VIGINTI DUO

Fortunately, the trip back to the mansion is as normal as it could be---at hindi na nagtaka si Snow nang halos takasan ulit siya ng kaluluwa nang lumundag sa bangin si Cerberus at matuling tumakbo sa masukal na kagubatan. Nang marating nila ang malalaking harang ng kanilang tahanan, Pride solemnly chanted the words that made the snake lock hissed open. Nang bumukas mag-isa ang itim na gate, umalingawngaw sa tahimik at patay na kapaligiran ang pagrereklamo ni Lust (na hanggang ngayon ay nagtatantrums pa rin sa nangyari).

"Seriously, brothers?! Bakit hindi niyo ako tinawagan kanina!"

"Walang signal sa Tartarus. We can't use telecommunication abilities," Humikab si Sloth, tamad na bumaba mula sa higanteng aso, "saka nakakatamad. Wala ka rin namang silbi." At pumasok na ito sa loob.

Parang batang nag-amok si Lust at akmang sisipain na sana ang isang paso nang samaan siya ng tingin ni Pride. Napabuntong-hininga na lang ang prinsipe ng kamanyakan, "For the love of panties! I missed all the action and it's not fai------ARAY!"

Humagikhik ang kambal nang batukan ni Wrath si Lust. Wrath glared at the sex addict, irritation rising, "Kung maghihimutok kang parang bata diyan, doon ka na lang sa Torture Room ko. Ben needs a friend." At ngumisi ito nang mala-demonyo, his eyes glimmering with mischief. Pagkabanggit ni Wrath ng pangalang iyon, biglang namutla si Lust.

Kumunot ang noo ni Snow, "Sino si Ben?"

Agad na tumabi sa kanya si Envy at pinisil ang kanyang pisngi, "Ben is the creepy dead guy hanging from the Torture room's ceiling. Bestfriends sila ni Wrath."

Napalunok si Snow sa narinig niya. Biglang bumalik sa kanyang mga alaala ang unang beses na naligaw siya sa Torture Room ni Wrath. She can vividly visualize all the dead corpses hanging from the ceiling, mga bangkay na nakamulat ang mga mata na tila ba tinititigan ang kanyang kaluluwa. All that blood and all those deadly weapons. 'May nakakausap pala si Wrath doon sa impyernong iyon?'

"Teka, kung patay na si Ben.. Bakit nakakausap pa rin siya ni Wrath?"

Nauna sa paglalakad ang iba pang magkakapatid, tanging si Envy ang sumabay sa kanya papuntang sala. "Just because you kill someone, doesn't mean that he'll be dead. Minsan pinapatay mo na ang tao kahit buhay pa siya, minsan naman buhay pa ang tao kahit patay na."

Napailing na lang si Snow, "This mansion is all dark and twisted. It's crazy..."

Ngumiti sa kanya ang binata, "One person's craziness is another person's reality."

Envy's eyes sparkled with madness, but something else is underneath. Napapansin na ito ni Snow sa mga mata ng iba pang kasalanan. Gustuhin man niyang usisain sa kanila ito, wala naman siyang lakas ng loob para magtanong. Pakiramdam niya ay masyadong personal.

Naabutan nila ang iba na nag-uusap-usap sa sala. Abala si Greed sa pagbibilang ng mga gintong naisalba niya bago sumiklab ang gulo (halos ibulsa na niya ang buong sako ng kayamanan kanina) habang si Lust naman ay nagmumukmok sa isang tabi. "Nasaan si Gluttony?" Tanong ng dalaga bago naupo sa tabi ni Lust. Walang ganang itinuro ni Lust ang direksyon ng isang pasilyo, "Nagutom raw sa biyahe. Tumakbo siya papuntang Dessert Room."

Tumango na lang si Snow. That's not really surprising. Alam naman niyang may sari-sariling pinagkakaabalahan ang magkakapatid. Bihira niya lang makitang magkakasama ang mga ito. Malamang ay pumunta na ng Torture Room si Wrath, si Sloth naman ay paniguradong natulog na ulit. Pride is probably locked up inside his private study again, as always. She can't blame them. Una sa lahat, magkakaiba ang ugali ng mga ito at magkakaiba rin ng mga trip sa buhay.

Sinulyapan niya si Lust.

"Ayos ka lang?"

"Mukha ba akong maayos?" Nakasimangot nitong tugon bago napabuntong-hininga, "Kaya ayokong pumupunta ng Tartarus, eh! Lagi na lang akong kini-kidnap ng mga magagandang babae! Why can't I live in peace? WHY?!" At dramatic pa itong sumandal sa sopa na para bang pasan nito ang buong daigdig. Umirap na lang si Snow, "Lust, hindi mo pwedeng sabihing 'kidnapping' kung kusang-loob ka namang sumama sa kanila."

Lust pouted, his hair a mess. "It's not my fault they greeted me with open arms...and open legs." Sabay ngisi nito sa dalaga.

'Yup. He's a damn pervert.'

"So, Snow, baby.. baka gusto mong bumisita sa Pleasure Room ko mamaya? Jack 'en poy tayo!"

"The hell?!" Namula si Snow nang biglang hinapit ni Lust ang baywang niya. Her eyes grew wide in shock as his fingers inched closer to her legs.

The Prince of Temptation wiggled his eyebrows suggestively, "Or do you want to play something more exciting?" At dinilaan nito ang kanyang mga labi na para bang natatakam sa isang putahe. Namayani ang kaba sa dibdib ni Snow, she can feel her face flushed. Masyadong ma-appeal ang demonyong ito at hindi na talaga kataka-taka na marami na itong naikamang nilalang. 'Buti na lang hindi nagkaka-AIDS ang mga katulad niya!'

Pinilit ni Snow na makakawala sa mga bisig niya. "L-Lust, damn it! Let go of m-me!"

Tumawa lang ang binata at halos maglapat na ang kanilang mga labi. His warm breath fanned her cheeks. "Why are you so nervous? I won't bite.. not here."

Natigilan sila nang may magsalita.

"Still not finished with your libido, brother? Baka naman mawalan pa tayo ng alipin sa ginagawa mo." Bumaling silang dalawa nang magsalita si Envy mula sa kabilang dulo ng silid. Nakahalukipkip ito at nanghahamon ang tingin sa kapatid. Beside him, Greed stopped counting his gold and glared at Lust, "Either you keep your fingers to yourself, or I shove this gold down your horny ass."

"Tsk. I hate twins." Lust scowled at the twins before hesitantly letting go of their maid.

Bago pa man may gawing hindi maganda si Lust sa kanya, tumayo na si Snow at mabilis na nagtungo sa kusina. 'Damn! Muntik na 'yon!', she thought. Kaya mas maigi nang magluto na lang siya ng meryenda ni Gluttony (dahil si Gluttony lang naman talaga ang kumakain ng limang beses sa isang araw) para maging produktibo naman ang maghapon niya. She can feel her body aching from all the action earlier, the adrenaline now leaving her veins.

Mabuti na lang at kakampi niya ang kambal, kung hindi baka kailangan niya pang maghanap ng granada at tubo para lang matakasan ang kamanyakan ni Lust. Though, she doubts that he'll be affected. Mga imortal nga naman sila!

*

Nang matapos si Snow sa pagluluto ng pagkain ni Gluttony, pagod niyang sinuyod ang mga pasilyo para maglinis ng mga estatwa at kagamitan. The funny thing about this mansion is, it seems that the dust never ends. 'Bakit ba kasi hindi na lang sila magsalamangka para linisin ang mansyong ito?' Huminga nang malalim si Snow at ipinagpatuloy na ang salamangka ng kanyang feather duster. Malamang, masyadong abala at makapangyarihan ang pitong magkakapatid para aksayahan ng oras ang paglilinis. "Bastards." Bulong niya sabay punas ng kanyang pawis.

Nang matapos siya sa unang palapag, sunod naman niyang nilinis ang ikalawang palapag ng mansyon. She went to the left wing and passed by Sloth's room. Lalagpasan na niya sana ang silid ng binata nang mapansin niya ang isang kakaibang bagay.. "Nakabukas?" Nagulat si Snow nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto. This is honestly the first time she saw one of their bedroom doors open. Normally, lagi lang nakasara ang mga ito.

Dala ng kuryosidad, maingat siyang lumapit roon.

"Sloth?"

Walang sumagot. Sa totoo lang, mukha ngang walang buhay na nilalang sa loob ng silid na iyon. There's something sinister inside his room, at pakiramdam niya ay mas bumibigat ang pakiramdam niya sa bawat hakbang. 'I think this is a bad idea..' Huminto si Snow, ilang pulgada na lang ang layo niya sa nakaawang na pinto. Lalayo na sana siya nang biglang may itim na kamay na pumulupot sa kanyang binti. Napasigaw si Snow nang mapagtantong galing iyon sa loob ng silid ni Sloth!

"Shit! B-Bitiwan mo 'ko!"

Pero hindi kumalas ang malamig na kamay, at sunod naman siyang hinila ng iba pa. Suddenly, several black arms sprung out from inside the room. Hinila siya nito sa buhok, damit at mga braso. Nataranta si Snow sa nangyari ngunit hindi niya magawang makakawala sa mga ito. Hinihila siya ng mga anino papasok sa loob ng madilim at nakakapanindig-balahibong lungga ni Sloth.

Pumalag siya, ngunit nawalan lang ng balanse ang dalaga. She was being dragged, Snow's fingernails scratching the wooden floor.

"AAAAAHHH!"

Snow White was plunged into a world of darkness. Halos hindi na niya maramdaman ang kanyang katawan. Namalayan na lang niya na umiikot sa kanyang paligid ang mga aninong walang tiyak ang anyo. Magulo at marumi ang silid ni Sloth. Walang liwanag ang pumapasok dito at may basag na salamin pa sa isang sulok. The curtains had been torn and burnt beyond recognition. Mababaw ang paghinga ni Snow, tila ba kinakapos siya ng hangin. Nanghihina siyang gumapang papunta sa isang gilid at naupo roon. Pakiramdam niya, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang mabuhay.

'This place is a garbage bin of negativity..' Kumento niya sa isip at pinakinggan ang bumabagal na tibok ng kanyang puso. In the terrifying silence, she can hear her heartbeat clearly.

"Paano natatagalan ni Sloth ang lugar na 'to?"

Mas malala pa ito kaysa sa Library of Lost Souls. Dito, tanging mga anino lang ang kasama niya. Naghihintay ng tamang pagkakataon upang atakihin siya. Snow closed her eyes and tried to fight back the lifelessness of the place, pero nahihirapan siya. Namalayan na lang niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. 'W-What's happening to me?' Para siyang nilalamig, tagos hanggang buto. The chill is killing her, slowly as it seems.

At sa gitna ng sirkumstansyang ito, nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Papalapit ito sa kanya.

Takot na hinanap ni Snow ang pinanggagalingan ng tunog. Baka naman papatayin na siya ng mga nilalang dito?

"Mukhang naligaw ka sa kwarto ko."

Pag-angat niya ng tingin, nasilayan ni Snow ang nakangising si Sloth sa kanyang harapan. Napasimangot ang dalaga sa kabila ng panginginig at panghihina, "You call this a room?! Mas masaya pa sa sementeryo kaysa rito!"

Sloth's penetrating gaze never faltered, "Am I suppose to feel offended? Ikaw nga itong trespassing. I should kill you for that."

'Patay.'

"P-Paano ka ba nakakatulog dito? Hindi ka ba binabangungot?" Pilit niyang pag-iiba ng usapan. Delikado na at baka tuluyan na siyang pugutan ng ulo ng isang 'to. Napapitlag si Snow nang dumaan sa harapan niya ang mga aninong nag-iiba-iba ng hugis. Parang mga kampon ng kadiliman. Napansin ni Sloth ang reaksyon niya at mapait na natawa, "You'll realize that even monsters have nightmares, Snow. Ang ipinagkaiba lang natin, natatapos ang mga bangungot mo tuwing nagigising ka.. Ang sa'kin, hindi." At inilahad nito ang kanyang kamay.

Naiilang na hinawakan ito ni Snow, at hinayaang hilain siya nito patayo. Ramdam niya ang matinding emosyon ng binatang nasa harapan niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid na mapupuno ng kalungkutan at panganib.

Hindi masabi ni Snow na pareho siya... Her nightmares don't end. She has to live through them every single day.

Wala na siyang nagawa nang tahimik na iginiya ni Sloth ang dalaga papalabas ng silid, the shadows still watching her.

"Sa susunod na mapadpad ka rito, hahayaan na kitang pagpistahan ng mga alaga ko."

Huling banta ni Sloth bago isinara ang pinto.

*

Hapon na nang matapos si Snow sa kanyang mga gawain---at sa paglilinis ng dumi ni Cerberus. Nakakairita lang dahil hindi pa rin tapos ang isang linggong pag-aalaga niya sa hudas na aso ni Wrath! 'That was a nightmare!' Ayaw nang alalahanin pa ni Snow kung paano siya nagdusa sa pagpapala habang pinepeste siya ng higanteng aso. Mabuti na lang at may nahagilap siyang face mask sa bodega. After cleaning up, Snow White walked towards the left hallway. Huminga siya nang malalim at pilit inokupa ang sarili sa mga nakikita. The black and white chessboard tiles here reminded her of the chessgame the twins played a few days ago.

Tanging pagtama ng kanyang mga sapatos lang ang maririnig sa pasilyo habang dinadaanan niya ang mga antigong plurera at estatwa.

When she finally reached the door at the end of the hall, alanganin niyang iniangat ang kamay para kumatok.

'Sana pumayag siya...'

After a few seconds of debating with herself, Snow finally found the courage to knock. Ilang sandali pa ay bumukas nang mag-isa ang pinto ng private study ni Pride. Nakita niya ang binata na tila aligaga sa pagbabasa ng mga libro at files. Hindi ito nag-angat ng tingin sa kanya. The door behind her slammed shut.

"Anong kailangan mo?"

'Ano nga bang kailangan ko?' Now, she just feels stupid. Napailing na lang siya nang maalala ang eksenang nadatnan niya kanina, ang halikan nila ni Morticia. "I-I was just wondering if you want some tea."

Natigil si Pride sa kanyang ginagawa, itinuon ang kanyang atensyon sa dalagang nakatayo sa kanyang harapan.

"Why are you asking?"

Nag-iwas ng tingin si Snow. "Everyday at 3 p.m., you call me to make your tea. Nagtataka lang ako at hindi ka humingi ng tsaa kanina." Kahit pa madalas rejected ni Pride ang mga gawa niya, nasusunod palagi ang schedule nito.

Sandaling natahimik si Pride.

"I was too preoccupied. Nawala sa isip ko.. You don't need to concern yourself with my matters, princess."

Pero imbes na umalis, nanatiling nakatayo roon si Snow. Napabuntong-hininga si Pride sabay ayos ng kanyang salamin sa mata. "I feel that you want to question me about other things. Take a seat." At sa kumpas nito, lumitaw ang isang upuan sa tabi ng dalaga. Snow sat down and stared at him. "Yung babaeng kahalikan mo kanina-----"

"Si Morticia? Yup. She tried to drag me into marriage several times in the past. Ilang ulit ko na rin sinabing hindi ako interesadong matali sa isang mangkukulam. No need to be jealous, princess." At kumindat pa ito sa kanya.

'May kalandian rin palang naitatago ang panganay sa magkakapatid.'

Snow White rolled her eyes, "D-Don't be ridiculous! Nabanggit mo kanina na.." Lumunok muna ang dalaga bago nagkaroon ng lakas ng loob para tapusin ang itatanong niya, "..nagtatrabaho siya para kay Boswell?"

Para bang isang "magic word" ang pangalang iyon. Pagkabanggit dito ni Snow, agad na nagseryoso ang lalaki. Nakasimangot itong sumandal sa kanyang paboritong upuan. "Sa kasamaang palad, oo. Bakit mo natanong?"

Nag-iwas ng tingin si Snow. "Kung ganoon, mas kailangan nating maging handa."

Naningkit ang mga mata ni Pride. "What are you suggesting?"

Huminga nang malalim si Snow White at matapang na sinalubong ang mga mata ng binata. Buo na ang kanyang desisyon. Kanina pa niya pinag-iisipan ito at wala siyang makitang rason para tanggihan nina Pride ang iaalok niyang tulong...

"Train me."

Namayaning muli ang katahimikan sa silid. Bahagyang kumunot ang noo ni Pride dahil sa sinabi niya, "Are you mentally unstable?"

Napatayo si Snow. Mabilis siyang naglakad papunta sa mesa ni Pride at inihampas ang mga palad sa ibabaw nito. Hindi niya talaga alam kung saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para rito.

"Gusto ko kayong tulungan! And how the heck can I help you when I can't even handle a sword properly? Paano kung umatake ulit ang mga halimaw na 'yon? I-I want formal lessons in combat.."

'Para hindi ako maging pabigat sa inyo,' dugtong niya sa kanyang isip. Alam niyang hindi niya magagawang sabihin iyon nang malakas.

Oo, nagawa niyang kalabanin ang ilang halimaw kanina, pero alam rin ni Snow na hindi magiging ganoon kadali ngayong natuklasan nilang hindi namamatay ang mga ito. Again, she can't bring it to herself to tell them that she personally knows Mr. Boswell, kung kaya't minabuti niyang mag-isip ng ibang paraan para makatulong sa kanila. 'They may be a bunch of demons..but I'm still their slave.'

Snow White is bound to eternal servitude to the Seven Deadly Sins.

Bumalik ang atensyon niya kay Pride nang mahina itong natawa, walang galak sa kanyang boses at para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. After a while, the eldest sin smirked at her. Namalayan na lang ni Snow na nakatayo na pala ito sa kanyang harapan---ilang pulgada ang layo ng kanilang mga katawan. His elegant dark eyes calculated her.

"Fine."

"T-Talaga----!?"

"On one condition."

Mahinang napamura ang dalaga sa sinabi niya. Ano pa nga bang aasahan niya? Pride isn't an easy man. Dominante ito at may pagka-control freak pa.

"What's the condition?"

Mas lumawak ang ngisi ni Pride. Masama ang kutob niya rito...

"Survive a night inside the dungeons."

Napanganga si Snow. Nagpatuloy lang sa pagpapaliwanag si Pride sabay kibit ng balikat, "hindi porke't nai-dismiss kita noong nakaraang paglilitis, ay malaya ka na. You still committed an offense, breaking my house rules. It's only fair to serve your punishment."

Naikuyom ni Snow ang mga kamao sa iritasyon. So, he's never letting her off the hook!

'Malamang gumaganti lang siya at hindi niya pa rin makalimutang natamaan ko siya ng buto ng hamon. Damn it!'

Prideful.

"Deal."

---

Would he at last, grown faithful in his station,
Kindle a little hope in hopeless Hell,
And sow among the damned doubts of damnation,
Since here someone could live, and live well?

One doubt of evil would bring down such a grace,
Open such a gate, and Eden could enter in,
Hell be a place like any other place,
And love and hate and life and death begin.

---The Good Man in Hell,
Edwin Muir

-----

The Seven Deadly Sins:
(Credits to the owner of these pics)
*just for visualization

PRIDE

WRATH

GREED

ENVY

GLUTTONY

LUST

SLOTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top