VIGINTI UNUM
Pride is in danger?
Nanindig ang balahibo ni Snow sa narinig, naalala niyang bigla ang pagtatagpo nila ni Mr. Boswell kanina. Imposibleng wala itong agenda sa Tartarus. 'It was no coincidence!' Sigaw ng kanyang isip at mabilis na bumaling sa magkakapatid. "Nasaan si Pride?!" Sa bawat segundong lumilipas ay nadaragdagan ang kaba sa dibdib ni Snow White. Napansin rin niya na aligaga ang magkakapatid. Ramdam rin siguro nila na may hindi magandang nangyayari rito.
Kung iniisip rin nilang nasa panganib si Pride, malamang nga ay seryosong sitwasyon na ito. May iba pa kayang rason?
"Pumunta siya kay Morticia! We have a fat chance of finding him in that witch's voodoo shop!" Mabilis na sabi ni Envy.
"Damn it! Aabutin tayo ng limang minuto bago makarating doon!" Reklamo naman ni Greed na binubulsa ang ilang ginto mula sa sako niya.
"Tsk! I knew that bitch couldn't be trusted." Pagalit na bulong ni Wrath at sinimulan nang tumakbo pabalik sa malaking elevator sa sentro ng palapag na ito. Snow White followed them desprately, nakakunot ang kanyang noo. Sa kanyang likuran ay mabilis na humabol si Gluttony na inaalalayan si Mr. Bones.
'We're wasting enough time!'
"Then why don't we just poof out of here? Malay ba natin kung kailangan na pala ni Pride ng tulong natin?!"
Habang tumatakbo sila sa magulong mga kalye ng Tartarus, nilingon siya ni Sloth na mukhang hindi rin nagugustuhan ang kinakaharap nilang problema, "We can't just 'poof' out of here, idiot! May restrictions ang second floor ng Tartarus, our teleportation doesn't work here!"
Well, shit.
Hindi na nila alintana ang nabubunggo nilang mga halimaw. The crowded business streets of Tartarus is the least of their problems now! Nang makarating sila sa unang palapag, huminto si Wrath at may kinuhang patalim mula sa kanyang bulsa. The Swiss knife cut through the palm of his hand, blood pouring out of the wound. Magtatanong na sana si Snow kung ano ang ginagawa nito nang biglang may ibinulong na mga salita si Wrath. He was chanting something in Latin.
Nang matapos ang binata, bigla itong pumito.
'Anong trip ni Wrath? Hindi ba niya maintindihan na kailangan na naming puntahan si Pri----'
Agad na natigil ang pag-iisip ni Snow sa pagyanig ng lupa. Mayamaya pa ay nag-materialize na mismo sa kanilang harapan ang dambuhalang aso. It's black fur as dark as night, and the serpent tail hissed. Umalulong ang tatlong ulo ng higanteng tuta ni Wrath, naalarma ang iba pang halimaw na walang kamalay-malay sa mga pangyayari.
"Cerberus."
Ngumisi ang prinsipe, "Saves us the time. Sakay na!"
In an instant, Wrath jumped on the giant dog's back, shortly followed by his other brothers. Wala nang nagawa pa si Snow kung hindi sumunod sa kanila kahit pa masama ang tingin sa kanya ng isang ulo ni Cerberus. Nanghihinang umakyat si Mr. Bones at sa sandaling nakasakay na silang lahat, walang inaksayang panahon ang aso at tumakbo papunta sa shop ni Morticia.
"AAAAAAAAAAAHHH!"
Kinailangan pang kumapit ni Snow nang mahigpit bunsod ng bilis ng pagtakbo ni Cerberus. Halos mawalan na siya ng balanse at tumilapon, malakas ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha. 'Para akong nakasakay ulit sa karwahe!' Halos isuka ulit ng dalaga ang kanyang mga bituka.
The grounds of Tartarus shook under Cerberus' weight, at hindi makapaniwalang tiningnan ng iba pang mga halimaw ang kaganapan. Hindi mo naman kasi araw-araw makikita ang asong tagapagbantay ng impyerno na tumatakbo sa magugulong kalsada ng Tartarus. Seeing the hellhound with the princes of hell is just as shocking as seeing Gluttony gulf down a truck of pasta.
"WOOF! WOOF!"
Pakiramdam ni Snow ay maisusuka na niya ang kaluluwa niya.
"Wrath! Tell him to slow do----AAAAAAHHH!"
Hindi na natapos pa ni Snow ang sinasabi nang bigla namang tumalon sa ibabaw ng mga gusali at billboard (na may advertisement ng limited edition snake skin and mermaid pants). Nang sa wakas ay huminto na sa tapat ng isang gusali ang halimaw, hilong bumaba si Snow na inalalayan naman ni Envy. She swore her stomach just did a 360-degree turn! 'Ano bang trip nila sa pagbiyahe?!' Snow glared at Cerberus one more time before following Wrath and the others inside.
Nasa bukana pa lang sila ng lumang gusali, naririnig na agad nila ang malalakas na paghampas ng kung ano sa mga dingding. Napapitlag si Snow nang may marinig na pagsabog, shards of wood came flying out of hallway.
'Pride!'
"It looks like our eldest is in a tight situation." Mahinang sabi ni Sloth.
Akmang pupunta na sila sa sentro ng kaguluhan nang biglang may lumitaw mula sa mga lumang dingding. Napahakbang sila papaatras nang lumapit sa kanila ang limang malalaking halimaw, pawang gawa sa orasan ang kanilang mga mukha at kahoy ang kanilang mga katawan. They had claws as sharp as blades, and a dark aura surrounding them.
"A-Ano ang mga 'yan?" Naguguluhang tanong ni Gluttony, tuluyan nang nakalimutan ang kakaining cheeseburger sa kamay.
"Looks like a bunch of wood monsters!" Kumento ni Greed.
Sumilay naman ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Wrath, "Clockwork monsters. Finally, some action!" At bago pa man siya atakihin ng pinakamalapit na kaaway, agad na inilabas ni Wrath ang kanyang assault rifles, combat knives, ilang granada at ang kanyang paboritong katana saka sumugod sa mga ito. Pinanood nina Snow kung paano pinagtataga ni Wrath ang katawan ng mga higanteng ito, his eyes filled with joy and rage. Sumigaw ang mga halimaw ngunit hindi na nila nagawang hablutin si Wrath dahil nakalas na niya ang mga braso ng mga ito. "HAHAHAHAHA! SINONG MAS HALIMAW SA'TIN NGAYON?!" Wooden limbs fell to the ground with a thud, the flames eating them.
Napalunok sina Snow sa napanood.
Wrath... A wicked little devil who loves to torture others.
Napabuntong-hininga naman si Sloth sa kapatid at mabilis na ring nakisali sa gulo. "Padalos-dalos ka na naman. Tsk!" Umilag ang prinsipe at walang kahirap-hirap na inihampas ang isang clockwork monster sa sahig. Nagkabitak-bitak ang pundasyon nito at napuno ng basag na semento ang paligid.
Nagkatinginan ang kambal.
"Envy, if these monsters can easily be defeated, then why do we need to help out our beloved menopaused brother?" Nagtatakang tanong ni Greed sabay sipa sa ulo ng isang halimaw na gumulong papunta sa paanan niya.
Seryosong tiningnan ni Envy ang kaguluhan, his eyes were deep in thought. "Hindi ko rin alam, Greed..but something seems off about these monsters. Parang may mali sa sitwasyong ito."
Humagalpak ng tawa ang kambal. "Masyado ka na namang nag-iisip! That's just impossible."
Walang ideya si Snow kung anong mga nangyayari ngayon pero may kutob siyang kailangan na nilang tulungan si Pride---whether he's really in danger or not. Tiningnan niyang muli ang clockwork monsters na nalalagas na ang bilang. True enough, Sloth and Wrath seem to have the upperhand. Madali lang nilang napapatumba ang mga ito. 'Still, these monsters remind me of the clocks Mr. Boswell makes..' Sa mga sandaling ito, alam niyang ang lalaking iyon ang may pakana ng kaguluhang ito.
'He's behind this.. I'm sure of it.'
Pero masama ang pakiramdam ni Snow sa mga nangyayari. If Mr. Boswell really is a threat to the Seven Sins, paniguradong hindi ganito kadali.
"CHIONE, SAAN KA PUPUNTA?!"
Ngunit hindi na narinig ni Snow ang pagtawag sa kanya. Mabilis niyang tinawid ang madilim na hallway. Nasa kalagitnaan siya ng pagsiklab ng apoy at pagkawasak ng kahoy. Mabilis siyang umilag nang ibinalibag ni Sloth ang isang clockwork monster. His eyes found hers in the middle of chaos, "Do you reallt want to get killed?!" Kamuntikan pa siyang matamaan ng ibinatong patalim ni Wrath na sumapol sa ulo ng isang halimaw.
Ngumiti si Snow, "My instinct tells me to find out what's happening!"
Umirap naman si Wrath sa sinabi niya. "Go ahead. Kami nang bahala rito." Bago pinaulanan ng bala ang isang clockwork monster.
At nilagpasan na niya ang mga ito. Mukhang wala namang plano ang magkakapatid na silipin ang kalagayan ni Pride. Masyado silang kampante. They are underestimating Mr. Boswell's monsters, and Snow White knows him enough to figure out that there's something else going on here.
Nang malapit na siya sa dulo ng pasilyo, humarang ang bulto ng isang halimaw.
Tick-tock..tick-tock.
'Shit!'
Nakabibingi ang tunog na nililikha nito. Pinilit ni Snow na pakalmahin ang sarili. Dumako ang mga mata niya sa kalat na nasa sahig. Napangiti siya. Dinampot ni Snow White ang isang granadang nahulog mula sa damit ni Wrath kanina. 'That demon has a weapons factory in his sleeves!' Mabilis siyang umilag nang sumugod na ang clockwork monster sa kanya. Its terrifying roar tore through the empty space, at nadaplisan ang kanyang braso ng mga matatalim nitong kuko. Hindi ininda ni Snow ang dugong dumaloy sa sugat at tumakbo sa papalayo. Agad naman siyang sinundan ng halimaw at hinila siya sa binti. Nawalan siya ng balanse nang kaladkarin siya nito.
"Damn it! Let go of me!"
Nang hindi siya makakawala sa pagkakahawak nito, agad inabot ni Snow ang kneecap at kinalas ang prosthetic leg na hawak ng halimaw. She smirked upon seeing his confused face, as she limped against the wall. Nanginginig niyang kinuha ang isang malaking tubo at hinampas sa ulo ng halimaw. 'This princess doesn't need saving,' she bitterly thought and charged at the monster on one leg.
Tinanggal niya ang safety pin ng granada at ipinasak ito sa bibig ng clockwork monster. She grabbed her prosthetic leg and jumped away just before a deafening explosion erupted.
From the corner of her eye, Snow White saw the other sins having a hard time. Maging sina Gluttony, Greed at Envy ay nakikipagsagupaan na sa mga halimaw na dumoble ng bilang. At ang mas nakababahala pa rito, bumabalik sa dati ang katawan ng mga halimaw. Their wooden limbs and broken skin cracked into place, merging as if no damage happened.
Snow's heart sank, "This is getting worse."
*
"Kailan ka ba matututong sumuko, Mr. Prideful? I'm already craving to see you kneel before my knees."
Umalingawngaw sa paligid ang paghalakhak ng mangkukulam. Agad na pinagpag ni Pride ang kanyang damit bago maliksing umilag sa lamesang ibinato sa kanya ng isanh halimaw. Pride gracefully jumped in the air and sent an aerial kick to his head. Katulad ng inaasahan, wala itong naging epekto sa clockwork monster kaya napasimangot siya. 'This is insanity!' Pride took in a deep breath and glared at Morticia. "Kailan ka pa natutong pumanig sa isang mortal? Let me guess, the nuthead offered you a fortune? O baka naman sadyang pinatawad mo na ang mga tao sa pagsunog nila sa ina mo ilang siglo na ang nakakalipas."
Sa huling sinabi ng binata, kapansin-pansin ang pagngiwi ni Morticia. Pride smirked, he knew he hit a nerve.
"Do you really think I'm that stupid to forgive those monsters?!"
"Honestly, yes."
Lalong sumiklab ang galit sa mga mata ni Morticia. Iniangat nito ang kanyang mga kamay at lumutang ang mga kagamitan sa silid---spellbooks, bottles, cauldrons and even some wild plants! Sa isang kumpas ng kamay ng dalaga, bumulusok papunta sa direksyon ni Pride ang mga ito.
Ngunit bigla itong naglaho.
'Nasaan na ang isang 'yon?!' Inilibot ni Morticia ang kanyang paningin hanggang sa maramdaman na niya ang malamig na paglapat ng isang pamilyar na laso sa kanyang leeg. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang dalawang bagay: una, nagteleport si Pride papunta sa kinaroroonan niya at pangalawa, the black satin ribbon he was holding came from her own robes.
"Tell me his plans, Morticia. Or else-----"
"You'll strangle me with my own clothing?" Pagak na natawa ang dalaga.
Inis na hinigpitan ni Pride ang laso sa kanyang leeg. Kung gugustihin niya ay maaari niyang baliin na lang ang leeg ng babaeng ito o kaya direktang wasakin ang kanyang internal organs, pero ayaw niyang madumihan ang kanyang mga kamay. Besides, he needs to get information out of her. Ngayong nalaman niyang konektado pala ang bruhang ito kay Boswell, he won't miss the chance of interrogating her.
"There is a lot at stake. Alam mo 'yon. Kaya mas lohikal pang sabihin mo na ang nalalaman mo bago pa tumubo ang sungay ko."
Walang ganang nagsalita si Morticia, "You don't scare me, Pride. Not anymore. Wala nang impluwensiya ang Seven Deadly Sins sa Underworld at may usap-usapang humihina na kayo. You're all showing signs of weakness, and now you're expecting me to side with you?"
Panandaliang nabaling ang atensyon ni Pride sa ingay sa labas ng pasilyo. Nakita niya ang paglitaw ng iba pang mga halimaw sa mga dingding at narinig niya ang pamilyar na mga boses kasabay ng isang malakas na pagsabog. 'Bakit sila nandito?!' Pero bago pa man makapag-isip ng matinong paliwanag si Pride kung bakit nandito ang mga asungot niyang kapatid, mabilis na umikot si Morticia at hinuli ang kanyang mga mata.
She smiled demonically.
"Maraming galit sa inyo kaya 'wag na kayong magtaka kung talikuran kayo ng buong Underworld. With Boswell's plans, we'll strip you off your powers."
Tumalim ang titig niya sa dalaga. Kung anuman ang mga nangyayari ngayon, kailangan nilang magdoble ingat, lalo na't indestructible na ang mga halimaw na likha ng kaaway. Pero natigil ang kanyang pag-iisip sa sunod na ginawa ni Morticia..
She kissed him.
"PRIDE!"
*
"PRIDE!"
Hingal na nagtungo si Snow White sa silid. Magulo ang kanyang buhok at halos mapunit na ang bestidang suot niya dahil sa pakikipaglaban nila sa mga halimaw. Mabuti na lang at nagawa siyang tulungan ng iba pang magkakapatid. "We'll handle this! Puntahan mo na si Pride!" Sigaw sa kanya ni Greed kanina bago pinunit ang isang clockwork monster sa gitna. Mag-aaya pa sana siya ng kasama dahil hindi alam ni Snow kung makakayanan nga ba niyang tulungan si Pride kung sakaling nasa bingit nga ito ng kamatayan, pero naging abala ang mga halimaw sa pag-atake sa mga kasalanan. 'They seem to be targeting the sins!' Pati ang halimaw na pinasabugan niya ng granada kanina ay umatake na rin sa mga binata.
Walang magawa si Snow kung hindi umasang ligtas ang nakatatanda sa magkakapatid.
But the scene she saw caught her off guard. May kahalikan ito. The woman wore nothing but a black robe, wala pa itong tali para isara ito kaya bahagyang nakikita ang kanyang makikinis na mga binti. Ang binata naman ay parang gulanit na rin ang suot na long sleeves. Their lips crashed into one another. Hindi alam ni Snow kung paano magre-react.
"P-Pride?"
She was expecting him to be in danger! Akala niya maaabutan niya ang binata na naghihingalo o may matinding sugat. Pero mukhang mali si Snow sa maraming bagay.
Pride pushed the woman away adjusted his eyeglasses, tila ba hindi apektado sa nangyari. Tumawa lang ang babae at sinamaan ng tingin si Snow bago kinuha ang itim na laso sa kamay ng binata, "Pinapasabi nga pala ni Remi, ihanda niyo na raw ang mga kabaong niyo. This is only the beginning." At naglaho na ito sa makapal na usok kasabay ng pagkawala ng mga halimaw sa paligid.
Morticia and the clockwork monsters disappeared. Nakahinga nang maluwag si Snow. "Atleast that's over.." Ilang sandali pa, dumating na rin ang ibang kasalann.
"Anong nangyari? Nawala bigla 'yong mina-massacre ko!" Pagalit na reklamo ni Wrath.
Gluttony said nothing and chewed on a gum. Mukhang ayos na sa kanyang naglaho bigla ang mga iyon.
Ang kambal naman, mabilis na lumapit kay Snow.
"Mademoiselle, are you alright?"
"Chione, anong naabutan mo? Nakita mo ba si Morticia?"
Sinilip ni Snow si Pride na hindi makatingin sa kanya. Bumaling siya kina Envy na may alanganing ngiti sa labi, "O-Oo. Nagbigay siya ng babala. She seems to be controlling those monsters."
"She's working for him. Siya ang dahilan kung bakit may buhay ang mga halimaw na iyon. We need to formulate a plan, brothers. Inaasahan ko ang inyong kumpletong kooperasyon."
Walang nagawa ang lahat kung hindi tumango. Lumabas sila ng silid at pilit na hindi pinakinggan ni Snow ang usap-usapan ng ibang magkakapatid patungkol kay Morticia at ang nangyaring pag-atake. Ayaw na niyang maalala pa ang nakakapagod na araw na ito. Habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan nina Cerberus at Mr. Bones, hindi niya maiwasang mapatingin kay Pride.
'He doesn't look like the type of guy to suddenly kiss a girl in a situation like that.. Baka naman sila relasyon sila ni Morticia?'
Natigil ang pag-iisip ni Snow nang magtama ang mga mata nila ni Pride. She immediately avoided his eyes.
Sinalubong sila ni Mr. Bones na piniling umatras sa laban kanina nang lumitaw ang mga halimaw. Alam ni Snow na hindi ito simbolo ng pagiging duwag, kung hindi nagpapakita ito ng pagiging matalino. Alam ni Mr. Bones na hindi na niya makakayanan pang makipaglaban sa mga clockwork monster na iyon kaya't pinili niyang samahan na lang si Cerberus. On the other hand, the three-headed dog bowed down to Wrath like he's the king of the world.
Nang makaayos na silang lahat at akmang sasakyan nila si Cerberus para makabalik ng mansyon, biglang may lalaking tumakbo papalapit sa kanila.
Si Lust.
Puno ng kiss marks, kalmot at pawis ang kanyang katawan. Bahagyang magulo pa ang damit nito. 'Mukhang may sarili rin siyang bakbakan kanina. Tsk!' Snow rolled her eyes at the pervert. Naguguluhang tiningnan ni Lust ang mga kapatid.
"Um.. may nangyari ba?"
Napasapo na lang sila ng kanilang mga noo.
---
I stand in the advancing light,
my hands hungry, the world beautiful.
My eyes can't get enough of the trees--
they're so hopeful, so green.
A sunny road runs through the mulberries,
I'm at the window of the prison infirmary.
I can't smell the medicines--
carnations must be blooming nearby.
It's this way:
being captured is beside the point,
the point is not to surrender.
---It's This Way,
Nazim Hikmet
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top