UNDEVIGINTI

Hindi pamilyar kay Snow ang daan na tinatahak ng kanilang karwahe. Ang huling beses niyang mapadpad sa kagubatang ito ay noong gabing nakipagkasundo siya kay Pride para maging alipin nila. She stared out the vast forest outside, the trees and plants weren't familiar to her. 'Ano pa nga nang aasahan ko? Of course I won't recognize any of them..' Bukod sa madilim ang paligid nang dalhin siya ni Pride sa mansyon, talaga namang walang pakialam si Snow sa mga bagay na nakapaligid sa kanya. She wasn't an observant child, and you can't blame her for growing up with abusive parents that killed her own sense of freedom, either. Natuto siyang huwag pahalagahan ang mga nakapaligid sa kanya---lalo na ang mga tao...

"..because caring would mean giving people the license to hurt you."

Mahina niyang bulong sa sarili at sinilip ang mga binatang may kanya-kanyang ginagawa. Nakahilig ang ulo ni Lust sa kanyang balikat, at ilang ulit na niyang tinabig ang kamay nitong napupunta sa kung saan. To his right, Envy and Greed were playing cards. Nang silipin ni Snow ang mga baraha nila, nagtaka siya nang makitang blangko ang mga ito. 'How could they play with blank cards?' Nawiwirduhan man, hindi na niya inabala pa ang magkapatid dahil mukhang concentrated sila sa paglalaro. Sa pinakadulo ng kanilang upuan, ngumangata na naman si Gluttony ng pang-pitong ham and cheese sandwich niya magmula nang bumiyahe sila----"Eating is not a crime! Wasting precious food is," ipinaglaban ng lalaki kanina nang suwayin na naman siya ni Wrath----napabuntong-hininga na lang si Snow. She doesn't consider herself doomed, but she isn't lucky either. Unti-unti, nasasanay na rin naman siyang mabuhay kasama ang mga baliw na ito.

Dumako ang mga mata niya sa kanyang harapan.

Pride is busy reading a book, pero base sa hitsura niya ay wala sa libro ang atensyon nito. These past few days, para bang laging okupado ang isip ni Pride. Being the eldest among them must be exhausting. Sa tabi ni Pride, hindi na nagulat ang dalaga nang makitang mahimbing na natutulog si Sloth. 'He kinda looks like an angel when he sleeps..' Kumento niya sa isip. Nang balingan naman ni Snow si Wrath, hindi na rin siya nagtaka nang makitang nakatitig ito sa kanya. Hindi ito galit, ngunit hindi rin naman ito masaya. Kagaya ni Pride, mukhang malalim ang iniisip nito.

"Nanggaling ka sa Eastwood, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa biglaang pagtatanong ni Wrath. 'Shit! Alam kaya niyang konektado ako kay Mr. Boswell?' Pinilit ni Snow na pakalmahin ang sarili. Hindi nila pwedeng malaman na nanggaling siya sa puder ng halimaw na 'yon..or else, they'll throw her out of the mansion.

At ayaw nang isipin ni Snow kung saan siya pupulutin kapag nangyari ang bagay na iyon.

"Yes."

Tumango si Wrath at mas inilapit ang mukha sa kanya. Kahit na may ilang metro pa rin ang layo ng mga mukha nila, ramdam ng dalaga ang talim ng mga titig nito sa kanya. It's like he's analyzing something. Mas lalong namayani ang kaba sa dibdib ni Snow.

"Do you know a man named Mr. Jeremy Hans Boswell? Isa siyang clockmaker doon."

Sa pagkakataong ito, para bang may naghulog ng time bomb sa harapan ni Snow. Nanlata ang kanyang katawan nang marinig muli ang pangalan ng taong naging mapait na bahagi ng kanyang nakaraan. 'No.. I can't tell them.' Pilit isinantabi ni Snow ang takot at kalmadong tumugon, "I've heard of his name once.." Ngunit para bang ayaw pa ring tapusin ni Wrath ang usapan. "Do you know him personally? Nakita mo na ba siya sa labas ng kanyang shop?"

'Actually, Mr. Boswell keeps me locked inside his shop!' Pero syempre, hindi niya maaaring sabihin iyon.

"Hindi pa."

Pakiramdam ni Snow ay tumulo na ang pawis na namuo sa kanyang noo dahil sa panunuri sa kanya ni Wrath. His dangerous and calculating eyes never left hers, and she almost felt as if he can see through her lies. Nang sumandal muli ang binata sa kanyang upuan, tsaka lang nakahinga nang maluwag si Snow.

"Damn it.." Bulong ni Wrath at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana.

'Is he that much of a threat?' Hindi mapakali ang dalaga pero hindi rin naman niya magawang sabihin na kakilala niya ito. She doesn't even know anything about Mr. Boswell's plans! Nagpapasalamat na nga lang siya at nagawa niyang tumagal sa mansyong ito ng ilang linggo. Panigurado, kapag nalaman ng magkakapatid na kakilala ni Snow ang panibago nilang kaaway, baka tuluyan na siyang ihagis papalabas ng mansyon o ipain para matigil na si Mr. Boswell. Once again, the dark and tormenting claws of selfishness gripped her heart.

The truth has a price, but she will never be willing to pay.

Natuon ang atensyon ng lahat nang biglang magsalita si Pride, "Boundary." Mahina nitong sabi habang nakatitig sa kanyang relo. Pagkasabi niya ng salitang iyon, mabilis na naalarma ang magkakapatid. Maging si Sloth na kanina pa humihilik ay nagising.

"What's happening? Anong 'boundary'?" Nagtatakang tanong ni Snow pero mukhang walang may balak sagutin siya.

Instead, the seven princes of hell pulled out seatbelts from their seats. Mas lalong naguluhan si Snow sa ginawa nila. Pati si Gluttony ay nilagyan ng seatbelt ang sako niya ng pagkain. Napamaang ang dalaga sa ikinikilos nila at nang dumungaw siya sa labas, napansin niya ang pag-iiba ng paligid. Naglaho na ang mga puno at lubak-lubak na ang dinaraanan nila. When Snow White saw a glimpse of what's ahead, halos takasan na siya ng bait.

"BAKIT TAYO DIDIRESTO SA BANGIN?!"

Hysterical niyang sigaw ngunit wala ni isa sa magkakapatid ang pumansin sa kanya. Bumalik na sila sa kanya-kanyang gawain. 'Damn! I should never have trusted these devils!' Pero bago pa man makatalon papalabas ng karwahe si Snow, naramdaman na niyang lumilipad na sila sa ere. Nawala na ang lupang dinaraanan ng karwahe nila. 'DID WE JUST JUMPED OFF THE FREAKING CLIFF?!' Nawalan ng balanse ang lahat at lumutang ang mga bagay sa harapan niya. It feels like they're defying gravity!

Sumilip siya sa bintana, saktong may ibon.

"WHAT IN THE NAME OF HELL IS HAPPENING?!"

Pero kalmado pa rin ang magkakapatid. Yung isang baraha nina Greed, lumutang malapit sa mukha ng dalaga. "Tsk. Dapat talaga nilagyan din natin ng seatbelt ang mga baraha!" Reklamo ni Envy at mabilis na kinuha ito bago nagpatuloy sa paglalaro. Seryoso pa rin sila ng kakambal niya sa kung anumang laro ang inaatupag nila. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapansing tulog na tulog pa rin si Sloth kahit na umaangat na ito sa upuan niya, habang si Gluttony ay yakap-yakap pa ang pinakamamahal niyang sako. Si Lust ay tuloy-tuloy pa rin sa pagtatangkang hipuan siya ('MAMAMATAY NA NGA KAMI, MINAMANYAK PA RIN AKO NG ISANG 'TO!' galit na sigaw ni Snow sa isip). Wrath boredly looked out the window, glaring at Snow from time to time. "Shit! Ang ingay mo, mortal!"

"PAANO AKO HINDI MAG-IINGAY KUNG NAHUHULOG NA TAYO SA BANGIN?!"

Wrath frowned at her.

"Gravity is such a fascinating thing. Too bad demons don't give a damn about it. Want some tea, princess?"

At nakangiting nagsalin si Pride ng tsaa habang lumulutang ang tasa sa kanyang harapan. Dahan-dahang iniabot ni Pride kay Snow ang tasang naglalaman ng umuusok na tsaa. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari! 'At talagang inuna niya pa ang pag-inom ng tsaa kaysa iligtas ang mga buhay namin?!' Oo, malapit na ngang mabaliw si Snow sa mga binatang ito.

"AAAAAAAAAAAAAHHHH!"

Nagsisisigaw si Snow habang bumubulusok pababa ang karwahe.

Moments later, the black carriage suddenly ascended. Ekspertong iminuwestra ni Mr. Bones ang mga kabayo na patuloy pa rin sa pagtakbo na wari bang may lupa pa rin silang tinatapakan---kahit na wala. Nag-ingay ang mga kabayo at iniangat ang karwahe. Sa loob naman nito, ay halos masuka na si Snow sa hilo habang nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay sa nerbyos. Agad na bumalik sa normal ang lahat, hindi na lumulutang ang mga bagay sa ere. She gripped her seat as the carriage hit solid ground again. Nang akala niyang matatapos na ang paghihirap niya, hindi pa pala.

Nag-iba na ang kapaligiran, all the trees and plants were dead in this area. Kulay itim na rin ang langit na para bang may bagyong paparating.

The road they took twisted in every turn. Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan. Pasikot-sikot at matulin pa ang pagpapatakbo ni Mr. Bones sa karwahe. Pakiramdam ni Snow ay maaalog na nang tuluyan ang utak niya. Nakakaasar lang na para bang sanay na sanay na ang pitong magkakapatid dito at normal pa rin ang kanilang kilos kahit na halos tumilapon na sila papalabas ng sinasakyan.

Ilang sandali pa, huminto na ang karwahe.

Hindi na hinintay pa ni Snow ang pagbubukas ni Mr. Bones ng pinto at dali-dali na siyang lumabas. Aksidente pa niyang natamaan si Mr. Bones na naging sanhi para kumalas ang buong katawang buto-buto nito. Hindi na muna inisip ni Snow ang bagay na iyan dahil halos isuka na niya ang bituka niya dahil sa hilo sa kanilang "biyahe". She felt sick to the core!

'Dapat pala nagpaiwan na lang ako sa mansyon!'

Nagtawanan ang kambal sa kanyang likuran. When Snow turned around, she saw the others getting out of their seatbelts at isa-isa na ring bumaba ng karwahe. Si Mr. Bones naman ay mabilis na in-arrange ang kanyang mga buto at isinara ang pinto. Naramdaman ni Snow ang pag-akbay sa kanya ni Envy, isang malokong ngiti sa kanyang mga labi.

"My poor, Chione! I forgot to tell you to wear your seatbelt."

Sunod namang umakbay sa kabilang gilid niya si Greed na malawak ang pagkakangiti, "Aww. What happened to you, mademoiselle? Mahihiluhin ka pala sa biyahe."

"Poor, poor, Snow White!" Sabay nilang sabi sa isang nakakairitang paraan.

Gamit ang natitira niyang labas, she pushed the two idiots off her and scowled, "Nasaan na ba tayo?" Pero agad ring naglaho ang kanyang galit nang makita ang tanawing nasa harapan niya. She rubbed her eyes. 'Baka naman namamalikmata lang ako?' Inaasahan ni Snow na makakita ng samu't saring kalansay (bukod kay Mr. Bones), at mga kaluluwang naghihirap. But her vision of "Tartarus" isn't as accurate as she thought it to be.

"Welcome to Tartarus!"

Sabay na namang sabi ng kambal.

Nakakulong sila ngayon sa loob ng malalaking fortress na tila ba kasing taas ng sa Great Wall of China. The giant walls surrounded a dead city, with a village square in the middle of the chaos. Para itong malaking market place, lined with shops and stalls. Kapansin-pansin rin ang malaking elevator sa gitna ng pamilihan, na papunta sa iba pang levels ng lugar.

'T-Tartarus is an open trade and business center?'

"When I say 'boundary', ang ibig sabihin noon ay tumatawid tayo sa boundary ng mortal realm at Underworld. Keep that in mind, princess."

Tumango na lang si Snow. Ngayon nauunawaan na niya. Sa susunod nga na sasabihin ni Pride ang "boundary", sisiguraduhin niyang may suot siyang parachute!

"Tsk. I'm a few seconds late. Kailangan ko nang umalis. I can't let her off the hook."

Sabi ni Pride matapos niyang silipin ang relo. Tahimik muna siyang humigop sa tasa ng tsaa na kanina niya pa hawak bago ibinato sa kung saan. Mayamaya pa, naglaho na ang lalaki sa hangin. 'Sino naman kaya ang kailangan niyang kausapin?' nang tanungin niya ito kay Sloth, isang tipid na ngiti lang ang binigay nito kasama ang mga salitang, "He's going to meet up with Morticia."

"More like, 'he's going to ambush Morticia'." Sumbat ni Gluttony at kumagat sa hawak na footlong.

"Sino si Morticia?"

Nagkatinginan ang magkakapatid at sabay-sabay na umiling. Wrath rolled his eyes, "Hindi mo na kailangang alamin." Hindi na umimik pa si Snow kahit pa kinakain na naman siya ng kanyang kuryosidad. Nagtungo na lang sila sa mga pamilihan at nagliwaliw.

Hinawakan ni Lust ang kamay ni Snow at kumindat, "I'll be your tour guide for today, love."

Pero nang lumiko sila sa tapat ng isang store, may babaeng lumapit sa kanila. Kulay blonde ang buhok nito at hapit ang damit. Matatalim ang kanyang mga kuko na para bang hindi normal para sa isang tao. Napailing na lang si Snow, 'malamang nga hindi tao ang mga nandito.'

Bigla namang namutla si Lust, "Oh shit."

The angry blonde female ran towards them, "LUST! SABI MO TATAWAGAN MO AKO!"

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang sakalin ng babae si Lust na kalmadong ngumiti.

"Sorry, babe. I was kinda busy.."

Lust is trying to work his charm again. Pero kung anong ikinabahala ni Snow White sa mga pangyayari, siya namang ikinabagot ng natirang kasalanan. Para bang sanay na sanay na sila sa mga ganitong tagpo. Nang akala ni Snow ay matatapos na ang kadramahang kinasangkutan ni Lust, lumitaw naman ang dalawa pang babae mula sa loob ng isang store. One girl had fangs and the other had a tail. Galit rin nilang sinugod si Lust.

"LUST, SINO SIYA?"

"YOU ARE FIFTEEN MINUTES LATE FOR OUR DATE!"

Halos punitin na ng mga kababaihan ang suot ni Lust. On the other hand, the Prince of Temptation was doing his best to keep them calm (and keep his clothes on, for once). Pilit niyang sinusuyo ang mga nilalang na ito. Hindi nagtagal, mabilis na dumami ang mga babaeng galit na nakapalibot kay Lust. Werewolves, vampires, cyclops, banshees, dwarves, half-breeds at lahat ng mga babaeng halimaw na maiisip mo!

"W-Woah! Ladies, hold on.. Mahina ang kalaban----ouch! Wala namang kagatan---HOY! MAMAYA MO NA TANGGALIN ANG BELT KO!" Unti-unting naglaho ang boses ni Lust sa kumpulan.

Napanganga na lang si Snow nang kuyugin na si Lust ng mga babaeng ito. Mabilis siyang lumayo sa gulo at bumulong kay Gluttony, "A-Anong nangyayari?" Mahinang tumawa si Gluttony at kumuha ng gummy bears mula sa loob ng kanyang sako (na nangangalahati na), "Regular nang sinusugod si Lust ng mga naging flings niya."

Kumunot ang noo ni Snow, "Bakit naman?"

Napabuntong-hininga si Wrath, "Why else? It's the same story written over and over again: he charms a girl, sleeps with her, then leaves the poor bitch alone in the morning." Dumako ang mga mata ni Snow sa mga babaeng kahit galit ay mababakas mo ang pangungulila sa ekspresyon nila. They even have hearts in their eyes! "And they still love him?"

Tumango ang kambal.

Sloth yawned, "That's Lust. Always the lady-charmer."

Napasimangot si Snow at sumunod na nang maglakad papalayo sina Wrath, Greed, Envy, Sloth at Gluttony. Mukha namang hindi na makakasama pa ang kanyang "tourguide".

Snow White followed the siblings through the crowd of peculiar creatures. Mukhang ang Tartarus ang trade market nila sa Underworld. Napapatingin siya sa mga nilalang na nakikipagpalitan ng mga produkto at nagsusugal sa loob ng mga casino. Napaiwas ng tingin ang dalaga nang makakita siya ng isang grupo ng mga demonyo sa gilid ng daan. Mapanuri ang kanilang mga mata at tila ba nilalamon nila ang kanyang kaluluwa. Napalunok si Snow at wala sa sariling tumabi kay Sloth sa paglalakad.

These demons aren't like the seven princes of hell. May sungay ang mga ito at deformed ang mga hitsura. Their skin have a red tint, with black markings all around. Nakapangingilabot ang kanilang mga pangil at ramdam niya ang intensyon nilang di gagawa ng mabuti.

"Just stay with us and those lower class demons won't dare to touch you. The last time they attempted to kill our maid, Wrath pulled their eyeballs out." Paalala ni Envy kay Snow sabay ngiti. Nang tingnang muli ng dalaga ang mga demonyo, agad niyang napansin ang pagyukod ng mga ito nang dumaan sina Wrath. Mukhang kahit sino sa lugar na ito ay takot sa prinsipe ng galit at kawalan ng pagtitimpi.

Nakahinga siya nang maluwag. Snow tried to drown out the voices of monsters chatting about business. Wala siyang alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito para sa katulad niyang mortal.

'Pero bakit parang may kanina pa nakatitig sa'kin?'

She scanned the crowd, at sa di kalayuan, halos manlamig ang kanyang mga mata nang makita ang huling taong inaasahan niyang makita sa lugar na kagaya ng Tartarus.

"Chione, ayos ka lang?"

'Bigla siyang nawala.. Baka naman namamalikmata lang ako?'

Bumalik ang atensyon niya kay Envy at pilit na ngumiti. "It's nothing." Sana nga...

*

Concealed in the shadows, Mr. Boswell smiled demonically. Nakita niyang muli ang dalagang kinulong niya ng ilang taon, ang hamak na babaeng may malaking gampanin sa kanyang mga plano. "Found you, my little Snow.." Naglaho siya sa mga anino at nagpatianod sa mga dumaraang halimaw. Katatapos niya lang kausapin ang isang kaalyado at mukhang sumasang-ayon sa kanya ang oras.

"Sana lang ay magawa ni Morticia ang kanyang trabaho." Mahina niyang bulong sa sarili at tiningnan muli pinanggalingang gusali.

'In a game of chess, it's best to take out the strongest piece first'.

---

So knee to knee they sped again,
And laugh to laugh they ran, I'm told,
Across the streets of Hell . . .
And then
They suddenly felt the wind blow cold,
And knew, so closely pressed,
Chill air on lip and breast,
And, with a sick surprise,
The emptiness of eyes.

---Dead Men's Love,
Rupert Brooke

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top