UNDEQUINQUAGINTA
Humakbang papalayo si Morticia sa pinakasentro ng palasyo. Hindi tulad ng ibang bahagi ng emperyo ni Hades, ang lugar na ito ay maliwanag at walang dekorasyon ang mga pader. Ngunit hindi mga eleganteng chandelier o candelabra ang nagbibigay ng liwanag dito, kung hindi ang apoy na nagmumula sa ilalim ng malaking butas sa sahig. 'I can almost hear those stupid sinners down there,' isip-isip ng mangkukulam bago inilayo ang tingin sa impyernong nakakubli sa ilalim. Kahit pa ilang metro na ang layo niya rito, Morticia can still feel the tingling sensation of eternal embers. It was too much to bare, even for a half-demon witch. The ancient stone walls showed traces of torture and blood, some skeletons of unknown creatures in one corner. Sa paglipas ng bawat segundo, alam niyang nalalapit na ang huling bahagi ng kanilang plano.
"Does that bitch honestly thinks she's the fairest of them all? Akala ba niya prinsesa siya ng istoryang 'to? Ha! Tingnan na lang natin.." Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng dalaga at kinuha ang ilang botilyang naglalaman ng umuusok na likido. Morticia started pouring the strange liquid onto the floor, murmuring enchantments under her breath. Ilang sandali pa, namuo sa hangin ang usok at pumalibot sa sentro ng silid. The fog formed into a solid dome surrounding the crater of hell. Hinintay muna niyang maging transparent ang harang na nilikha niya bago tinahak ang daan pabalik sa itaas.
Her heels clicked on the rough floor. Hinawi niya ang kanyang buhok at sinilip ang mga clockwork monsters na nakabantay sa labas ng pinto.
'No one enters, no one escapes.'
Sinelyuhan niya ang bukana tulad ng ipinag-utos ni Boswell. Hindi na niya kinuwestiyon ang desisyon nito. She doesn't care anyway, as long as she gets what she wants in the end. Isang malawak na ngiti ang pumunit sa labi ng bruha nang maalala ang kanyang gampanin.
"Checkmate, sins."
*
Hindi na namalayan ni Snow kung ilang sandali silang naglaho ni Pride sa kanilang sariling mundo. Ang mundo kung saan silang dalawa lang ang naroon. No clockwork monsters. No curses. No Jeremy Hans Boswell. 'This almost makes me wonder.. saan niya natutunang humalik?' Pero agad ring naglaho ang isiping 'yon nang may maramdamang kakaiba si Snow. Nanlaki ang kanyang mga mata at marahan niyang itinulak papalayo si Pride.
"What's wrong, princess?"
Namumula man sa hiya, pinilit ni Snow na ngumiti. "W-Wala. K-Kailangan ko nang magluto ng almusal ni Gluttony. He'll die of hunger if I don't do so!" She nervously laughed pero kahit siya ay hindi kumbinsido sa pagpapalusot niya. Ang totoo niyan ay may naramdaman siyang dumaloy sa katawan niya. She felt lightheaded and sick. 'Baka dahil lang sa allergy ko,' pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Heto na naman siya sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Sa matamlay na liwanag ng silid, nakita ng dalaga ang nabuong ngisi sa mga labi ni Pride. His smirk made her heart skipped a beat again. Ano bang nangyayari sa kanya? This is no time to admire his appearance!
Inayos ni Pride ang salamin sa mata at humalukipkip. "Are you scared of me, Snow White?"
Tumititig sa kanyang kaluluwa ang mga mata ng binatang ito. How could a demon be so appealing?
"Bakit naman ako matatakot sa'yo? I.. I just need to do my household chores. M-Marami pa akong gagawi-----!"
"Yes or no."
"Ha?"
Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Pride, "Answer me, did you enjoy the kiss?"
"A-Anong kinalaman nito sa-----?!"
"Yes or no."
Wala sa sariling napakagat ng labi si Snow. She can still taste him on her lips. Damn it. Tuluyan na siyang nataranta nang umakyat sa kanyang braso ang mga daliri ni Pride. A teasing and dominant expression adorning his features. Kung gugustuhin ni Pride, kayang-kaya niyang talunin sa kalandian si Lust. Napayuko na lang si Snow.
"Y-Yes."
"I can't hear you."
'Minsan talaga ihahagis ko na sa Pluto ang isang 'to!'
"Yes..."
"Ulitin mo."
Halos masabunutan ni Snow ang kanyang sarili. Panandaliang nawala ang poot niya kay Boswell dahil sa inis sa lalaking kaharap niya ngayon. Nauunawaan na ni Snow kung bakit "Pride" ang kasalanan na ito. Masyadong mapagmataas. Masyadong mapanganib.
"Damn it. YES!"
She glared at him. Natawa na lang si Pride at hinablot ang kanyang palad. Napakurap na lang siya nang halikan ni Pride ang likod ng kanyang kamay. After letting go, he smiled sadly. Hindi alam ni Snow kung ano ang kahulugan ng ngiting 'yon.
"I can't find anything to stop your curse. Dalawang araw na lang at mawawalan na kami ng kakayanan.. I'm afraid it will only be a matter of time until we leave you, Snow."
May kumirot sa dibdib ng dalaga. Pilit mang bumabalik ang mga alaala ng pinagsamahan nila ng magkakapatid, hindi nagpatinag si Snow White at matapang na sinalubong ang mga mata ng panganay. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi alam ni Pride ang gagawin. Kung hindi iyon nakakaalarma, hindi na alam ni Snow kung ano. This situation is severe enough.
"Stop. Ayokong marining ang mga 'yan.. Hindi mangyayari 'yon." Pero muntik nang nabasag ang kanyang boses. Napansin rin ito ng nakatatandang kasalanan.
"The gears are in motion. Mukhang wala na tayong ibang pagpipilian."
Sandaling namayani ang katahimikan sa silid. Hindi na nakayanan ni Snow ang tensyon at idinahilan ang pagluluto ng almusal para makatakas sa usaping 'to. Wala nang nagawa si Pride at tumango.
"Go. Don't come back, princess."
At namatay ang ilaw sa silid na iyon. Napalitan ng katahimikan ang tinig ni Pride at napansin ni Snow ang pagbukas ng isang pinto sa kanyang gilid. Habang tinatahak niya ang daan palabas, hindi niya maiwasang kabahan. Kung anuman ang sinasabi ni Pride, sana naman ay mali ang kutob niya rito.
*
Wala pa rin ang magkakapatid nang matapos ni Snow ang mga gawaing-mansyon noong umagang 'yon. Kung mahaharap man niya ang apat na 'yon, she doesn't even know how to react. Paano niya makakayanang magkunwari na normal lang ang lahat kung halos patayin na siya ng mga ito kagabi? 'Hindi nila alam.. I have no right to get mad at them,' pangungumbinsi niya sa sarili. Still, she needs to find a way to get out of this mess, lalo na't mukhang alam na ni Envy ang sikreto niya.
"Pero paano namin pawawalain ang sumpa.."
Sa kanyang pag-iisa sa rooftop (ang lugar kung saan siya dinala ng bahaghari ng kambal noong unang linggo niya sa mansyon), sumagi kay Snow ang huling paraan para masolusyunan ang kanyang problema. Iniisip niya pa lang 'to, halos manlata na ang dalaga. Memories are clawing their way out again, and they're not the good ones. She never had good memories to begin with.. Not with her own mother. Napapikit si Snow at pinilit na kumalma. The tattoo on her neck burned with pain.
Only two days left until the Seven Deadly Sins will be rendered powerless---vulnerable to their enemies. Malamang ay may nakahanda nang hukbo si Boswell para sa araw na 'yon at ipupusta ni Snow ang prosthetics niya na kasama na rito ang mga nilalang na may galit sa kanila sa Tartarus. Not to mention, having Hades and Morticia on his side is making things worse.
Only two days left at hina-hunting na siya ng magkakapatid, sabik na mapatay ang halimaw na nagnanakaw ng kanilang koleksyon gabi-gabi. Wala silang malay na ang halimaw na ito ay ang sarili nilang alila.
Only two days left.
Kahit pa sabihin nilang imortal pa rin sila kahit na mawalan sila ng kapangyarihan, ramdam ni Snow na hindi pa rin ito magandang indikasyon dahil may limitasyon pa rin ang pagiging imortal ng magkakapatid na kasalanan.
"Kung nawawalan na ng pag-asa si Pride sa sitwasyon na 'to, I guess it leaves me with no other option," huminga siya nang malalim at tumayo. Minsan talaga, napapaisip siya kung ano bang mayroon sa kanya para malasin ng ganito. It feels like she's been cursed with bad luck since birth! 'Ang hirap maging matatag kung unti-unti nang gumuguho ang mundo mo..'
Alam na niya kung saan hahanapin si Chandresh.
*
Nang makarating si Snow sa ikalawang palapag, agad niyang tinungo ang kanyang silid sa kaliwang bahagi nito. Sumulyap muna siya sa kanyang paligid, nag-aalalang sumulpot na lang bigla ang isa sa mga magkakapatid. Her eyes momentarily travelled towards Wrath's bedroom door. Hindi pa niya ito nakikita ulit mula nang makasalubong niya ang prinsipe ng galit kahapon. 'Ano kayang ginagawa niya?' Agad napailing si Snow. Tama nga siguro ang babala nila. Nakakamatay nga siguro ang sobrang kuryosidad sa mga bagay na hindi mo dapat pinanghihimasukan.
"But it's too late to turn back now."
She opened the door to her room and prepared herself to talk to Chandresh when she noticed shards of glass. "Anong meron?" Napahakbang papaatras si Snow nang muntik na niyang matapakan ang isa sa mga ito. Some crunched under the weight of her back doll shoes. Nagtatakang inilibot ni Snow ang kanyang mata at napasinghap sa gulat nang makitang nakaupo sa gilid ng kanyang kama si Chandresh, nakayuko at dumudugo ang noo. Nang makita siya nito, isang pekeng ngiti ang binigay ng binata.
"A pleasure to see you again, Your Majesty."
Taliwas sa kanyang pekeng ngiti ang emosyon sa kanyang kulay lilang mga mata. Snow White can sense urgency and fear in them kaya't mabilis niyang dinaluhan ang lalaki. "Chandresh! A-Anong nangyari sa'yo? At bakit..." Bago pa man niya matapos ang sasabihin, itinuro ni Chandresh ang salamin sa kanyang silid.
Basag at may bakas ng dugo.
Ang maliliit nitong piraso ang nagkalat sa kanyang sahig. Sa katiting na liwanag na nagmumula sa malaking bintana, halos mapagkamalan niyang maliliit na bituin ang nawasak na salamin. The fragments scattered everywhere, but they weren't able to hide the drops of Chandresh's blood on the carpet.
Hindi alam ni Snow kung anong sasabihin.
"May sumugod ulit na taga-Tartarus dito kagabi.. I tried to catch that bastard but he smashed me against the fucking mirror!"
Napanganga si Snow sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? "M-May umatake na naman dito kagabi?" Lumalala na nga ang sitwasyon! Kung anuman ang mga plano ni Boswell, nalalagay na rin sa panganib si Chandresh. Alam ni Snow na hindi lang basta nagkataong napadpad dito sa kanyang silid ang mga kaaway. Malamang ipinag-utos ni Boswell na iligpit si Chandresh! Now, they know that this violet-eyed prince is helping her! Binalot ng pangamba ang kalooban ni Snow. Naaawa na rin siya kay Chandresh. Matapos niyang saktan ito kagabi, nangyari naman ang ganito.
When Chandresh studied her face, lihim siyang napangiti sa ekspresyon ni Snow.
"Hindi mo kasalanan. Habang papalapit na ang mga araw, mukhang lalong nagiging desperado ang isang 'yon na mapabagsak ang magkakapatid...kasama ka."
Napailing na lang ang dalaga. Buo na ang kanyang desisyon. "Alam mo kung paano tayo makakapunta kay Christina, 'di ba?"
Ngayon, si Chandresh naman ang nagulat sa sinabi niya. A look of disbelief and concern flashed on his face. "P-Pero, Snow.. Akala ko ba----"
"Wala na tayong oras para mag-inarte. Kailangan ko nang malaman ang lahat," mapait na ngumiti si Snow, "kailangan kong makausap ang puno't dulo ng kaguluhang 'to."
Napabuntong-hininga si Chandresh at hinawakan ang kanyang kamay. Ngumiti ang lalaking ilang siglong nakakulong sa kanyang salamin at pinisil ang kamay ni Snow. A reassuring gesture in the midst of madness.
"As you wish, Your Majesty."
---
And there, there overhead, there, there hung over
Those thousands of white faces, those dazed eyes,
There in the starless dark the poise, the hover,
There with vast wings across the cancelled skies,
There in the sudden blackness the black pall
Of nothing, nothing, nothing --- nothing at all.
---"The End of the World",
Archibald Macleish
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top