TRIGINTA UNUM

Mahimbing nang natutulog si Snow nang maramdaman niya ang pag-uga ng kama. Noong una ay hindi niya ito pinansin, 'baka magulo lang matulog ang mga bubwit na 'yon!' inaantok niyang isip. She has no time to assess how they ended cramped up in her bed. Nonetheless, Snow's queen-sized bed provided a safe haven from her menstrual discomfort and tired body. Ngunit, hindi siya makatulog.

Hindi siya makatulog dahil sa patuloy na paggalaw ng kama, as if an earthquake is occurring at the very moment. 'Teka.. Lumilindol nga ba?!'

Snow White's eyes shot open.

'Shit! 'Wag naman sana!'

Napabalikwas siya ng bangon, tumama ang kanyang likod sa headboard ng kama. Napangiwi siya sa sakit kasabay ng pagkusot ng mga mata, an attempt to dispell any remaining sleep in her. Noon niya lang napansin ang pagsikat ng araw, kasabay ng pagkawala ng mga batang natutulog ss tabi niya----maliban na lang kay Sloth liit na nakakumot pa't nakasubo ang hinlalaki. May laway pa sa gilid ng labi nito. The baby lazy-ass almost angelic.  Napangiti si Snow. 'Sloth had always looked like an angel,' she admitted.

"Chooooo~! Smack down! BWAHAHAHA!"

Nakaagaw ng atensyon ni Snow ang patuloy na paggalaw ng kama. Napasimangot siya nang makitang naglalaro sa gilid nito ang kambal. Little Envy had a smirk on his chubby face as he sat ontop of his brother, in a wrestling position. Nagpupumilgas naman si Greed sa hawak ng kambal, "Nidaya mo! Tumbong kita Ate Snow! Waaaaaaah!" Nangiyak-ngiyak na ang bata habang pilit kumakawala dito.

"Gweedy bastawd!"

"Enwy, bungi!"

"Bungi ka win!"

(win=rin)

"Enwy, taba! HAHAHAHA"

"Nitaba ka win! Kambal tayo! BELAT! HAHAHAHA"

"WAAAAAAAAAAH!"

Soon enough, Greed kicked Envy and the two kids stumbled and wrestled. Napabuntong hininga na lang si Snow. Mukhang gumaganti si Envy sa pambu-bully sa kanya ng kakambal niya kahapon. "Hay. Kung childish sila noong matatanda sila, mas childish sila ngayon.." Pinanod niyang magpagulung-gulong ang kambal habang nagbabangayan at nag-aaway. Hindi na siya nagtaka nang lumusot na sila sa ilalim ng kama niya. Ang kulit!

Tatayo na sana siya nang mapansin ang breadcrumbs sa kama. Snow frowned, "Sinong nagkalat dito?!" Inis niyang binalingan ang iba pang magkakapatid na paikot-ikot sa silid na parang mga trumpo. Natigil silang lahat, pati ang kambal----sabay turo kay Gluttony na tahimik na ngumangata ng toasted bread.

"SIYA!"

Gluttony smiled nervously at mabilis na tinago ang kinakain sa kanyang likod. Snow still wasn't convinced, seeing breadcrumbs all over his face. "Oops." Inosenteng bulong ni Gluttony, obviously guilty. 'Akala ba talaga niya hindi siya hahalata?'

Huminga nang malalim si Snow. Well, she honestly can't blame him. Eating is Gluttony's hobby. 'Wag lang sana itong aakyat ulit sa chandelier. Tumayo na si Snow at dumiretso ng banyo. Ngunit, hindi pa man siya nakakapasok sa loob, binungad na agad siya ni Lust na may dala-dalang... "Oh, no---"

"LAKI BAND-AID!"

Maligayang sigaw nito habang iwinawagaygay ang isang napkin. Mukhang nakalkal nito ang mahiwagang kabinet! Lust grinned like a pervert and started running arround with the thing yelling, "BWOTHERS, LOOK! LAKI BAND-AID! BWAHAHA!"

Napanganga si Snow nang tumalon-talon pa ito sa kama, dahilan para magising ang kawawang si Sloth. Little Sloth barely opened his eyes and glared at Lust. "Damn it! Akin na 'yan, Lust!" Sinubukang habulin ni Snow si Lust pero sadyang mas maliksi ang paslit. Hindi nakakatulong ang malakas na tawanan ng kambal. Nabaling na lang ang atensyon niya nang makitang kinakalkal naman ng mga ito ang mga damit niya.

"Gweed! Nitingnan mo!"

"Hala! Ano 'yan?"

Snow stared in horror as the twins started poking her undergarments----specifically, her bras! Namula sa galit at hiya si Snow nang sinubukang isuot nina Envy at Greed ang kanyang mga bra sa pwetan nila, laughing their hearts out. Nakisali na rin sa kakulitan si Lust habang idinidikit niya ang "malaking bandaid" sa noo ni Wrath na naka-indian sit sa isang gilid.

Ngumiti si Lust sa kapatid, his cheeks round and soft. "Bagay mo, Wrath! Bwahahaha!"

Wrath pouted. Ngayon ay nakikita na ni Snow ang unti-unting paglabas ng galit ng kasalanan. Nagsisisigaw si Lust nang habulin siya ng isang galit na paslit, na may napkin pang nakadikit sa noo. Sa kanilang paghahabulan, nabasag pa ang salamin kung saan nagpapakita sa kanya si Chandreh. Bukod pa roon, natumba pa sa upuan si Gluttony na kumakain ng popcorn. Halos tumalbog sa sahig ang batang matakaw. Nasapo na lang ni Snow ang kanyang noo sa iritasyon. "Damn these kids.."

*
Ding-dong.

Nag-angat ng tingin si Snow nang marinig niya ang doorbell. Bukod sa nagulat siyang malaman na may doorbell pala ang mansyon, nagtataka siya kung sino naman ang bibisita sa magkakapatid? The mansion is well-hidden in the forest at imposible namang makapasok ang ibang nilalang dito dahil kinakailangan muna nilang dumaan sa gate. 'May enchantments pa ang gate na 'yon kaya imposible..' She thought while walking through the halls. Posible kayang may nakaakyat sa mga bakod?

Ding-dong.

Maingat na binuksan ni Snow ang double doors. The person she saw wasn't who she was expecting, at all. Binati agad siya ng mapanuri nitong mga mata, her blonde hair flowing behind her.

"Fleur?"

At mukhang galit pa ito!

"Nasaan si Lust?! I demand to see him, you little mortal btch!"

Napahakbang papaatras si Snow nang sinubukang pumasok ng mansyon ng dyosa. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito habang sinusuyod ng tingin ang mansyon.

"LUST? WHERE ARE YOU, LOVE?!"

Natatarantang pagtawag nito. Snow White rolled her eyes. "Bakit ka ba nandito? At paano ka naman nakalabas ng fountain?" The goddess of the Fountain of Tears glared at her, "Hindi pa bumabalik si Lust sa kwarto niya mula pa kahapon! He usually visits Suicide Beach every night, but I never heard him yesterday! YOU KIDNAPPED HIM!"

Walang emosyong tinaasan ni Snow ng kilay ang babae. Oh, how she really hates drama! Huminga siya nang malalim at sinalubong ang nanggigigil nang Fleur.

"Hindi ko siya kinidnap. Haven't I made it clear to you that we have no relationshit?"

"I'm not stupid enough to believe those lies, you piece of trash."

"Really? Tsk. But it seems that you're stupid enough to chase after an ex-boyfriend who just used you!"

Napasighap na lang siya sa gulat nang biglang sumigaw sa inis si Fleur at iminuwestra ang mga kamay sa ere. In a heartbeat, water came rushing in through the doors. Mabilis siyang nagapi ng tubig na kinokontrol ni Fleur, nakalubog ang kalahati ng katawan ni Snow dito habang naka-angat sa ere. 'This is crazy!' Sigaw ng isip ni Snow habang pilit kumakawala sa tubig na bumabalot sa kanya. Fleur walked towards her, eyes sharp and deadly.

Fleur walked towards her, eyes sharp and deadly.

"Bitiwan mo 'ko!"

"O, nasaan na ang tapang mo? You really think you're the fairest of them all, Snow White?" Natawa si Fleur, nang-aasar. Sa mga mata ni Snow, tuluyan nang nag-evaporate ang taglay nitong kagandahan.

"You're desprate.. Kaya ayaw sa'yo ni Lust!"

"So? Look, alam kong hinalikan ka niya.. Poor little mortal slut, akala mo ba may magmamahal sa'yo? Akala mo ba may tatanggap sa'yo?" Asik nito.

Humigpit ang pagkakagapos ng tubig sa katawan ni Snow, her whole body drenched in liquid. Para bang kinakapos na siya ng hangin, nakamamatay nga pala ang pressure ng tubig. Her eyes widened when the water slowly crept onto her neck, towards her face. Mukhang may plano siyang tapusin ng nababaliw na dyosa!

"Damn it! S-Sa tingin mo ba, hindi ko alam ang bagay na 'yan?! Fck! S-Stop----!"

"I'LL STOP IF YOU STOP BEING SUCH AN ATTENTION SEEKER! ALILA KA LANG NAMAN NG MAGKAKAPATID, HINDI BA?!"

Hindi na nakapagsalita pa si Snow dahil ramdam niya ang unti-unting pagbagal ng tibok ng kanyang puso. Her breaths were shallow, oxygen slowly leaving her. Nanginginig na rin ang katawan niya sa lamig ng tubig na nakabalot sa kanya. Napalunok si Snow at nag-isip ng pwedeng gawin para makatakas sa sitwasyon na 'to. 'Tutal, sanay naman akong tinatakasan ang mga sitwasyong ayoko..' She bitterly thought as she tried to focus. Pero inaamin niyang mahirap hanapin ang konsenstrayon mo kung halos kapusin ka na ng hininga at may tumatalak na dyosa sa harapan mo.

'Nothing.. Damn! If this is how my story's gonna end, I'd rather rot in hell than have Fleur laughing at my face!'

Snow White felt hopeless. Ano bang iniisip niya? She was going to die anyway. Lahat naman tayo ay mamamatay, mag-iinarte pa ba siya sa kung paanong paraan niya gustong mamatay?

But just when Snow struggled for her last breaths, narinig niya ang boses ng isang paslit. It came from an adjacent hallway.

"Ano nigagawa mo kay Snow babes?!"

Snow saw Fleur turned to the direction of the voice. Nakita niyang rumehistro ang gulat sa mukha ng dyosa nang makita ang isang batang Lust na matalim ang tingin sa kanya----habang naka-diapers. Little Lust glared deadly at Fleur, his chubby arms crossed over his chest. Palihim na napangiti si Snow. 'Nakatakot na sana.. Kaso nakasuot pa rin siya ng mini-shirt na may nakadesign na banana sa harapan.'  Ilang sandali pa ang lumipas bago nakapagsalita ang blonde.

"L-Lust, baby? A-Anong..."

"Get out."

Napasimangot si Fleur at bumaling ulit kay Snow White.

"What did you do to him?!"

"I didn't do anything!"

"I'LL KILL YOU FOR THIS!"

Napangiwi na naman si Snow nang lumabas ang pagka-warfreak ng naturingang dyosa. Akmang lulunurin na sana siya nito nang mapasigaw si Fleur. May tumamang combat knife sa kanyang braso. Blood trickled down her arm as she glared at who did it. Noon lang napansin ni Snow si Wrath na nasa kabilang bahagi ng silid, holding several weapons and his...

"Machine gun?!" Napanganga si Snow nang itinutok ni Wrath liit ang kanyang paboritong "laruan" kay Fleur, kahit pa mukhang nabibigatan ito. Masama ang tingin nito sa dyosa.

"My bwother said 'get out', didn't he?"

Bago pa man makasagot si Fleur, napasigaw naman siya nang biglang bumulusok pababa sa kanya ang kambal na mukhang kanina pa nakatambay sa may chandelier. Envy and Greed mischievously landed on top of her and started messing her hair. Napapasigaw si Fleur sa ginagawa sa kanyang ng kambal. "Ah! Gosh! Get off me!" Sa kawalan ng konsentrasyon ni Fleur, tuluyan nang nawala ang hawak sa kanya ng tubig. Napaluhod siya sa sahig, habang hinahabol ang kanyanf hininga. Snow inhaled deep breaths of oxygen, glad for the intake.

Pinanood ni Snow ang sumunod na mga tagpo. Iritadong tumayo si Fleur at sinamaan ng tingin ang magkakapatid, hindi pa rin makapaniwala sa pagiging bata ng mga ito. "Did this she-monster do this to you?!" Tanong niya sa mga batang kasalanan. Sumimangot lang ang mga ito kay Fleur, and Snow saw little Wrath attempting to aim his machine gun at her head. Natigil lang ito nang may tumamang unan sa ulo ni Fleur na naging dahilan para bumagsak siya sa sahig.

"AH! SINO 'YUN?!"

Sabay-sabay silang bumaling kay Sloth na inosenteng nakangiti sa blonde. A smile on his chubby face as he grabbed another pillow. "Piwow fight!" at pinagbabato na nito kay Fleur ang kanyang mga unan.

(Piwow=pillow)

Napanganga si Snow nang nag-iwan ng bitak sa lupa ang mga unan. Mukhang alam niya kung anong klaseng mga unan ang ginagamit ni Sloth! 'This is getting out of hand!' Mabilis niyang binalingan ang magkakapatid. "Hoy, tama na!" Pero ayaw makinig sa kanya ng mga bata. Sabagay, kailan nga ba sila nakinig kay Snow? Napasinghap na lang din ang dalaga nang biglang pumasok mula sa central hallway si Gluttony habang nakasakay sa isang fried chicken.

"TUGOD MGA FOODS KOOOOOOO!"

(Tugod=sugod)

At biglang sumulpot ang iba pa nitong mga alagad. Mga black belter na lechong manok at hamon! Mabilis na tumakbo papalayo si Fleur nang akmang dadambahin na siya ng hamon, Fleur hurriedly disappeared through the double doors and jumped into the Fountain of Tears. Napapailing na lang si Snow sa mga pangyayari.

Biglang sumara ang mga pinto, and she found Pride locking the door (nakatingkayad pa ito dahil halos hindi niya maabot ang lock). The eldest sin turned to them, and adjusted his eyeglasses with both hands.

"She's not wewcome hewe."

(Wewcome=welcome)

Napabuntong-hininga na lang si Snow sabay silip sa basang sahig. "Mga pasaway talaga kayo."

Only an hour to go before the seven sins return to normal. Ayaw man aminin ni Snow, pero parang mas gusto niyang manatili na lang silang mga paslit kahit pa lubhang makukulit sila at mga pasaway. She sighed and watched them eat together at the living room. Napagdesisyunan ni Snow na sopas na lang ang ihain sa kanila (courtesy of a refrigerator that never ran out of supplies). Pinanood niyang magtawanan ang mga batang ito, their feet didn't even touch the floor. It was even a miracle that the sofa was big enough for them to occupy. Magkakatabi sila, pawang naghaharutan at matataba ang mga pisngi. 'Cute bastards. This isn't even fair!' Hindi maalala ni Snow kung maging "cute" rin ba siya noong kabataan niya. She doesn't want to find out.

"Waaaah! Gluttony, agaw mo na naman pakain ko! Baaaaad~!" Nanghihimutok na sabi ni Envy habang naka-pout sa direksyon ng kapatid na inagaw ang bowl niya.

She admits that Envy looks adorable as a kid. Ang tanging nagpapaalala lang sa kanya sa binatang ito (bukod sa ugali) ay ang mga mata niya. Envy's eyes always held that certain mischief and assurance. A lovely paradox for the prince of being envious. Napapailing na lang si Snow nang hindi pinansin ni Gluttony si Envy at patuloy lang ito sa pagkain. Paiyak na sana ang bata nang kinalabit siya ng kakambal.

"Hati tayo!"

At iniaabot ni Greed kay Envy ang bowl ng pagkain. Envy's eyes sparkled, but just when he was going to eat, biglang inilayo ni Greed ang bowl at tumawa. "Bleh! Ayaw ko nga! Bwahahaha!" Ayan na naman sila. At nagkarambulan na naman ang kambal. Nang matamaan si Wrath sa gulo nila, mabilis niyang inaway ang mga ito. The twins only laughed.

"Damn twins! I'm gonna kiw you!"

(Kiw=kill)

"HAHAHAHAHAHA! Buwol! Buwol!"

(Buwol= bulol)

Wrath.

Namula si Snow nang bumalik na naman sa mga alaala niya nangyari sa dungeons. 'Shit.' Mahinang napamura si Snow at nag-iwas ng tingin. They haven't even talked about it. Should they?

"Snow babes! Subuan mo 'ko!"

And then, there's Lust. Snow crouched down to his level and smirked, "May kamay ka naman 'di ba? Kaya mo na 'yan. Hindi ka si Sloth para katamaran ang mga bagay." She winked at him that made the little pervert blush. Gustuhin man niyang magpasalamat sa mga ito sa pagtataboy kay Fleur kanina, Snow White knows better than to be driven by impulse. It's illegal for good words and she doesn't think she'll have the courage to actually express her gratitude to these bastards.

Sinilip ni Snow si Sloth na humihilik na. She's have to remind her self two things when they get back to normal: first, she'll need to do the laundry and second, she wants to ask Sloth for music lessons. Matagal na niya itong naiisip, pero lagi niya itong isinasawalang-bahala. Siguro naman, pagbibigyan siya nito, hindi ba?

"Pwincess?"

Napabalik sa kasalukuyan si Snow nang tawagin siya ni Pride. Kanina pa pala ito nakamasid sa kanya. She forced a smile, "Anything you need, Pride?"

"Ikaw."

Napatigil siya sa sinabi nito. Tama ba siya ng narinig?

Pride rolled his eyes and clarified, "I want to show you something." At naglakad na ito patungo sa isang pasilyo. Wala nang nagawa si Snow kung hindi iwan muna ang mga batang naghaharutan na sa sala. She followed the small Pride into a dim hallway, past several corridors, until she finally asked, "Kanina ka pa missing in action. May inaasikaso ka pa ba?" But the sin continued walking, not even glancing at her.

"Once we get back to nowmal, you'll continue you'we twaining."

Pinigilan ng dalaga ang matawa sa pagiging bulol nito at tumango na lang. Baka kung anong parusa pa ang maisipan ng isang 'to. Pride led her towards an unknown door, hindi katulad ng iba, ang pintuang ito ay hindi kapansin-pansin. Halos mag-blend na ito sa pader. She watched Pride grabbed a key from his mini-chest pocket and tried to open the door. Napansin ni Snow na hindi pa rin nito abot ang keyhole kahit pa tumingkayad ito.

"Um.. Pride? I think it's too high for you----"

"Kaya ko 'to!"

Inis na sagot ni Pride at tumalon-talon pa. Bakit kasi ang taas ng lock? Ilang ulit pang sinubukan ng paslit pero wala talaga. Naiirita siyang bumaling kay Snow. "Fine." Para bang masama pa ang loob nitong humingi ng tulong. 'Well, that's Pride.' She mused and easily opened the door. Bumungad sa kanila ang amoy ng mga aklat at parchment, but inside of total darkness, several computer screens blinked at her. Nang makapasok sila sa loob, napamaang si Snow nang makita ang malalaking monitor sa kanyang harapan.

"Para saan ang mga 'to?"

"This is our Control Chambew. Dito namin mino-monitow ang mga kaluluwa ng mga makasalanan." Walang emosyong sabi ni Pride at sinilip ang ilang screen. Snow White never thought that the mansion had this kind of technology in it, a fusion with modern methods. Napansin niya ang pagkislap ng mga puting tudlok sa monitor, at ang mga pulang tuldok na pumapalit sa mga ito.

"White dots repwesent souls that we need to collect. Mawaming trabaho ang naiwan sa'min magmula kahapon." Sunod namang itinuro ni Pride ang pulang mga tuldok na kumikislap sa kanilang mga manitor, "Those wed dots are irregulawities. Mga kawuwuwang hindi namin nakolekta at bigla na wang nawala." Despite his speech difficulties, seryosong nakatingin si Pride sa mga ito.

"You think Boswell is taking them?"

Tumango si Pride. "Unfowtunately, yes."

"T-Teka.. Ibig sabihin, nababawasan na ang buhay niyo?" Naaalala bigla ni Snow ang mga ikinukwento sa kanya nina Envy and sometimes, she even got information from Chandresh. Alam niyang kinuha ng Seven Deadly Sins ang natitirang life span ng mga makasalanang mortal para mabuhay.

Mahinang natawa si Pride, walang bakas ng saya.

"As of now, it's not a pwoblem. Pero kung magagawa niyang nakawin ang kawuwuwa ng lahat, we'll be half-dead."

"Half-dead?"

"Kapag wala kami nakolektang ni isang kaluluwa ng mga makasalanan ng pitong araw, sunod-sunod.. We'll lose ouw powers."

Nanahimik si Snow. The Seven Deadly Sins, powerless? Sana naman ay hindi na umabot sa puntong iyon. Bigla siyang kinabahan para sa mga ito. Hindi niya lubos maisip na posible ang bagay na iyon.

Pride sensed her fear.

"Mawawalan lang kami ng kapangyawihan. Mananatili kaming immowtal pero mahihiwapan na kami. Tuluyan lang kaming mamamatay kapag nalaman nila ang kahinaan namin.." Pride stared at nothing in particular, "And I'm afwaid Boswell alweady has a plan to get to us."

Snow White bit her inner cheek. Kinakabahan siya para sa mga susunod na pangyayari. Sabi nga nila, ang kaligayahan ay madalas, hindi nagtatagal. Misery always followed happiness around like a shadow.

"And why are you telling me all this?" Halos sabihin na ni Pride sa kanya ang lahat---maliban na lang sa pinakaiingatan nilang sikreto. Kung anuman iyon, ayaw nang alamin ni Snow.

Little Pride smiled sincerely at her, his chubby cheeks and innocent eyes assessing her.

"I twust you."

---

We remain in life’s journey,
Like loners sitting depressed,
On solitary park benches, or,
Standing in balconies, staring,
Loneliness gnawing at our minds,
As hungry ants at a grain of food.
Often in life’s vicious lanes,
In lonesome moments,
It’s our failures we ponder,
Not trasient joys and victories,
We do not remember other's courage,
Only their faults, and habits.

---"Loneliness",
John Matthew

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top