VIGINTI
Sa paglikong muli ng itim na karwahe papalabas sa patay na lupain, kapansin-pansin ang pagbabago ng kilos ng mga kabayo. In a distance, thunder roared over the empty space, the storm clouds swirling in a mass of gray. Hindi maganda ang kutob ni Mr. Bones dito kaya't agad niyang inihinto ang pagpapatakbo nang ilang metro na lang sila sa bangin. Maingat niyang sinuri ang paligid at nang makita niya ang papalapit na mga halimaw, agad siyang napabalikwas ng tayo.
Nag-ingay ang mga kabayo kasabay ng kidlat na nakapagbigay liwanag sa hitsura ng mga nilalang na ito.
Tick-tock..tick-tock..
Their morbid features resembled antique clocks. Isang grupo ng mga higanteng gawa sa kahoy ang katawan at may malalaking tulis sa likod. Sa bawat hakbang nila papalapit, naramdaman ni Mr. Bones ang marahang pagyanig ng lupa. Naalarma siya at agad na pinatakbong muli ang karwahe, this time, he urged the poor horses to go faster, running away from the monsters. Nagawa nilang magtungo sa pasikot-sikot na daan, nagbabakasaling maililigaw nila ang mga halimaw.
Pero isa itong malaking pagkakamali.
Dahil nang balutin ng dilim ang karwahe, agad na may umatake rito mula sa isang gilid. Nawalan ng kontrol si Mr. Bones at nangamba ang mga kabayo sa pagsalakay. He desprately tried to lose them, but it seems that these monsters are everywhere.
Para bang kanina pa nila hinihintay ang pagkakataong sumalakay.
Tick-tock..tick-tock...
Ang nakakairitang tunog ng mga orasan ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagdanak ng dugo. Hindi na nailigtas pa ni Mr. Bones ang mga puting kabayo. The clockwork monsters ripped their flesh and showered the ground with blood. Sinira nila ang karwahe at nagkayupi-yupi ang kaninang eleganteng ayos nito. Black gems were crushed under their feet as Mr. Bones tried to escape.
Alam niyang wala siyang kalaban-laban sa mga ito.
Sinubukan niyang tumakas at bumalik sa Tartarus, ngunit agad siyang hinarang ng mga halimaw. Alam ni Mr. Bones na imposible siyang patayin ng nga ito, ngunit hindi na niya gugustuhin pang malaman kung ano ang gagawin nila sa isang hamak na kalansay na kagaya niya. One by one, the clockwork monsters began moving towards him, the deafening ticking sounds almost making him insane. Napapalibutan na siya ng mga ito. All light is gone.
Can there possibly be something even worse than death?
*
At an old establishment nestled between burnt buildings, marahang kumatok si Pride pintong gawa sa bakal. Makalipas ang ilang segundo, napabuntong-hininga siya at pinitik ang kanyang mga daliri. Sunod niyang narinig ang pagbubukas ng samu't saring mga kandado sa kabilang bahagi ng pinto. 'It looks like I'm unwelcomed,' kumento niya sa isip at pumasok na sa loob. Hindi naman niya talagang ugali ang mag-trespass sa bahay ng iba pang nilalang, pero sa pagkakataong ito, wala siyang pasensyang maghintay; lalo pa't alam niyang hindi naman siya pagbubuksan ng pinto ni Morticia.
He walked through the dark hallway and kicked a voodoo doll on the floor. Mabigat ang atmosphere ng lugar na ito at hindi niya pa rin maunawaan kung bakit marami pa ring dumadayo dito. Sa bawat sulok ay nakakakita siya ng mga agiw at alikabok. Nagkalat ang mga kagamitan at kamuntikan pa niyang masagi ang isang bear trap.
"This place looks like a junkshop."
Through the beaded curtain, Pride peered into the single room at the end of the hall. May malalam na liwanag ang silid na ito ngunit wala ang hinahanap niya. Napasimangot si Pride at dumako ang kanyang mga mata sa koleksyon ng mga likidong nakadisplay sa isang malaking aparador. Sinuri niya ang mga ito, each had a label and price, "Potions." Kinuha niya ang isang botilya na naglalaman ng "anti-aging liquid" at binasa ang description nito. Halfway through reading, a voice echoed behind him.
"Looking for something, Mr. Prideful?"
Hindi nag-angat ng tingin si Pride at marahang ibinulsa ang hawak na botilya bago sinipat ang iba pa, "I'll keep this straight to the point: Kailangan ko ang tulog mo," sa mga salitang ito, humarap na ang binata at inayos ang salamin, "Help me poison a particular mortal; and I would appreciate it if your service is free of charge, Morticia."
Ngumiti ang dalagang nakaupo sa isang leather chair. Her silk black cloak hung perfectly on her figure, associated with her short curly hair. Hindi natinag si Morticia sa sinabi ni Pride at mabilis na lumapit sa kanya, "Totoo ba 'to? The almightly Pride of the Seven Deadly Sins is asking for my expertise?" Tumawa ito nang mahina at kinuha ang eyeglasses ng lalaki.
"Are you finally considering my proposal, perhaps?"
Morticia smirked and eyed him like a piece of meat. Dumako ang mga mata ng dalaga sa suot nitong black long sleeves---'standard uniform ng seven sins tuwing may lakad sila'---at mapanuyo niyang binuksan ang unang butones ng kanyang polo. Pagkatapos nito ay mapang-akit niyang hinaplos ang pisngi ni Pride.
'He looks hotter without his eyeglasses,' she thought.
"You and I could burn Tartarus down to ashes, Pride. All I need is your 'yes'."
Pero hindi na siya nagulat nang walang emosyong pinigilan ni Pride ang kanyang kamay. Kinuha nito ang kanyang salamin at inayos ang pagkakabutones ng kanyang polo. The eldest sin cleared his throat first before speaking, "How many times do I have to decline your offer? Seryosong usapin ito, Morticia. Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo. Do you agree to an alliance?"
Tumawa ang mangkukulam. Kailan nga ba hindi nagseryoso si Pride? Humalukipkip ito at mas lumawak ang ngiti. "Shame. Bigyan mo ako ng rason para pumanig sa inyo."
"You're half-demon."
"But I'm half-witch, too."
Sandaling nanahimik si Pride. Mayamaya pa, napansin ni Morticia ang pagbabago ng paligid. Biglang nabasag ang mga bote sa kanilang mga shelf at binalot sila ng kadiliman. Kabadong tiningnan ni Morticia kung anong mainit na bagay ang gumagapos sa kanyang paa nang mapansin niyang nagliliyab na pala ang sahig. The fire grew bigger, engulfing her whole body into flames. Nahihirapan na siyang huminga at para bang sumisikip ang kanyang tinatapakang espasyo.
"The balance of mortality and immortality is at stake here. If I were you, I'd shut my mouth and negotiate before it's too late."
Sa tono nito, tila ba nararamdaman na niya ang pag-angat ng mga apoy ng impyerno. Napagtanto ni Morticia na marahil ay isa na naman ito sa mga ilusyon ni Pride. 'The sins are high-class jerks!' She innerly complaines.
The Seven Deadly Sins have the ability to make anyone feel eternal torture and Morticia is aware of that. Pero sa daloy ng istoryang ito, alam niyang walang magagawa ang magkakapatid sa panibago nilang kakalabanin.
'Tingnan na lang natin kung anong magagawa nila..'
Kalmadong hinarap ni Morticia ang ilusyon at ipinikit ang kanyang mga mata. Bumulong siya ng enchantment at naramdaman ang paglamig ng sahig. Parang bulang naglaho ang apoy at bumalik ang liwanag ng silid. Ngumisi siya sa lalaking kalmadong nakatayo sa kanyang harapan at kinuha ang botilyang nakapatong sa kalapit na mesa katabi ng isang bungo. The bottle of clear liquid erupted into smoke, "Too late, Pride." Mapang-asar na sabi ng mangkukulam bago gumalaw ang mga pader ng silid.
Tumalim ang titig ni Pride nang mapansing may kung anong mga nilalang ang kumawala mula sa mga dingding. 'Shit!' He cursed when he recognized these giants. Katulad ito ng mga naging deskripsyon nina Wrath at Sloth, at ngayong nakikita na niya ang mga higanteng ito nang personal, alam niyang isang maling desisyon ang lapitan ang mapanlinlang na si Morticia.
"Clockwork monsters. Cool, aren't they?"
Malokong kumento ni Morticia bago humalakhak. Pride saw a glimpse of her horns hiding behind her bangs. 'A she-devil at heart,' inis niyang sinuri ang isang dosenang halimaw na nakapalibot sa kanya. Pride clenched his jaw, "Well, this is uncomfortable. Ngayon alam ko na kung sino ang tumulong kay Boswell para buhayin ang mga ito."
Morticia is known for her remarkable witchcraft. Specialization ng mangkukulam na ito ang mga potions at pagbibigay-buhay sa mga bagay. She could've been a powerful ally, pero mukhang inunahan na ni Boswell si Pride sa pakikipag-alyansa rito. Kung ano ang motibo ng dalaga sa pagtulong ng kanilang kaaway, wala na siyang pakialam.
Maraming galit sa kanilang pito. That's a given fact.
Behind her, the large cauldron bubbled.
"Any last words, Mr. Prideful? Sana kasi tinanggap mo na lang ang proposal ko. Hmph!" Pagtataray nito.
Mahinang tumawa si Pride at inilihis ang kanyang mga manggas, "My last words? See you in hell."
Muling nagliyab ang sahig, ngayon ay totoo na ito. 'Why aren't the flames affecting them?' iritadong ibinalibag ni Pride ang halimaw sa kanyang kanan. Nilamon ng apoy ang buong silid kasabay ng pag-atake ng iba pang clockwork monsters sa kanya. Nawasak ang mga kagamitan ay yumanig ang lupa. Pride immediately ripped a monster's head off, only to be surprised when it rolled back to its body. Dumilim ang paningin ng pangunahing kasalanan. Mukhang mahihirapan siya.
*
Kasalukuyang inililibot ni Snow ang kanyang mga mata sa loob ng isang ghost casino sa ikalawang palapag ng Tartarus. Ayaw na niyang magpakakampante lalo na't kamuntik na siyang lamunin ng doormat kanina. Nakita niya sa isang gilid sina Wrath at Greed na naglalaro kasama ang iba pang mga halimaw at multo. Paminsan-minsan ay kailangan nilang lumayo nang kaunti kapag nagagalit na si Wrath. 'Buti may nagtitiyaga pa sa kanya', kumento niya sa isip.
"Are you alone, mortal?"
Dumako ang mga mata ni Snow sa isang lalaking pugo't ulo---actually ang tiningnan lang ni Snow ay ang ulo nito na hawak ng kanyang katawan. Nanlata ang dalaga nang makitang nabubulok na pala ang katawan nito ay may mga uod pa sa bukas na mga sugat. She shuddered when the beheaded man inched closer to her, his eyes had a wicked and evil glint in them.
"A-Ah, kasi----"
"WATCH OUT!"
Nagulat si Snow nang biglang lumitaw sa kanyang gilid si Gluttony, tumuntong sa ibabaw ng counter hawak ang isang malaking candy cane, at mabilis na hinampas papalayo ang ulo ng lalaki. Lumipad ito ng ilang segundo sa ere at napadpad sa kabilang ibayo ng casino. Nahulog pa ang ulo sa loob ng tangkeng kinalalagyan ng isang mermaid. Gluttony grinned, "She's with me, so keep your disgusting and flavorless hands off our maid, you headless moron!" Mayabang nitong sigaw ng kasalanan sabay kagat sa candy cane na ginawang golf club.
Napataas ang kilay ni Snow sa binata.
"Did you just called him 'flavorless'?"
Kumurap-kurap si Gluttony at naupo sa kanyang tabi. "Uh, yeah. What's worse than not having flavor? It's like eating without actually having passion for it! Isa iyong insulto! Isang malaking, malaking insulto!" Sabay kagat muli sa candy cane. Natawa na lang ang dalaga sa ikinikilos nito at bumaling kay Sloth na nakatulog na naman. Eversince they got here, naging overprotective sa kanya ang magkakapatid.
"You don't need to watch over me. Kaya ko na ang sarili ko." Pagrarason niya sa mga ito pero agad na sumulpot si Envy at naupo sa ibabaw ng counter.
"Maniniwala na sana ako kung hindi lang sana hindi kapani-paniwala ang sitwasyon. You're a human, Chione. Do you really think you can fight off these bastards?"
Napasimangot si Snow sa narinig. May punto nga naman siya, pero minsan hindi na niya nagugustuhan na lagi siyang binabantayan ng mga ito. "Sana pala hindi niyo na lang ako sinama. I feel like a burden already."
Envy smiled warmly at her, "The problem is: you make yourself feel worthless. We want you to be here dahil alam naming malapit ka na ring mabaliw sa mga nangyayari sa mansyon. The thing is, Tartarus is a dangerous place so we can't leave you alone."
"Besides, wala namang nakakaaliw sa lugar na 'to. All those heartless bastards at the casino area are cheaters. Tsk."
Bumaling sila kay Greed na may dalang malaking sako. Agad na nagliwanag ang mukha ni Gluttony at sinilip ang laman nito. Pero nang makita niyang puro ginto at pilak ang nasa loob, agad siyang napasimangot. The food-lover scowled at his brother, "Akala ko ba mandaraya 'yung mga nakalaro mo? Bakit ang dami mong ginto?"
Ngumisi si Greed at nagkibit ng balikat, "Mas magaling akong mandaya. When it comes to money, I can't miss an opportunity to show my talents in deception."
Mas lalong umasim ang mukha ni Gluttony, "Hindi mo na lang sabihin na sakim ka. Pinahaba mo pa ang kadramahan mo."
Tumalim ang tingin ni Greed sa kapatid, "Kung isako rin kaya kita?"
"Err.. Kung may Hawaiin pizza at chocolate fudge sandae sa loob ng sako mo, sige."
"What? Psh! Ang takaw mo talaga!"
"Mas maigi na 'yon kaysa maging sakim!"
Mabilis na umawat si Envy sa dalawa na natatawa pa. "Chill, brothers. As much as I want to witness an all-out war between the two of you, we don't want to make a bad impression in public, do we?"
Napalingon si Snow sa mga halimaw na nanonood sa kanila. Mukhang natutuwa sila at namamangha sa pag-aaway ng magkakapatid. Nang silipin niya ang sahig ng casino, nakita niya ang paglitaw ng maliliit na apoy sa kanilang mga paa. 'When they're angry, do they always associate with fire?' Pero habang tinitingnan ni Snow ang makinis na sahig, may napansin siyang iba sa repleksyon nito.
She saw a skeleton in tattered clothes just outside the casino.
'Mr. Bones?'
Nag-angat siya ng tingin at nakita sa bintana ng lugar ang kalansay na mukhang hirap sa paglakad. Mabilis siyang tumakbo papalabas at sinalubong ito. 'Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba pabalik na siya sa mansyon?'
"Mr. Bones!"
Agad na lumingon ang kalansay sa direksyon niya at mabilis siyang nilapitan. Ngayon lang napansin ni Snow na tila ba kulang-kulang at may basag na ang kanyang mga buto. His clothes were also ruined. She could even see claw markings! Para bang may inatake siya ng mababangis na hayop. Pero may normal na hayop ba sa Underworld? She doubts it.
"Mr. Bones, anong nangyari? Bakit ka nandito?"
Walang mata si Mr. Bones, pero ramdam ni Snow na may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Ilang sandali pa, naramdaman ni Snow ang paglabas ng magkakapatid, halatang naguluhan sa ikinilos niya.
"What happened?" Envy and Greed asked in chorus while studying them.
"Bakit nandito ang kalansay na 'yan?" Inis na tanong naman ni Wrath na tila ba walang interes sa mga pangyayari. He must be irritated for the interruption. Walang imik naman si Gluttony na nakatitig na rin kay Mr. Bones, "Wait, kung tama ang alaala ko, Mr. Bones only takes direct orders from Pride.."
Kumunot ang noo ni Wrath, "If the skeleton's here, he clearly disobeyed his master's orders. Ibinilin ni Pride na bumalik siya sa mansyon. Mr. Bones doesn't go against orders unless..."
Masama ang kutob ni Snow dito.
Nagkatinginan ang kambal.
Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong araw ay sumeryoso ang mukha ni Sloth, an air of dread and alarm surrounding them upon his next words, "..unless Pride is in grave danger."
---
Do not stand at my grave and weep
I am not there. I do not sleep.
I am a thousand winds that blow.
I am the diamond glints on snow.
I am the sunlight on ripened grain.
I am the gentle autumn rain.
When you awaken in the morning's hush
I am the swift uplifting rush
Of quiet birds in circled flight.
I am the soft stars that shine at night.
Do not stand at my grave and cry;
I am not there. I did not die.
---Do Not Stand At My Grave And Weep,
Mary Elizabeth Frye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top