UNDECIM

"Hello, my name is Mrs. Bones. Since you are trespassing in my master's territory, kailangan na kitang patayin."

Snow White stared at the skeleton. Ang suot nitong rosas na bestida ay walang nagawa upang takpan ang buto-buto niyang katawan. Her eye sockets are empty, pero pakiramdam niya ay masama ang tingin niya sa dalaga. Bahagyang mas matangkad ang kalansay kaysa kay Snow, at kapansin-pansin sa gitna ng noo nito ang kulay pulang tattoo na hugis puso. Napaatras si Snow nang humakbang papalapit ang kalansay.

"S-Sandali! I'm not trespassing!"

Ngumiti nang mahinahon si Mrs. Bones bago kumuha ng mga patalim sa isang drawer. Dissecting equipment. Kuminang ang mga ito sa liwanag.

"Nonsense! Only my master has the key to unlock this room. Bakit naman niya ipagkakatiwala sa isang alipin? Unless he wants me to kill you, of course.."

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinabi ni Mrs. Bones. 'Pride wants me dead? Kaya ba niya ako pinadala dito?!' Sumiklab ang galit sa kanyang loob. Sinasabi na nga ba niya at hindi niya pwedeng pagkatiwalaan ang kahit sino sa magkakapatid! Chandresh was right all along.

'Great. I'm about to be dissected like some frog!'

Adrenaline kicked in her when Mrs. Bones slashed the blades at her. Mabilis siyang umilag at sumampa sa steel table sa kanyang likuran. Sumugod muli ang kalansay. "Shit!" Snow White kicked the boxes off the steel table, sending them at the skeleton's direction. Sumigaw si Mrs. Bones nang kumalas ang ilang buto sa kanyang katawan ngunit agad rin itong nakabawi at nai-arrange muli ang sarili. Her bones cracking into place.

Nang maubusan ng sisipaing karton si Snow, mabilis siyang tumakbo papunta sa nagtataasang mga kabinet sa gilid ng pader. Hinabol naman siya ni Mrs. Bones, ready for a kill. "Wala ka nang kawala!" Sigaw ng kalansay at hinila ang kanyang paa. Napasigaw sa sakit si Snow nang bumaon ang mga buto sa balat niya. She kicked hard until Mrs. Bones' hand fell off.

Nagawang makalayo muli ni Snow sa kalansay, ngayon ay nasa taas siya ng isang kabinet. She searched for anything she could fight with, finding a glass container with several eyeballs in it. Walang pagdadalawang-isip niyang ibinato ito kay Mrs. Bones na naging dahilan upang malaglag ito.

She watched as her bones shattered on the floor, directly beneath the cabinet she was on. "It won't take long until she reassembles herself.." Ipinikit ni Snow ang kanyang mga mata at bahagyang humiga sa taas ng mabigat na kabinet. Gamit ang kanyang mga paa, nagawa niyang itulak ito mula sa pagkakasandal sa pader.

CRASH!

The cabinet fell down over Mrs. Bones body. Mabuti na lang at nakapag-landing sa mga karton si Snow, she jumped just in time before the cabinet hit the floor. Napuno ng usok at basag na mga bote ang paligid. Nasira rin ang ilang equipment. Hinihingal na tumayo si Snow, ngunit bago pa man siya makapaglakad papalayo, may kung anong sumabunot sa kanya.

"Aray!"

Ang kamay ni Mrs. Bones.

Sinubukan niyang kumalas, ngunit mahigpit ng hawak nito sa kanyang buhok. Pakiramdam niya matatanggal na ang kanyang anit sa sakit. Mayamaya pa, lumitaw mula sa mga debris si Mrs. Bones, eyeless holes glaring at her. Pinagpag nito ang nasirang damit at lumapit kay Snow White, her attached hand with a pair of large scissors.

"Such a pretty girl. It's a shame I need to kill you. Any last words?"

Pinasadahan ni Mrs. Bones ng blade ng gunting ang tiyan ni Snow, preparing for dissection. Pinilit naman ni Snow na pakalmahin ang sarili, bago niya nagawang sabihin ang kanina pa bumabagabag sa isipan niya.

"Pride said hi."

Kung mamamatay man siya rito, at the very least, nagawa niya ang ipinaguutos sa kanya. Bumaling muli ang dalaga kay Mrs. Bones na para bang natigilan sa sinabi niya. Para itong nagtataka, hanggang sa maalala ng kalansay ang isang mahalagang bagay. She let go of the scissors and raised Snow White's skirt.

Napasinghap si Snow sa gulat. "What are you doing?!"

Pero napawi rin ito nang mapagtantong pinagmamasdan lang pala ni Mrs. Bones ang kanyang prosthetic leg. Snow noticed the change in her facial expression at lumuwag na rin ang hawak sa kanya ng kamay.

Napailing si Mrs. Bones. "Sana kanina mo pa sinabi 'yan!" Suway niya sa dalaga at nagmamadaling kinalkal ang ilang kahon. Nakakunot lang ang noo ni Snow habang pinagmamasdan diyan. Hindi naman magic word ang sinabi niya, ngunit bakit parang nagbago ang ihip ng hangin? Kanina lang ay gusto na siyang patayin ng kalansay na ito. 'Whatever Pride is up to, he needs a lot to explain,' naiinis niyang isip.

"Aha!"

Bumalik si Mrs. Bones. Ngayon, mayroon na siyang hawak na---nanlaki ang mga mata ni Snow nang mamukhaan ang hawak nito. "I-Is that a prosthetic leg?" Hindi makapaniwala ang dalaga habang pinagmamasdan ang artipisyal na binti. Ngumiti lang sa kanya si Mrs. Bones at pinaupo siya sa steel table. Snow obliged and she watched as the skeleton carefully replaced her prosthetic leg with a new one.

Nang matapos ang pagkabit nito sa kanya, sinubukang galawin ni Snow ang bagong binti. Unlike before, this new prosthetic leg felt more comfortable. Sakto ang sukat nito sa kanya at hindi bumabaon sa kanyang tuhod. Madali na rin niya itong naigagalaw. On the side of her new leg, she noticed a small red heart tattooed on the surface.

"Ako mismo ang lumikha niyan. It fits you well." Mrs. Bones admired her work.

Napsimangot naman si Snow, "Paano mo nalaman ang sukat ko?"

Humagikhik ang kalansay (if that's even possible), "Magaling tumansya ang amo ko. Master Pride has a thing for accurate estimations."

Si Pride?

Hindi makapaniwala si Snow White. How did he even knew she needed a new one? At sa mga sandaling ito, napagtanto niyang ito ang rason kung bakit siya pinapunta sa anatomy room. She feel guilty just by thinking that he sent her here to be killed. Kanina, akala niya magiging isa na siya sa mga modelong nakadisplay sa gitna ng silid. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Mrs. Bones.

"Sala----"

"Good words are forbidden in the mansion Snow. Ginawa ko lang naman ang iniutos sa'kin ng amo ko."

Tumango na lang ang dalaga at ngumiti sa kalansay. Mrs. Bones smiled back, like a mother would to her child. Ni minsan, hindi niya pinagtangkaang makipagkaibigan sa kahit kanino, pero mukhang isang exception si Mrs. Bones. Pakiramdam niya, mapagkakatiwalaan niya ito---kahit pa ang loyatly ng buhay na kalansay na ito ay na kay Pride.

*
Pride gritted his teeth in annoyance. Kanina pa niya pinapaulit-ulit basahin ang weekly reports, at hindi niya nagugustuhan ang resulta ng mga ito. Alam niyang hindi na nila pwedeng ipagsawalang-bahala ang bagay na ito, lalo pa't lumalala na ang sitwasyon.

'Dumoble ang bilang ng mga namamatay na mortal sa buong mundo, pero halos mangalahati na lang kami sa koleksyon. Is this some kind of joke?'

It has been their job since the world began, collecting the sinners' souls. Kapag inabutan na sila ni kamatayan, ang seven sins naman ang nagse-segregate ng mga kaluluwa base sa kanilang pinakamabigat na kasalanan noong nabubuhay pa sila. Sa nakalipas na mga siglo, tiyak na pasok sa kanilang standard average ang  nakokolekta nila. But now, the numbers are drastically decreasing, leaving them with only a few hundred souls this week---malayo sa bilang ng normal na koleksyon nila.

"We need to keep the balance of nature, but something's ruining our system.."

Lumiyab ang mga papel na hawak ni Pride dala ng matinding emosyon. He kept his face calm, but his eyes are blazing pits of hell. Marahan niyang inadjust ang salamin sa kanyang mata at huminga nang malalim.

"..or someone."

*

"Bakit ba tayo ang naka-schedule ngayon? I'd rather slaughter the witches inside my Torture Chamber than sit in this fucking office and waste my precious time!"

Reklamo ni Wrath habang pinapaikot-ikot ang isang lapis sa kanyang mga daliri. Bakas sa mukha nito ang pagkabagot at iritasyon. Sa kabilang bahagi naman ng silid, walang imik na nakatitig sa pader si Sloth. His eyes momentarily drifted to his brother, "Alam mo, kung natulog ka na lang, baka gumanda pa ang mood mo." Sabay hikab nito.

Wrath ran a hand through his hair, glaring hard at the lazy ass.

"Walang kwenta ka talaga. Puro katamaran na lang ba ang alam mo?"

"That's the point of being 'Sloth', don't you think?"

Huminga nang malalim si Wrath at pilit na pinakalma ang sarili (pero imposible talaga iyon). Sinilip niya ang papel sa kanyang kamay at sa isang kumpas, lumitaw ang isang babae sa kanyang harapan. Nakaupo ito sa client's chair nila, harapan ng kanya. Unfortunately, hindi sila pinapayagan ni Pride na umupo sa paborito niyang swivel chair, kaya kailangan nilang magtiis sa mga antigong upuan. Nagtatakang pinagmasdan ng babae ang dalawang lalaking nasa silid.

"Sino kayo? At nasaan ako?"

Wrath frowned, "Grace Anne Cabales, dalawampu't siyam na taong gulang. Naging manager ng isang bangko, nagkaboyfriend, blah blah blah---Look, I don't have all day! My fucking ass hurts sitting on this good-for-nothing chair! Sloth, sa'yo ang isang 'to." At pinunit ni Wrath ang information sheet hanggang makapira-piraso ito. Tulad ng inaasahan, nagsimulang magwala ang babae.

"Anong kasalanan ko?! Pawalan niyo ako dito! I'm innocent!"

Wrath rolled his eyes. "Sukdulan ang katamaran mo. Sa sobrang tamad mong maglinis ng bahay niyo, nagkasakit ka and all that shit. Just accept your fate."

Bago pa man humirit muli ang babae, mabilis siyang hinawakan sa balikat ni Sloth at itinarak ang punyal sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ni Grace, dama ang sakit na dala ng paglabas ng mga alitaptap mula sa kanyang katawan. The fireflies made her into nothing, until her spirit gave up. Lumutang ang mga ilaw na ito kay Sloth at inangkin niya ito nang walang emosyon sa kanyang mukha. He's used to this scene, like a movie on replay. Alam na niyang dito magtatapos ang lahat.

"Matagal pa sana ang ilalagi niya sa mundo. It's pitiful that she died of her own sin." Walang ganang kumento ni Sloth. Hindi na siya nag-abala pang walisin ang abo ng kaluluwa ni Grace. He's too lazy to even do that.

"Well, you're a lucky bastard. Nadagdagan na naman ang ihahaba ng walang kwenta mong buhay."

Wrath scanned through the files again. Gusto na niyang matapos ang trabahong ito agad. 'Bakit ba kasi hindi na lang yung kambal ang inassign ni Pride ngayong araw?' Naiinis na naman nitong isip at naikuyom ang kamao.

Suddenly, he felt the air shifted.

Wrath snapped his head towards the center of the room, at napakunot ang noo niya nang makita ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa isang silya. Hindi kagaya ng libu-libong kaluluwa ng mortal na napadpad dito, tila ba hindi ito nagtataka o natatakot sa kung nasaan siya. The man just sat patiently across from them, his hands folded in his lap. Nakatitig ito sa kanila at para bang may namuong tensyon sa silid.

"Bakit hindi siya natataranta? Did this guy expect his death?"

Naguguluhang bulong sa kanya ni Sloth na halatang hindi rin kumportable sa presensiya ng lalaki. "Hindi ko alam," at iyan ang unang beses na sinabi ni Wrath ang mga katagang iyan. He wanted to believe that this man already knew that he was going to die (tulad ng ilang kaso ng suicide na natatanggap nila kada linggo) pero ang manatiling kalmado habang sine-segregate ka ng Seven Deadly Sins? Ibang usapan na 'yon. No mortal knows what will happen to them after death---may he be a saint or a sinner.

"Hindi niyo ba babasahin ang information sheet ko? I want to get sorted right away."

Huminga nang malalim si Wrath, nararamdaman na niya ang pagkadisgusto sa taong ito. Kung pwede lang patayin ang isang patay, malamang ginawa na niya. His eyes scanned the files. Sa nabasa ni Wrath, lumakas ang kutob niyang may mali rito. 'Is this even possible?!'

"Jeremy Hans Boswell, twenty-three. Cause of death..."

Sinamaan ng tingin ni Wrath ang lalaki ngunit nakangiti lang ito sa kanya. Amusement flashed in Mr. Boswell's eyes. "Go on. Ano ang cause of death ko?"

Wrath felt the air turn icy cold.

"Wala."

Wala..

'Paano nangyari iyon?!' Sinipat muli ni Wrath ang papel, baka naman namamalikmata lang siya? Ngunit kahit pa yata baliktarin niya ang basa sa mga salita, hindi pa rin ito magtutugma sa sitwasyon. Wala siyang ikinamatay. Tila ba naalarma na rin si Sloth sa narinig, "Imposible! Tanging mga patay lang ang napapadpad sa lugar na 'to.. How could your spirit be here if you're not separated from your body?!"

"Unless," Wrath stood up, an aura of dark surrounding him, "hindi ka pa patay."

Mr. Boswell smirked, "Hindi pa nga. Pumunta lang ako rito para mangamusta sa inyo, Wrath. I just want to know if your system is still working properly---" pinasadahan nito ng tingin ang mga papeles na nasa kanilang mesa, ang kakaunting bilang ng mga nakaschedule ngayong araw, "---but it looks like your own system is failing you. Nakakaawa naman ang Seven Sins."

Galit na sumugod sa kanya si Wrath.

In times like these, all rational thoughts fly out the window. Mula sa hangin, nahulma ang paboritong katana ni Wrath, kuminang ang malaki nitong patalim sa liwanag ng silid. No one can count how many mortals Wrath has already killed using that blade. The prince of anger and violence bellowed, "DIE, YOU SON OF A BITCH!" Ngunit bago pa man niya matamaan si Mr. Remi, mayroong sumalag sa kanyang atake. Wrath's dark eyes widened upon seeing a wooden monster in front of him.

"What the hell?!"

Gawa sa kahoy ang katawan ng halimaw, black and polished to perfection. Hugis tao ito na may naglalakihang spikes sa kanyang likuran. The monster's hands were made of claws at ang mukha nito ay gaya ng sa orasan. Paulit-ulit na napamura si Wrath nang ayaw makalas ang patalim mula sa pagkakabaon sa braso nito. Galit niyang binalingan si Sloth, "A little help would be much appreciated, brother!" Sarkastiko niyang sigaw.

Sloth stood up, alert and confused. Noon lang din siya nakakita ng ganoong halimaw. 'A clockwork monster? How creative!' Sinuri niya ang paligid para maghanap ng maaaring magamit. Sloth grabbed the nearest lampshade at binato ito sa halimaw.  Umalingawngaw sa silid ang pagkabasag nito, the monster's head turned to his direction. Napalunok si Sloth.

'Wait! Wala pa akong naiisip na plano!'

Patay na talaga.

Napapailing na lang sa iritasyon si Wrath. Sinubukan niya ulit hugutin ang patalim sa kahoy, ngunit tila ba mas bumabaon lamang ito. 'The wood is absorbing my precious blade!' Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. The monster advanced to Sloth, who backed against the wall. Yumanig ang mga yabag nito sa sahig, nag-iiwan ng malalalim na hukay sa dinadaanan nito.

On the other hand, Mr. Boswell's eyes fell to his wristwatch.

"What a shame. Look at the time! May kailangan pa kaming puntahan."

Ipinitik niya ang kanyang mga daliri. Tila ba naging hudyat ito para bumalik sa kanyang tabi ang clockwork monster, like a dog obediently following its master's orders. Isang malokong ngiti ang iginawad ng clockmaker sa dalawang demonyong nasa silid. "See you next time."

Naikuyom ni Wrath ang kanyang mga kamo hanggang sa bumaon ang kanyang mga kuko sa balat. His blood trickled down, staining the carpet. Tumalim ang kanyang tingin sa mortal, "Ibalik mo ang katana ko, you fucking worthless mortal! Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, gigilitan kita ng leeg!" Pagpipigil nito. Gustuhin man niyang sugurin muli ang halimaw at ang nababaliw nitong amo, alam ni Wrath na kailangan na muna niyang pag-aralan ang sitwasyon. Ni hindi niya alam kung ano ang mga nilalang na ito. The monster seems stronger than normal, at hindi nakatutulong na nasa loob sila ng opisina---regardless of anything, baka patayin pa sila ni Pride kapag nasira nila ang silid na ito.

He needs to formulate a plan to take them down. Kailangan niyang balaan ang mga kapatid niya sa panganib na ito. Wrath may be reckless and hot-tempered, but he is not stupid to wage a war without a strategy.

Mr. Boswell smiled, "As you wish."

Humakbang papalapit ang clockwork monster, doble ang laki sa isang mortal. Nang akala niyang iaabot sa kanya ang hinihinging katana, itinapat ng halimaw ang kanyang palad kay Wrath. Biglang lumabas mula sa kanyang kamay ang katana, tila ba isang bala. The blade slashed through the air, at tinamaan ang tagiliran ni Wrath bago pa man siya makailag. Masyadong mabilis. Mas mabilis pa kaysa sa abilidad nilang mga demonyo.

"Shit!"

Napasandal sa pader si Wrath, his blood oozing out of him. Agad siyang nilapitan ni Sloth. Nang balingan nilang muli ang misteryosong mortal at ang kanyang kampon, naglaho na mga ito. Wrath sighed in frustration, "Maghihilom ang sugat ko. Mabuti na lang at mga imortal tayo.. We need to tell the others about this." Tumango si Sloth at pinulot ang information sheet sa sahig. He stared at Jeremy Boswell's picture.

"Kutob ko hindi ito ang huling beses na makakadaupang-palad natin si Boswell."

Indeed, not.

---

It's true that what is morbid is highly valued today,
and so you may think that I am only joking
or that I've devised just one more means
of praising Art with thehelp of irony.

There was a time when only wise books were read
helping us to bear our pain and misery.
This, after all, is not quite the same
as leafing through a thousand works fresh from psychiatric clinics.

---Ars Poetica?,
Czeslaw Milosz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top