UNDESEXAGINTA
"PRIDE!"
Tuluyan nang nawalan ng kontrol sa sarili ang bruha nang makita ang nangyari. Only a few moments ago, she watched in horror as the grand chandelier came crashing down on Pride. Walang inaksayang oras si Morticia at dali-daling dinaluhan ang kasintahan. Sa gilid ng kanyang mga mata, kapansin-pansin ang pananahimik ng mga tauhan ni Hades. 'That bitch! I swear I'll kill her!' Naiinis niyang isip at hindi inalintana ang pagbaon ng ilang bubog sa kanyang paanan. It left a trail of blood in its wake.
"Pride!"
Ulit niyang pagtawag dito. Kinabahan si Morticia nang walang paggalaw. Nang akmang gagamitin na niya ang kanyang mahika, the remnant of the chandelier was thrown into the air. Tumama ito sa kabilang bahagi ng silid, kung saan nawasak ang pader na yari sa bato. Her eyes found him finally standing up. Wala pa ring emosyon sa likod ng mga mata ni Pride.
"Pride, a-ayos ka lang?! We'll murder that mortal! Ang kapal ng mukha niyang saktan ka!" Nanggigigil na wika ni Morticia bago hinimas ang mga braso ng kasalanan at hinalikan ang gilid ng mukha nito. Touching the eldest sin felt so right. Sabihin mo, sinong hindi masisiraan ng bait sa nilalang na ito? Pride is a synonym for sinful perfection. At walang planong pakawalan ni Morticia ang binatang ito.
Samantala, walang imik namang hinayaang ni Pride ang paglingkis sa kanya ng mangkukulam. He doesn't feel anything from the attack---well, he doesn't feel anything at all. Iyon ang lihim na ipinagtataka ng isang bahagi ng kanyang utak. Shouldn't he atleast be relieved that Morticia is by his side? Huminga nang malalim si Pride.
'This is nothing.. I don't feel anything. That's good, right?'
Mabuti nga ba?
Dahil sa tuwing naaalala niya ang ekspresyon ng dalagang tinatawag nilang "Snow White", tila ba nagkakaroon ng ibang direksyon ang damdamin ni Pride. Pero, imposible 'yon! Hindi. Ang hindi lang maintindihan ni Pride ay kung bakit apektado siya sa presensiya nito. Her voice, her lips, and her fucking majestic brown eyes. Aaminin niya, bahagya siyang naging "distracted" kanina noong kaharap niya ito. A part of his chest ached for her.. At noong mga sadaling iyon, Pride knew that he was willing to bleed for that beautifully reckless girl.
Naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamao.
It's nothing.
'Wala akong karapatang makaramdam ng ganito.'
At hindi na napansin ni Pride ang pagsimangot ni Morticia habang tinititigan siya nito. The witch's eyes grew dark. Mukhang kailangan na niyang tanggalin ang balakid sa pag-iibigan nila ng kasalanan. At sisiguraduhin ni Morticia na tuluyan nang mawawala ang babaeng 'yon sa kwentong 'to.
*
Tick-tock.. Tick-tock..
Matagal na tinitigan ni Snow ang grandfather clock ng mansyon. Sa totoo lang, mukhang kasing tanda na ng mga namamalagi rito ang orasan, pero wala pa ring bakas ng pagkaluma. It's black hands elegantly moved from number to number, never skipping a tick. Ngunit, habang pinagmamasdan niya ito, napansin niya ang napakaraming bagay: ang bahagyang pagbagal nito pagsapit ng ika-pitong numero, ang pagbilis nito matapos ang limang minuto, at ang pagbabago ng oras sa bawat kisap ng kanyang mata. In that moment, Snow White discovered something... The clock wasn't stable. It never was.
Matagal na niyang alam na ginugulo ng mga orasan sa mansyon ang kanyang buhay (and she honestly couldn't make out whether it was six in the morning or ten in the evening), pero ang katotohanan ay sadyang may sariling ritmo ang orasang ito.
"Ilang oras na lang at makukumpleto na ang pitong araw."
Hindi na niya nilingon pa ang nagsalita. Kilala niya ang boses nito. Sa totoo lang, kilala na niya ang boses ng pitong magkakapatid, at pakiramdam niya ay babaunin niya ang boses ng mga binatang ito hanggang sa kanyang kamatayan. Snow While smiled at the thought as she felt Envy sit next to her on the floor. The soft red carpet did little to ease her worries.
"Ilang oras na lang at mawawalan na kayo ng kapangyarihan," nilingon niya si Envy na kanina pa pala nakatitig sa kanya, "mabuti na lang nagamit niyo na ang healing abilities niyo para magamot ang mga sugat niyo. Kamusta na si Greed?"
Ngumiti si Envy. Snow White noticed how his smile didn't reach the sin's fierce eyes.
"Sa tingin ko, wala na rin namang silbi kung pagagalingin namin ang mga sugat namin. We'll die anyway."
"Pero----"
"Greed's doing good. Tinalo pa nga niya ako sa chess kanina. Sabi nga pala niya, sa susunod na magkaroon tayo ng pagkakataong maglaro, we'll kidnap you again and make you our Black-White Queen."
Pinilit ni Snow na isantabi ang sinabi nito kanina. Pero mukhang mahihirapan siyang iwasan ang topic na 'yon. Tumango na lang ang dalaga at nagtaas ng kilay, "Black-White Queen? Doesn't sound appealing. Bakit hindi gray?"
Nagkibit ng balikat si Envy.
"Pareho naming ayaw magpatalo. Do you really think I'll let him have you?" Pagak na natawa si Envy, "If he's greedy for your attention...then I'm too envious to let him take you away from me, Chione."
Lihim na napangiti si Snow sabay iling. Hindi talaga siya makapaniwala sa magkakapatid na 'to. It's quite amazing how they can still be sinful after everything. Pinaninindigan talaga nila ito, at minsan hindi na alam ni Snow kung seryoso ba sila o hindi. 'What am I thinking? Kailan pa hindi naging seryoso ang mga 'to sa sinasabi nila?' Biglaang naalala ni Snow ang panahong ibinitin siya nang patiwarik ng kambal. Ginawa nila 'yon para "ngumiti" siya. Ironically, iyon rin ang mga panahong akala niya'y hindi siya tatanggapin ng mga ito dahil sa kapansanan niya. 'Mga siraulo talaga..'
Nang ibaling niyang muli kay Envy ang kanyang mga mata, nakita niya itong nakatingin sa orasan. Ni hindi dumako ang mga mata nito kay Snow nang magtanong ito, "What's it like?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"What's it like living with a monster like Boswell?"
Ngumisi si Snow. "Anong ipinagkaiba nito sa sitwasyon ko ngayon? I'm living with the Seven Deadly Sins."
Umirap si Envy. "Atleast we're hot!"
Literally. Hindi na nagkumento pa si Snow at napabuntong-hininga. Pinipilit niyang isantabi ang mga alaalang 'yon, pero mukhang kahit saang timeline siya magtungo sa buhay na 'to, hindi niya matatakasan ang kanyang nakaraan. Sabagay, matagal na niyang sinukuang gawin 'to. It seems that the past will always have strings in the present.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong maayos ang trato sa'kin ng halimaw na 'yon. Noong ipinamigay ako ni Christina sa clockmaker na 'yon, ang buong akala ko ay magiging mas maayos ang buhay ko.. Imagine how surprised I was to find out that I'll be locked up inside a small cage for the rest of my years? Sa bodegang 'yon, tanging mga daga at ipis lang ang kausap ko. Every princess has her animal friends, right?" Mahinang natawa si Snow kahit na wala namang nakakatawa sa kanyang sinabi. Si Envy naman ay nakatingin pa rin sa orasan na para bang ito ang pinakainteresanteng bagay na nilikha sa mundo.
Nag-iwas ng tingin si Snow at naikuyom ang kanyang mga kamao.
"Being trapped in hell felt like a paradise compared to that small cage I was confined in. Noon pa man, isa nang alila ang turing sa'kin ni Mr. Jeremy Hans Boswell. Ang nakakairita pa ay napagkakatuwaan niyang isuot sa'kin ang mga mamahaling bestida na puno ng ribbons at palamuti. He likes dressing me up like a Gothic doll. Pathetic, right?"
Napapangiwi na lang si Snow kada maaalala ang mga damit na ipinapasuot sa kanya ng dating "amo". He made her dress like a stupid display doll, then treats her like trash! Kung hindi kagagawan ng isang mental ang bagay na 'yon, hindi na niya alam kung ano. She hated being treated like that. Pakiramdam niya ay lalo lang ipinapamukha sa kanyang mahina siya. Quite ironic, indeed.
Wala sa sariling napahawak sa pendant ng kanyang neck choker si Snow. The silver apple felt cold against her skin. Narito pa pala ang buhay ng mga kasalanang namatay. Ang tanda ng sarili niyang pagkakasala noong unang limang gabi. She doesn't know when, but Snow had a feeling that Boswell will get this from her personally.
"Ang akala ko talaga...h-hindi niyo ako tatanggapin." Mahinang wika ni Snow kahit pa wala siyang planong sabihin ito. Heto na naman ang awa sa sarili. Kung may mas malaking kasalanan sa mundo ng mga mortal, dapat 'yon ay ang pagkaawa sa sarili. Self-pity kills everything, don't you think?
"Minsan, naiisip ko.. Siguro kung hindi ako napadpad sa mansyon na 'to, hindi sana nangyayari ang ganitong klase ng gulo. It's all my fault. Dapat noong una pa lang, na-realize ko nang magiging pabigat lang ako sa inyo." She avoided eye contact. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. Kung maibabalik ba ang oras, maililigtas ba ni Snow ang magkakapatid na 'to? Would she be able to save the sins if she just committed suicide back then? Sana pala, hindi na lang siya sumama kay Pride. Sana hindi niya na lang pinirmahan ang kontrata. If being their maid would cause them so much trouble in return, Snow White wouldn't have accepted the job in the first place!
'See? Self-pity.'
Ayaw nang alalahanin ni Snow. Lalo lang sumasama ang pakiramdam niya.
"I shouldn't ha----"
Napatigil na lang siya nang maramdaman ang init ng palad ni Envy sa ibabaw ng kanyang kamay. His hand over hers. Mabilis na nag-angat ng tingin si Snow, just in time to see the sin staring at her.
"Ang kaawaan mo ang iyong sarili ang huling bagay na dapat mong gawin, Chione. It won't do you any good. Kung hindi mo kayang patatagin ang sarili mo, sa tingin mo ba matutulungan ka namin sa labang 'to?" Seryoso ang mga mata ni Envy at napansin ni Snow na papalapit na ang mukha nito sa kanya, "and it's not like you can actually do anything about it. Nakasulat na ito sa propesiyang matagal naming isinasawalang-bahala. Hindi magbabago ang takbo ng kwento kahit pa gumawa ka ng sarili mong desisyon. If you play games with fate, you'll always lose in the end."
Siguro nga. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin maunawaan ang ilang bahagi ng propesiya. Lumitaw sa memorya niya ang pag-uusap nila ni Monique. Napalunok si Snow sa naiisip, "Hindi ba natin pwedeng pigilan si Boswell? If he doesn't know the secret to kill you then..." Natigil ang kanyang pagsasalita nang mahinang natawa si Envy.
"Boswell doesn't need to know the trick to kill us. Have you forgotten? Si Pride mismo ang naging daan para mabuo ang sirektong 'yon. Now that he's on the enemy's side, there's no stopping anyone from killing us."
Snow felt uncomfortable when he mentioned Pride's name. 'I still need to free him,' bulong ng kanyang isipan.
"May magagawa pa kaya tayong paraan para bumalik sa dati si Pride?"
"Sloth is trying to look for anti-spells in his library. Sa ngayon, hinihiling kong maumpog sa chandelier ang ulo ng nababaliw naming kapatid para matauhan siya."
Natawa silang pareho. Snow White knew this isn't gonna be an easy battle at sa bawat minutong lumilipas, papalpit na sila nang papalapit sa katapusan. Huminga siya nang malalim at inalala ang sitwasyong kinasasadlakan nila. Pagkamulat ni Snow ng kanyang mga mata, isang determinadong kinang ang naroon.
"Hindi tayo susuko."
Ngumisi si Envy, "Wala pang tayo," At mabilis siyang inakbayan nito, "Unless you agree to be mine?" Magsasalita pa sana ang dalaga nang biglang sumulpot si Greed sa kabilang gilid ni Snow at sinubukang itulak papalayo ang kakambal.
"Hands off, my delivishly idiotic twin! Akin 'yan! Hindi ba, Mademoiselle?"
Nag-"beautiful eyes" pa ang prinsipe ng kasakiman kay Snow! Lalong hindi niya alam kung paano matatakasan ang sitwasyong ito. 'Why the heck do they even like me?!' Nang hindi makaimik si Snow, nabigla na lang siya nang aktong bata na naman si Envy, kicking Greed away.
"I don't see your name on her, Avarice! And I bet Snow doesn't even like greedy bastards who loves money more than own twin!"
"ABA! 'WAG MONG IDADAMAY ANG PERA KO AT-----WHAT DID YOU JUST CALL ME?!"
"BLEH! AT 'WAG MONG IDADAMAY SI CHIONE SA KASAKIMAN MO!"
"GRRRRR!"
Nagtagisan ng tingin ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang si Snow habang pinagmamasdang magpatayan ang kambal na 'to.
'Yup. They'll never change.'
*
"By dawn, the monsters of Tartarus will be ready to attack."
Napatango si Boswell, halatang walang ganang makinig sa mga sinasabi ni Hades. Nakaupo sila ngayon sa conference room sa palasyo ng hari. Isang bilog at kulay itim na granite table ang nasa pagitan nila. Gem stones carefully decorated the tabletop. Sa pader na katapat nila, mahahagip ang floor levels ng Tartarus at ilang kabahayan. The large window gave the palace a perfect view of it.
'Ipapapatay ko ang isang ito sa sandaling maging matagumpay ang plano namin,' isip-isip ni Hades na halatang nagpipigil ng galit. Bukod doon, hanggang ngayon, hindi pa rin tapos maghilom ang mga sugat niya. Wrath did a good job at making sure his recovery will slow down. 'That scheming bastard!' Sa galit ni Hades at aksidente niyang nasira ang hawak na kopita. Napatingin sa kanya si Persephone na mukhang nagtataka na rin sa ikinikilos niya.
Hindi man lang siya dinapuan ng tingin ni Boswell nang kausapin niya si Morticia.
"Kasamang lulusob sa mansyon si Pride. Inaasahan kong magiging maayos ang kontrol mo sa kanya."
The witch snorted. "Sinasabi mo bang papalpak ang pagmamanipula ko kay Pride? You're underestimating me, Remi. I-I have him under control." Pero hindi na naitago ng mangkululam ang pag-aalangan sa kanyang tinig. Lalo lang tumalim ang tingin sa kanya ng kausap, a deadly glare coming from the clockmaker.
"Siguraduhin mo lang. If you disobey another order from me, you'll find yourself burning in hell, Morticia."
She crossed her arms. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang pawalan ni Boswell sa usapang 'to! "Look, wala naman siyang silbi sa plano, hindi ba?! You already used her as a pawn! Bakit ba ipinagbabawal mo sa'ming pagutan ng ulo ang babaeng 'yon?!" Sumiklab na naman ang galit sa puso ng mangkukulam. Kanina lang kasi ay kamuntikan na siyang parusahan ni Boswell nang dahil sa ginawa niyang tangkang pagpatay kay Snow.
'Snow White. Why the fuck does she even matter?! Extra lang naman siya sa kwento namin ni Pride!'
Yup. That was enough to make Morticia's blood boil! Ano bang mahalaga sa mortal na 'yon? Hindi rin niya maintindihan.
Pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Boswell. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya at halos manindig na ang kanyang balahibo dahil sa takot. Ngayon lang ulit naramdaman ni Morticia ang ganitong takot sa isang nilalang. Napapitlag silang lahat nang inihampas ni Boswell ang kanyang mga palad sa ibabaw ng mesa. Even the guards nearby stared at him in surprise.
"Mas makakabuti sa'yo kung susundin mo na lang ang ipinag-uutos ko. And if I find out that you'll attempt to hurt Snow again, I'll see to it that I'll kill you myself. Naiintindihan mo ba?"
"What?! Nababaliw ka na nga! Ano bang kinalaman ng babaeng 'yon sa----!"
"Naiintindihan mo?"
Napasimangot si Morticia. What the fuck? Pakiramdam niya ay lalong dumoble ang galit niya sa dalaga. 'Snow this, Snow that.. Ano bang problema nila?!' Pinilit na lang niyang tumango at mabilis na umalis ng silid. Mahina siyang napapamura sa sarili, her fists clenched in hatred. Sayang nga lang at wala si Pride dito. Kinukuha niya ang mga kaluluwang nasa mundo ng mga mortal. Hindi niya alam kung gabi na ba sa walang kwentang mundo na 'yon, pero isa lang ang nasisiguro niya.
"I'll kill Snow White, even if it's the last thing I do."
The door slammed as Morticia left.
Napagkurap-kurap naman si Hades. A sly smirk on his lips as he leaned forward to assess the man who planned everything. Mukhang interesante nga naman ang ikinikilos nito.
"Ano pa bang silbi ng dalagang 'yon sa mga plano mo?"
Hindi man niya aminin, ngunit napapansin na nilang ayaw nitong saktan nila ang dati niyang alipin. First, there were no direct orders for them to kill the girl. Kung hindi siya nagkakamali, si Boswell pa nga mismo ang nag-utos kay Morticia na lagyan ng harang ang lagusan ng impyerno para hindi makalabas si Snow. He knew she was coming. Boswell wanted to keep her out of trouble by trapping her there until everything is over. 'Pero anong dahilan?' Mukhang may makukuha nang alas si Hades laban sa halimaw na 'to.
But Mr. Jeremy Hans Boswell gave him a cold expression and nonchalantly waved him off, "Kung hindi aayon ang tadhana sa'kin, Snow White will be the last chess piece."
Napasimangot na lamang si Hades. Weird.
*
"Do you think we have a chance at defeating Boswell?"
Sa gitna ng madilim na silid, umalunig ang tinig ni Chandresh. Pinipilit niyang hindi pansinin ang mga bangkay at kalansay na nakasalambitin sa itaas. Wrath's torture weapons lined the wall in a perfect manner. Kuminang ang mga ito sa matamlay na ilaw na hatid ng lamparang nasa kabilang dulo ng silid. Wrath was polishing his gun, his back turned on the violet-eyed male.
"We? Kailan ka pa naging bahagi nito, mortal? Run back to your fucking mirror, you coward."
Napasimangot si Chandresh. "Gagawin ko ang lahat para protektahan si Snow! Palagi na lang siyang napapahamak dahil sa kagagawan niyo!"
Wrath chuckled, still not turning to meet his gaze. Tila ba wala talaga itong panahon para makipag-usap dito. Nang hindi ito sumagot, napuno ng galit ang loob ni Chandresh. Ito na nga ba ang sinasabi niya! Pare-pareho ang mga halimaw na 'to. Chandresh cursed under his breath, ready to put up a fight when another voice spoke.
"Stop wasting your energy. Hindi ka na kakausapin ng bugnuting 'yan!"
Tumingin sa itaas si Chandresh at napasimangot nang makita ang nagsasalitang bangkay. Ben's eyes showed no emotion, ni walang ekspresyon ang mukha nito. Mukhang ayos lang sa kanyang nakabigti sa kisame kasama ang iba pang naging biktima ni Wrath. Wala nang nagawa si Chandresh kung hindi umalis ng Torture Room.
Unlike that talking hangman, Chandresh has no plans of doing nothing. Si Snow ang mahalaga para sa prinsipeng ito. Kahit pa mukhang interesado rin sa kanya ang pitong kasalanan. Ano nga bang panama niya sa kanila? Probably, if they survive this, the sins will trap him inside that mirror again and they'll have Snow all to themselves! Ang hindi nila alam...
"...I'll risk even my own existence for her."
---
So caught up in sin
Where do I begin?
Wrath has me go crazy
While Sloth makes me lazy
Lust gets the best of me
As Gluttony consumes all I see
Greed goes over the top
Envy just has to stop
I can't control my Pride
And now I know, I cannot hide
From the sins I hold inside.
---"Seven Deadly Sins"
Anonymous
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top