TRIGINTA SEX

Hindi na malaman ni Snow kung ano ang dapat maramdaman sa pagkakataong ito. Eversince she set foot on this dark and creepy mansion, her emotions have already gone out of control. Tila ba isa siyang ibon na nakakawala sa hawla, dinadama ang kalayaang matagal nang ipinagkait sa kanya ng mundo. But now, as she stared in the eyes of Mr. Jeremy Hans Boswell, unti-unting bumalik sa mga alaala ni Snow ang pakiramdam ng nakakadena. Somehow, being behind those cold metal bars felt safer than standing in front of this psycopath.

"What's the matter? Aren't you going to say hello to me, my dearest Snow White?" He said every syllable like poison. Humakbang ito papalapit sa kanya na mas lalong nakadagdag sa kaba at takot ng dalaga. Nanlamig ang kanyang katawan nang makita ang mga mata nitong parang papatay anumang oras. 'Damn it! Paano siya nakapasok dito?!' Mabilis siyang lumayo at akmang tatakbo na pabalik sa madidilim na pasilyo nang hatakin siya sa braso ni Mr. Boswell.

"AT SAAN KA NA NAMAN PUPUNTA?!"

She wanted to scream, but his other hand covered her mouth. Hamak na mas malakas ito kaysa sa kanya. It's no use. 'I wish this is a fucking nightmare!', paulit-ulit na reklamo ng isip niyang pinangungunahan na rin ng takot at pagkabahala. Mr. Boswell laughed demonically close to her ear, "Hindi nila alam na kilala mo ako, hindi ba? Those sins don't know anything because you've been keeping them in the dark.."

Nanghihina na si Snow dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Sinubukan niyang kalmutin ang lalaki, ngunit tila ba wala itong epekto sa kanya. Her fingernails scratched deep into his flesh, but Mr. Boswell still managed to keep his nonchalant facáde. Nang hatakin siya nito patungon sa kadiliman, nagpupumiglas na siya.

"Shhh.. It'll all be over soon, little Snow."

Pero alam ni Snow na kailanman ay hindi matatapos ang bangungot na ito. Hindi niya alam kung saan siya kinakaladkad ng clockmaker, ang alam lang niya ay natapos na ang panandaliang katahimikan sa buhay niya.

*
"Damn it.."

Hindi na namalayan ni Pride na nakakuyom na pala ang kanyang mga kamao. Beside him, Wrath seems to be attempting to control his anger despite the fact that he can't. 'How unfortunate we are!' Tumalim ang kanyang tingin sa mangkukulam na walang ibang ginawa kundi ang paguluhin pa lalo ang sitwasyon. Ngayon, pati ang hari ng impyerno pa mismo ang dinala niya upang kumalaban sa kanila. "Let me guess, Boswell made you set up a trap for us? How romantic." Kasabay nito ay ang pag-ilag ni Pride nang inatake siya ng isang clockwork monster mula sa likod.

Morticia giggled, "Don't be jealous, Mr. Prideful," iwinasiwas nito ang kanyang kamay at lalong sumikip ang espasyong kinaroroonan nila. Wooden spikes emerged from the walls as the witch's laughter broke through the night, "Na sa'yo lang ang atensyon ko ngayong gabi, Pride! How about a little fun before you beg to join us?! HAHAHAHA!"

"Join you? I have to decline that offer. Just like how I repeatedly decline your worthless marriage proposal."

"Tsk. We'll see about that!"

Mahinang napamura ang panganay sa magkakapatid nang sunud-sunod na umatake sa kanya ang mga halimaw. Agad niyang ginamit ang kapangyarihan at sinilaban ang paligid. Blazing embers broke out from the shop's floorboards. Agad na kumalat ang apoy at nilamon ang mga halimaw. Seryoso at walang bakas ng emosyon si Pride nang sinimulan niyang pira-pirasuhin ang mga ito, the flames never leaving burns on his fair skin.

'Well, atleast this bastard's in his element!' Inis na binaling ni Wrath ang atensyon sa nilalang na kanina pa niya gustong balian ng leeg. But unfortunately, Hades is also immortal. Tila na nabasa ng hari ang iniisip ng prinsipe at ngumisi sa kanyang direksyon, "I'll kill you for stealing my puppy." At sa isang kisapmata ay hawak na ni Hades sa leeg si Wrath. His speed is extraordinary na kahit pa sina Wrath ay hindi ito nakita. 'Bullshit! He's still fucking bitter about Cerberus?!'

Wrath bent down and----

"GAH! DAMN IT, YOU LITTLE DEVIL!"

Natawa nang pagak si Wrath nang pagmasdan ang dumudugong braso ng demonyo. May bitemark pa ito mula sa pagkakabaon ng kanyang matatalas na ngipin. Wrath wiped the blood off his lips with the use of his backhand and grinned like a maniac. "Death match? Fine by me." At kinuha na nito ang katana mula sa kanyang likuran. Wrath started attacking Hades who elegantly dodged every single slash of the blade.

Nang magsawa na siya sa paboritong patalim, agad na kinuha ni Wrath ang kanyang machine gun mula sa kawalan. Nanlaki ang mga mata ni Hades. Wrath smirked, "Bye, bye, Hadey."

At napuno ng nakabibinging ingay ang buong Clockwork's Shop. Bullets raced through the air and tore through several clockwork monsters. Umalingawngaw ang kanilang mga sigaw at lalong nawasak ang lugar. Bumaon ang mga bala sa kahoy na pundasyon ng lugar. Agad na tumalon para umiwas si Pride at tumayo sa itaas ng isang grandfather clock, nakasimangot. He adjusted his eyeglasses, "Idiot. He's destroying the whole place!"

"Not before I take my revenge!"

Pride's eyes narrowed upon seeing Morticia in the air. Alam niyang malamang ay gumagamit na naman ito ng salamangka. Walang sabi-sabi ay may ibinulong na inkantasyon ang dalaga na naging sanhi ng paglabas ng mga kadena mula sa mga pader. "Shit!" Hindi na nakaiwas si Pride nang bigla siyang ginapos ng mga ito, slamming his body hard against the wooden floor. Sa lakas ng naging impact, nasira na ng tuluyan ang sahig at humalo sa abo ang maliliit na mga piraso nito.

Tick-tock.

Tick-tock.

Lumapit dito ang isang dosenang mga halimaw, clockfaces twisted in devilish proportions. Mula sa ilalim ng lupa, kalmadong sinipat ni Pride ang sarili at napailing. Pinapatagal lang ng mangkukulam na ito ang laban at mukhang alam na niya kung anong nangyayari.

"This is a distraction. A decoy to get us out of the way."

Ngumiti nang matamis si Morticia. "Yes, and you're already too late."

Bumangon si Pride mula sa alikabok at pinalutang ang mga halimaw. Nagpupumiglas ang mga ito sa pagkakalutang sa ere at pilit kumakawala sa isang bagay na hindi nila nakikita. Sa distansya ay naririnig pa rin nila ang nakakairitang tunog ng mga orasang tila hindi namamatay.

On the other hand, Wrath's eyes narrowed into slits upon seeing the damage. Matapos halos pulbusin ang shop, nasilayan niyang nakatayo pa rin si Hades sa gitna ng mga nawasak na kahoy at usok. Nang-aasar na ipagpag pa nito ang kapang suot. 'This isn't gonna be easy,' he thought. Ibinalibag niya ang machine gun at akmang kukuha na sana ng ibang armas nang bigla siyang pinalibutan ng kulay asul na apoy. Isang bilog na nakapalibot sa kanya. Sa loob nito  biglang nagkabitak-bitak ang sahig na kinatatayuan ni Wrath at nagulat na lang siya nang may mga bangkay na humawak sa kanya. Pilit siyang hinihila pailalim. The putrid smell of rotten flesh angered him.

"Dahil hindi ka namamatay, let's just put you in my lake of suffering souls. Tingnan na lang natin kung magagawa mo pang makapagnakaw ng pag-aari ko." Makamandag na sabi ni Hades at lalong kinontrol ang mga patay na humihila kay Wrath papunta sa kadiliman.

"FUCK THIS! NADUDUWAG KA NA BA AT TALAGANG GINAMIT MO NA ANG MGA KAMPON MO?!"

Hades sighed.

"We're demons, Wrath. You should know by now that we don't play fair."

Sinubukang baliin ni Wrath ang brasong nakakapit sa kanya pero higit na mas marami sila. He felt himself sinking down.. Nakita niya sa liwanag ng apoy ang walang emosyong mukha ng hari ng impyerno. Kung mayroon man nagbago sa kanyang pananaw, ang sigurado ni Wrath ay mas kinasusuklaman na niya ang isang ito. Pumapangalawa na si Hades sa mga nilalang na gusto niyang balatan nang buhay---siyempre, si Boswell ang una sa kanyang listahan.

Sinubukan niyang mag-teleport paalis sa sitwasyon na ito pero mukhang may mahikang ginagamit si Morticia para pigilan sila.

'I can't believe this is freaking happening!'

Ngunit bago pa man siya tuluyang lamunin ng lupa, sumiklab ang isang malakas na pagsabog. The explosion made the whole shop on fire at isa-isa nang nasisira ang mga orasan sa pader. Nagwala ang mga clockwork monsters sa dahil sa tindi ng pinsala at unti-unti nang gumuho ang lugar. Umikot na parang ipu-ipo ang itim na usok habang nawawala sa katinuan ang lugar. Chaos in the midst of fire and smoke. Napangisi si Wrath sa nakikita. Ilang sandali pa, naramdaman ni Wrath ang pagbabago ng kanyang paligid. He took in a sharp intake of breath before opening his eyes.

Nasa labas na sila ng nasusunog na gusali at nagkakagulo na ang mga mortal na nakatira sa malapit. The burning building was barely visible through the madness. Mula sa kinaroroonan nila, pinanood ni Wrath ang pagsilab ng apoy sa libu-libong mga orasan, the signboard of "Clockwork's Shop"  slowly melted away by the scorching flames.

Napasimangot ang prinsipe ng pagiging maiinitin ang ulo. Sadyang hindi nagustuhan ang pag-agaw sa eksena niya.

"You've wasted your energy, brother! I could've killed those two with my bare hands!" Galit na baling nito kay Pride na hinihingal pa rin at mukhang nanghihina.

Isang matalim at pagod na tingin lang ang ipinukol ng panganay, "Tsk. Mukha ngang kaya mo silang talunin kanina habang nilalandi ka ng mga bangkay ni Hades." Sarkatisko nitong sabi at tumingin sa kalangitan, "Besides, they just lured us out of the mansion. Hindi nila intensyon ang tapusin tayo ngayon."

"Lured us out.. para saan naman? Ano naman ang kailangan nila sa mansyon?"

Pride's jaw clenched.

"May kutob na ako kung ano..."

Or better yet, "sino".

*

Hindi na maramdaman ni Snow ang kanyang katawan. Kinakapos siya ng hininga na para bang nalulunod ulit siya sa Fountain of Tears. Ang tanging alam niya lang ay ang pagkaladkad sa kanya ni Mr. Boswell papunta sa kung saan. When her eyes finally focused, doon lang niya napansin na nasa isang clearing pala sila sa gitna ng kagubatan. 'Why do I always get myself in the weirdest situations?', pagod niyang isip sa sarili at nagpatianod sa lalaki.

Nang marating na nila ang sentro ng lugar, doon lang bumalik ang pandama ng dalaga. Suddenly, she felt aware of the damp grass beneath her and the moist air her lungs are intaking. Malamig ang hanging dumapo sa kanyang balat. It gave her chills.

"My poor Snow White.. Nahihirapan ka na ba? Gusto mo na bang mamatay?"

"Kahit na sabihin kong 'oo', hindi mo pa rin naman ako papatayin.." Sinamaan niya ito ng tingin, "You are telling me to swim, but you have always watched me drown."

Nagkibit nang balikat si Mr. Boswell, "A perfect life is just an illusion."

Tila ba nakahalo sa hangin ang boses ni Mr. Boswell. She stared up at him and saw those cold and haunting eyes again. "Bakit mo ba ako dinala dito? A-Anong kailangan mo sa'kin?!" Pinilit niyang igalaw ang katawang parang nanlalata. Her muscles strained to her command, but before she could do anything more, her neck choker gripped her.

Napasinghap si Snow nang sakalin siyang bigla ng neck choker niya. The silver apple pendent felt hot against her pale skin. "A-Anong nangyayari?!" Umubo siya at pinilit na tanggalin ang choker. Ngayon na lang niya naalalang suot niya pa nga pala ito. Kung hindi siya nagkakamali, ang pinakamamahal (please note the sarcasm) niyang ina ang nagsuot sa kanya nito bago siya ipinamigay. Masyado siyang nagpadala sa takot at galit kaya't hindi na niya inalam pa kung bakit kailangang suot niya ito. A neck choker with a silver apple. 'Perhaps she's annoying me because my name is Snow White!'

"The time has come, little Snow. I need your help to take them down, one by one.."

May inilabas na itim na libro si Mr. Boswell mula sa kanyang bulsa. He started flipping through it. Its crisp pages were old and she can barely see the writings on it. Ngumiti ang lalaki nang mahinto sa isang partikular na pahina.

Mr. Boswell then started chanting something in an ancient language. Biglang sumakit ang ulo ni Snow sa boses nitong umalingawngaw sa katahimikan.

"S-Stop.."

Narinig na naman niya ang pagtunog ng mga orasan. Pakiramdam ni Snow ay malapit na siyang masiraan ng bait sa ingay ng mga ito habang parang binibiyak ang kanyang ulo sa sakit. All of a sudden, Snow White felt a burning pain on her neck. Napasigaw siya sa sakit nito habang namimilipit. Apektado ang buong katawan niya sa kung ano mang inuukit sa kanyang leeg. Lumakas lalo ang boses ni Mr. Boswell, echoing all around her. She felt lightheaded. 'Ano bang ginagawa niya sa'kin?' Nangingisay na ang buong katawan ni Snow na tila ba sinasapian.

Bago pa man siya mawalan ng malay, narinig pa niya ang huling mga salita ni Mr. Jeremy Hans Boswell..

"..the curse will awaken, every midnight. A monster within you will take over your body and steal the souls for me. All the sinners' souls."

Bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata at para bang wala nang lakas para manlaban si Snow.

"Seven days. Seven days you will terrorize the seven sins and render them powerless. Sa pagitan ng mga gabing ito, aalamin mo ang kanilang kahinaan.. At sa pagsapit ng nakatakdang panahon, ikaw mismo ang magiging daan para tuluyan silang maglaho."

'Damn you, Boswell..'

Mr. Boswell smirked down at her.

"This won't be the last time you'll see me, little Snow."

At tuluyan nang nawalan ng malay si Snow White.

---
She stood on the bridge 
In silence and fear
For the demons of darkness
Had driven her here

They cut her heart 
Right out of her chest
Making her believe 
That the demons knew best 

They were always there
Sometimes just out of sight
Waiting in the background 
Till the time was right 

These demons were destructive 
Knocking down the life she knew 
Hating everything about her
She hated herself too

These demons can't be seen
But they're far from fairy tales 
They live inside your mind 
Their evilness prevails 

So on the bridge she stood
About to end the fight
Then she stopped and thought
I'll fight them one more night

---"Demons of Darkness",
Olivia B.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top