TRIGINTA SEPTEM

Nang marinig ni Christina ang pagsabog, ilang kanto lang ang layo mula sa kanyang munting tahanan, kinutuban na siya nang masama. 'Hindi naman siguro,' pagpapakalma ng ginang sa sarili at nagpatuloy sa pag-inom mula sa bote ng alak. Nangangalahati na ito pero mukhang kahit ilang inumin pa ang tunggain niya ngayong gabi, hindi pa rin siya mapapakali. Sinipat niya ang maliit na espasyo ng tinutuluyan---marumi at halos walang ilaw. May sapot na nang gagamba sa mga sulok ng bahay at mukhang kasingkapal na ng alikabok sa sala ang alikabok ng picture frame sa kanyang tabi.

She tried to ignore everything.

Bumalik sa kanya ang mga alaalang pinipilit na niyang kalimutan. Nagkamali ba siya noon? Hindi niya alam. Wala na rin naman na siyang magagawa.

"Tangina. Mas malupit pa pala ang buhay kaysa sa inaakala ko."

Nagsindi siya ng sigarilyo at sinimulan nang hithitin ito. She dragged in the toxic chemicals, her lungs filling with pain. Napaubo siya at mahinang napamura. Aksidente niyang natabig ang picture frame na naging dahilan para mabasag ito. Ipinukol ni Christina ang galit na mga mata sa batang nasa larawan at sa dating asawang mukhang nauna na sa impyerno.

"Mula nang ipinanganak kita, puro kamalasan na ang nangyari sa buhay ko."

Nanginginig na kinuha ng ginang ang larawan at tiningnang maigi. Kahit pa magalit siya rito, alam niyang wala itong kasalanan sa mga nangyayari ngayon. And that's the worst part of all. In Christina's world, her anger is just a defense mechanism to cover up her own mistakes. Ayaw na niyang balikan pa ang malaking pagkakamaling nagawa niya noon na naging sanhi ng paghihirap niya---paghihirap nila.

Guilt clawed her from inside.

'Matagal na dapat akong patay..' Mapait niyang isip. Pero magmula nang tinulungan niya ang nilalang na iyon para makalabas sa salamin, wala nang nangyaring tama sa magulo niyang buhay.

Dumako ang mga mata ni Christina sa kutsilyong nasa lamesa. Matagal na niyang gustong gawin ito sa sarili. Wala naman sigurong masama, hindi ba?

Nothing's holding her back.

She has nothing to lose.

Her daughter is dammed anyway.

*
"Princess?"

Kumikirot pa rin ang mga sentido ni Snow. Hindi na niya halos maigalaw ang katawan na tila ba tinakasan na ng lakas. Her neck stinged with the dull pain of a burning sensation. Sinubukan niyang huminga nang maayos ngunit hindi niya ito magawa. Naramdaman na lang niya ang pagbuhat sa kanya ng isang lalaki. She can hear voices talking, but unfortunately, she couldn't comprehend anything. Magulo pa ang kanyang isip at ayaw pang makisama ng kanyang diwa. 'What the heck is happening to me?'

"Princess?"

Agad niyang nakilala ang tinig na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali. 'Pride?' Bahagya niyang iminulat ang mga mata. The first thing Snow White saw is the empty night sky. Walang bituin, walang buwan. O baka naman natatakpan lang ito ng mga ulap?

Doon niya lang napagtantong buhat pala siya ng panganay sa magkakapatid. His eyes stared straight ahead as he walked towards the mansion. Napansin ni Snow ang ilang galos sa gilid ng pisngi ng binata. 'Anong nangyari?' Gusto sana niyang magsalita pero walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Her eyelids grew heavy again as she noticed Wrath walking behind them. Pero hindi rin siya napansin nito dahil mukhang malalim ang kanyang iniisip. He's preoccupied about something.

Pero ano?

"B-Bakit----?"

"Rest. We'll talk about it in the morning."

Pride's voice drifted in the cold night breeze. Hindi pa rin ito makatingin sa kanya. His attention was still focused on walking towards the dark mansion, their black shoes tapping against the circular cobblestone driveway. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at ngumingiwi paminsan-minsan. Noon lang napansin ni Snow na para bang nanghihina na rin ang prinsipe ng pagiging mapagmataas. Like he was drained of energy. Inatake rin ba sila ni Boswell?

Snow White closed her eyes and frowned.

'That's why he can't look at me. Pride would rather die than show anyone any signs of weakness.' Hindi na siya nagtataka sa bagay na iyon. Hinayaan na lang niyang muli siyang magapi ng antok..

Tila wala sa sarili nang gumising si Snow. Kanina noong tiningnan niya ang kanyang leeg sa salamin, agad na napansin ni Snow ang kulay itim na tintang nakaimprinta dito. It was a small tattoo in a shape of an hourglass with seven little beads inside of it. Nanlaki ang kanyang mga mata at naalala ang sinabi ni Boswell. 'Shit.. This is not good!' Nagawa niyang itago ang parteng iyon sa kanyang maid's outfit, just in time before Chandresh suddenly appeared in her mirror. Natakasan na lang niya ang pang-uusisa ng binata nang magmadali siyang bumaba ng hagdan. Akala ni Snow ay tapos na ang mga kalbaryo niya, but now, here she is.. sitting with the seven sins in the Conference Room.

Kabado niyang pinakinggan ang usapan nila. 'Bakit ba ako pinasama dito ni Pride?' She stared at the seven of them, all looked restless (except for Sloth) and serious. Nakakapanibagong makita silang magkakasama. Snow White sighed, 'I don't even know if I should tell them about what happened last night.' Katabi niya sa magkabilang gilid ang kambal na mukhang hindi rin mapakali.

"...formulate a plan to capture Morticia. Boswell is an even bigger threat because of her expertise. Especially since Hades is also involved now---"

"That son of a bitch! I'll rip his eyes out and feed them to Cerby. Tingnan na lang natin kung magiging banta pa siya sa'tin! Tsk!"

Pride frowned and shot Wrath a warning look. Agad naman niyang itinikom ang bibig at napahalukipkip. Pinagmasdan ni Snow si Pride habang muli nitong inaayos ang salamin sa mata, kalmado at walang ekspresyon ng pagkabahala. 'How does he even manage that? Kagabi lang, nanghihina siya..'

Sloth yawned and lazily raised his hand, "Ano palang nangyari sa shop ng Boswell na 'yon?"

Natahimik ang lahat. Napaiwas ng tingin si Pride at nag-iwas ng tingin. "About that,  Clockwork's Shop is now erased from the surface of the Earth----"

"Because our eldest here, used up his energy last night to burn it down to ashes." Pagtatapos ni Wrath.

Nagkatinginan ang limang magkakapatid na wala sa eksena kagabi. Kahit si Gluttony ay napatigil sa pagsubo ng kanyang baked macaroni. Sa kabilang dako naman, napasimangot si Snow. 'Kaya pala para siyang hinang-hina kagabi.' Pero nananatiling malaking palaisipan sa kanya ay kung bakit niya iyon kailangang gawin? Kung tama ang pagkakarining niya sa usapan kanina, the attack last night was only a distraction. Bakit naman kailangang madaliin nina Pride ang pagtatapos ng laban nila at bumalik sa mansyon. Well, that is unless...

"Kung tama ang hinala ko, may kinailangang asikasuhin si Boswell dito sa mansyon natin kagabi."

Napatigil si Snow sa sinabi ni Pride. He sat directly in front of her, at mukhang kinikilatis siya nito. Naramdaman ng dalaga ang panlalamig ng kanyang mga kamay dahil sa kaba. Paano kung malaman nilang may koneksyon sila ni Mr. Boswell? Paniguradong aakusahan siya ng mga ito at baka patayin pa siya ng magkakapatid. 'They're still demons. I can't trust them..not anymore.'

"T-Teka, 'yung wallclock kahapon!" Lust suddenly blurted out. Dumapo sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Anong wallclock?" Naningkit ang mga mata ni Wrath.

The Prince of Temptation smiled sheepishly and scratched his head, "um... Yeah. D-Dinisplay ko sa sala. But I swear, I didn't know it was a trap! I thought it was harmless!"

Napasapo ng noo si Pride. "Iyon ang laman ng package kahapon? Damn."

"Hoy! Wala akong kasalanan. I'm the victim here!"

"Talaga? Psh." Envy rolled his eyes at him, "Nice job, brother! Next time, yung clockwork monsters naman ang papasukin mo sa mansyon natin para masaya."

Lust glared at him, "I told you, I had no idea! Kung alam ko lang na galing kay Boswell 'yon, baka inilagay ko pa sa loob salawal mo."

"Well, atleast I'm not stupid enough to let the enemy in!"

"You're just envious that I got the package yesterday! Diyan ka naman magaling eh. Lahat na lang, pati mga walang katuturang bagay, kinaiingitan mo."

Napatayo sa inis ang prinsipe. Magsasalita pa sana si Envy nang biglang hinawakan ni Snow ang braso nito. Sinenyasan siya ng dalaga na manahimik na lang. "This won't solve anything, Envy. Hayaan mo na."

"Pero---!"

"Envy."

Napabuntong-hininga na lang ang kasalanan at bumalik sa pagkakaupo.

"Wala ring kwenta kung magsisisihan lang tayo dito. This is exactly what that worthless mortal wants." Mahinang sabi ni Greed at sumandal sa upuan. Natahimik muli ang Conference Room at panandaliang tiningnan ni Snow isa-isa ang mga binatang ito. Kahit kailan naman talaga, hindi sila nagkakasundo. But in a time like this, they need to work as the Seven Deadly Sins to restore the balance.

"Princess, might you tell us what happened to you last night?"

Napalunok si Snow nang bumalik ang atensyon ni Pride sa kanya. 'What the heck would I tell them?! Kapag nalaman nila ang tungkol sa sumpa, malamang patayin na lang nila ako sa pagtulog ko..' Huminga siya nang malalim at inilahad ang ibang detalye. "Nagising ako kagabi na parang may tumutunog na orasan. I went to the living room and saw the clock---"

"Tapos?"

Snow White tried her best to stay calm, "T-Tapos, bigla na lang nagbagong-anyo ang orasan. A man appeared out of nowhere then dragged me to the forest. H-Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil nawalan na ako ng malay." Pagtatapos niya.

She wasn't lying to them. Oo, hindi siya nagsisinungaling. Not saying full details isn't considered lying, right? Pinili lang niyang piliin ang impormasyong sasabihin sa kanila. Pero mukhang lalo lang namayani ang pagkabahala at kuryosidad ng magkakapatid. Gluttony was the first to speak, "Wala ka nang naaalala bukod doon, sugar-plum? He didn't say anything to you?"

"N-Nothing. Nagulat na lang din ako."

Sloth leaned back on his chair, mimicking Greed. "Pero anong kailangan niya sa'yo? It doesn't make sense. O baka naman nagkataon lang.."

"Tama! I-I mean, oo nga. Baka nagkataon lang na ako ang nabiktima niya."

Beside the lazy-ass, Sloth sighed, "Hindi pa rin natin alam kung ano ang intensyon niya. Kailangan nating alamin kung anong kailangan niya sa'yo.. He could've easily destroyed the mansion last night, pero hindi."

That was a given fact. Dahil hindi nga naman mapapatay ni Boswell ang magkakapatid sa kanilang pagtulog--thanks to their immortality, pero pwede naman nitong sirain ang mansyon at maghasik ng kaguluhan. Anything. But no, he chose to drag their maid out of the mansion and leave her unconscious in the forest. 'Damn it. That does sound suspicious.' Umaasa na lang ang dalaga na mabaling sa iba ang atensyon ng mga lalaking ito. She still needs to find a way to break the curse. 'Kakausapin ko na lang si Chandresh. Baka matulungan niya ako..'

Sa huli, nagpasya na lang ang pito na magpatuloy sa trabaho. 'Wala na rin naman silang magagawa.' Pride was trying to assure them that there is nothing to worry about, pero alam nilang malayo na ito sa katotohanan. Lihim na napangiti si Snow. Prince Pride is the foundation of the Seven Sins. Palagi niyang sinusubukang kontrolin ang lahat kahit pa alam nilang imposible ito. Isa-isa nang nag-alisan ang magkakapatid sa Conference Room. Sloth and Gluttony were assigned to the Control Chamber while the twins had segregation work to do--hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Snow kung saan nagpupunta ang mga ito o kung saan eksakto ang lokasyon ng kanilang "Segregation Office". Ang tanging alam lang niya ay wala ito sa loob ng mansyon.

"What he did is reckless, even as the eldest sin."

Napahinto sa paglakad si Snow nang marinig ang boses ni Lust. The Prince of Temptation leaned against the wall, his eyes closed.

"Sino?"

"Si panganay. Sino pa ba?"

Mas lalong naguluhan ang dalaga. Suddenly, she felt the tattoo on her neck burn into her skin.

"Lust, hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"

Nagmulat ng mga mata si Lust. His eyes were serious. 'Well, this is rare..' Isip-isip ni Snow.

"Mapanganib sa kalusugan niya ang ginawa ni Pride kagabi. The bastard exerted too much of his energy to create that explosion in Eastwood. We're not ordinary demons, Snow. Ang nakatoka lang sa'ming trabaho ay mag-segregate ng mga kaluluwa ng mga makasalanan. We're not specifically created for battle----err, bukod kay Wrath. But the point is, if we use too much of our power all at once, it'll take days before we get back to full health."

Naalala bigla ni Snow kung paano napapangiwi sa sakit si Pride kagabi habang buhat siya nito. 'Kung nahihirapan na pala siya, bakit hindi na lang niya ako pinabuhat kay Wrath? Tsk. Too stubborn!' Pero hindi mapagkakailang nag-aalala siya para rito. She can't even imagine Pride going weak.. Of all people, he's the one who seems invincible. Napapailing na lang siya, "Malakas si Pride. N-Nothing bad's gonna happen to him." Pero bakit siya kinakabahan?

Isang matamlay na ngiti ang ibinigay ni Lust sa kanya.

"Sana," umayos na ito ng pagkakatayo at tumingin sa dulo ng madilim na hallway, "I need to get going, baby. See you at lunch!" He flirtatiously winked at her and headed down the hall. Naiwang nakatuod sa kanyang kinatatayuan si Snow, her neck aching with an unfamiliar pain.

Sumilip siya sa pintuan ng Conference Room at sandaling nakipagdebate sa sarili. 'Should I even be worried about him? He's Pride,' kalaunan ay huminga siya nang malalim at naglakad papalapit sa silid.

"Pride?"

"Why are you still here?"

Nakahinga nang maluwag si Snow nang makita ang binatang inaayos ang mga papeles sa mesa. Tumayo ito at walang imik na naglakad papalapit sa kanya. Sinipat ni Snow ang kabuuan ni Pride. 'Mukha namang wala siyang iniindang sakit. Baka naman overreacting lang si Lust?' Isip-isip niya. Before she could walk away, he suddenly appeared in front of her. Napalunok si Snow nang maramdaman ang presensiya niya, his calculating eyes glued on her. "I can sense that you weren't being entirely honest to me earlier, princess."

"H-Ha?"

"You're hiding something."

"I-I'm no---!"

"Tell me."

Namayani ang kaba sa dibdib ni Snow. Paano niya nalaman? Sa mga sandaling iyon, para bang nawalan siya ng boses. Her hands felt clammy and she was sure that her heart pounded as fear gripped her being. Pinilit niyang ngumiti sa harapan ng binata. "A-Anong sinasabi mo Pride? I'm not hiding anything." Pero mataman pa ring nakatitig sa kanya si Pride, clearly not believing her words.

"Look not in my eyes, for fear thy mirror true the sight I see---" He stated reciting. Napaiwas ng tingin si Snow. Alam niya ang tulang iyon. "---And there you find your face too clear, and love it and be lost like me." She finsihed. Pero paano niya pagkakatiwalaan si Pride? His eyes are those of the devil's. How on earth could she possibly be lost in his gaze?

No, she can't trust him. Baka patayin lang siya nito kapag nalaman niyang isinumpa siya ni Boswell para kalabanin nila. This time, the battle is hers alone. Mag-isa niya lang haharapin ito.

"I'm not hiding anything."

Pero natatakot na si Snow.

Nakatatakot na siyang ibaling muli ang tingin kay Pride. Natatakot na siyang baka kapag tumingin ulit siya sa mga mata ito, tuluyan na niyang makita ang kasinungalingan ni Snow.  Higit sa lahat, natatakot siyang kapag tumingin siya sa mga mata ni Pride, makita niya ang repleksyon niya---ang repleksyong matagal na niyang kinakaawaan at iniiwasan. She hated herself, and seeing her reflection only makes things worse.

Humkbang papalayo si Snow.

Nang tingnan niyang muli ang panganay, doon niya lang napansin ang hitsura nito. Her eyes widened upon seeing Pride clutching his chest in pain, malalalim na ang kanyang paghinga at halatang pinipigilan lang ang sariling magpakita ng kahinaan.

"P-Pride?! Anong nangyayari sa'yo?!"

Agad niya itong dinaluhan at inalalayang tumayo. He winced in pain and attempted to push her away. "U-Umalis ka na!" Sigaw nito sa kanya pero narinig ng dalaga ang pagkabasag sa boses nito. Nang sapuin niya ang noo ni Pride, nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang temperatura nito. 'He's burning with a fever! How the heck can a demon have a fever?!' Just then, Lust's words came back to her. Posible kayang ito ang epekto ng ginawa ni Pride kagabi? Is this the consequence of using too much energy?

Pride stumbled on his feet and gripped her arms. Hindi na ito makatayo nang maayos at lalong nanghihina sa bawat segundong lumilipas.

Lalo lang nataranta si Snow nang nagsuka ito ng dugo.

---

Make no mistake; there will be no forgiveness;
No voice can harm you and no hand will save;
Fenced by the magic of deliberate darkness
You walk on the sharp edges of the wave;

---"Easter Hymn",
Alec Derwent Hope

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top