpahinga kapag pagod na kayo pero kung talagang mahal ninyo ang isa't-isa pilitin nyong huwag bumitiw kahit pa yung tingin ng iba na napaka toxic na ng relasyon ninyo.
Nadadaan ang lahat sa mabuting usapan. At matuto tayong magtiwala sa partner natin dahil kapag wala na kayong tiwala sa isa't-isa kahit pilitin man na magbago hindi nya pa rin iyon makikita.
Huwag nyo ring sabayan ng galit yung partner nyo dahil hindi iyon ang solusyon para maayos nyo ang kinahaharap ninyong problema.
Palagi nyong tandaan Tiwala, pag-intindi at pagmamahal ang pondasyon ng isang matibay na relasyon. At higit sa lahat, si Lord dahil kapag Siya ang nasa gitna ng relasyon ninyo sure ako magiging kayo hanggang sa dulo.
Ikaw? Bakit ka ba nagstay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top