TRIGINTA TRES
Ding-dong!
Ding-dong!
Naiinis na ibinaba ni Pride ang binabasang files at inayos ang salamin sa mata. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Bakit ba kanina pa tumutunog ang doorbell? Hindi ba ito naririnig ni Snow? 'Para saan pa't kumuha kami ng alipin?', isip-isip niya. Pilit mang itago ni Pride, pero naaalarma na siya sa mga pangyayari. Kanina lang ay natanggap niya ang report nina Gluttony at Envy, nagsasabing iilan na lang ang mga kaluluwa ng mga kasalanang dumaan sa kanila sa Segregation Chamber.
"Pride, paano kung---?"
"Shut up, Envy. This is only a minor problem."
Agad na sumabat si Gluttony, buong atensyon ang ibinigay nito sa kanya (sa kauna-unahang pagkakataon ay wala rin itong hawak na pagkain), "Brother! We need to take action! Baka mamaya----"
"Like I said," tinaasan na ni Pride ng boses ang kapatid, "this is only a minor problem. Masosolusyunan ko ito."
At hindi na sumagot pa ang dalawang kasalanan.
Mukhang kailangan nga nilang bisitahin ulit ni Wrath ang Clockwork's Shop. Noong huling punta nila dito ay patay ang mga ilaw at walang katao-tao sa loob. Dahil hindi sila makapasok sa hindi malamang dahilan, Pride observed the shop from the outside. Wala siyang nakitang kakaiba sa lugar kung kaya't bumalik na lang sila sa Segregation Chamber. That, and he needed to restrict Wrath from breaking in the shop with the help of his precious axe. Ayaw ni Pride na may mali sa kanyang mga kalkulasyon, ayaw niyang hindi nasusunod nang maayos ang pulido niyang mga plano.
But recently, he feels as if he's missing a piece of the puzzle.
Ding-dong!
"Shit."
He cursed under his breath and teleported to the front doors. Walang ganang inayos ni Pride ang suot na black coat at kalmadong binuksan ang pintuan. Sino naman kaya ang bibisita sa mansyo nang ganitong araw?
'Probably Lust's ex-girlfriends..' Hindi na talaga magtataka ang nakatatandang kasalanan kung makakakita siya ng isang batalyon ng mga babae sa likod ng mga pintong ito. Huminga siya nang malalim at sinilip ang labas. Pero sa lahat ng kanyang inaasahan, ang makakita ng isang package ang hindi kasama sa mga ito. Pride's eyebrows furrowed upon seeing a lone package left on the doorstep. The brown paper had been neatly wrapped in string. "What in the world is this?" Kinuha ng binata ang card sa harapan nito.
ENJOY.
Iyon lang ang nakalagay. Mukhang alam na niya ito. Pride frowned, "Lust! May inorder ka na naman bang magical condoms, you nutheaded sex-addict?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong 'wag ibigay ang address ng mansyon?!" Honestly, sometimes Pride wants to slingshot his brothers back to hell. Nakakaasar ang ugali ng mga ito at nadadamay ang pinakamamahal niyang mansyon. Pride keeps everything in control and yet those idiots frequently destroy anything they can.
Biglang sumulpot si Lust.
"Hoy! Bakit ako na naman?! I haven't ordered anything!"
Pride threw the package at him and slammed the door shut. "I have lived long enough to NOT believe you." At bumalik na ito sa kanyang Private Study. Marami pa siyang mahahalagang bagay na kailangang asikasuhin. Bahala na si Lust sa kanyang order.
*
Lutang si Snow habang isinasampay sa indoor sa sampayan ang kanilang mga nilabhan--actually, Greed's only contribution is to pester her around and comment on how they need to have one of those "washing machines" mortals are addicted to. Kahit pa ang banana-printed boxers ni Lust ay hindi pinalampas ni Greed sa kanyang panlalait. Hindi tuloy alam ni Snow kung matutuwa ba siya o maiinis sa pagsama nito sa kanya. Pero kahit na naroon sila sa loob ng laundry area, hindi pa rin maiwasan ni Snow ang paglipad ng isip niya sa ibang mga bagay.
To say that she was disturbed with the new information, is clearly an understatement.
'Pinatay ni Wrath si Monique, ang maid nilang nabaliw dahil sa pananatili dito sa mansyon..' Nanindig ang mga balahibo ni Snow sa naiisip. Kaya pala kuhang-kuha ni Wrath ang mukha ng babaeng nasa ilusyon, dahil siya mismo ang tumapos rito sa loob ng dungeons.
Hindi na dapat magtaka si Snow White.
No matter how much she wants to sugar-coat the word, they are still heartless "devils" lurking in the shadows of this deadly mansion.
Hindi na siya nagtataka kung bakit nabaliw si Monique. Ayaw na niyang alamin pa kung paano ito namatay---o kung paano siya pinatay. Either way, the idea alone left chills up Snow's spine.
Maglalakad na sana siya papunta sa kanyang silid, kailangan niyang kausapin si Chandresh. Somehow, that violet-eyed male became her bestfriend, always ready to listen. Ito ay kahit pa madalas ayaw ni Snow ng kausap. Lumiko siya sa isang pasilyo, nadaaanan ang Dessert Room at dining hall. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na musika. Ito rin ang musikang una niyang narinig pagkatapak niya rito sa mansyon.
"Für Elise."
Again, Snow White followed the soft music. She was a ship lost at sea, and Sloth's music somehow became her lighthouse. Hindi maintindihan ni Snow ang nararamdaman sa bawat melodiyang nanggagaling sa Music Chamber ng binata. 'It's like he's pouring his heart out with every note..' Nang madala siya ng kanyang mga binti sa pamilyar na silid, napansin agad ni Snow na hindi lang pala siya ang napukaw ang atensyon sa musika. At a safe distance, she could see Gluttony and Envy standing near the door.
Mukhang seryoso ang kanilang usapan at hindi pa siya napapansin ng mga ito.
"It's that time of the year again?" Mahinang tanong ni Envy.
Gluttony sighed, "Hindi na naman siya makakatulog. It's surprising how our lazy brother could restrain himself from sleeping.."
"Ano pa bang aasahan natin? It's her death anniversary. Sloth's been keeping track of time, better than any of us."
"Well, I hope that he doesn't bump into Wrath today. Baka magkagulo na naman.."
Napamaang ang dalaga sa narinig. Baka naman namali lang siya ng dinig? Maingat na nagtago si Snow sa isang pasilyo at hinintay ang pag-alis ng dalawa. Ilang sandali pa, lumapit si Snow sa bukana ng Music Chamber, the soft light coming from the chandelier. Nang silipin ni Snow si Sloth, doon niya nakita ang binatang ibinubuhos ang puso sa kanyang musika. Para bang nakikipag-usap ito sa presensiyang matagal nang nawala.
The classical piano music sounded ten times more heartbreaking.
'Sinong pinag-uusapan nila kanina? Sinong may death anniversary?' Umiiral na naman ang kuryosidad ni Snow.
'At anong kinalaman ni Wrath dito?'
Sa mga sandaling iyon, habang tinititigan niya si Sloth sa malayo, naunawaan na ni Snow White ang lahat. A sad smile crossed her lips. Parang kanina lang ay pinag-uusapan nila ito ni Greed.
*
Amidst confusion, Lust managed to drag the heavy package back to his room. "Ang alam ko talaga wala naman akong inorder!" Napabuntong-hininga siya at pinunit ang eleganteng balot nito. Nang masilayan ng prinsipe ng pagnanasa ang laman ng package, napasimangot siya. "Aha! I told him this isn't mine! Bakit naman ako mag-oorder ng orasan?"
Tinitigang maigi ni Wrath ang kahoy na wallclock. Its shiny black woods had been polished to perfection. Detalyado ang mga designs nito sa kaha at maging ang mga numero ay perpekto ang pagkakapinta. Sinipat ni Lust ang orasan nang nakasimangot. Kung sino man ang nagbigay ng orasang ito, sana alam niyang wala rin itong silbi sa mansyon. 'Time is meaningless here,' isip-isip ni Lust at binitbit ang orasan.
Tick-tock! Tick-tock!
The sound irked him. Napapailing na lang si Lust at dinala sa sala ang naturang orasan. Doon at pinalitan niya ang luma nilang orasan at inihagis ito sa bintana. Lust ginhgerly touched the new clocka and smiled proudly. "There! Baka matuwa pa sa'kin si Pride sa ginawa ko." Lumawak ang ngiti ni Lust at naglakad na papalayo.
Sa pag-alis ni Lust, panandaliang binalot ng katahimikan ang silid. Tumigil na rin ang pagtunog ng bago nilang orasan, tila ba naghihintay ng tamang pagkakataon para pumatak ulit ang mga daliri sa nakatakdang oras.
*
Hindi alam ni Snow kung gaano katagal na siya sa labas ng Music Chamber. Ang tanging alam niya lang ay ang lungkot sa mga mata ni Sloth na nakatuon lang ang atenyon sa ginagawa. He's always been a passionate soul for the sake of music. Naalala bigla ni Snow na gusto nga pala niyang magpaturo kay Sloth ng piano. Kung sasapitin man niya ang kaparehong kapalaran ni Monique, maninam nang lubusin na ni Snow ang nalalabing panahon sa mansyon. 'If they're going to kill me eventually, best not to live a life with sny regrets,' kumento ng dalaga sa isip. Though, a part of her still believes that they won't harm yet. Hindi na alam ni Snow kung ano ang paniniwalaan. Hindi na niya alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan.
Hindi na namalayan ni Snow na kanina pa pala tumigil ang musika.
"Kanina ka pa ba nakatayo diyan?"
Napapitlag siya sa boses. Nakatitig na pala sa kanya si Sloth. Half-lidded eyes and his hands were shoved lazily into his pockets. Kinailangang huminga nang malalim ni Snow bago nakapag-isip ng matinont excuse, "Yes. I- just wanted to ask if you can teach me music lessons.. I-I mean---"
Umiling si Sloth, isang tamad na ngiti sa kanyang mga labi. Ngayong nakikita na nang maayos ni Snow ang mga mata ng binata, she could make out sorrow imprinted in there. Pilit niyang tinatakpan. How could a demon feel sad about something? It's still a mystery.
"Sure."
Napanganga si Snow sa narinig. "T-Tuturuan mo nga ako?" Hindi na naitago ng dalaga ang ngiti sa kanyang maga labi. She's be having music lessons!
Mahinang natawa si Sloth at ginulo ang buhok ni Snow.
"Yeah. I don't mind."
---
And in the open spaces I could sleep,
Half-naked to the shining worlds above;
Peace came with sleep and sleep was long and deep,
Gained without effort, sweet like early love.
---"Adolescene",
Claude McKay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top